"What the f**k are you doing here? Kailan kapa nakauwi?" gulat talaga na tanong ko sa kanya habang nag lalakad palapit sa kanya.
"Ngayon lang. Angas, may friends ka pala dito?" nginuso niya pa sakin sila Luna na nakatayo lang sa tapat ng pinto at nag papalinga linga.
"Pasok po kayo. Wag po kayong mahiya ate Norma. Feel at home po. Pasensya na po akala ko kasi walang tao dito pero may akyat bahay e."
"Hey!" pinanlakihan ko lang siya ng mata para manahimik.
Pinaupo ko naman sila Nikki sa sofa sa sala. At syempre dahil may pag ka papansin tong si Cath kahit hindi tinatanong ay nag pakilala at tumayo pa talaga ng tuwid sa harap.
"Hi! I'm Catheriena Jane Zuñiga. Her bestfriend since college. How are you guys?" nakatingin lang naman sa kanya si Nikki gamit ang inosenteng mga mata nito.
"Ako bestfriend ni ate Kerley e." handa ng makipag talo sa kanya si Nikki.
Napamaang namang nanlalaki ang matang tinignan ako ni Cath.
"Pareho ko kayong bestfriend. Kaya wag na kayo mag talo. Oo nga pala cath, this is Ate Norma their mom. Aaron the third child..." nakipag shake hands naman siya kay aaron. "Luna pang apat, at si nikki yung bunso." nakipag shake lang siya sa lahat.
"Nice to meet you all! Hindi kayo na kwekwento nito sakin kaya ngayon ko lang kayo na kilala." tumango lang naman sa kanya si Ate norma dahil abala na sa pag ikot sa condo ko si Nikki at Luna. Mag kasundo sila ngayon. Habang si Aaron naman ay tinutok ang atensyon sa phone niya.
"Oo nga pu pala. Mag bibihis lang po ako para makapag umpisa na yung celebration." bigla kong naalala na kaya pala sila andit dahil don.
"Tamang tama may mga pag kain na kong na order buti na lang marami 'yon. Saglit lang ah!" nauna pa siyang umalis sakin sa sala at dumeretso sa kusina.
Nag palit naman ako agad ng damit. At lumabas din at naabutan sii Cath na nilalapag lahat ng pag kain sa mesa sa sala katulong si Ate norma. Balak ko sanang tumulong para mapabilis.
"Don kana sa sala. Wag kana tumulong." wala pa nga akong sinasabi ay pinag bawalan na agad ako.
Dumeretso ako sa sala at andon na sila Nikki mukhang tapos na mag ikot.
"Cool ng bahay mo ate. Tapos ang ganda pa ng slippers oh..." malaki sa kanya iyon dahil lahat ng tsinelas dito ay sukat ko pero kahit na ganon ay tuwang tuwa parin ito kahit na anlaki non masyado para sa paa niya.
"Oo nga ate, gusto ko rin tumira sa ganto kahit isang beses lang sa buhay ko. Kaso hindi naman kami mayaman para mag karoon ako ng ganto." kita ko ang inggit at pangangarap sa mga mata niya habang iniikot ang paningin ang sa condo ko mula sa kinauupuan niya.
"Pwede ka namang tumira dito kapag ka umalis na ko dito. Aalis din ako dito sigurado. Siguro mga lima o apat na taon mula ngayon. Tapos non hahayaan ko kayong gamitin to. May tiwala naman ako sa inyo e." napabaling siya bigla sakin maski si Aaron na abala sa cellphone ay napatingin sakin. Si tita na nag lalapag ng pag kain sa mesa ay natigilan rin.
"T-talaga ate?" hindi makapaniwalang tanon niya. Tumango naman ako. "Pero...bakit ka aalis dito?"
"Lilipat na siya sa bahay. Syempre papayaman yang ate niyo para mag karoon ng sariling bahay." sagot ni cath para sakin.
Tama siya dahil yun naman talaga ang balak ko.
"Pero pwede ding aalis siya dito dahil mag aasawa na siya at may bahay ang mapapangasawa." pero hindi ko inasahan na may idadagdag pa siya.
"Nako, kerley. Wag na hindi naman nila kailangan ba tumira dito may bahay naman kami." kitang kita na nahihiya si Ate norma sa pag payag ko na tumira sila dito pag umalis ako.
Gusto ko rin kasi na may tumira dito para mag alaga nito. Para kahit wala ako ay malinis at maganda parin kahit wala na ko.
"Nako rin ate norms! Ayos lang yan kay kerley. Wag kana mahiya. Mapera naman yan, kahit bilhan pa kayo niyan ng tag iisang condo keri niyan..." nag hanap naman ako ng maiibato sa kanya na matigas tigas na bagay pero unan lang ang pwede. Napaka lambot non. "Tsaka limang taon mula ngayon pa naman yon, matagal pa ho 'yon. Baka highschool na si Nikki non at nakagraduate na yang si Luna."
"Ayos lang ate norma, wala namang problema sakin kung kayo ang titira dito. Kung hindi ko na kailangan to ibibigay ko na lang po sa inyo. Hindi dahil sa mayaman po ako ah, kesa naman po masayang lang diba?" wala namang naging ibang tugon si ate norma kundi ang mapabuntong hininga at ngumiti sakin.
Bumalik sa kusina si Cath dahil may kukunin pa daw siya. Pag balik ay may cake na siyang dala dala habang may nakasindi pang kandila don.
Tuwang tuwa naman si Nikki na tumayo at pumalakpak pa. Akala niya siguro may birthday dahil nag sisimula na siyang kumanta ng happy birthday song para sakin.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o maiinis dahil sa nakasulat sa cake.
"Mukha na ba akong patay?" napangiwi naman si Cath sa tanong ko at agad na sinilip nila Aaron yung cake.
Happy death anniversary pa naman ang nakasulat?!
"Sorry na! Wag ka ng chossy! Ito na lang available na cheese cake diyan sa malapit na bakery e. Wala akong ibang choice tsaka alam kong cheese cake ang paborito mong cake. So ayan...hehe...peace." wala naman na kong ibang nagawa kundi ang napabuntong hininga at hipan yung kandila.
"Kahit kailan wala ka pang nabibigay na tamang cake sakin." tumawa lang naman siya at nilapag sa gitna ng table yung cake.
"Kainan na!!" masayang anunsyo ni Nikki at agad na inabotan ng plato ang lahat.
Kumain naman kami at nag kwentuhan habang hinahayaan si Nikki na manood sa youtube sa screen.
"Kanina ate cath, si kuya ali kiniss si ate kerley sa noo. Ang sweet. Sana all!" hinampas naman agad ni Aaron yung kamay ni luna kaya napadaing to at tinignan siya ng masama.
"Anong sana all? Mama oh, gusto na ata nitong mag jowa. Papalayasin ko talaga to sa bahay pag nag jowa to ng hindi pa nakakapag tapos." umirap lang naman si Luna sa kuya niya. "Oh tignan mo napaka maldita pa. Dukutin ko yang mata mo at ipakain ko yan sa aso sa kalye."
"Tama na yan. Ang o.a mo aaron nag sana all lang yung kapatid mo, parang mag aasawa naman na kung maka react ikaw nga ay papalit palit lang ng babae sa eskwelahan niyo. Oh akala mo hindi ko alam? Feeling pogi ka, mukha ka namang kuko." kunwaring nasasaktan naman si aaron na tumingin siya sa mama niya.
Humalakhak naman si Luna dahil sa pangangasar ng nanay nila dito.
"grabe ka mama ah? Parang hindi mo ko anak? Pogi naman talaga ako. Kung kuko tingin mo sakin pwes ako ang pinakapoging kuko sa mundo." sariling buhat naman siya sa bangko.
"Kuya! Wag ka ngang maingay nanonood ako!" naiinis na sigaw ni nikki sa kuya niya.
Parang kuting lang siya nanagagalit.
"Pinag kakaisahan niyo ko. Okay lang, wala na kayong makukuhang pera sakin sa sahod ko. Malapit pa naman na 'yon." agad na kumapit si Luna sa kuya niya at maski si Ate norma ay lumapit na sa anak at sinuyo to.
"Ang saya ng pamilya nila noh? Kung hindi kami ganyan ng mga magiging anak ko, ipamimigay ko na lang sila." bulong ni cath sakin habang pareho naming pinapanood ang mag iina na mag suyuan.
"Gago." tanging na isagot ko. Ramdam ko namang na tigilan siya sa tabi ko.
"A-anong sabi mo? Nag mura kaba? Sinabihan mo ba ko ng gago?" tumango lang ako.
Her eyes winded. Her lips parted in shock.
"Owww shit...nag rerebelde ka na?" I made face.
"Porket nag mumura nag rerebelde na?"
"Oo diba kasi ba—"
"Oo bawala nga. Ano naman? Hindi naman nila alam." putol ko sa mga sasabihin niya.
"kung sa bagay. Wag ka lang papahuli." tinapik tapik niya pa ko sa balikat bago tumayo at maupo sa sahig katabi ni Nikki.
Agad kong dinukot sa bulsa ko yung phone ko ng tumunog 'yon at nag punta sa balkonahe para sagutin ang tawag.
"Hello?" malakas na tugtugan lang ang narinig ko sa kabilang linya hanggang sa humina yon ng humina.
[Hey! Hi, sorry maingay sa loob nag paparty kasi sila.]kaya pala.
"Bakit ka napatawag?"
[Just missed your voice.]
Napangiti naman ako mag isa dahil don.
[I want to hear your voice everytime that I can't hold your hand.]
"But... You didn't hold my hand since we met." nakatingin sa papalubog na araw sa saad ko.
[Would you let me to hold it? When we meet again?] napatingin naman ako sa kamay ko at inimagine kung ano ang itsura non kung hawak hawak niya 'yon.
"Yes..." bulong ko at agad akong napatakip sa bibig ko ng lumabas 'yon sa bibig ko.
Fuck!?
Tumikhim naman ako dahil sa pananahimik niya.
[A-are you sure?]
Tangina narinig niya! Lupa please hayaan mo kong lumbog!
Wala na kong ibang nagawa kundi ang sumagot ng oo dahil ayoko namang bawiin yung narinig niyang sagot ko.
[Sana yang oo na yan sagot mo na para maging girlfriend na kita. Pero...alam kong hindi naman 'yon agad agad. Handa akong maghintay kerley.]
Nakangiti ko lang namang pinakinggan lahat ng sinasabi niya. Pero nag dadalawang isip ako. Maniniwala ba ko sa mga sinasabi niya? Tulad na lang ng sabihin niyang hindi siy katulad ng iba. Na hindi niya gagawin sakin yung mga bagay na ginawa ng ibang lalaki sa kaibigan ko. Takot ako mag commit. Oo't may nararamdaman ako at hindi ako sigurado kung ano 'yon pero alam kong gusto ko siya. Pero natatakot akong mag tiwala dahil baka tulad ng iba ay sirain niya lang din 'yon.
Alam kong pag sumubok ako may chance na madurog ako. May chance na masisira ako. Walang masiguraduhan pero kaya ko bang sumugal?
"Pwede ba hayaan mo muna akong mag handa? Para sa mga posibilidad?" narinig ko pang napabuntong hininga siya sa kabilang linya bago sumagot.
[Pero pwede din bang wag na muna natin isipin yung mga bagay na pwedeng mangyari? Hindi pa tayo nag sisimula, maaaring yung mga maiisip mo ay hindi mangyari. Pero sige kung yan ang gusto mo, aantayin kitang maging handa.]
Natahimik naman ang pareho naming linya. Parehong malalim ang hinuhugot na hininga. Siguro katulad ko ay marami ring gumugulo sa kanya o marami siyang gustong sabihin pero mas pinipili niyang sarilihin.
Pero...pano ko nga ba mapag hahandaan ang mga bagay na pwedeng mangyari balang araw kung susugal ako kung hindi ko naman alam kung ano ang mga mangyayari. Ikaw nga nila hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Ang malaking mga tanong lang naman ay kung handa na ba ako? Handa na ba akong sumugal? Handa naman ako suwayin ang mga mgulang ko? Handa na ba ako sa mga bagay na maaaring maging kapalit ng magiging desisyon ko? Susugal na ba ako? Susubok naba? Aasa na ba ako sa mga baka't sakali ko?
My parents...pano ko sasabihin sa kanya namayaman ako? Magugustuhan niya parin ba ko kung malaman niya? Pero hindi niya ba nahahalata? Hindi niya ba na iisip na mayaman ako? Pero hindi naman ako mayaman...ang pamilya ko ang mayaman. Pero bakit ako natatakot na malaman niya na ganon? Isesekreto ko ba sa kanya? Tama ba 'yon?
Ayaw ko lang naman na mawala siya. Oo, ayoko. Ang bilis kong nasanay na laging andiyan siya. Gabi gabi tumatawag siya hanggang sa makatulog ako. Madalas naiiwan ko pang naka bukas ang laptop ko dahil kavide call ko siya. May pag kakataon pa nga na gigising ako na naabutan kong pinapanood niya ko.
Wala pang isang buwan pero naging magaan na ang loob ko sa kanya. Naging komportable akong kausap siya. Hindi ako madaldal na tao pero pag dating sa kanya dumadaldal ako. Lahat na ata ay na ikwento ko na sa kanya bukod sa estado at sa pamilya ko. Pilit kong iniiwasan ang usapan tungkol don. Dahil takot talaga ako sa pwedeng kalabasan.
[Ughh...ahh...oh...fuck me harder, baby! Sige pa...ang sarap niyan! Ohhh...faster...ahh...ah...ohh...] nailayo ko naman agad sa tainga ko yung phone at kinakabahang napalingon lingon dahil baka may nakarinig.
Nang masigurong wala naman ay tsaka ko lang ulit binalik sa tainga ang cellphone.
"ano 'yon?" nag tatakang tanong ko.
Oo, unggol 'yon. Pero bakit may ganon? Nanonood ba siya or what?
[Tangina niyo mga gago! Kahit kailan talaga kayo, wala na kayong magawang matino sa buhay niyo!] singhal niya sa kung sino mang kasama niya sa lugar na 'yon.
Nakarinig naman ako ng malalakas na tawanan ng mga tao sa linya niya.
[Sorry for that. It's just my lunatic friends. Pasensya na ah! Call you again later if i have a chance. Gonna talk to them lang.] hindi niya na ko hinantay sumagot at pinatay na ang tawag.
Hindi ko naman mapigilang hindi tumawa bago ibalik sa bulsa ko ang phone ko. Pag baling ko pabalik sana sa sala ay nakasandal na sa hamba ng pintuan ng balkonahe. Napahawak naman ako sa dibdib sa gulat.
"Anong ginagawa mo diyan? Bakit ganyan ka makatingin?" parang handa ng lumamon ng tao yung paraan ng pag kakatitig niya sakin. Anong ginawa ko?
"balik na sa sala. Tagal mo." tumalikod siya agad sakin pero may kakaibang ngiti sa labi.
Siguradong mamaya ay mang iintriga siya.
Sumunod ako sa kanya at naabutan na nanonood sila ng Vlog ni Calypso.
"So true pala? Vlogger siya." bulong ko sa sarili ko at napatango tango pa bago maupo sa tabi nila at nakinood na rin.
The video was entitled personal Q/A. So lahat ng tao ay tungkol sa kanya, mga personal na bagay tungkol sa kanya. He want to introduce his self to his viewers using the question and answer. That's cool though.
Some of the question is serious. Pero mas marami yung tanong na may naisasagot siyang nakakatawa.
"How many ex/s do you have?" tanong sa kanya ng taong katulong niya sa pag vlovlog at nasa likod lang ito ng camera.
"Tatlo lang..." agad na nag react na hindi naniniwala yung kasama siya. "Totoo! Tatlo nga lang. Ayaw mo maniwala? Itanong mo pa kila marcellus. Samahan pa kita e."
Marami pang tinanong sa kanya bago matapos ang vlog niya. Plastick labo ang tawag niya sa mga supporter and viewers niya. Hindi ko alam kung bakit.
Nanood lang naman kami ng nanood ng mga vlog's and some videos on youtube hanggang sa mag paalam na sila Ate Norma na uuwi na dahil madilim na daw at inaantok na si Nikki.
Hinatid naman namin sila ni Cath hanggang sa bahay nila at umalis rin agad para umuwi.
Habang nag lalakad pauwi ay nag umpisa ng mag tanong si Cath. At binabagalan niya talaga ang pag lalakad.
"So...he can make you smile now huh?" nagtanong lang naman siya pero parang nag flashback lahat sa isip ko yung mga pag kakataon na ngumingiti at tumatawa ako tuwing kausap o kasama ko siya.
"It is normal, bestie?" may mapanuksong tingin naman siyang tumitig sakin.
"It's normal to feel happy while talking to someone not until you fall inlove with him. Are you already fall to him?" umiwas naman ako agad ng tingin sa kanya at mabilis na nag lakad.
Hindi pa ko handang aminin 'yon sa iba. Kung sa sarili ko nga ay may pag aalinlangan ako kaya hindi ko masigurado kung oo o hindi, sa ibang tao pa kaya?
"Hoooooy! Tama bang iwan mo ang maganda mong kaibigan dito ha?" hindi ko siya nilingon kahit anong tawag niya pa sakin.
May mga kasabay namin na dumadaan ang nakatingin saming dalawa dahil sa ingay niya.
Hinablot niya naman ang braso ko para patigilin ako sa pagtaka kong pag pasok na sa building.
"Sagutin mo ko kerley." seryoso na siya ngayon kaya mas hindi ko kinayang titigan siya ng deretso.
"I-I actually don't know..." utal ko pang sabi.
"Ha? Bakit hindi mo alam?"
"dahil hindi ako sigurado kung ano ang pakiramdam na mainlove. Kung inlove man ako then this is the first time. Hindi ko alam kung pano ko masasabi na inlove ako."
"Pero you been reading some romantic novels." pangangatwiran niya.
"Yes! I'am. Pero pano kung sa libro lang 'yon? At hindi talaga ganon sa totoong buhay?"
"Nyeee...nye...nye... Pano nila maisusulat 'yon sa libro kung hindi nila 'yon nalaman sa reyalidad? Yes, a novel is a work of fiction. Sa imahinasyon ng tao, pero siguro naman kaya nila na iimagine na ganon 'yon dahil una nila 'yong nakita o naramdaman sa reyalidad." ok. She has a point.
"Basta! I don't know, okay? Alam ko lang natatakot ako ako sumugal o sumubok." pag suko ko sa pakikipag talo sa kanya at dumeretso na sa elevator.
Ramdam ko naman ang pag sunod niya sakin. Hanggang sa pareho na kaming nasa loob. Tahimik lang siyang nakatayo sa tabi ko. Tinitignan tignan ko naman siya dahil sa bigla niyang pananahimik at pagkatulala sa harapan. Malalim ang iniisip.
Tumunog naman ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami. Nauna akong lumabas at napalingon agad pabalik ng makitang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya para lumabas.
"Hoy! Hindi ka pa ba la—"
"It is because of me? Takot kang sumagal dahil sa mga nasabi ko sayong naranasan ko sa kamay ng mga naging karelasyon ko. Iniisip mo ba na lahat ng lalaki ay ganon, kerley?" doon lang siya tumitig sa mga mata ko.
Susubukan ko pa sanang mag biro sa pag sagot pero ng makita kung gaano kaseryoso ang mga mata niyang nag tatanong ay napabuntong hininga na lang ako. Nag dadalawang isip kung sasagot.
Kapag sinabi kong oo, iisipin niya na kasalanan niya kaya hindi ako nag ka boyfriend kailan man. Pero ang totoo ay choice ko naman 'yon.
Sinenyasan ko muna siyang lumabas na sa elevator at sa loob na kami mag usap dahil baka may mapadaan at nakaharang kami sa daan.
"Choice ko na hindi sumubok pumasok sa isang relasyon. Oo tama ka..." deretsong nakatitig sa mga mata niyang saad ko. "Tama ka na iniisip ko na lahat ng lalaki ay katulad ng mga nasabi mo. Dumating na nga ako sa point na naniwala akong nasa libro ang mga lalaking mag mamahal sayo ng totoo at wala sa mundong to..." pinigilan ko naman agad siya sa tangkang pag sasalita niya dahil siguradong hindi siya sasang ayon sa mga sinasabi ko.
Tinikom naman niya ang bibig niya at naupo sa sofa at tumingin sakin at tsaka sumenyas na ituloy ko. Humugot ako ng malalim na buntong hininga kasabay ng pagbaling ko sa balkonahe para mapatitig sa buwan na tanaw mula sa kinatatayuan ko.
"Nasa punto ako ng buhay ko na natatakot akong matulad sayo, na palaging naloloko ng mga lalaki dahil sa sinasabi nilang pag mamahal. Na umiiyak palagi dahil nahuhuli mo silang nambababae. Nag tataka na nga ako kung bakit kahit na ganon ay hindi ka natatakot na sumubok ng sumubok ulit kahit paulit ulit lang yung nagiging katapusan ng pinapasok mo. Nasasaktan ka, durog ka, umiiyak ka at sirang sira ka. Ayokong maranasan yung mga naranasan mo. Kung ikaw kinakaya mo, sa tingin mo ako? Kakayanin ko?"
"Wala akong alam sa mga pag ibig o pag mamahal na sinasabi nila dahil hindi ko pa naman nararamdaman 'yon. Sa tingin mo may lalaking makakaramdam ng pag mamahal para sakin kung sarili ko ngang pamilya ay hindi iyon magawang iparamdam sakin? Tinanggap ko na nasa buhay ko tanging pag mamahal lang ng kaibigan ang mararanasan ko dahil sayo..." nilingon ko siya at tipid na nginitian kahit na may namumuo ng mga luha sa gilid ng mata ko.
"Hindi na ko umaasang makakaramdaman ng ibang klase ng pag mamahal bukod don. Dahil sayo kahit papano naranasan kong maramdaman iyon. Sa tingin mo...kung gantong klaseng pag iisip ang meron ako, kaya kong pumasok sa relasyon na hindi ako sigurado kung tanging pag mamahal lang ang mararanasan ko?" lumuluha ng tanong ko sa kanya.
Sa tuwing pag mamahal ang napag uusapan ay palagi akong nagiging emosyonal. Dahil palagi ang pamilya ko ang unang pumapasok sa isip ko. Na kahit kailan ay hindi ko maalalang nag pakita sakin ng pag mamahal. Hindi ko talaga alam kung anong pakiramdam ng minamahal ka ng ibang tao bukod sa kaibigan mo.
Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko. Tulad ng kaya ko ba? Susubukan ko ba? Handa na nga ba ako? Kakayanin ko ba? Susugal nga ba ako? Pero sa kabila ng mga katanungan na iyon sa isip ko may isinasagot naman ang puso ko. Kahit na ramdam ko na gusto ko ang sagot na iyon ay hindi ko parin mapigilang matakot. Matakot sa mga bagay na maaari kong harapin.
Natigilan naman ako sa mga sinagot at sinabi niya. Nakinig lang ako at hindi sumagot tulad ng ginawa niya kanina ng ako ang nag sasalita. Marami siyang sinabi na tumatak sa isip ko na hanggang sa mahiga kami at makatulog siya sa kabilang kwarto ay hindi 'yon natanggal sa isipan ko.
Kung tama nga siya sa mga sinabi at pinaliwanag niya, siguro naman ay kahit papano ay magagawa ko ring mag desisyon.
Napahugot na lang ako ng hininga bago humarap sa bintana at muli lang tumitig sa buwan.
"Ikaw...sa tingin mo ba ay tama na sumugal ako sa mga bagay na wala naman talaga kasiguraduhan?" napabuntong hininga na lang ako at napailing sa sarili ko.
Kung sasagutin man ako ng buwan, susundin ko ba ang sasabihin niya? Kung ang sinabi nga ni Cath ay nag dadalawang isip pa ko na sundin e.
"...Kung ang pag kakataon na ito ay ang maaaring maging daan para mas tumatag at matapang ka, kunin mo. Tandaan mo na sa buhay kailangan nating makaranas minsan ng sakit at lungkot dahil ito ang mag papatatag satin bilang tao. Ang mga pagsubok na haharapin mo o niyo sa papasukin niyong pareho, kaya niyong harapin at lagpasan iyon ng mag kasama ng walang masasaktan. Mag tiwala ka, masaya mag mahal. Oo at may sakit na kaagapay pero dahil lang iyon sa maling pag mamahal. Pero pano mo malalaman na mali siya kung hindi mo pa nga sinusubukan..."
Ang mga sinabi niyang iyon ang nag paulit ulit saking isipan hanggang sa tuluyan na kong dalawin ng antok.
Sana bukas...may desisyon na.