04

4379 Words
In the past few days wala akong ibang inatpag kundi ang mag aral dahil nga exam week na. Kakatapos ko lang sa last test ko ngayong araw at ayun na talaga ang pinaka last. Hindi ako tumigil sa pagdadasal gabi gabi na sana makapasa ako. Ngayon na tapos na makakatulog naman na siguro ako ng maayos mamaya noh? Sana lang hindi na sila ulit bumisita sa condo ko basta basta. "Ay wow. May lambingan pala dito sa soccer field. Di ako na imporm ah?" napabuntong hininga na lang ako na umalis don at humanap ng ibang matatambayan. Gusto ko lang naman mag pahangin pero bakit naman mga naglalandian at nag lalambingan naabutan ko don. "Haaaaaay!" matunog kong buntong hininga pag ka upo ko sa sunrise garden. "Kaka stress. Tapos naman na pero bakit stress parin ako?" Hanggang ngayon ay hindi mawala wala sa isipan ko yung mga sinabi nila mommy nung gabing iyon. Kung kailan sumaya at nakapag desisyon tsaka naman sila eeksena. "Buti ay naisipan mo pang uwi." Kumalabog ang dibdib ko ng marinig ang boses na 'yon. Bakit ba sila andito? "Ano diyan kana lang?" mataray na tanong ni mommy sakin. Tago naman akong napangiwi bago mag lakad palapit sa kanila. "Kanina pa puba kayo dito, dad?" tumango lang si daddy sakin. Napayuko naman ako at napakagat sa ibabang labi ko. Lagot. "Where have you been?" istriktang tanong ni mommy habang sumisimsim sa tsaang ginawa niya at nakadekwatrong upo sa sofa. "Sa school festival po." nakayuko paring sagot ko. Ayokong salubungin ang tingin nila dahil baka ilubog ako ng tingin nila sa kinatatayuan ko. "at inabot ka ng gantong oras? Alam mo ba kung anong oras na ngayon?" tumango naman ako at pasimpling sumulip sa relong suot ko. Alas otso palang naman. "Tinapos ko pa po kasi yung mini concert. Sorry po..." rinig ko namang napabuntong hininga si daddy kaya napapikit ako ng mariin ng inakala kong sisinghalan niya nako. Pero ilang minuto na ang lumipas pero wala akong narinig na kahit anong salitang lumabas sa bibig niya. Kaya naiangat ko naman ang ulo ko at maang na napatingin sa kanya na kalmado lang na nakaupo sa tabi ni mommy. Anyare? Bat walang ganon? "Do you enjoy it?" my mom asked. Luh? Anong nakain niyo? Alinlangan naman akong tumango. "Good." don ko hindi na napigilang pagkunuotan sila ng noo. "Mom...dad. what's happening? You two have something want me to do, right? That's why you acting like that? Spill it." nagkatinginan pa sila bago sabay na ituon sakin ang natural na nilang tingin. Na kapag sinalubong mo ay siguradong mananahimik ka sa kinakakatayuan mo. "wala kaming gustong ipagawa sayo bukod sa pag aaral mo ng mabuti at syempre ang maging Magna c*m Laude sa batch niyo. Iyon lang, Kerley Emerald Dice. Kaya mo naman 'yon hindi ba?" hindi man desidido sa sinabi nila ay tumango ako. Alam kong may iba pang dahilan. Hindi lang yun ang gusto nila. Sigurado ako. "Mabuti. Aalis na kami." Dad said before he holds mom's hand to leave my place. Anong totoong gusto niyong ipagawa? Anong gusto niyong sundin ko? Fuck!! Mas iniistress ko lang sarili ko dahil don. So what kung may ipagawa sila, edi wag mong gawin. Hindi ba't nag deside ka na oras na para piliin mo naman gawin yung mga bagay na mag papasaya sayo? So please, stop thinking about it. Stop giving a goddamn care to it! Kung dumating man ang oras na sabihin nanila sakin kung ano yon, don ka mastress. Wag muna ngayon. Pagtapos ng weekend ay graduation picture na agad. Pinapunta muna kami sa mga classroom namin para sa last meeting daw namin sa prof. Sinabi lang naman ni Miss. Fernando na lahat kami ay makakapag martsa at makakapag tapos at sobrang natutuwa daw siya roon. Tapos non ay dumeretso ako sa gym para mag papicture at makauwi rin agad. Pero binigyan kami ng dalawang oras na pahinga at lunch break bago mag simula. Kaya no choice kundi ang mag punta muna kung saan kesa tumambay sa Gym pag kamalan pa kong excited masyado. Nagpunta nalang ako kila Ate Norma para don mananghalian. Mas mura ba binebenta don kesa sa canteen e. Nakita ko pa si Stains na may kasamang dalawang babae. Parang pinipilit niya yung babaeng naunang mag lakad tungkol sa kung saan. Dumeretso labas nalang ako ng campus dahil pwede naman. Nasa tapat palang ako ay naririnig ko na agad na may kumakanta sa loob. Boses palang alam ko na kung kanino kaya nag mamadali akong pumasok para mapanood siya. Pagpasok ay nasaakin na agad ang tingin ni Nikki at kumakaway na siya sakin. Parang inaasahan niya na na ako yung papasok ah. Naka uniporme pa siya ng school nila. Tinignan ko naman kung anong oras na. Kauuwi lang siguro niya. Nguumiti ako pabalik at kumaway din sa kanya. Nag patuloy siya sa pag kanta para libangin ang mga nanonood sa kanya. Inilibot ko ang paningin sa buong lugar at kita ko ang paghanga at tuwa sa mukha ng mga taong na nonood kay Nikki. Mas napangiti naman ako dahil don. Maraming camera ang nakatutok sa kanya ngayon. Siguradong pag na ipost 'yon sa social media ay marami makakanood at hahanga. Baka matupad na agad ang pangarap ng batang to na maging artista. Maski ang mama niya ay punong puno ng pagmamalaki at paghanga sa anak niya. At si Luna na halos araw araw atang kaaway ni Nikki ay abot tainga ang ngiti habang pinagmamasdan ang kapatid niya. "Baby, it's alright. It's alright.I'll never leave~" napanganga naman ako ng maabot niya ang taas ng linya ng kanta na iyon. Alam ka lang maganda ang boses niya pero yang pagiging baritera niya? Ngayon ko lang nalaman 'yon. May matinis na boses ang bata na 'to sa tuwing sumisigaw siya o lumalakas ang boses niya pero hindi nakakarindi at masakit sa tenga ang pag birit niya. Tinaasan pa nga ako ng balahibo. "Ate! Kakain ka dito?" agad siyang lumapit sakin pag katapos niyang mag pasalamat sa mga taong nanonood sa kanya. Hindi pa rin sila tumitigil sa pag palakpak kay Nikki. "Oo. Bakit ka kumakanta? Ngayon ko lang nakita na kumanta dito sa karedirya niyo." naupo ako sa harap niya para mag pantay kami at hindi siya mahirapang tumingala. "Sideline ate. Tuwing galing akong school kakanta ako para sa kanila. Bente kada request nila ng kanta." Mag sasalita na sana ako ng may mauna sakin. "Bente? Yang ganyang klase ng boses hindi lang dapat bente ang bayad diyan. Ginintuang boses pero bente lang bayad?" Pareho naman kaming Tumingin ni Nikki sa nag sabi non at nakangiti ng Alisander ang nakita ko. Tulad ko ay ibinaba niya rin ang sarili para mapantayan s Nikki. "Masyadong maganda ang boses mo para sa bente pesos." tumawa naman si nikki sa sinabi nito. "Malaki na 'yon para sakin, kuya Ali. Pang baon ko lang naman po sa araw araw para hindi na ko hihingi kay mama. Tsaka po minsan naman may dagdag po yung binibigay nila sakin kaya lumalaki po nakukuha ko." Hindi ko alam kung bakit pero agad na namuo ang mga luha sa mata ko habang pinapakinggan at pinag mamasdan lang siya na nag kwekwento sa harap namin ni Ali. "Ate, bakit ka umiiyak?" napaiwas naman ako ng tingin sa kanilang dalawa at agad na nag punas ng luha. Muli akong tumingin kay nikki at tipid na ngumiti sa kanila. "Proud lang si ate sayo. Kasi ang bata bata mo pa parang kumakayod kana agad para sa sarili mo." "Talaga ate proud ka sakin?" tumango naman ako sa kanya at agad siyang yumakap sakin. "Proud din po si mama sakin pati sila kuya. Pero mas masaya po ako kung pati ikaw proud sakin." natatawa ko naman siyang niyakap pabalik at masuyong sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko ng hindi pa siya bumitaw agad. "Tutulungan ka ni ate na makamit ang mga pangarap mo ah? Sabay tayong mag aartista. Ok ba yun sayo?" bumitaw naman siya sa pag kakayakap at sunod sunod na tumango sa harap ko. Lumapit naman siya agad sa biglang tumawag sa kanya na costumer. Mukhang mag rerequest ng kanta. Pinanood ko lang ang bawat kilos ni Nikki habang nag lalakad sa mesang laging kong inoukyupa. Napatingin naman ako sa naupo sa harap ko. Ngayon ko na lang ulit siya nakita pag tapos nung concert. Pero palagi naman siyang nag chachat at tumatawag sakin kahit walang sasabihin. "Tapos na exam niyo last week pa diba? Tapos ngayon graduation pic niyo na. Bakit kapa andito?" siya ang unang nag salita. Palagi naman. Maski sa telepono ay siya lagi ang na uuna. Hindi nakakatiis ng hindi nag sasalita. "2hours lunch break before the pictorial daw e." napatango tango naman siya habang wala sa akin ang tingin pero na sakin ang pandinig. "Kami exam week palang namin ngayon." I just give him a "So?" look. Natawa naman siya. "Wala share ko lang. Ito...ang sungit mo nanaman sakin. Nung last na kita natin niyakap mo pa ko at nag thankyou tas yung ngiti mo sakin abot hanggang langit tapos ngayon sungit mo nanaman? Bipolar kaba?" nakaramdam naman ako ng kahihiyan ng maalala ang ginawa ko nung gabi na 'yon. Masyadong masaya kaya ayan nang yayakap bigla. Tumikhim ako para mawala ang hiyang nararamdaman bago tumingin ulit ng deretso sa kanya. "Ang daldal mo." "Madaldal lang ako pag interesado ako sa kausap ko." natigilan naman ako sa sinabi niyang 'yon peri hindi ko 'yon pinahalata sa kanya at nag kunwaring hindi naaapektuhan. "Ah..so you're interested to me?" Walang alinlangan at buong tapang naman siyang tumango sakin. "Yes." Deretso siyang nakatingin sa mga mata ko na para bang sinasabi niya na tumingin ako don para malaman ko na nagsasabi siya ng totoo. "Okay." tanging katagang lumabas sa bibig ko. Ano ba to? Bakit parang may kung anong kumikiliti sa sikmura ko? "Yun lang sasabihin mo?" gulat pa na saad niya. "B-bakit? Ano ba gusto mong sabihin ko pa?" pagkukunwari kong nag susungit kahit na gustong gusto ko ng ngumiti. "Wala! Since alam mo na na interesado ako sayo...liligawan na kita ah! Hindi ako tumatanggap ng NO. So your choices is YES OR YES." Pinagdiinan niya pa talaga ang mga salitang no at yes sakin. Tanging pag maang lang ang nagawa kong ipakita sa kanya kahit na halos parang lalabas na ang puso ko sa katawan ko sa sobrang lakas at bilis ng t***k non. At maski ang mga kung anong bagay na nagpaparamdam sakin ng kiliti sa sikmura ko. Ito ba yung sinasabi nila na Butterflies in your Stomach? Totoo pala 'yon. "Hoy! Ano na? Yes or yes?" pumilintik pa ang mga daliri niya sa harap ko para bumalik ako sa wisyo. "H-ha? Ano...bakit ligaw agad? Tsaka bakit ganyan choices mo? Anong pagpipilian ko don e pareho lang 'yon?" Bigla namang nag umpisa sa pag kanta si Nikki sa harapan kaya lumipat ang tingin ko don. Pero mukhang hindi naagaw ni Nikki ang atensyon ng lalaking nasa harap ko ngayon at kasalo ko sa iisang mesa dahil ramdam ko parin ang pag titig niya. "Wise men say....Only fools rush in. But I can't help falling in love with you..." ramdam