03

3531 Words
Alas tres na ng maubos ang tao sa karinderya. Kaya ito kami na lang ang tao dito. Tinulungan na rin naming mag lipit sila ate Norma para mabilis. "Oh,eto. Mga iho,kerley, kain na kayo." naglapag ng niluto nilang ube halaya si ate Norma sa mesang inuukyopa namin. "Niluto namin yan! Sure talaga na masarap yan, diba Auntie Norma?" natatawa namang sinang ayunan ni Ate norma si calypso kaya ayon lumaki agad ulo. "Yey! Kainan na." nauna pang kumuha si Nikki ng pag kain niya na nakakandong sakin ngayon. Dahil nahihirapan siyang kumuha ay ako na ang gumawa non para sa kanya. Nilapit pa ni Ali sa gawi ko yung ube para hindi ako mahirapang kumuha. "Thankyou, ate!" kiniss niya pa ko sa pisngi bago siya mag simulang kumain. "Ayos ah? Pag ibang ate mo ikikiss mo? Tapos pag ako halos sapakin mo na?" pinakita lang ni Nikki ang dila niya sa ate Luna niya na inirapan naman siya. "Kayong dalawa talaga. Kayo na nga lang ang dalawa kong anak na babae palagi pa kayong nag aaway. Tigil niyo na yan ah." saway ni ate norma sa mga anak. "Siya kasi!" "Si ate kasi mama!" Sabay pa nilang itinuro ang isat isa kaya ayon napagalitan lang ulit sila. Natatawa nalang ako habang tinitignan silang mag kapatid na mag samaan ng tingin. "Ilan puba anak niyo, auntie?" usisa ni Anthony. "Lima. Tatlong lalaki at dalawang babae. Yung dalawang kuya nila nag tratrabaho na. Yung isa nasa college na ngayon. Tapos ito Sr. High na pero mapagpatol parin sa bata." tukoy niya kay Luna na naka busangot na kumakain ng ube Halaya niya. "Single mom?" Tipid naman na ngumiti si tita bago tumango. "Namatay ang asawa ko ilang araw bago ko ipanganak ang si Nikki. Nick ang pangalan niya kaya sinunod ko ang pangalan ni Nikki sa kanya. Magkamukha naman sila ng papa niya e." "Pwede pubang matanong kung anong ikinamatay ni, ankle?" usisa pa ni calypso. Insensitive? "Pwede naman. Namatay siya sa engkwentro. Hindi naman dapat siya mamatay kung hindi siya napadaan sa lugar na 'yon. Natamaan daw ng ligaw na bala pero may nag sabi na sinadya daw barilin pero sabi ng mga pulisya nag kamali lang daw ng tuktok ng baril yung nakapatay sa asawa ko. Ewan ko...Ha ha ha... Ang gulo." kita ko kung pano pigilan ni Ate norma ang pamumuo ng luha sa mga mata niya. "Tama na. Wag na kayong mag tanong. Mag si kain na kayo." utos ko sa kanila kaya ginawa naman nila agad. "Sorry, auntie." hingi ng pasensya ni calypso. Tipid lang na ngumiti si ate norma. Nag sikain naman na kami at nag pasalamat para sa masarap na meryenda. Inihatid kami nila kami sa labas ng mag paalam na aalis na daw sila calypso dahil may pupuntahan pa sila. "Salamat nga pala ah? Sa tulong niyo ngayong araw. Malaking bagay 'yon para samin." ilang beses na atang nag pasalamat si Ate norma samin. "sige po dito na po kami. Babye Nikki. Luna." kumaway at ngumiti lang naman si Luna sa kanila. "Babye mga kuya!" todo kaway naman si nikki sa kanila. "Aalis na rin po ako." paalam ko na rin. "Ganon ba? Sige mag iingat ka sa pag uwi kerley ah?" nakangiti akong tumango sa kanya. "Babye ate! Balik ka rito bukas ah?" umupo naman ako sa mga hita ko para mag patay kami ni Nikki. "Oo babalik si ate. Antayin mo ko ah? Wala na dapat nakaupo sa pwesto natin bukas pag punta ko." "Opo!" ginulo ko lang ang buhok niya bago ulit mag paalam kila tita. Nagsimula na kong maglakad pa uwi ng biglang may humawak sa braso ko. Naalerto naman ako dahil don. "Hindi ka ba pupunta sa concert?" kumalma ako ng mapamilyaran ang boses na 'yon. "Pwede bang wag kang mang hahawak bigla? Nakakatakot. Tsaka anong concert?"sabi ko pag kaharap ko sa kanya. "May mini concert na magaganap sa university niyo. Hindi mo alam? Ngayon alam mo na.—opss! Sasama ka sakin don. Di ka makakatanggi." agad niya kong pinigilan sa pag sasalita. Naibubuka ko pa nga lang bibig ko wala pang lumalabas na salita e. Hinatak niya naman ako papunta sa university. Nang nasa gate na ay don ko nakita ang mga kaibigan niya na nag aantay sa kanya. "Alam mo ikaw, napaka pala desisyon mo noh?" mataray na tanong ko sa kanya. Narinig ko pa ang pagtawa ng mga kaibigan niya sa likuran namin kaya sinamaan ko rin sila ng tingin. Agad naman silang tumigil sa pag tawa at nag kunwaring walang ginawa. "Paladesisyon ako. Palasunod ka naman." nakatanggap naman siya ng malakas na batok sakin. "Aray!" daing niya at tinignan pa ko ng masama. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Amazona." bulong niya pero narinig ko. Kaya kinurot ko siya sa tagiliran. "ano ba? Kanina kapa nanakit. Inaano ba kita?" medyo tumaas ang boses na sabi niya. "Eh kasi ho noh kanina mo pa ko inaasar. Tingin mo natutuwa ako?" singhal ko sa kanya. "Ehem! Baka gusto niyo ng pumasok sa loob noh? Hanggat hindi pa marami yung tao sa loob. Tama na ang lambingan." "Ganyan nag katuluyan Lolo at lola ko e." nangangasar na tinignan kami ni Anthony. Inirapan ko naman silang lahat bago maunang lumakad papasok. Dahil medyo may tao na sa loob ng Gym at may iba ng nakaupo sa harap ay medyo sa gitna na ko naupo. Sumunod naman silang lahat sakin at naupo sa tabi ko ang iba. Nasa likod naman namin sila Anthony, Calypso at konstantinos dahil kulang na ang upuan sa hilera namin. Maraming napapalingon samin dahil sa kanila. Sabi sa inyo e. May kakaibang aura sila na mapapalingon ka talaga sakanilang lahat. Nakakagaw atensyon sa tuwing makikita mo silang mag lakad ng sabay sabay. Hindi naman nag tagal ay halos napuno narin ng mga tao ang buong gym. Mag aalasingko na ng mag simula ang mini concert na sinasabi nila. Hindi sikat na artist ang kinuha nila. Pero hindi naman nag papahuli ang boses, lalo na ang mga babae pagdating sa biritan. Pero ang kinagulat ng lahat ng biglang lumabas mula sa back stage si Calypso na may bitbit na gitara. Napuno naman ng tilian at hiyawan ang buong gym. Maski ang mga kaibigan niya ay halos mag wala kasisigaw sa pangalan niya. "Bakit siya andiyan?" nagtatakang tanong ko sa katabi ko. "Hindi mo ba alam na sumusikat na navlogger at coverist yang si Caly?" hindi naman ako nakapaniwalang napatingin kay caly na nakaupo na sa highchair na inihanda para sa kanya at itinotono ang gitara niya habang nasa harap niya ang micstand. "Totoo ba?" hindi parin makapaniwalang saad ko. Tambay naman ako madalas sa social media pero hindi ko alam na vlogger pala siya? At sumisikat na coverist? Ibig sabihin maganda boses niya? Tumikhim pa siya sa tapat ng mic bago mag simulang mag strum ng gitara. Siya lang ata ang hindi rock song ang kakantahin. Kanina ay sunod sunod na rock song ang kinanta ng mga naunang mag perform ngayon naman mukhang chill lang. "I've been thinking for a while..." halos hindi ako nakakilos dahil sa pag kabigla sa boses na taglay niya. Unang line palang, kakaumpisa niya palang pero halos malambot na ang hita ko sa lamig at lambing ng boses niya. It's that even possible? Malamig at malambing na boses, sabay? ''I think it's time to say it now. What's been messing me around, But... I don't know what I'll do and how to say it." Mabagal niya yung kinanta tulad ng pag stru-strum niya. "We've been friends now for a while. I just wanna let you know you have a beautiful smile..." inikot niya ang buong paningin sa buong crowd habang may matamis na ngiti sa mga labi niya. "I wanna show you who I am..." huminto ang tingin niya sa kung saan habang nag papatuloy siya sa pag kanta. "Wow...as in wow. May ganyan pala kagandang boses?" hindi talaga makapaniwalang sabi ko habang hindi inaalis ang paningin kay calypso. "Baka baby girl namin yan." pagmamalaki ni Ali sa tabi ko. Natawa naman ako sa sinabi niya. Halos makisigaw na rin ako sa ibang tao dito dahil sa paghanga sa kanya. Bakit wala siya sa music industry? Siguradong sisikat siya sa ganda ng boses niya. "Baby, is this mutual?I want a little rendezvous. Tell me that you love me, I will always be with you..." tumayo naman siya at nilapag ang gitara niya pero hindi nawalan ng music dahil may ibang musician ang gumawa non para sa kanya. Kinuha niya ang mic sa stand at tsaka nag lakad paharap. "Maybe this is lo lo lo lo lo lo lo love. Baby, this is lo lo lo lo lo lo lo love..." sumasayaw sayaw pa na kanta niya. Sinabayan naman siya ng crowd sa pag kanta. At maski ako ay napasabay na rin sa pag kanta at sa pag indak. Hindi ko pinagsisisihan na nag pahatak ako dito. "Your smile keeps killing me and how you flick your hair from the side of your cheek. Can you be with me tonight?" tinapat niya ang mic sa mga manonood na para bang gusto niya ng sagot. "YES!" sigaw ng mga kababaihan. "Be with me tonight, so I can hold you so tight.You know I just want to see you..." natatawa naman niyang pinagpatuloy ang pag kanta. Napatingin naman ako sa katabi ko ng bigla niyang punasan ang pawis sa noo ko. "Pinag papawisan kana." imporma niya at bahagya pang ngumiti sakin. "Talikod ka. Sapinan ko likod mo." "H-ha?" naguguluhang tanong ko. Ano ako bata? "Sige na. Talikod na para di ka matuyuan ng pawis sa likod." wala naman na kong nagawa ng kusa niya kong italikod sa kanya at isapin niya sa likod ko yung panyong dala niya. "Ayos na." "Salamat." ngumuti lang naman siya sakin. Kaya binalik ko na lang ang atensyon kay Calypso. "...Give with me your forever, so I can die happy with you. I never knew you were the one,that I've been waiting for so long. Baby, do you love me? 'Cause I've been waiting for..." kinanta niya 'yon habang nag lalakad sa paligid ng stage para makita ang ibang manonood na nasa gilid dahil sa mga bench nakapwesto. Nang dumapo ang tingin niya sa gawi namin ay kumindat pa siya samin habang kumakanta. Kaya itong mga lalaki ay sabay sabay na tinaas ang gitnang daliri kay Calypso na tinawanan lang sila. Nanatili siya sa gitna ng stage ng patapos na ang kinakanta niya. "Maybe this is lo lo lo lo lo lo lo love...Baby, this is lo lo lo lo lo lo lo love....Baby, this is love..." bumagal ang pagtutunog ng gitara ng guitarist niya at ng iba pang musikero kata sinabayan niya ang kanta sa bagal non. "Baby, this is lo lo lo lo lo lo lo love~" pabulong niyang tinapos ang pagkanta. Napuno ng palakpakan at hiyawan ang buong lugar. Nag rerequest na isa padaw. "Isa pa?" tanong ni Calypso sa mag manonood. "ISA PA! ISA PA! ISA PA!" sigawan na sagot ng mga tao. "Si bakla sumisikat na. Huhuhuhu!" kunwaring emosyonal na sabi ni Anthony na umaarte pang pinipigilan ang pagbagsak ng luha niya. "Baka kasi hindi pumayag yung organizer." pag paparinig niya para sa organizer. "Oh! Ok daw oh! Nag okay sign siya. Edi ibig sabihin non pwede?" nag tilian naman ang mga tao at nag tatalon talon dahil sa pag payag ng organizer. "Ok! Anong gusto niyong kantahin ko?" kaliwat kanang sigaw naman sila ng mga gusto nilang kanta pero syempre kung ano yung narinig ni Calypso yun ang kinanta niya. "Sige...Heart break anniversary. Mukhang broken hearted si ate e." sinagot pa siya nung babae na nasa bandang unahan kaya nag katawanan muna sila bago lumapit si Calypso sa banda. Nag umpisang tumunog ang electric guitar habang nag lalakad pabalik sa pwesto niya si Calypso. Huminga pa siya ng malalim bago mag simulang kumanta ulit. "Ooh..." yun palang ang lumalabas sa bibig niya ay halos mag sitayuan na ang balahibo ko sa katawan. "Balloons are deflatin' Guess they look lifeless like me. We miss you on your side of the bed, mmm..." nakapikit at dinadama ang musika na kanta niya. Nakarinig naman ako ng mga unggot ng iba. May mga napapa "Ohh..." na reaksyon na lang sila. "Sasayaw yan pag dating sa chorus. Pustahan, etned pusta ko oh!" nag pustahan pa tong mag kakaibigan na to kung sasayaw o hindi si calypso. "Just like the day that I met you, The day I thought forever. Said that you love me, But that'll last for never. It's cold outside...Like when you walked out my life. Why you walked out my life?" sumasayaw na kanta na ni Calypso kaya agad na nanigil si Anthony at Alisander ng panalo nila. "Kilalang kila ko na 'yan basta pag pinakanta mo 'yan mo ng kantang sumikat sa t****k dahil sa dance challenge, sasayaw at sasayaw yan. Bente mo, oy!" labag naman sa loob na nag bigay ng bente sila Konstantinos sa kanilang dalawa. Buti na lang at di ako sumali. Nang high five pa ang dalawang nanalo at pinag hatian ang nakuhang pera. Nag pabarya panga sila sakin nung isang bente para daw patas ang hati. "Punitin niyo na lang sa gitna para hati kayo." agad namang minura ni Anthony si Konstantinos. "Gago, edi pareho kaming walang napala na sampung piso sa benteng yan." nag karoon sila ng sariling mundo don at nawala ang atensyon sa kaibigan nilang kumakanta sa harap. "Kerley, may barya kaba sa bente?" tumango naman ako at agad na kinuha yung wallet sa bulsa ko. Inabot ko sa kanila yung tag pipiso ko at may cents pa don. Mabigat yon sa bulsa kaya sa kanila na. "Kayo na mahirapang mag bibit sa bulsa niyan." agad kong tinabi sa wallet ko yung buong bente para di na nila mabawi. Saktong bente yung coins ko e. Kaya walang alinlangan ko 'yong binigay sa kanila. Pinanood ko na lang ulit si Calypso at dinama ang kinakanta niya. "I still see the messages you read, mmm.." "I'm foolishly patient.(Foolishly patient)" hinanap naman agad ng paningin ko kung sino yung nag sesecond voice. Yung nag eelectric guitar pala kas di ko makita ang mukha niya dahil nasa bandang gilid siya at medyo malayo ako sa kanya. "...Can't get past the taste of your lips (Taste of your lips)Don't wanna let you out my head..." Nag sayaw nanaman si Calypso sa harapan kasabay ng pag kanta niya. Mukhang ganon nga talaga siya. "Hala gagi, umiiyak siya." tinuro niya yung babaeng nag request ng kanta na 'yon. Natatawa niyang pinagpatuloy ang kanta. "Do you ever think of me? Of me...'Cause I...think of you, think of you~" tinapos niya yung kanta at agad na nilapitan yung babae at natatawang niyakap 'yon. "Oo teh, hindi ka na talaga iniisip non." inasar niya pa talaga at tinapat pa yung mic sa babae kaya rinig sa buong gym yung iyak niya. "Gago talaga." natatawang nailing si Ali na pinapanood ang ginagawang pangangasar ni Calypso don sa babae. Maski ako ay natawa na lang dahil sinumpa niya pa na lahat daw ng mag jowa na nag punta ngayon dito ay mag brebreak din kinabukasan. Kung hindi man bukas ay sa mga susunod na darating na bukas daw. Natapos ang concert na 'yon ng lahat ng artist ay sabay sabay na kumanta sa stage. Kaya halos maging bar na tong gym dahil nag kanya kanyang sayawan na lahat ng tao. Dahil nag rock song na kanta ang mga artist sa stage. Maski si calypso na akala ko ay malambing at malamig ang boses sa tuwing na kanta ay na kayang kumanta ng rock song. Gulat na gulat ako ng halos maging katulad na ng boses niya ang boses ng bokalista ng bandang COLN. "TARA SAYAW!" sigaw sakin ni Ali dahil kung hindi siya sisigaw ay hindi kami mag kakarinigan. Labag man sa loob ko ay sumayaw ako. Oo't hindi ako pala kaibigan dahil hindi ako magaling makisama pero kesa naman mag mukha akong tangang nakatayo lang dito habang nag sasayawan sila ay di na ko nag paka kill joy. "Pre, ingat naman. May natatamaan kana." napatingin naman ako agad kay Ali ng hatakin niya ko palapit sa kanya. "Pasensya na,tol." tumango lang si ali sa kanya. "Ayos ka lang?" nag aalang tanong niya. Ngumiti at tumango lang naman ako sa kanya. Akala ko ay hindi niya napapansin na nababangga at nasasanggi na ko ng iba. Wala lang naman sakin 'yon dahil natural lang yon dahil marami ngang tao. Natapos ang event na 'yon ng masaya ang lahat ng tao. Habang nag lalakad kami palabas ay wala akong ibang narinig kundi ang saya daw at na enjoy daw nila ng sobra. Madilim na ng makalabas kami sa gym. Kanina pa naman talaga madilim, bago pa lang kumanta si Calypso ay madilim na. "Nag enjoy ka ba?" pukaw na tanong ni Ali sakin. Kaming dalawa na lang ang magkasama ngayon dahil humiwalay ang iba samin dahil hahanap daw sila ng chixx at mag kita kita na lang daw sa gate. "Oo. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang may ganong klaseng boses ang kaibigan mo 'yon. Mukha kasi kayong mga walang talent pero mali ako don. By the way, salamat sa pag hatak sakin dito. Dahil don naranasan ko pang mag enjoy bago mag exam." "Bakit? Puro aral lang ginagawa mo noh, tuwing bago mag exam?" nahihiya akong tumango. Humarang naman siya sa harap ko at hinawakan ang mag kabilang balikat ko. Tinignan ko naman pareho 'yon. "Sa susunod na exam yayayain ulit kita na mag enjoy muna bago mag exam para hindi puro aral na inaatupag mo. Parang ang boring naman kasi ng buhay mo kung puro aral lang diba? Walang masama kung mag eenjoy ka kahit saglit. Hindi naman kasalanan 'yon." deretso ang titig sa mga mata ko na sabi niya at ginulo pa ang buhok ko bago mag simulang mag lakad ulit. Pero para sa parents ko ay kasalanan iyon... Kung ganto kasaya at kasarap sa pakiramdam ang mag karoon ng kasalanan sa magulang ko na nag bunga naman ng kasiyahan sakin, handa ba kong ulitin to, kasama ka? Hindi ba't iyon naman ang dahilan ng pag payag mo sa pag bukod sa kanila para magawa ang lahat ng gusto mo ng wala kang iniisip na mag sesermon sayo pag uwi mo. Pero hindi iyon ang ginagawa mo, dahil hindi mo parin kayang sumuway sa magulang mo. Pero sa pag kakataon na to...kaya ko naba? Handa na ba ako? Wala naman sigurong masama kung susubukan ko hindi ba? Basta alam ko ang limitasyon ko. Alam ko kung hanggang saan lang dapat. Sapat na rason naman na siguro ang dahilan ang sayang nararamdaman ko ngayon para magawa ko na talaga ang totoong gusto ko. "Hoy! Natulala ka diyan? Arat na. Andon na sila oh." hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako at hindi gumagalaw sa pwesto ko. Buo na ang desisyon ko. Simula sa araw na to...gagawin ko na ang lahat ng bagay para sa sarili ko. Sigurado akong magiging masaya ako kung para sa sarili ko ang mga gagawin ko at hindi dahil sa pamilya ko. Masaya naman akong tumakbo palapit sa kanya at tumalon para makasampa sa kanya at mayakap siya. Muntik pa kaming matumba pareho buti na lang at nakapag balance siya. "Thankyou!" tumatawang sabi ko. Punong puno naman ng pagtataka at pag kagulat ang mukha niya dahil sa ikinikilos ko. Gusto ko lang mag pasalamat dahil ipinaranas niya sakin yung gantong saya. Minsan lang ako mag enjoy kasama ang ibang tao. Parang once in a blue moon lang. "Para saan?" takang takang tanong niya. Ngunot ang noo. "Sa lahat. Basta salamat." sagot ko bago bumaba at nginitian siya. "Nyare sayo? Sinasapian kaba?" tinawanan ko lang naman siya habang chinecheck niya ko. "tara na! Uwi na tayo." yaya ko sa kanya. Ngunot pa rin ang noong tumango siya at sinabayan akong mag lakad papunta sa mga kaibigan niya. Sumalubong samin ang mga mapang asar na ngiti nila. Muli silang nag prisintang ihahatid ako kaya tumanggi ulit ako. Dahil tulad ng sabi ko kahapon ay walking distance lang naman ang layo ng tinutuluyan ko sa university kaya hinayaan na lang nila ako at binilinan na lang na mag ingat at mag chat kay Ali kung nakauwi nako. "Oo mga kuya! Babye!" tumalikod na ko sa kanila at nakangiting nag lakad pauwi. Muli ko pa silang nilingon ng makalayo layo na ko at andon parin sila sa pwesto nila at pinapanood ako. Kumaway ulit ako sa kanila kaya kumaway naman sila pabalik. Napatingala ako buwan at pakiramdam ko ay pati ang buwan ay masaya dahil nakangiti siya sakin. "Ikaw ha...dinadamayan mo ko ngumiti." kausap ko dito na para bang sasagot ito. Hindi nawala ang sayang nararamadaman ko hanggang sa makapasok ako sa elevator at mag lakad papunta sa tapat ng condo ko. Pero unti unting nag laho ang ngiti sa mga labi ko ng mapagtantong may ibang tao sa condo ko bukod sakin. "Mabuti naman at umuwi kana." rinig kong sabi niya gamit nanaman ang striktang boses niya. "Buti ay naisipan mo pang uwi." Kumalabog ang dibdib ko ng marinig ang boses na 'yon. Bakit ba sila andito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD