It's already 4:00 in the afternoon, sa wakas natapos din ang nakakaantok na practice for granduation. Dalawang araw lang kaming nag practice and today, saturday is the last day of practice. Yes!
"Ay halimaw ka!" gulat na sigaw ko at bahagya pang napatalon dahil sa bigla niyang pag sulpot sa harap ko. "Ano ba Alisander Jake Miller!? Bakit na nang gugulat ha?"
"Buong buo? Ganon ba kaganda pangalan ko para banggitin mo ng buo?" hinampas ko lang naman siya sa braso at nilampasan.
Ngayon lang ulit kami nag kita pag katapos ng araw na binilhan namin si nikki ng piggy bank. Thursday 'yon. Friday hindi siya nag pag kita dahil finals na nila. At ngayon andito na siya para mangulit.
"Antayin mo naman ako, ito naman oh hindi mabiro. Ang bibe ko namang ito, matampuhin." nahito naman ako sa pag lalakad at napalingon sa kanya.
Napahakbang pa siya paatras at tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko ng paningkitan ko siya ng mata.
"Bibe?" ulit ko sa tinawag niya sakin.
hindi ko alam kung maiinis ba ko o matatawa o maiinsulto don.
"Yes, bibe?" napa made face naman ako sa kanya dahil iba ang pag kakaintindi niya.
"Alam mo, hindi ako nag mumura e. Hindi ko ugaling murahin kahit sino. Pero ikaw, Tangina mo. Sagad." matigas na mura ko sa kanya.
"U-ulitin mo nga?" tinalikuran ko naman siya at nag umpisa naulit lumayo sa kanya. "hoy sandali!"
Humarang naman siya sa dinadaan ko para hindi ako makalayo agad. "Ulitin mo lang yung mura mo. Isa lang, sige na." pamimilit niya.
"Bakit ba?" inis na tanong ko.
Anong meron sa pag mumura ko at kailangan ko pang ulitin?
"Basta ulitin mo. Please..." nag pout at nag paawa pa siya sa harap ko. Pinagkuskos niya pa ang mga palad niya sa harap ko.
Napabuntong hininga naman ako bago walang buhay siyang tignan. "Tangina mo. Happy? Ok na? Happy?"
Para naman siyang tangang tumawa at nag tatalon talon sa harap ko. Napalingon naman ako sa mga taong dumadaan napapatingin na samin. Tinago ko ang mukha sa buhok ko na nag lakad palayo para iwan siya mag isa don.
Nilingon ko pa siya at nakitang napabaling baling siya na para bang hinahanap ako. At ng makita niya ko ay nag relieved ang mukha niya at agad na tumakbo palapit sakin.
"Lagi mo kong iniiwan." may panunumbat na sabi niya.
"Hindi ah." tanggi ko. Dahil hindi naman talaga.
Sinabayan niya lang ako sa pag lalakad kahit na hindi ko alam kung san kami pupunta. Hindi naman direksyon pauwi sa condo ko ang tinatahak namin.
"Uuwi kana?" tanong niya kalaunan.
"Hindi pa." sagot ko.
"Tara kain tayo! Libre ko! Streets food. Streets food nga lang ating kakainin! Tara kain! Libre, street food nga lang pag kain. Tara kain, masarap 'yon! Street food nga lang." ayun nanaman siya sa paghatak sakin kahit na hindi pa ko pumapayag sa gusto niya.
Ano yon? Bat paulit ulit?
Pagkain naman pupuntahan e. Hayaan mo na.
"Ano gusto mong kainin?" tanong niya ng mag punta kami sa isang lugar na puro food stalls ang makikita.
Iba't ibang street food ang nakahilera. Hindi naman ako ganon ka mangmang para hindi malaman kung ano ang tawag sa iba sa kanila. Madalas ay kumakain ako ng ganto lalo na pag nag yaya si Nikki.
"Ikaw?" siya na lang ang papapiliin ko dahil sigurado naman na marami siyang alam na masarap kainin dito e.
"Ako? Hala ka...gagi wag dito maraming tao. Masyado ka namang carefree nasa public tayo oh." kinurot niya pa yung tagiliran ko at pinanlakihan ako ng mata.
Nabagsakan ko tuloy siya ng suntok sa braso. Napahawak naman siya agad don. "Napaka dumi ng utak mo. Manahimik kana nga lang diyan."
Nagsimula akong mag hanap ng makakain. Maraming nakakatakam, kaya nagihirapan akong pumili. Pwede bang lahat? Mauubos ko ba lahat?
Bili ako ng mga gusto kong subukan at nag hanap ng pwedeng mapwestuhan. May mga mesa at upuan kasi na pwede mong ukyupahin ng walang bayad para don kumain. Parang food court pala to.
Naupo naman ako sa nakita kong bakante bago mapalingalinga para hanapin si Ali. Pero since medyo maraming tao sa mga stall na namimili ng kakainin nila ay nahirapan akong hanapin siya. Tinikman ko na lang yung mga binili ko.
Bumuli ako ng shawarma. Sabi kasi ng tindera ay kakaiba tong shawarma niya dahil lahat ay sariling recipe niya at may mga dinagdag siyang sangkap na wala sa iba.
Sabay na tumaas ang kilay ko ng malasahan ang shawarma na 'yon. Well...hindi siya sinungaling.
Tinikman ko naman yung iba pa. Halos lahat ay masarap. Habang abala sa pag subo at pag tikim ng mga binili ko ng may lalaking hingal na hingal na umupo sa tapat ko.
"Oh nyari sayo?" tinapat niya lang ang palad sa mukha ko habang bumabawi ng hininga.
"Kung san san kita hinanap. Andito ka lang pala." sabi niya ng makabawi na ng hininga.
"oh. Tubig." kinuha niya 'yon agad mula sa kamay ko at mabilis na ininom. Halos nangalahati 'yon.
May sasalita pa sana siya ng salpakan ko ng pagkain ang bunganga niya. "Tama na kaka reklamo. Hindi ko naman sinabi na hanapin mo ko." wala naman siyang nagawa kundi ang ngumuya.
Tahimik naman kaming kumain at pipapanood lang ang mga taong masayang kumakain at pumipili ng kakain nila.
"Dami mo namang b—Ahhh!? Mama!?" napatingin ako agad sa kanya ng takot na takot at gulat siyang sumigaw bigla. Napatingin tuloy yung ibang napapadaan maski yung mga nasa malapit na mesa.
"Ano 'yon? Makasigaw naman to!" singhal ko pa sa kanya dahil nagulat din naman ako sa biglang pag sigaw niya.
"Meow...meow..." sabay naman kaming napabaling sa paanan niya.
Pusa lang pala. Mukha namang nakahinga na siya ng maluwag ng makitang isang cute na kuting lang naman 'yon. Kinuha niya iyon at binuhat bago kausapin.
"Ikaw naman kasi...bakit ka lumilingkis bigla? Nagulat mo tuloy ako." nag meow sa kanya yung pusa na para bang naiintindihan non ang sinabi niya. "Wag kana ulit lilingkis bigla bigla ha?" dahil malapit sa mukha niya ang pusa ay dinilaan lang siya nito.
"Sino kaya amo niya?" tanong ko.
Nilapag niya sa mesa yung pusa bago bumaling sakin.
"Wala siguro siyang amo. Pagala gala e." sagot niya habang binabanlawan ng malinis na tubig yung plastik cup bago yon ibigay sa pusa ng may lamang tubig para makainom ito. "uhaw na uhaw ang bibe ko na to ah."
Nakangiti ko lang naman siyang pinanood habang masaya niyang pinagmamasdan ang kuting at hinahanplos haplos ang ulo nito.
"kung atin na lang kaya siya?" suhestyon ko.
"Want to raise a kitten with me?" hindi nag iisip na tumango ako. "Okay,then. Ikaw ba mag uuwi sa kanya o ako na?"
"You." turo ko sa kanya.
Gusto ko sana sakin kaso hindi pwede ang pets sa building na 'yon.
"Okay. Dadalhin ko na lang siya paminsan minsan sa'yo. Since hindi naman pwedeng araw araw siyang ibyahe. I schedule na lang natin." nakinig lang ako sa schedule na ginawa niya.
So tuesday, friday and sunday ko lang siya makikita. Nag kasundo kami na three times a week lang para hindi gaanong ma stress yung kuting. Kung hindi niya dadalhin sakin ay pupunta na lang ako sa kanila.
"Ano nga pala ipapangalan natin sa kanya?" tanong ko kalaunan ng maalalang hindi pa namin siya nabibigyan ng pangalan.
Napaisip naman agad si Ali habang nag lalakad kami pauwi. Ganon din ako nag iisip ng magandang pangalan.
"Jeky..." rinig ko bulong ni Ali. "Jeky." tawag niya sa kuting na agad na tumingin sa kanya at dilaan ang daliri niya.
"Meow!" mukhang nagustuhan niya yung pangalan na 'yon.
"Gusto niya ang jeky. Hi, jeky!" kusa niyang nilingkis ang ulo niya sa kamay ko na dapat hahawakan sa kanya.
"Hi jeky! I'm your daddy Ali. And this is your mommy kerley. Hi, mommy kerley! I'm your first baby." kinaway kaway niya sakin yung kamay ni jeky.
"Hi my baby, why youre si cute, huh?" kung hindi lang masamang kurutin siya ay kanina ko pa ginawa. Kaso baka masaktan ko naman siya.
"Because i'm your baby mommy. Pareho tayong cute!" nag boses bata pa si Ali para mag kunwaring si Jeky ang kausap ko.
Natawa na lang naman ako bago kunin sa kamay niya si Jeky at ako naman ang bumuhat sa kanya bago kami mag kahiwalay.
Nakangiti ko siyang hinaplos haplos habang nasa gilid lang namin si Ali. Ang ganda niya...parang mag breed siya dahil sa kapal ng balahibo at sa mata niyang napaka ganda. Pinag halong itim, brown at puti ang balahibo niya.
"Malapit na tayo sa may sakayan. Gusto mo bang ihatid ka muna namin ni Jeky bago kami umuwi?" bumaling naman ako sa kanya ng nakangiti.
"Hindi na. Sumakay na agad kayo. Malapit lang naman yung bahay ko."
"Sure ka? Pwede ka naman naming ihatid. Papalubog pa lang naman yung araw." umiling lang ako sa kanya. Napabuntong hininga naman siya. "Okay. Kung yan ang gusto mo. Ayoko namang pilitin ka. Oh siya andito na tayo."
Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil aalis na sila ni Jeky. Pero mas pinili kong ngumiti at hinalikan sa ilong si Jeky bago siya ibigay kay Ali.
"Babye, baby. See you on tuesday okay? Ingatan mo siya. Pakainin mo pag uwi ah." bilin ko sa kanya. Tumatawa naman siyang tumango tango.
"Opo, idolo!" ginulo niya pa ang buhok ko bago bumaling sa jeep na huminto sa tapat namin. "Babye, mameh!" kinaway niya ang pareho nilang kamay sakin. I waved back.
Napabuntong hininga naman ako ng umandar na ang jeep ang sinakyan nila. Tumalikod ako sa gawi na 'yon para tahakin ang pauwi sa bahay ko. Nakakailang hakbang palang ako ng may sigaw akong marinig na nag pahinto sakin at muling nag palingon sakin sa waiting shed.
"Kerley!" tawag niya sakin habang ngiting ngiti na nakatingin sakin.
Akala ko ba nasa jeep na siya? Bumaba? Tinignan ko pa kung nasan na 'yong jeep na sinakyan niya kanina pero nasa malayo na 'yon ngayon. Na iwan na sila.
"Bakit ka bumaba?" pasigaw rin natanong ko dahil baka hindi niya ko marinig dahil sa tunog ng mga sasakyan na dumadaan.
Hindi naman siya sumagot at ngumiti lang. At dahan dahan na humakbang palapit sakin. Parang sobrang bagal non sa paningin ko. Parang siya lang ang taong nakikita ko kahit na marami na ang taong lumampas sakin. Sa kada hakbang niya ay mas lumalakas at bumibilis ang t***k ng puso ko. Parang wala akong ibang naririnig kundi ang puso ko lang at wala akong ibang nakikita kundi ang mukha niya.
"May nakalimutan ako." sabi niya ng halos wala na sa kilomentro ang layo namin sa isat isa.
"A-ano?" kinakabahan na tanong ko.
Muli siyang humakbang palapit sakin. Nag simula ulit na kumalabog ang puso ko lalo na ng hindi niya tinanggal ang paningin niya sa mga mata ko.
Ano to? Bakit ganto? Bakit parang papalabas na yung puso ko sa sobrang lakas at bilis ng kabog non. Tsaka imposible bang kahit napakaraming tao ang dumadaan isang tao lang ang nakikita mo?
"Ito..." hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya at halos wala ng pagitan ang mga katawan namin.
Rinig na rinig ko ang kabog ng puso ko na para bang tuluyan na 'yong nakawala sa cage ng maramdaman ko ang malambot na labi niya na dumampi sa noo ko.
Hindi iyon basta dampi lang dahil nag tagal. Hindi ko namalayan na napapikit na pala ako habang hawak niya ang batok ko.
Dahan dahang namulat ang mata ko ng lagyan na niya ng distansya ang katawan namin.
"Mag iingat ka sa pag uwi." lumulutang ang isip na tumango ako.
Parang humiwalay ang katinuan sa katawan ko at tanging pag katulala lang sa mukha niya ang nagawa ko.
Pwedeng isa pa?
Parang nagising ako sa bumubulong sa isip ko. Anlandi. Tumikhim ako at nag iwas ng tingin sa kanya.
"A-ahmm...u-uwi na ko." nanginginig ang daliring tinuro ko ang gawi sa likod ko.
Tumatawa niya nanamang ginulo ang buhok ko at muling dinampian ng halik ang noo ko. Muntikan pa kong matumba sa kinatatayuan ko dahil sa pamlalambot ng tuhod ko.
"sendan mo ko ng message pag ka uwi mo." titig na titig sa mukha ko at nakahawak sa pisngi ko na bilin niya.
Tipid naman akong ngumiti at tumango. Agad na tumalikod sa kanya. Kahit nanginginig ang tuhod ay nakuha kong mag lakad ng tuwid.
Muli akong lumingon sa gawi niya at nakitang pinapanood niya ko. Hanggang sa may huminto na ulit na jeep sa tapat ng waiting shed. Kumaway naman siya sakin bago sumakay.
Muli niya pa kong tinignan at nginitian bago siya may sabihin na hindi ko narinig dahil sinabi niya 'yon ng walang boses. Tanging ang pag buka lang ng bibig niya ang nag pabatid sakin kung ano 'yon.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng maintindihan ko 'yon. Kumaway siya ulit pero hindi ko magawang ikaway pabalik ang kamay ko dahil parang nanghina iyon. Nakalayo na ang sinakyan niya pero prinoproseso parin ng utak ko yung sinabi niya. Parang hindi niya matanggap. Parang hindi kayang intindihin ng utak ko 'yon. Pero kahit na ganon ay hindi tumigil sa pag pintig ng malakas at mabilis ang puso ko.
Napahawak ako bigla sa posteng nasa gilid ko ng tuluyang lumambot ang tuhod ko. Inihawak ko pa ang isa kong kamay sa dibdib ko dahil sa puso kong hindi parin kumakalma.
Ganon ba ang pakiramdam? Ganon pala? Ganto nga ba?
Ito ang unang pag kakataon na may ibang nag sabi sakin ng mga katagang 'yon bukod sa kaibigan ko. Normal lang ba na ganto ang maramdaman? Tama ba na ganito ang naging reaksyon ng katawan ko?
Mabilis na lumipas ang linggo. Kaya ngayon ito ako nag hahanda na para sa graduation. Hindi ako sigurado kung pupunta sila mommy dahil yung gusto nila hindi ko na kuha. Pero bakit hindi ako nag aalala kahit hindi sila mag punta. Dahil ba sa sinabi niya.
"Mag punta man sila o hindi, dapat maging masaya ka. Kung andon man sila bukas, edi salamat. Kung wala dapat okay lang. Oo't hindi mo naabot yung expectation nila pero dapat thankfull kana rin sa naabot mo. Hindi ka naman nabuhay sa mundong to para palaging i please ang mga taong nasa paligid mo. You have your own life to live. Don't let anyone control you. Wag mong hayaan na puro gusto nila ang gagawin mo. Gawin mo rin yung gusto mo."
Napangiti naman ako sa salamin ng maalala ang boses niya ng sabihin niya 'yon sakin kagabi. Nahihibang na ata ako at palagi akong napapangiti sa tuwing naaalala ko siya. Pero agad ding nawala iyon ng maalala ko ang pag sisinungaling ko sa kanya.
"W-wala akong parents na pupunta. Baka si ate norma na lang ang yayain kong mag punta para kahit papano may kasama akong umakyat sa stage." sabi ko.
"Bakit? Nasan parents mo? Ate mo?" napakagat naman ako ibabang sa labi ko. Nag dadalawang isip kung sasagot o hindi. Sasagot ng katotoohanan o kasinungalingan.
"w-wala akong parents na pupunta. Si ate busy sa trabaho." katotoohanan ang sinabi ko. Pero maaaring iba ang pag kakaintindi niya kung sakali.
Pag sisinungaling nga ba yan o may itinatago lang ako. Bakit ba kasi ako natatakot na malaman niya ang totoo?
Dahil baka ayawan niya ko.
Nakarating ako sa school ng marami ng tao. Mga excited na maka graduate. May iba na nag pipicture kasama ang parents nila at mga kaibigan. May iba na nag pupurian ng suot nila. Hanggang sa may mangibabaw nanaman na tawanan ng isang grupo.
Hindi ko na kailangang tignan kung sino sila dahil sa tawa palang ay kilala ko na.
"KERLEY!!" sabay sabay na sigaw nila sa pangalan ko.
Napayuko naman ako ng mapatingin samin ang mga taong nakarinig. Agaw atensyon talaga bunganga ng mga to e.
"Siya pala si Kerley. Ganda ng taste talaga natin buds." sabi ng isa sa kanila na ngayon ko lang nakita. Tinapik tapik niya pa sa balikat si Ali na may nag mamalaking ngisi sa labi.
Inirapan ko naman siya. Lalampasan na sana sila para mag punta na sa auditorium ng bigla akong hatakin pabalik ni anthony.
"Ano? Kung makahatak ah?" napabitaw naman siya agad sa braso ko at napakamot sa batok.
"Bakit mo kasi hinahawakan?" nanlamig ako sa lamig ng boses sa pag kakatanong ni Ali non kay Anthony habang masama ang tingin sa kaibigan.
"Ohh...yayayain ko lang siya makipag picture satin e." sumusukong sabi ni anthony. Natatakot sa titig ni Ali.
Agad namang nawala ang lamig sa mga mata ni Ali at siya ang kusang humatak sakin papunta sa gitna nila para mag papicture.
Wala naman na kong ibang nagawa kundi ang ngumiti dahil nakatutok na agad yung camera samin. Kesa naman mag inarte pa kong ayaw ko baka mag mukha akong tanga sa picture.
Nanghatak naman bigla si anthony ng kung sinong napadaan lang at nakisuyo na picturan kaming lahat. Sinunod naman siya nung lalaki.
"Salamat pare!" tumango lang naman yung lalaki sa kanya bago umalis.
Abala sila sa pagtingin tingin sa mga litrato kaya nag karoon ako ng pag kakataon na makatakas. Hindi pa ganon karami ang tao sa auditorium kaya hindi ako nahirapang mahanap yung upuan ko. Mag kakahiwalay kasi lahat ng courses may pwesto kada isa.
Pangalawa sa unahan naman ako na upo dahil don ang pwesto ko bilang summa c*m laude. Dahil sa unang upuan ay si Stains. Sa pangatlo ay hindi ko alam kung sino yon.
Nakumpleto naman lahat kaya hindi rin nag tagal ay nag umpisa na. Nginitian pa ko ni Stains pag kaupo niya sa tabi ko. Sinuklian ko lang yun ng tipid na ngiti.
Isa isa namang tinawag ang mga may Latin honors bago ang mga may honorable award. Hanggang sa umabot na rin samin sa wakas. Nang tawagin ang pangalan ni stains ay agad na nag handa ang parents niyang nasa gilid na ng stage na nag aantay sa kanya. Sabay silang umakyat tatlo sa stage at ang mama niya ang nag sabit ng medalya niya.
Marami sinuot sa kanya dahil napakarami niyang award. May leadership award parin pala. Huminto sila sa gitna para mag picture. Ang laki naman ng ngiti ng mama at papa niya bago siya iwan sa stage dahil may speech pa siya.
Hindi ko na intindihan ang mga sinasabi niya dahil wala ang atensyon ko sa kanya. Hinahanap ng paningin ko ang mga magulang ko pero hindi ko sila nakita. Maski sa gilid ng stage ay hindi ko sila nakita. Hindi sila pumunta. Tipid naman akong napangiti habang nakatingin lang sa mga daliri ko.
Kung hindi ko pa narinig ang pagtawag nila sa pangalan ko ay matutulala na lang siguro ako don. Hindi ko naman inaasahan na makikita ko si Ate norma sa gilid ng stage kasama si Ali na parehong nag aantay sakin.
May namumuong luha sa mga mata ko habang nag lalakad ako palapit sa kanila.
"Proud na proud ako sayo." bulong ni Ate Norma sakin habang yakap yakap niya ko.
"Salamat po." lumuluha na saad ko.
Siya ang nag sabit ng medalya sakin. Siya at si Ali ang kasama ko sa pictures. Hanggang sa pag baba ay sila ang kasama ko. Muli ko namang niyakap si ate Norma at nag pasalamat.
"Salamat po sobra. Salamat po talaga." umiiyak na nasaad ko.
"Anak na rin ang turing ko sa iyo, kerley. Maliit na bagay lang iyon." sinusuklay ang buhok ko na sagot niya.
Bumaling naman ako kay Ali na nakatingin lang samin. Nag kusa ang mga hita kong nag lakad papunta sa kanya. Maski ang kamay ko na kusang yumakap sa katawan niya.
Walang lumabas na kahit na ano sa bibig ko kundi ang hikbi lang. Niyakap niya naman ako pabalik at ramdam ko ang pag halik niya sa sentido ko. Mas lalo akong napaiyak ng naramdaman ang init ng katawan niya.
"T-thankyou for doing this for me..." mahina na sambit ko.
Ramdam ko naman ang pag ngiti niya. Mas binaon ko ang ulo ko sa dibdib niya. Mas humigpit naman ang yakap niya.
It feels home in his arms...
"i'm so proud of you, bibe. I'm sure jeky is also proud to you. You did great. You deserve it." malambing na sabi niya na nagpangiti sakin sa gitna ng pag iyak ko.
"Congratulations, Ms. Summa." hindi pa nakakaupi ay napabaling nako agad kay Stains.
"Salamat. Sayo rin. Daming award oh. Sana all." tawa lang naman ang naging tugon niya.
Nag patuloy ang ceremony. Nang matawag ang mga nasa Medical ay halos mag wala kakasigaw at kakapalakpak tong si Darrel sa upuan niya ng matawag yung Magna c*m Laude. Naiiling na lang ako na bumaling sa kung saan.
Sakto naman na sa kanya yun dumapo. Nakatingin lang siya sakin ng may matamis na ngiti sa labi. Bigla naman siyang kumindat kaya agad na umikot ang mata ko para sa kanya. Tumawa pa siya habang nakatingin parin sakin.
He mouthed something again that makes my lungs and heart to stop functioning. Umiwas ako agad ng tingin dahil ramdam ko ang pag init ng pisngi ko.
Ano bayan! Lagi na lang ganto, bwisit.
Is this Alisander effect? Damn...
Masayang inihagis ng lahat ang graduation cup nila. Sabay sabay at walang nag pahuli ni isa. Napuno ng sigawan ang buong lugar ng matapos ang ceremony. Lahat ay masaya dahil sa wakas isang napaka ganda at laking achievement nito sa buhay naming lahat.
Kanya kanya naman silang kuha ng litrato. Kaliwat kanang baitan at yakapan ang naganap.
"Ate Kerley!!" sinalubong ko naman ng yakap si Luna at Nikki.
Andito rin pala sila.
"Congratulations ate! Ito lang gift ko sayo. Sorry ate ah yan lang kaya ko e." iniabot niya sakin ang isang papel na may drawing na babae sa harapan at nakatupi iyon.
Binasa ko naman ang laman non ay maluha luhang niyakap at hinalikan si nikki.
Hi ate kerley!
Congrats po dahil graduate kana po. Pwede kana pong mag artista ate! Antayin mo po akong makapag tapos din ah para po sabay tayo sisikat. Proud na proud po ako sayo ate. Sabi ni mama mataas daw yung award mo at napakahirap daw pong makuha non pero kahit naganon ay naabot mo 'yon. Ang galing mo ate! Ikaw po inspirasyon ko sa pag aaral ng mabuti. Mahal na mahal kita ate. Congrats po ulit!
—Nikki.
"Thankyou!" tinadtad ko ng halik ang mukha niya kaya kyut na kyut naman siyang kinikilig.
"Ito naman po ang akin ate. Sorry po ayan lang kinaya ng budget e." nahihiyang sabi pa ni Luna.
Binuksan ko naman ang pahabang box na inabot niya. Isang ballpen lang iyon. Pero maganda at napaka usefull.
"Thankyou luna! Sobrang magagamit ko tong regalo mo." niyakap ko rin siya.
"congratulations ate!"
"Ito naman ang akin." abot sakin ni Ate norma ng bulaklak.
"nako! Ate, dapat hindi kanapo nag abala. Sapat na po yung pag sama mo sakin sa pag akyat at sa pag sabit medalya sakin."
"Tulad ng sabi ko kanina, parang anak na rin ang turing ko sayo." napangiti naman ako don at muli siyang niyakap.
Palabas naman na kami ng may nag mamadaling lalaki tumakbo palapit samin.
"Hi! Sorry na late ako. Tapos na pala." hindi naman ako makapaniwalang makikita ko dito si Kuya aaron ang kuya nila Nikki.
"Aaron. Hindi mo sinabi na uuwi ka?" nag mano siya sa mama niya bago yakapin ang mga kapatid at ngumiti sakin.
Si aaron ang isang anak ni Ate Norma na nag aaral pa sa college ngayon. Wala akaong masyadong alam sa kanya pero alam kong responsable siyang kuya.
"Ngayon ko lang nalaman na graduation ni Ate Kerley e. Congratulations nga pala ate." nakipag shake hands pa siya sakin bago makipag fist bomb at highfive.
"Ang dami ah? Salamat." natatawang sabi ko dahil sa pinag gagawa niya.
"Ay si ate agad kinausap. Kapatid mo kami oh? Andito kami." mataray na kausap ni Luna sa kuya niya.
"ikaw ba grumaduate?" sagot niya sa kapatid.
"Sus...sabihin mo may gusto ka lang kay Ate kerley!" asar nito sa kuya niya.
"Hoy! Wala ah! Ate natin siya. Tuwang tuwa nga ako ng mag ka ate ako e. Sawang sawa na ko kila kuya tapos nag karoon nga ng kapatid na babae napaka sungit naman. Bungangera pa. Wala din. Umay sayo sebo de luna." bawing pangangasar ni Aaron sa kapatid niya habang nag lalakad na kami palabas ng campus.
Nakatanggap naman siya ng malakas na hampas sa braso galing sa kapatid. Agad siyang nag sumbong sa mama nila na para bang hindi sila nito napapanood.
"Mama oh! Kita mo nag palaki ka ng anak na sutil at impakta. Amazona pa. Kita mo yon ma? Hinampas ako. Parang hindi pamilya." nanlalaki pa ang mata niya habang nag susumbong sa mama niya.
Nakangiti ko lang naman silang pinapanood. Mas gugustuhin kong mag karoon ng buhay na hindi kasing rangya ng amin basta ganto kami kasaya at ka close sa isat isa. Kahit may problema ay lagi pa rin nilang na kukuhang tumawa ng malakas. Samantalang sa pamilya ko maski ang pag tawa ng malakas ay bawal.
"Tumigil nga kayo! Nasa respetadong unibersidad tayo tapos nag aaway pa kayo dito." saway sa kanila ni Ate norma.
Pabulong naman silang nag sisihan kung sino may kasalanan kahit pareho lang naman sila.
"Pano kerley? Uuwi na kami." nakaramdam naman ako agad ng lungkot dahil pag uwi ko sa bahay walang kahit na ano akong maabutan.
"Ahmm...Ate, pwede puba kayong makasama kahit saglit sa bahay ko? Samahan niyo po akong mag celebrate." medyo nahihiya pang saad ko.
"Hindi kaba uuwi sa inyo baka may handaan don at ikaw lang ang inaantay." I just smiled sadly dahil alam kong hindi ganon ang aabutan ko sa bahay.
"Hindi nga po nila nakuhang mag punta dito, pag handaan pa puba ako?" pinilit ko paring ngumiti sa harap nila kahit na pinipigilan ko na lang ang sarili ko sa pag luha.
"Oh siya..." hinahaplos at marahang sinusuklay ni ate norma ang buhok ko habang may tipid na ngiti sa labi na tinignan ako sa mata. "Sasamahan ka namin na mag celebrate."
Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang tahimik na mag "Yes!" ng magkakapatid at nauna pang maglakad si Aaron samin.
"Arat na!" sigaw niya.
Hahakbang na nasana ako pasunod sa kanila ng may marinig akong tumatawag sa pangalan ko. Hinintay ko naman siyang makalapit sakin.
"Para sayo." abot niya ng isang bugkos ng bulaklak sakin.
Nakangiti ko naman iyong inamoy at mas napangiti sa bango non. "Salamat."
"Uuwi kana? Kasama sila?" sumulyap pa siya kila Ate norma na nag aantay sakin.
"Oo. Sila kasama ko mag celebrate." tumango tango naman siya bago mapakamot sa noo.
"Pasensya na ah...gusto ko sanang samahan kaso sila Darrel kasi e."
"Ayos lang. Sapat na yung kasama kitang umakyat ng stage kanina." napangiti naman siya.
"Sige na, mukhang inaantay kana nila. Tawagan kita mamaya." sabay halik niya sakin sa noo at tumakbo papasok ulit sa campus.
Muli pa siyang lumingon at kumaway sakin. Kumaway naman ako pabalik. Nagulat pa ko pero natawa rin kalaunan ng mag flying kiss pa siya sakin.
"Wow..." sabay sabay na reaksyon nilang mag kakapatid ng nasa tapat na kami ng building.
"Dito ka nakatira, ate kerley?" gulat na tanong ni Luna sakin.
Nahihiya naman akong tumango. Bago sila niyayang pumasok sa lobby. At ginabayan sila papunta sa elevator at sumakay don.
"Ikaw lang mag isa sa bahay mo ate?" usisa ni Luna.
"Oo." sagot ko bago mapabaling kay Nikki ng may itanong rin to.
"may bahay pala sa loob ng building?" inosenteng inosente na tanong nito.
Pinag tawanan naman siya ng ate niya pero agad na tinakpan ni Aaron ang bibig nito.
Si ate norma ang sumagot sa anak niya at nag paliwanag dito kung ano ang condo. Naintindihan naman iyon agad ni nikki. Kaya pag labas namin ay nag mamadali itong mag lakad at pa lingong lingon sa mga nadaraanan.
"Pasok po k—" naputol ang sasabihin ko ng makarinig ako ng pagsabog ng confetti sa loob ng condo ko at may malakas na sigaw pa.
"CONGRATULATIONS!!"