na ramdam ko ang emosyon sa pag kanta ni Nikki. Why does it feels like she been fallen inlove with someone? Or she just that really good on singing thats why in every song that she sing the story behind it is always tell. And the emotions...damn I really felt it. "Even if you say NO to me, I will still court you kerley. You can escape me. Trust my words, kerley. Yes, I don't get everything I want because of lack of moneys but this time, I will do everything just to get you." Biglang pumasok sa isip ko yung araw na sinabi niya na ayaw niya sa mayaman. Dahil baka maliitin lang siya ng pamilya nito dahil sa estado ng buhay niya. And now...he want to court me? Sigurado na kapag nalaman niya na mayaman ako aayaw siya. Parang may kung anong tumusok at kumurot sa puso ko sa isipin na aayaw siya dahil lang sa mayaman ako. Bakit ako nakakaramdam ng kaba? Ng takot na aayaw siya? "How can you say that even if you don't know me that well? We just met almost a two weeks and now you saying to me that you want to court me?" he showed me his beautiful smile that almost make my legs trembled. "I actually don't know. For that two weeks, I felt something on you and I don't know what it is. Everytime na mag kausap tayo sa telepono, everytime na mag ka late night talks tayo palagi akong masaya. Halos gusto ko na ulit dumating yung bukas para makausap ka. Pero since nag aaral pa tayo, alam kong hindi pwede yung gusto ko na oras oras kausap ka. Gustong lagi mong unahin yung pag aaral mo bago ako." Habang abala sa pag papabasa ng libro ay nakarecieve ako ng tawag sa IG since naka log in iyon sa Laptop ko ay don ko sinagot ang tawag ng kung sino. "Hi! Busy?" napabaling ako agad sa kanya ng marinig ang boses niya. Akala ko si Cath yung tumatawag hindi pala. Gabi nakasi kaya inisip ko na si Cath ang tatawag. Pero si Ali pala. "Kinda. What do you need?" tanong ko at ibinalik ang atensyon sa binabasa. "Ok. Hindi na muna kita iistorbohin. Mag aral kana muna, gonna call you again when you're done." siya na ang kusang nag patay ng tawag at hindi na hinintay ang sagot ko. Take your time to study. Basa ko sa mensaheng iniwan niya para sakin. Hindi nako nag reply at nag patuloy na lang sa pag aaral. Araw araw ay tumatawag siya para kamustahin ang exam at ang pag rereview ko. May time pa na tinutulungan niya kong mag review kahit na mag kaiba ang course na tinetake namin. Halos umabot kami ng madaling araw para lang mag aral. Nag babatuhan kami ng tanong sa tuwing nag rereview kami ng sabay. He send me his reviewer and I send mine. After he asked me and I answered it correctly, ako naman ang mag tatanong sa kanya at sasagot siya. Mukha namang malaking tulong iyon samin kahit na kinukulang kami sa tulog. [Tomorrow is the last day of your exam. I know that you will pass. Ofcourse you are. I trust you and ngayon palang proud na proud na ko sayo.] Hindi ko napansin na nakangiti na pala akong inaalala lahat ng ginawa namin tuwing nag uusap kami. Hindi ko inakala na magagawa namin 'yon. Napatingin naman ako sa kanya at hanggang ngayon ay nasa akin parin ang atensyon niya. Ang lalaki na to...magiging impokrita ako kung sasabihin ko na hindi ako naging masaya sa tuwing nakakausap ko siya. Magiging sinungaling ako kung sasabihin ko na sa dalawang linggong mag kasama kami ay wala akong naramdamang kakaiba. "Take...my hand. Take my whole life too...Ohhh...For I can't help falling in love with...you..." parang nag slow motion lahat ng nasa paligid ko at tanging siya ang boses niya at ang pag kanta ni Nikki ang napapansin ko. Sinabayan niya si Nikki na kantahin iyon habang titig na titig sa mga mata ko. Ni hindi ko nakita na kumurap siya. Ni ilang segundo ay hindi niya inalis ang paningin niya sakin. At parang mabibingi ako sa lakas ng kabog ng puso ko ng hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. "For I can't help falling in... love with...you~" kinanta niya iyon ng hawak hawak ang kamay ko. Nalipat ang kamay ko sa magkahawak naming kamay ng maramdaman kong dahan dahan niyang pinagsisiklop ang mga daliri namin. Parang nag kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Parang ginising non ang buong pag katao ko. May tumikhim sa gilid namin kaya agad akong napabitaw sa kamay niya. Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya at tinago ang kamay ko sa ilalim ng mesa habang nakapatong iyon sa mga hita kong nanginginig. This is not good. OH MY GOD! This is not f*****g good! Why I' am blushing, anyway? "Ito na pagkain niyo. Kumain muna ng maayos ah." nahihiya naman akong tumango kay Ate norma. Ni hindi ko siya magawang tignan. Nakita niya lahat e. Nakakahiya. Dahan dahan ko namang iniangat ang ulo ko at ang nang aasar na tingin at ngiti ni Ate norma ang nakita ko. Umiwas naman ako agad at maling direksyon ang nalingunan dahil kay Ali yon sunod na natuon. Maski siya ay inaasar akong tinignan. Napadampot naman ako ng tubig ng wala sa oras kaya halos muntik pa kong mabulunan dahil pag mamadaling uminom. "Easy...bat kasi nag mamadali? Wala kanamang kaagaw sa tubig lalo na sakin." mas napaubo naman ako sa sinabi niya. Para akong mamatay sa kakaubo halos maluha luha na nga yung mata ko. Parang pumasok sa ilong yung tubig. "ayos kana? Kain na tayo. Baka lumamig yan." tango lang ang naitugon ko at agad na nag simulang kumain. Kailangan ko ng makaalis dito. Baka mamatay ako dito dahil sa lalaking to na hindi talaga ako tinantanang titigan kahit na kumakain. "Pwede bang sa pagkain mo ituon yung tingin mo? Nakakailang kumain dahil titig na titig ka sakin." kunwaring pagtataray ko kahit na hiyang hiya na talaga ako. Bakit naman ako nahihiya? Syempre nag blablush ka. Halatang kinikilig ka. "Ang ganda..." kumunot naman ang noo ko sa naging tugon niya. Anong konek? "Ang ganda mo kahit nagagalit ka." Ito nanaman yung mga paro paro at pag init ng pisngi ko. Pakiramdam ko buong katawan ko na ang namumula ngayon. I need to compose myself. Hindi dapat ganto. Wag marupok, nako! Hindi ko na siya pinansin at tinapos na lang ang pag kain. Agad akong tumayo para mag paalam kila ate norma na aalis na ko at babalik nalang mamaya pag natapos agad yung pictorial. Dumeretso labas ako ng hindi na ulit lumilingon sa kanya kahit na tinatawag niya ang pangalan ko. May 20 minutes pa bago mag simula ng makapasok ako sa gym. May mga student na nag aayos ng sarili nila. Sa kabilang parte ng gym ay kita ko si stains at yung dalawang babae na kasama niya na nag aayos. Napagtripan pa siya ng mga to at nilagyan ng liptint ang labi niya para naman daw hindi siya maputla. Sa lakas pa naman ng boses nila dahil sinisigawan nila si Stains ay naririnig ko sila mula dito. Napabuntong hininga na lang ako bago mapagdesisyonang mag ayos na rin ng sarili ko. Naglagay lang ako ng powder at manipis na blush on. Eyeliner at lipbalm na pinatungan ko lang ng liptint. Brinush up ko lang ang kilay ko para umayos kahit papano. Since sa bahay pa lang ay inayos ko na ang buhok ko, sinuklay ko lang 'yon para umayos ulit. Isa isa naman na kaming tinawag. A-Z ang ginawa nila. Hindi by course kundi lahat kaya naman hindi ganon katagal ang hinintay ko para matawag dahil letter D naman ang first letter ng lastname ko. "Ang pretty. Pwede mag model to." nahihiya ko naman silang nginitian. "Oo nga,sis. Try mo kaya pumasok sa modeling industry, sismar. Malay mo maging ka level mo sila Kendal balang araw." "Nako. Hindi na po, masyado po silang maganda para sakin." kinaway ko pa ang dalawang kamay ko sa kanila para tumanggi. Jusko...ayokong pumasok sa maingay at punong puno ng ilaw na buhay ng modelo o ng kahit na anong sikat. Nagpasalamat naman ako sa kanila bago umalis dahil tinawag na nung isang bakla yung sunod sakin. Lumabas agad ako at bumalik sa karenderya dahil wala naman na kong gagawin don sa school. "Sana naman wala na siya don." hiling ko sa hangin bago tumawid. "Oh tapos na agad?" si ate Norma ang nakasalubong ko agad sa labas palang ng kainan nila. "Marami pa po sila sa loob. Pero tapos na po ako." sagot ko. Tumango tango naman siya bago ako yayaing pumasok na sa loob. Hindi gaanong marami ang tao dahil tapos naman na ang Lunch time. Iilan na lang ang nananghalian kahit late na. At andito parin siya. "Hi ate! Tignan mo oh, andami kong kinita ngayon pwede ko na pang baon ng isang linggo." tumatakbo siyang lumapit sakin bago itaas ang kamay niyang may mga perang hawak. "Wow...ang dami naman niyan. May piggy bank kaba? Gusto mo non para makapag ipon ka?" nagningning naman ang mata niya at agad na tumakbo papasok sa bahay nila maski pag labas ay tumatakbo siya palapit ulit sakin. "Wala akong piggy bank ate. Pwede mo po ba akong samahan bumili?" ipinakita niya pa yung perang dala niya na gagamitin niya pang bili. "Oo ba." humawak naman siya agad sa kamay ko. "Sama ako!" habol ni Alisander samin. Tuwang tuwa namang humawak rin si Nikki sa kamay niya at pasigaw na nag paalam sa mama niya na aalis muna kami. "Mag iingat kayo!" bilin ni Ate norma. Nagpunta lang kami sa may tyangge medyo malayo 'yon sa bahay nila pero ayos lang dahil hindi naman na mainit. Tumatalon talon pa si Nikki habang nag lalakad kami halatang excited. "Oh lipad...lipad. LIPAD!!" tumatawa namang tumalon ng mataas si Nikki habang hawak namin siya sa mag kabilang kamay niya. "Parang sanay na sanay kang mag alaga at makipag laro sa bata." nakangiti at tumatawa pa niyang itinuon ang atensyon sakin. "Ahh...oo. May mga kapatid kasi ako. Kaso 16 years old na yung isa tapos 12 na yung babae. Wala na kong na baby sa bahay dahil pareho ng nag teteenager." napatango tango naman ako. Kuya pala siya... "Ikaw may mga kapatid ka?" napaiwas naman ako ng tingin sa kanya sa tanong na 'yon. "M-meron. Pero ate lang. Nag tratrabaho na siya ngayon." "Ate, may ate ka—oh! Ang ganda non oh!" hindi niya na natuloy ang pag tatanong niya ng may makaagaw ng pansin niya. Tinignan ko naman yung tinuturo niya. Nilapitan naman agad namin 'yon. "Gusto mo to?" tanong ni Ali habang hawak hawak na yung unicorn na tinuro ni Nikki. "Opo..." bigla naman siyang ngumuso at kinuha yung perang nasa bulsa niya. "kaso po baka di na ko makabili ng piggy bank ko e." "Ate, mag kano to?" tanong ko sa nag babantay. "500 ma'am." nag abot naman aki agad ng five hunderd sa kanya para bayaran 'yon. "Kerley? Sira kaba? Bakit ikaw lang nag bayad?" tumaas naman ang kilay ko sa kanya. "Bakit bawal?" "Hindi naman pero bakit hindi ka man lang humingi ng tawad kahit 450 lang para mabawasan. Rich kid kaba?" natigilan ako sa tinanong niya. Inagaw ko na lang sa kamay niya yung unicorn at inabot kay Nikki bago siya hawakan sa kamay para maunang mag lakad kay Ali. "Bili na tayo piggy bank mo." palingon lingon na tumango si Nikki. Naabutan rin naman kami ni Ali agad. May mga taong napapatingin pa samin habang nag lalakad kami. "Don tayo, meron don." lumiko naman kami sa sinasabi ni Ali. Maraming stalls na iba iba ang tinitinda ang bumungad sakin. May bilihan ng mga damit, pagkain, laruan, phone accessories at marami pang iba. Dinala kami ni Ali sa nag bebenta ng laruan dahil meron daw piggy bank don. "Ate, may piggy bank po kayo?" tanong niya sa tindera. "Oo, iho. Pasok kayo papakita ko sa inyo." pumasok naman kami at agad na nilabas ni ate lahat ng piggy bank na meron siya. Mag kakaibang kulay at laki iyon. "Anong kulay gusto mo?" tanong ko kay nikki at naupo sa hita ko para mapantayan siya. Hinawakan at tinignan niya naman lahat ng piggy bank na nasa harap niya. Namimili. "Kasya puba perang dala ko pang bayad ate Kerley?" nilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Nakangiti naman akong tumango kahit hindi ako sigurado. "Gusto ko po yung malaki! Para po maraming mailalagay." "sure ka diyan? Matagal mapuno 'yan." inilipat niya naman ang inosente niyang tingin kay Ali na pinantayan na rin siya ng upo. "Okay lang po kahit matagal, kuya. Atleast po maraming maiipon." ginulo lang ni Ali yung buhok ng bata bago tumuon sa tindera. "Kukunin na po namin to." tukoy niya sa hawak na ngayon ni Nikki na piggy bank na napili. Kulay brown ang pinili niya at ang pinaka malaki. "Mag kano daw?" tanong ko kay Ali dahil siya ang nakipag usap sa tindera. "mura lang. Natawaran ko naman e." sagot niya bago kausapin si Nikki. "Si kuya na bibili non para sayo ah? Yang perang dala mo ilagay mo na lang don. Ok ba 'yon?" gumuhit namam ang masayang ngiti sa labi ni Nikki. "opo! Thankyou, kuya sander!" niyakap niya pa si Ali at hinalikan ito bago bumaling sakin. "Thankyou rin ate para sa unicorn." ngumiti lang ako at hinalikan siya sa noo. "Uwi na tayo?" Nilahad niya ang kamay sa harap namin ni Nikki. Hindi ko alam kung para kanino niya 'yon nilalahad pero hinayaan kong si nikki ang humawak don bago ako tumayo mag isa. Pero hindi paman nakakatayo ng tuwid at hinawakan niya na ko sa balikat at pwinersang umupo ulit pagkatapos ay nilahad ang kabilang kamay sakin. "Anong trip mo? Buang kaba?" naiinis na hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Para kasing bobo, pinaupo ako ulit para lang alalayang tumayo ulit. "Tanggapin mo na kasi." pilit niya na pa. Inirapan ko lang bago hampasin yung kamay niya pero hinuli niya iyon agad pag hampas ko dahilan para mahila niya ko patayo. "Uwi na tayo!" binuhat niya pa si Nikki habang hindi parin binibitawan ang kamay ko. Nagpahila nalang ako sa kanya at hinayaan siyang hawakan ang kamay ko. Gusto mo rin naman kasi... Napailing na lang ako sa sariling naiisip ko. Nahihiya akong yumuko ng halos lahat ng madaanan naming tindahan ay tumitingin samin yung mga tao. May mga naririnig pa ko na mga bulungan. "Bagay sila..." "Mukha college student palang sila dahil nakauniporme pa." "may anak na agad? Nag aaral palang. Di pa nga ata nakakapag tapos." Napagkamalan pang may anak. Mukha namang walang pakialam ang lalaki na to dahil taas noo pang nag lalakad at nakakatawa pa habang kausap si nikki. Pinanood ko na lang sila kesa pakingga yung mga sinasabi ng iba sa paligid. Nakangiti na pala akong pinag mamasdan silang dalawa na nag tatawanan. Is he going to be a good father? Maybe. Bakit ba yun agad iniisip ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD