"Grabe 'yon ah? Ang cool nung nakaitim na sumali. Sino 'yon?" Tanong ng isa sa mga kaibigan ni Alisander.
Kasama ko na sila ngayon dahil hindi nila ako pinayagang umalis. Pinilit nila akong sumama sa kanila. Kaya eto, kasama nila ako at pinag uusapan nila yung nangyari kanina.
Hindi ako nag titiwala pero sumama ako, wala namang masama lalo na't nasa loob naman kami ng campus at kilala ko si Stains.
"Oo nga,gago! Ang cool nung pag kakasalo niya sa kamao nung lalaking siga. Sino 'yon Der?" Napakibit balikat lang naman si Alisander na nasa tabi ko ngayon
"Ewan. Hindi ko alam." sagot niya habang hindi tinitignan ang mga kaibigan niya.
"Sayang! Nakatalikod kasi siya sa gawi namin kaya di ko nakita kung sino. Pero ang cool talaga niya." manghang mangha na wika ni Stains.
"Hindi niyo ba na bosesan?" tanong pa ng isa sa kanila.
Nag pakilala sila sakin kanina isa isa pero hindi ko naman natandaan lahat. Pero sa tingin ko ay si Anthony to.
Napatingin naman lahat sa kanya maski si Alisander na deretso lang ang tingin sa nilalakaran ay tinignan siya. Nakita ko pa kung pano niya panlakihan ng mata si Anthony ng mag tama ang paningin nila.
Eh? Bakit may ganon?
"Hindi. Bakit ikaw? Nabosesan mo?" pang iintriga ni Calypso ba to? Kay anthony.
Tumingin muna ulit siya kay Alisander bago sumagot.
"Hindi rin. Daming nag bubulungan sa likod tsaka gilid natin e. Tsaka ang hina nung boses niya kaya hindi malinaw sakin." sumang ayon naman ang iba at sinabing ganon din daw sila.
"Oo nga pala, jowa mo ba 'yon?" sakin naman nalipat ang tingin nilang lahat ng itanong ni Anthony yon pag kaupo naming lahat sa damuhan dito sa Sunrise garden.
"No." sagot ko na sinabayan pa ng pag iling ko. "I don't do boyfriends."
Ramdan ko ang paglingon ni Alisander sakin na nasa kanang gilid ko. Kita ko rin kung pano pasimpleng tumingin ang mga kaibigan niya sa kanya.
"Eh? Bakit? Edi NJSP ka?" taka naman akong napatingin sa kanya dahil hindi ko siya gets.
"No jowa since pinanganak ibig sabihin ng NJSP." bulong ng katabi kong si Calypso.
Kaya napatingin naman ako sa kanya dahil feeling close siya. Pero still thank you for telling me what does NJSP means.
"Yes. I don't like boys." sabi ko.
"Edi bakit mo kami kasama ngayon? Puro lalaki kami oh." inikot niya pa ang paningin niya sa mga kaibigan niya at tinuturo pa ang mga ito.
"pinilit niyo kong sumama."
"Pero pwede ka namang tumanggi." pangangatwiran nitong mukhang hapon.
"Tumanggi ako. Pero hinatak ako nito..." turo ko kay Alisander. "At hindi ako tinantanan non." turo ko rin kay Stains na enjoy na enjoy lang sa kinakain niya ngayon habang nakikinig.
"Ay sis, bakit ayaw mo sa boys? Masarap kaya ang mga boys. Yum! Yum!" maarteng tanong ni Calypso at bahagyan pa kong hinampas sa balikat.
Sabi na nga ba't hindi to straight.
"Basta ayoko lang."
Ayokong ipaliwanag sa kanila dahil hindi ko ugali 'yon. At higit sa lahat hindi kami close para mag kwento ako sa kanila.
"Hindi mo pa nararanasang kiligin noh?" Umiling naman ako bilang pagtanggi.
Kinilig naman na ako sa mga drama nga lang na napapanood ko. At sa mga librong nababasa ko.
"Masarap kiligin. Gusto mo maranasan? Paranas ko sayo." hindi ko alam kung nag bibiro ba si ali don o hindi. Pero wala akong pake.
"Ayan na, bumabanat na."
"Tangina, nag sisimula na siya."
Rinig kong bulong ng iba sa kanila sa isa't isa pero hindi ko sila pinansin at kumain na lang.
"Wag mong isipin na ipaparanas sayo 'yon ng lalaki. Iba iba naman ang mga lalaki. Hindi lahat ipaparanas 'yon sayo. May iba na langit ang—I mean masaya ang ipaparanas sayo." tinapik niya pa ko sa ulo at ginulo ang buhok ko habang may matamis na ngiti sa mga labi niya.
Natulala naman ako sa mukha niya. Dahil unang pag kakataon na may gumawa non sakin. Maski sarili kong ama ay hindi ko matandaan kung ginawa 'yun sakin.
"Ganon ba ko kapogi para matulala ka sakin?" napakurap kurap naman ako ng bumalik ako sa katinuan.
Agad na sumama ang timpla ng mukha ko sa kanya. Kaya tumawa naman siya. Mukha ba kong natutuwa?
Wala naman na silang sinabi at bumalik na sa pag kain at pag uusap. Nag kanya kanya ang iba sa kanila. Pero hindi naman nila ako hinayaang ma out of place.
"Gusto daw ni Darrel sa babae yung hard to get. Tas eto namang si Caly gusto daw ng babae at lalaki na masarap. Bwisit kayo! Ikaw Ali anong ayaw at gusto mo sa babae?" bigla namang napunta sa mga tipo nilang babae yung usapan.
Nakinig lang ako sa mga sagot nila at hinayaan silang mag usap usap.
"Ayoko sa mayaman." napabaling naman ako agad sa kanya.
"Bakit?" takang tanong ko.
Ewan ko kung bakit pero interisado ako sa dahilan niya. Kanina ay marami akong napansin sa kanila. Ang iba sa kanila ay naging familiar sakin ang pangalan dahil kilala ang pamilya nila. Kaya i assume na si Alisander at Calypso ay hindi nila ka level sa antas ng buhay.
"Kasi...hindi kami mayaman. Siguradong mamaliitin lang ako ng pamilya niya kung sakali man. Minamaliit na nga ako ng sarili kong ina, maski paba pamilya ng taong mamahalin ko mamaliitin ako? Juzmiyo. Wag na oy! Kaya nga mas gusto ko yung mga ka level ko lang ganon. Para sabay na lang kaming mag papayaman balang araw."
Malungkot naman akong napangiti. Alam ko ang pakiramdam na minamaliit ka ng sarili mong magulang. Kung ako nga ay palagi ring minamaliit. Minsan na rin nilang na sabi sakin na hindi ko kakayaning gumawa ng sarili kong pangalan sa kahit anong propesyon na papasukin ko.
Masakit kapag mismong pamilya mo ang mag hahatak sayo pababa at hindi naniniwalang kaya mo.
Hindi ko naman napigilang tapikin din ang ulo niya. "Kapag minaliit ka ng ibang tao, wag kang mag papaapekto. Hindi kanila kilala, hindi nila alam kung anong magandang mangyayari sa buhay mo sa hinaharap. Wag mong hahayaang masira ka sa pang mamaliit nila sayo, kahit magulang mo pa sila."
Parang hindi naman siya makapaniwalang nakatingin lang sakin habang nakikinig sa mga sinasabi ko. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.
Ginawa ko 'yon dahil gusto kong maramdaman niya na kahit ano pang pangmamaliit na gawin ng ibang tao sa kanya, may mga tao paring naniniwala sa kakayahan niya.
Alam ko ang pakiramdam na walang ibang tao na naniniwala sayo kundi tanging sarili mo lang at sobrang hirap non. Kaya ayokong pati ang lalaking to, maramdaman 'yon.
Natapos ang araw na 'yon na sila ang kasama ko. Hindi rin naman nag tagal at naging komportable ako kasama sila. Nag prinsinta pa silang ihahatid ako pauwi pero hindi na ko pumayag dahil walking distance lang naman ay nasa condo ko na ako.
Agad akong naligo at nag bihis pag uwi. Hindi na ko mag hahapunan dahil busog pa naman ako. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang kumain don.
Agad kong binuksan ang Laptop ko at agad na tinawagan si Catheriena ng makitang naka online siya.
"Oh bakit?" sabi niya pag kasagot na pag kasagot niya sa tawag ko.
"Kamusta?" panimula ko.
Pinaningkitan niya naman ako agad ng mata. Kaya napangiwi ako habang nag papatuyo ng buhok.
"Kakausap lang natin kahapon tas kung maka kamusta ka parang isang taon tayong hindi nag usap. Bakit? Anong nangyari?"
"Wala. Masama naba tumawag ngayon sayo?" pamimilosopo ko sa kanya.
"May ichicika kaba? I chika mo na hanggat maaga pa. Papasok pa ko." tanong tanong pa kung anong problema alam naman palang may ichichika ako.
"So...today I met a group of mans in m—" natigil naman ako sa pag kwekwento dahil sa biglaang pag tili niya.
"OMG! POGI BA SILA LAHAT? RETO MO NAMAN AKO! WAG KANG MAKASARILI KERLEY!?" inirapan ko naman siya.
"I can say that they all attractive. Hindi ko alam IG nila teh. Di ko natanong, pasensya." peke pa kong ngumiti sa kanya habang nag sosorry.
Siya naman to ngayon na umiirap sakin.
"Puro taga university niyo?" kuryosong tanong niya.
Umiling naman ako. "No. I think the two of them is studying from other univ. Then yung lima pa is my schoolmates."
Tumango tango naman siya. "So what happened? May kakaiba bang nangyari don?"
"Nothing much." nagkikibit balikat na sagot ko. "It's just like its somehow special to me because you know, this was the first time na pitong lalaki agad ang nakilala ko sa loob lang ng ilang oras. And lahat sila gentle man ha! Kahit na ang iingay nila. Lalo na yung mga tawanan nila, masyadong malakas."
"Akala ko ba ayaw mo sa mga ganong tao? Yung maiingay? Eh bakit parang tutuwang tuwa ka sa pag kwekwento?" nang aakusa niya naman akong tinignan at pinagtaasan pa ng kilay niya.
"Yeah. I hate those kind of people. I don't know basta naging komportable na lang akong kasama sila? Ikaw nga napaka ingay mo e. Ewan ko nga kung bakit kita naging besfriend e. Pasalamat ka ako lang nag tyatiyaga sayo."
"Pano ba naman, sanay ka sa bahay niyo na napakatahimik. Parang mga multo na ang nakatira dahil hindi naman inuuwian ng mga magulang mo. Onti na lang mag mumukha ng haunted house bahay niyo e."
Hindi ko naman itatanggi 'yon dahil totoo naman. Kaya nung sa bahay pa na 'yon ako na katira onting kaluskos lang kung ano ano na agad pumapasok sa isip ko e. Tahimik palagi sa bahay na 'yon dahil halos hindi na nga umuwi sila mommy don at si ate naman lagi lang nasa kwarto niya.
"Oh!" biglang pumasok sa isip ko yung babaeng naka itim kanina. Kwinento ko rin 'yon sa kanya at maski siya ay namangha dahil ang lakas naman daw ng loob non na kalabanin si Adrian.
Kilala niya si Adrian dahil na ikwekwento ko sa kanya yung lalaki na 'yon. Lalo na kung may ginawa siya sakin para inisin ako.
"Ayos ah! Sa lahat ng na ikwento mo sakin na inaway ni Adrian yung babae palang na yan yung nakagawang talikuran yang lalaki na 'yan." natatawa naman akong tumango.
"Yeah. Pinutol niya pa nga yung mga dapat na sasabihin pa ni Adrian e para lang sagutin yung tumatawag sa phone niya." pumalakpak naman si cath don.
"Bravo! Dapat bigyan ng award 'yon!" pumapalakpak parin na sabi niya.
Umarko naman pataas ang kilay ko ng mabasa ang nabasang notification na nag pop up.
Hi, kerley!
Tahimik na basa ko sa DM niya.
"What do you need?" deretsong tanong ko bago ibalik ang atensyon kay Cath.
"Your dad?" umiling naman ako agad.
Inakala niya siguro na si daddy yung nag text or nag chat sakin.
"One of those mens. Ali." tumango tango naman siya bago umayos ng pag kakaupo sa kama niya.
"Pogi?" sabi ko na nga ba at itatanong niya 'yon.
"Kind of. Well, he have pimples and some pimples mark. His nose is not that pointed. He have a korean style of hair. Medyo payat. Miztiso and he always have his playfull smirk or his lips." nagkibit balikat pa ko pag kadescrib ko sa kanya sa babaeng to.
"Hmmm...ikaw ha, ayaw mo sa lalaki pero mukhang napagmasdan mo siya mabuti. Type mo noh?" may nangangasar na ngiti pa sa labi niya.
"Hindi ko nga alam kung anong type ko e. Tsaka wala akong time sa type type na 'yan. Hindi naman ako itiresado sa ganyan. Tulad mo ko sayo? Parang hindi mabubuhay ng walang jowa." walang alinlangan niya namang tinaas ang gitnang daliri niya at pinakita 'yon sakin.
"Ito ka oh, ito ka!" nang gigil niya pang ginitgit ang daliri niyang yung sa camera.
"I need you." napairap naman ako sa reply ni ali sakin.
Ano to banat?
"Yeah. And so?" I replied.
"Shhh...someone's calling." pagpapatahimik ko kay cath na kanina pa ko minumura dahil sa sinabi ko tungkol sa kanya.
[so...since I need you, you need to come here for me.] maang naman akong napatingin sa screen ng cellphone ko.
"Bigyan mo ko ng magandang dahilan kung bakit kita susundin?" masungit na tanong ko sa kanya.
[Becuase I say so. Oh... And i'm your master, remember?] napairap naman ako ulit at nakita 'yon ni cath kaya nag type siya ng message para sakin.
Put it on loud speaker, dumbass!!
Ginawa ko naman. Dahil kung hindi ay papakwento niya lang sakin lahat.
"Master your face." narinig ko pa ang mahinang pag tawa ni ali sa kabilang linya.
[You know what? I really like it pag nag susungit ka.]
"Oh? As if i care, noh?" sarkatiskong sabi ko.
[mag kaka-care ka rin. Mark my words, Kerley.]
"Yan lang ba tinawag mo sakin?" nakataas ang kilay ko sa kanya na tanong ko kahit wala naman siya sa harap ko.
[actually I just want to hear your voice. Since I already heard it, do want to hang up now?]
"Ay buti naman at tinanong mo rin. Oo, gustong gusto ko na kanina pa." tawa lang naman ang naging tugon niya.
[Ok, Have a goodnight, Kerley.]
"Pano pa ko mag kakaroon ng good na night kung sinira mo na?" hindi ko na siya inantay na sumagot at pinatay na ng tawag.
"Sungit mo teh! Kaya hindi ka nag kakajowa e!" tinignan ko naman ng masama si Cath na hindi nag patinag at nakipag titigan pa talaga.
"Akala mo matatakot mo sa ganyang titig mo? Hindi oy! Hindi. Pero teh, type ka non. Wag mo masyadong sungitan ah. Sige hang up na rin ako. Papasok pa ho kasi ako." sa huling pag kakataon ngayong araw ay tinaas niya muli ang gitnang daliri niya para sakin bago ako patayan ng tawag.
Kaya pinatay ko na lang ang laptop ko at nag palipas ng oras sa veranda ng kwarto ko. Pinanood ko lang kung pano mawala sa paningin ko ang mga dumadaang sasakyan at kung pano lang mag lakad ang mga tao.
Hanggang sa tuluyan ng balutin ng dilim ang buong lugar. Mula dito sa veranda ng kwarto ko ay kitang kita ko ang mga city lights. Kung panong maglaro ang mga kulay na nag mumula sa mga ilaw ng gusali ay ganon din ang mga katanungang nag lalaro sa isip ko.
Bakit ko nga ba hinayaan ulit na makontrol ng parents ko ang buhay ko? Kung alam ko lang na ganto kaganda pala ang makikita ko gabi gabi kung hindi ako nakatira sa puder nila ay sana noon pa ay nakita ko na ito. Sana noon pa ay na appreciated ko na ang mga gantong bagay sa mundo.
Tanging sa eskwelahan at bahay lang umiikot ang mundo ko noon. Hindi ko nagagawang mag punta kung saan dahil hindi ako pinapayagan dahil sa wala daw silang tiwala sa mga taong maaaring nakapaligid sa akin pero pakiramdam ko ay sa akin sila mismo walang tiwala dahil kahit na si Cath ang kasama ko ay hindi parin nila ako pinapayagan.
Bilanggo ang tingin ko sa sarili ko nung mga panahon na hinayaan ko sila dahil naniwala rin naman ako na para sa ikabubuti ko ang ginagawa nila. Pero simula ng mag highschool ako ay nag bago ang tingin ko roon. Pakiramdam ko ay hindi ko hawak ang buhay ko. Na wala akong karapatan don.
Napabuntong hininga na lang ako sa mga isipin na 'yon. Hayaan mo na. Nangyari na 'yon. Hindi ko na mababago.
Maaga naman akong nagising dahil nakatulog din naman ako agad kagabi. Since wala akong pupuntahan ngayong araw dahil ayaw kong mag punta sa university para tumanga lang don ay napagdesisyonan ko nalang na mag aral para sa paparating na exam. Kahit halos araw araw naman akong nag rereview ay pakiramdam ko kailanganin parin.
Yes, my parents have an expectations to me. At kahit na bumukod ako sa kanila ay hindi ko parin nagagawang baliwalain 'yon at gawin ang mga bagay para sa sarili ko. Palagi parin silang kasama sa mga bagay na pilit kong inaabot kahit na hindi ako makaramdam ng saya kapag nakukuha ko 'yon.
Kapalit ng pag bukod ko ay ang pagkuha ko sa kursong nais nila para sakin. Tinanggap ko 'yon dahil hindi ko na maramdaman ang pakiramdaman na nasa bahay ako tuwing andon ako. Palagi pa namang walang tao at puro kasambahay lang ang nakakasama ko.
Minsan nga ay naiisip ko na parang yung mga kasambahay pa yung totoong pamilya ko dahil sila ang lagi kong nakakasama. Puro negosyo at pera kasi ang nasa isip ng mga magulang ko. Naiintindihan ko ang dahilan nila tungkol don na para rin naman samin 'yon ni ate. Pero hindi ko parin maiwasang makaramdam ng tampo dahil tuwing nasa bahay sila at nakukumpleto kami ay wala akong ibang naririnig kundi ang mga papuri nila kay ate. At pag dating sakin puro pangmamaliit at pang iinsulto ang natatanggap ko.
Kesyo, wala raw akong mararating sa buhay kung di ako magiging ganto, ganyan. Buong buhay ko hinayaan ko silang kontrolin ako, hinayaan ko ang sarili kong maging robot nila na kung ano ang iuutos at sasabihin nila ay iyon ang ginagawa ko. Kaya hindi na nakakapag taka kung bakit mangmang ako pagdating sa ibang bagay. Hindi ko naman na explore ang mundo dahil bukod sa maraming pinagbabawal ang parents ko kailangan rin naming maging pino at kahangahangang anak ng mag asawang Dice.
At hindi ko gusto 'yon.
Napukaw ng pagtunog ng phone ko ang isipan ko. Kay aga aga ay parents ko agad ang iniisip ko. Dinampot ko agad iyon at natigilan ng mabasa ang notification ko.
Agad naman akong nag tipa ng irereply ko sa goodmorning niya.
"morning." agad niya namang niyang sineen.
Ibinalik ko saglit ang atensyon ko sa binabasa ko. Pero hindi pa man ako tapos basahin ang unang stanza ay napaigtad ako sa gulat ng may tumawag sa phone ko.
Tumatawag nanaman?
[Hi...goodmorning.]natigilan naman ako ng makita ang inaatok niya pang mukha dahil nag open camera siya. Maski ang boses niya ay nagpatigil sakin.
May ganon palang kaswabeng boses pag bagong gising?
[Ano to nag lag?] kinaway kaway niya pa yung kamay niya sa camera at pinindot pindot pa 'yon. [Ano ba PLDT kahit kailan ang panget mo kabonding.] bulong niya pa.
Natawa naman ako sa sinabi niya kaya tumigil siya sa kakapindot ng kung ano sa phone niya.
"Goodmorning." bati ko.
Ngumiti naman siya sakin ng pagkatamis tamis bago mag salita ulit.
[Kagigising mo lang?]tanong niya.
Umiling naman ako. "No. Kanina pa actually. Nag rereview ako ngayon." bumilog naman ang bibig niya.
[Oww...sorry. nakakistorbo ba ko?] he gave me an apologetic smile.
"Hindi naman. How about you? No plans to get up?" tanong ko habang nagmamadaling buksan yung laptop ko.
[Syempre meron. Marami pang gawain na nag aantay sakin kaya kahit ayaw kong bumangon, kailangan pa rin.] napabalik naman agad ang tingin ko sakanya.
"Ganon ba? Edi ibaba mo na to para magawa mo na."
Agad ko namang binuksan yung notes ko sa laptop at tignan kung may hindi paba ako nagagawang mga bagay bagay.
[Ayaw mo ba ko kausap?]
"Oo." diretsong sagot ko.
[Binibiro lang kita e, grabe ka naman napaka straight forward mong tao ah! Sige, babangon na muna ako. Tapusin ko lang lahat ng gawain ko ah! Bye, kerley.] kumaway pa siya sakin at matamis na ngumiti bago niya
kusang patayin ang tawag.
Buti naman at binaba niya rin agad. Nakapag focus ako sa pag checheck sa notes ko.
Hindi papala ako kumain, yawa!
Agad naman akong nag punta sa kusina para makagawa ng agahan. Syempre with coffee dapat. dinala Ko iyon sa kwarto ko para doon kumain habang nag aaral.
Inilagay ko muna sa tabi yung pinag kainan ko. Mamaya ko na ibaba pag katapos ko. Pero lampas lunch na ng maisipan kong mag pahinga muna kaya tinamad na kong magluto.
Umalis ako sa condo para sa labas na lang kumain.
Saan ba masarap kumain ngayon?
Napadaan pa ko sa school at mukhang nag uumpisa na ang contest dahil medyo naririnig na sa labas yung sigawan ng mga tao sa loob at marami narin ang pumapasok sa campus.
Nag punta nalang ako sa malapit na karendirya dito sa university na madalas kong kainan lalo na kapag lunch break.
"Hi ate!" agad na bati sakin ni Nikki na bunsong anak ni ate Norma.
"Hi!" bati ko sa kanya pabalik at pinanggigilan ang pisngi niya.
Linggo ngayon kaya nakita ko siya dito sa karinderia nila. Anim na taon palang siya ayon sa mama niya at napaka cute niyang bata.
"Kakain ka ate? Tatawagin ko si mama para maihanda." tumakbo siya agad papasok sa kanila kaya nakangiti ko naman siyang sinundan ng tingin.
"Oh! Dahan dahan." bilin ko sa kanya ng muntik na siyang madapa. Tumawa lang naman siya sakin.
Naupo naman ako sa laging pwinepwestuhan ko. Dito ako laging umuupo sa bandang gilid para hindi masyadong malapit sa ibang tao. Masarap mag luto si ate Norma. Siguradong babalik ka talaga oras na matikman mo.
"ATE!!" napatingin naman ako ng Nikki na naglalakad habang may dalang isang pitsel ng tubig at babasaging baso.
Natataranta siya habang dinadala yun sakin kaya ako na ang kusang lumapit sa kanya at kinuha 'yon.
"Wag ka kasing mataranta. Baka mahulog mo pa, pagalitan kapa ng mama mo." sermon ko kaya napakamot naman siya sa ulo niya at tipid akong nginitian.
"Halika nga dito kay ate." lumapit naman siya agad at nag pakandong sakin. "Nananghalian kanaba?" tumango naman siya.
"Eh, ang mama mo?"
"Hindi pa po siya kumakain kasi maraming costumer na galing don sa school mo po." don ko lang na isipan na ilibot ang paningin sa buong lugar.
Oo nga maraming tao.
"Tara, Tulunga natin mama mo." yaya ko sa kanya agad naman siyang tumango tango at pumalakpak pa.
Magkahawak ang kamay na pumasok kami sa kusina nila at naabutan don si ate Norma na nag luluto at ang isa niyang anak na si Luna ang umaasikaso sa harapan ng karinderya nila.
"Oh? Kerley. Bakit kayo nandito sa loob? Ihahatid na yung pag kain mo." sinulyapan lang kami ni Ate norma dahil hindi niya pwedeng tanggalin ng matagal ang atensyon niya sa niluluto niya.
"Mamaya na po yung akin. Yung sa ibang costumer na lang po muna. Tutulong po kami ni Nikki sa pagseserve. Mag huhugas lang po kami ng kamay." sagot ko habang inaalalayan si Nikki na pumatong sa bangko para maabot niya yung lababo.
"Nako, kerley. Napakabait mo talagang bata ka. Salamat ah? Kulang kasi ako sa tao kaya medyo mabagal ang serbisyo."
"Wala ho iyon. Wala naman po kasi akong gagawin sa bahay.—oh dahan dahan nababasa ka." saway ko kay Nikki ng mag madali siyang mag banlaw ng kamay.
"Sorry ate." nginitian ko lang siya bago alalayan ulit pababa.
Lumabas din kami agad don at kada tapos ni Luna sa pag aayos ng order ay dinadala ko 'yon sa nga costumer na umorder non.
Parang dati lang ay niisa ay wala pang mesa dito sa karinderya nila pero ngayon halos mapuno na ng tao dito.
"Miss, pwedeng makahingi pa ng tubig?" nakataas ang kamay na tanong ng isa sa mga kumakain sa table 9.
"Yes sir, you're water is coming up!" sagot ni Nikki don sa lalaki kaya natawa naman ang mga ito dahil sa ka kyutan nung bata.
Ako na ang nag bibit ng tubig at bitbit naman ni nikki yung baso at kutsara na hiningi sa kabilang table.
Nilapag ko lang 'yon sa table 9 at tsaka sila nginitian ng mag pasalamat sila.
"excuse me?" napalingon naman ako sa bandang likod ko ng may mag salita.
"Bakit po, kuya?" si nikki ang lumapit don sa lalaki.
Nilapitan ko agad sila dahil baka may problema. Dahil medyo malabo ang mata ko lalo na kapag nasa malayo ang tinitignan ko ay hindi ko maaninaw ng maayos ang mukha nung lalaki. Kaya naman pag lapit ko ay hindi ko inaasahan na sila ang makikita ko.
"Hi, kerley! Nag tratrabaho kapala dito?" kuryosong tanong ni anthony sakin.
Tipid lang akong ngumiti. Ayoko sumagot.
"May kailangan ba kayo? Marami pa kasing costumer na aasikasuhin e." agad namang nanghingi ng pasensya si Konstantinos sakin
"Ayos lang. Sige balik na kami sa trabaho. Nikki, arat na!" agad namang tumalima si Nikki at naunang umalis don.
Bigla namang Dumagsa ang mga tao kaya mas lalong bumilis ang kilos ko. Kahit na tumulong na ko para dagdag tauhan ay kulang parin dahil sa dami ng tao.
Ang dami pa ng mga gusto. Hindi na lang hingin isahan e. Isa isa pa talaga.
"Kerley, kumain kana muna dito! Mamaya kana ulit diyan." sigaw ni ate Norma mula sa pwesto ni Luna.
"Mamaya na ho! Marami pa pong costumer." sigaw ko rin pabalik dahil medyo malayo ako sa kanya.
Nakita ko pa siyang mapabuntong hininga at mapailing bago ulit pumasok sa kusina. Nag patuloy naman ako sa pag kuha ng order ng iba.
"Saglit lang nikki." hindi naman siya nakinig at kinalabit parin ako kinalabit. "Tama puba lahat?" tanong ko sa grupo ng mga construction worker.
"Oo, tama lang lahat." sagot ng isa sa kanila na medyo nakakailang yung paraan ng pag titig sakin.
"Ok po." sagot ko at nginitian pa sila bago pagtuunan ng pansin si Nikki at umalis na don.
"Bakit ba?" may itinuro lang naman siya at sinundan ko lang ng tingin 'yon.
Eh?
"Anong ginagawa niyo?" nagtatakang tanong ko kahit na kikita ko naman yung ginagawa nila.
"Tumutulong. Kulang daw kasi kayo sa tao sabi non oh..." tinuro niya pa si Luna abala sa pag aayos ng order. "...kaya ito. Tutulong na kami."
Mag tatanong pa sana ako kung sure ba sila don pero dahil tinawag ako ni Luna ay hindi ko na ginawa at hinayaan sila.
Kahit sila Konstantinos na anak mayaman at sanay na pinagsisilbihan ay nag silbi para sa iba. Ayos ah...
"Ako na diyan. Kumain kana muna sa loob, kami na bahala." inagaw niya sakin yung tray na may laman na pagkain ng mga construction worker.
"Pero—" agad niya kong pinigilan sa pag tanggi sa pamamagitan ng pag lapat niya ng hintuturo niya sa labi ko.
"Wala ng pero pero. Kaya na namin to. Mananghalian kana, baka himatayin ka sa gutom." sabi pa ni Ali.
Wala naman na kong nagawa kundi ang sumunod dahil ramdam ko na rin naman talaga kanina pa ang pag kalam ng sikmura ko.
Agad namang sumunod si Nikki sakin pagpasok sa kusina.
"ate oh, tubig mo." abot niya sakin ng tubig kaya nginitian ko naman siya at nilapag 'yon sa mesa don.
"Salamat, Nikki. Gusto mo ba kumain ulit?" tanong ko sa kanya at saka siya tinignan saglit habang sumasakdok ng pag kain.
"Ayaw,ate. Aantay pa ko lutong meryenda ni mama. Masarap 'yon! Ube halaya." kitang kita ko ang pag katakam sa mukha niya lalo na ng dilaan niya pa ang labi niya at umarte na ninanamnam niya na ang sarap ng ubeng halaya na gawa ng mama niya.
Sa halos ilang taon kong kumakain dito ay napapansin ko na magaling umarte ang batang ito. Talented din siya dahil para sakin ay maganda ang boses niya at magaling siyang sumayaw.
Ewan ko ba, talent ng iba mabilis kong makita pero talent ko hindi ko man lang makita kita.
"Ate, kaibigan mo ba yung mga lalaki na tumulong satin?" napaisip naman ako sa tanong na 'yon.
"Hindi. Kakilala ko lang sila." tumango tango naman siya bago mag paalam na lalabas daw muna at iniwan akong kumakain don mag isa.
"Salamat sa tulong mo, kerley." biglang sabi ni ate Norma na bigla bigla nalang sumusulpot.
"Wala po 'yon. Lagi ko po namang ginagawa yun tuwing dagsa ang tao dito sa inyo." naupo siya sa kaharap kong upuan.
"Kaya nga't nag papasalamat ako sa'yo dahil don." saad niya at hinawakan pa ang buhok ko at masuyon iyong hinaplos.
"Kumain na puba kayo?" tumango siya.
"Oo kanina ng may lalaking pumasok dito at nag presintang siya na daw ang magtutuloy ng pag luluto ko para makakain daw ako. Andon siya sa kusina nag gagawa ng meryenda." na-curious naman ako kung sino 'yon.
"Maiwan na muna kita. Babalik lang ako don sa loob." nakangiting tumango lang ako sa kanya bago siya umalis.
Nagpatuloy naman ako sa pagkain. At ng matapos ay napasandal ako sa monoblock na inuupuan ko dahil sa pag ka busog. Pinababa ko muna ang kinain ko bago uminom ng tubig.
"Busog na busog?" napaayos naman ako ng upo ng magtama ang tingin namin ni Ali na bagong pasok dito sa kusina.
"Ano naman kung oo?"
"Sungit mo. Sabi ko sayo ngumiti ka lagi diba? Master mo ko." umikot nanaman ang mata ko dahil sa master na yan.
Hindi ko siya inintindi ay dinala na lang sa kusina yung pinagkainan ko para mahugasan ko. Naabutan ko pa si ate norma na nag huhugas ng plato.
"ate ako na po." prisinta ko.
Hindi naman na siya tumanggi at hinayaan ako. Pagod na rin kasi siya halata sa itsura niya. Ikaw pa naman simula umaga ay nag luluto na at nag aasikaso pa ng mga anak.
Tumingin naman ako sa nakatalikod na lalaki nag hahalo ng niluluto niya. Lumingon din siya sakin kaya nakita ko ang mukha niya.
So, si Calypso pala yung tinutukoy ni Ate Norma kanina.
"Tingin tingin mo diyan? Marunong akong mag luto. Culinary ?ajor ata to." napamaang naman ako sa kanya.
May sinabi ba kong hindi siya marunong mag luto? Itong baklang to. At tsaka nag tanong ba ko kung anong major niya?
Ayos ah?