01

4423 Words
Today, may gaganaping festival sa University for us, Seniors. Isang linggo pa naman bago ang exam week pero may pa festival sila para sa amin. It's always happened naman, every year may pa ganto. Parang bilang pamamaalam narin para sa mga Seniors. At para na rin sa pag alis nila sa mga clubs na sinalihan nila Since wala naman akong club na sinalihan dahil hindi ko naman gusto ang course na kinuha ko but then suddenly natutunan ko na lang mahalin ang Business Management, dahil wala naman akong choice. At ang isa pa di ko naman talaga alam kung ano talaga gusto ko. "Hey!" napabuntong hininga naman ako dahil nakakarinding boses na 'yon. Hindi ko siya pinansin at nag kunwaring hindi ko siya narinig. "Alam kong narinig mo ko, Kerley. Pansinin mo na—" "Kulang kaba sa pansin, Adrian?" imbis na mainsulto sa tanong ko ay napangiti pa siya. Naiiling ko na lang na inalis ang tingin sa kanya. Ako lang mag isa ngayon dito sa Sunrise Garden dahil halos abala ang lahat sa field para mag ayos at mag saya. Hindi ako anti-social. May mga kumakausap naman sakin sadyang hindi ko lang sila tinuturing na kaibigan, dahil hindi ako mabilis mag tiwala sa ibang tao. Iisang tao lang pinag kakatiwalaan ko at nasa Newyork pa ang gaga. "Buti naman at pinansin mo rin ako. Oo nga pala, bakit ka andito? Ayaw mo mag saya don sa may field?" hindi ako sumagot at sinuot na lang ulit ang earphone ko para hindi ko na marinig ang nakakarindi niyang boses. "Ahh ayaw mo nga..." rinig ko pang saad niya. Naging tahimik naman kaming dalawa dahil hindi na ulit siya nag salita pero kita ko mula sa gilid ng mga mata ko na hindi niya tinanggal ang tingin sakin. Hindi ako manhid, I can read between the lines. At mas lalong hindi ako tanga. Alam ko noon pa na may gusto siya sakin. Bukod sa inamin niya 'yon sakin noon, nararamdaman ko. Gwapo naman siya, mayaman, malinis sa katawan, mabango at maganda ang pangangatawan pero hindi ko siya gusto. Pake ko sa pisikal na anyo niya. Oo at pogi't mayaman nga. Hindi naman kanais nais ang ugali. Bukod sa may pag ka gago siya, mayabang din siya. At higit sa lahat mahilig makipag basag ulo. Maski babae na babangga sa kanya ay hindi niya papalampasin. Dahil may kaya sa buhay ay mahilig ng mang maliit ng iba. Hindi sa sinisiraan ko siya pero sa buong college year ko, palagi ko siyang nakikita. Nag papapansin siya sakin lagi. At na ikwekwento sakin ng iba naming kaklase na ganon siyang klase ng lalaki dahil inaakala nila na manliligaw ko siya. But no, hindi ko nga siya pinayagang manligaw sakin dahil bukod sa ayoko ay hindi pwede. "Bakit napaka sungit mo sakin? Ngumingiti at tumatawa ka naman sa iba pero bakit sakin lagi kang masungit?" deretso ko naman siyang tinitigan sa mata kaya umayos siya ng upo at nakipag titigan pa sakin. "ayoko kasi sa papansin. Kaya kung pwede lang lumayas kana sa harap ko. Makisaya kana lang sa iba don sa field." mataray na sabi ko bago siya tuluyang hindi na pansinin hanggang sa umalis siya at iwan na kong mag isa. Nagkaroon rin ng katahimikan. Ilang oras din akong tumambay don. Hanggang sa mabagot ako at makaramdaman ng gutom kaya nag punta ako sa field para mag hanap ng makakain. May mga stall naman silang itinayo para sa mga pakulo ng mga Freshmans. Nahirapan akong mamili dahil sobrang daming pag pipilian at halos lahat ay gusto kong tikman. Kaso...on diet ako ngayon kaya kailangan ko talagang mamili lang. Habang nag lalakad at nag titingin tingin pa ng mga pagkain kahit may nabili na ko ay napaderetso ako ng tingin sa harapan ng makarinig ako ng napakalakas na tawanan ng mga kalalakihan na papunta sa direksyon ko. Gumilid naman ako dahil nakakahiya naman sa kanila baka masikipan sila sa daanan. Pinigilan ko naman ang sarili kong sigawan ang isa sa kanila dahil sa pag apak niya sa sapatos ko. Oo nga't hindi naman niya sinasadya pero kulay puti yun at mahirap labhan. "Sorry miss!" pilit naman akong ngumiti sa lalaki kahit na halos umusok na ang ilong ko sa inis. "Wala 'yon. Gumilid na nga, naapakan pa." bulong ko sa mga huling sinabi ko. "Sorry, hindi ko naman sinasadya." hingi niya ulit ng tawad at bahagya pang yumukod sa harap ko. Pinagtitinginan na tuloy kami ng ibang tao dahil nag kukumpulan kami don. I mean nag kukumpulan ang mga kaibigan niya dito. "I said it's fine. So, please... Go ahead. Stop saying sorry, hindi naman matatanggal ng sorry mo yung mantsa ng sapatos ko. Kaya sige na umalis na kayo sa harap ko." ngumuso pa siya sa harap ko bago mapakamot sa batok niya at lumingon sa mga kasama niya. Mukhang bibe. Akala mo naman cute. Napairap naman ako ng wala sa oras. Kaya mas pinili ko na lang na umalis don at bumalik na lang sa graden. Naupo naman ako agad sa pwesto ko dito lagi at nilapag sa gilid ko ang binili kong pag kain. Hindi ko 'yon agad ginalaw dahil lumutang kung saan ang isip ko at hindi sa pagkain ko. Who are they? Ngayon ko lang nakita ang grupo na 'yon. Most of them is familiar to me. But yung iba at lalo na iyong nakaapak sa sapatos ko ngayon ko lang siya na kita. Oww...this festival is open for everyone. Kaya kahit outsider ay pwedeng makapasok. So... He's one of Stain's friend, huh? Well, Lahat naman sila ay attractive kahit na hindi katulad sa mga libro ang itsura nila. Masasabi ko na, lahat sila ay may kakaibang aura or what kaya napapansin agad sila. But yung tawa nila? Grabe para akong nasa palengke dahil sa lakas ng tawanan at kwentuhan nila. I hate those kind of mens— people to be exact. Yung maiingay na parang taga diyan lang sa tabi tabi. Yes, that man is kinda attractive but i think he's not on my level. And who cares if he's not? So what? Ano naman kung mag ka level kami? I hate boys because they just break me. Tulad na lang ng nangyayari kay Cath. Everytime that she had a boyfriend they always cheating on her. Kaya lagi siyang umiiyak sakin sa video call. Pero hindi naman siya nadadala sa mga nararanasan niya. Ayokong maranasan 'yon kaya hanggang maaari, ayoko sa mga lalaki. "Ahmm...Hi ate?" napatingin naman ako sa pinang galingan ng boses na 'yon. Hindi ko na pigilang manlaki ang mga mata at manigas bigla sa kinauupuan ko ng makita kung sino siya. Napaayos naman ako bigla ng peke siyang umubo. Hindi ko alam na natulala na pala ako sa kanya. Ukininam! "A-ate?" utal na banggit ko sa tinawag niya sakin. "Oo, ate. Bilang pag galang lang ganon. Kung ayaw mo pwede mo naman sabihin sakin kung ano gusto mong itawag ko sayo. Gusto mo ba ng Mahal? Babe? Baby? Honey? Sweetheart? Love? Babygi—" "Stop! Ang dami mong sinabi! Bakit kaba andito?" napapakamot naman sa ulo na tipid siyang ngumiti sakin. "Ahh...kasi sabi ni Darrel dito ka daw laging tumatambay e." saad niya. "So?" mag kakrus ang braso at naka dekwatro na tanong ko. "So...ayon, ano...HA HA HA pinuntuhan kita. Ganon." umarko naman agad ang kilay ko pataas sa kanya. "Ano ba yan! Wag mo kong taasan ng kilay. Sungit mo! Sige ka hindi ka maganda kung lagi kang ganyan." napamaang naman ang labi ko dahil sa mga pinag sasasabi niya. "Ngumiti ka kasi mas maganda ka pag nakangiti." dagdag niya pa habang may matamis na ngiti sa labi. Naitikom ko naman agad ang bibig ko at napaiwas ng tingin sa kanya ng ngumiti siya sakin. Bakit nakakainis yung ngiti niya? Tumikhim naman ako bago mag salita muli. Naiirita ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit. O baka dahil sa pag apak niya sa sapatos ko. "At bakit naman kita susundin?" naglakad muna siya papunta sa harap ko at don tumayo. Tiningala ko naman siya dahil mas mataas siya kesa sakin ngayon dahil sa pag kakaupo ko. "Kasi ako ang master mo. Kaya dapat lang na sundin mo ko noh!" Pinagkrus niya pa sa dibdib niya ang dalawang braso niya bago taas noo at nakangising tumingin sakin. Napairap naman ako ng wala sa oras. Bakit ko ba kasi kinakausap tong tao na to? "Baliw kaba?" mataray na tanong ko. Namulsa siya sa harap ko at biglang hinimas ang baba niya na para bang nag iisip siya. "Hmmm...parang?" nakangisi na ulit sakin na sagot niya. Wow...at hindi pa talaga siya sure sa sagot niya? Napailing na lang ako sa hangin. "Oh...oo nga pala kaya ako andito para sa sapatos mo na naapakan ko." dumapo naman agad ang tingin ko sa sapatos ko na nadumihan. Mas lalo lang akong nairita sa kanya dahil nakita ko nanaman kung pano kadumi yung sapatos ko. Ayoko pa naman sa lahat yung nadudumihan sapatos ko. "Oh anong gagawin mo? Mag sosorry ka ulit? As if naman na matatanggal ng sorry mo yung dumi diba?" may binulong siya na kung ano pero dahil nga binulong niya 'yon ay hindi ko narinig. "may sinasabi kaba?" pukaw na tanong ko sa kanya. Agad naman siyang tumingin sakin ng may nakakalokong ngisi sa labi. "Meron. Pero di ko sasabihin!" parang bata na nagtatago ng sikreto sa kalaro na sabi niya. "Okay." sagot ko. Hindi ako mapilit na tao. Pag ayaw, edi wag. "O-okay? Ayun lang sasabihin mo? Hindi mo man lang ako pipiliting sabihin sayo kung ano iyon?" parang gulat na gulat at hindi makapaniwalang tanong niya. Kunot ang noo lang naman akong umiling. Napamaang naman siyang mas napatitig pa sakin. "Bakit..." "Anong bakit?" nagtatakang tanong ko. "Bakit hindi ka ganon? Dapat pinipilit mo na ko ngayon e. Tas syempre mag papapilit muna ako kahit na sasabihin ko naman talaga. Bakit hindi mo ko pinipilit?" I just gave him a "Are you f*****g out of your mind?" look. At para naman siyang nababaliw na natawa. Andon parin ang hindi makapaniwalang reaksyon sa mga mukha niya. "Iba ka...ibang iba ka sa kanila. By the way, bakit mag isa ka lang dito? Anti- social ka noh?" ganon kabilis niyang binago ang usapan. "No." tanging sagot ko. "Masungit ka kasi kaya wala kang kaibigan." sabi niya bago lumuhod sa harap ko at may kinuhang panyo sa bulsa niya. Judgmental ang gago. "Ayoko lang talagang makipag kaibigan at ano bang paki mo?" tinuon ko ang mtalim ko tingin sa kanya habang abala siya sa pag pupunas ng sapatos ko. "Wag mo na gawin 'yan! Ayos lang. Hayaan mo na 'yan!" saway ko sa kanya ng pinusan niya ng panyong hawak niya yung sapatos ko. Sinubukan ko pa iyong ilayo sa kanya pero hinawakan niya ng mahigpit ang sapatos ko para hindi ko magawa. Hindi siya na kinig at pinagpatuloy lang pag alis ng duming dinulot niya sa sapatos ko. Sige bahala ka. Tigas ng ulo mo. "Kumain kana diyan, habang nililinis ko to." Don ko lang naalala yung pagkain ko na hindi ko parin nagagalaw. At sino siya para utusan ako? Binuksan ko naman agad yung Coke na binili ko at uminom don. Bago siya panooring linisin yung sapatos ko. Hinintay ko muna siyang matapos bago ako kumain. Ayoko namang kumain habang ginagawa niya 'yon. Ano ako señorita? "Ayan! Tapos na. Malinis na siya!" pumapalakpak pa na sabi niya habag may wagas na wagas na ngiti sa labi. Parang napakalaking achievement naman para sa kanya na nalinis niya yung sapatos ko. "Salamat. Dapat hindi mo na ginawa yon. Kaya ko namang linisin yan sa bahay." hindi niya naman pinansin ang sinabi ko at binulsa lang ang panyo niya bago maupo sa kabilang gilid ng inuupuan ko. "Sabi ko kumain kana diba? Uminom ka lang e." binuksan niya pa yung burger na binili ko at iniabot sakin pero hindi ko 'yon tinanggap. "Iyo na yan. Ito na lang kakainin ko." nakakaawa naman kasi at baka wala pa siyang kain sa payat niyang yan. Nakita ko naman kung pano siya matigalan sa kinauupuan niya kaya agad ko siyang tinaasan ng kilay. Umayos naman siya agad at kinuha yung takoyaki sa kamay ko at siya mismo ang nag bukas. "Tanggalin mo muna yung tape para mabuksan mo." utos ko dahil pilit niyang binubuksan yung kahon na hindi niya pa tinatanggal yung tape. "Wag kang kabahan, ako lang to." may kayabangan na sabi ko at nginisian lang siya. Tumikhim lang naman siya at hindi pinansin ang sinabi ko. Psh. "Oo nga pala...I'm Alisander Jake Miller." pagpapakilala niya at nilahad pa ang kamay sa harap ko. Mukha bang tinatanong ko? Tinanggap ko lang 'yon at hindi sinabi kung sino ako. Eh sa ayoko e. Pero kabastusan 'yon. Hindi naman siya mukhang nabastusan sa inasal ko dahil nakangiti pa nga siya. Baliw talaga to, sure ako. "may socmed ka?" biglang tanong niya ng pareho na kaming kumain kaya natahimik siya saglit. Tapos ayan nag iingay nanaman. "May tao pabang walag social media accounts sa panahon ngayon?" tanong ko rin. Nagkibit balikat lang naman siya. "Ewan. Malay mo meron. Ayaw mong sabihin sakin pangalan mo kaya social media account mo na lang. Kahit f*******: lang o kung anong meron ka. Pwede ring i********: mo, twitter, tumbler, what's up, o kaya telegram tsaka snapchat. Ikaw kung anong meron ka." so, he really have this personality na kahit na napakaikli ng tanong mo sasagot siya pero may bagong topic na mabubuksan. "I have all of that. Which one you want to know first?" dinukot niya naman agad sa bulsa niya yung phone niya at iniabot sakin 'yon. "Ako si Ali ang pinaka pogi. Yun yung password ko. Pero without space yon, ha!" tinanype ko naman 'yon sa phone niya para mabuksan. Anong klaseng password 'yon? Napaka hangin. Since i********: una kong nakita, yun ang binuksan ko. Tinype ko lang yung IGN ko at finollow 'yon. At tsaka binalik sa kanya yung phone niya ng nakapatay. "San mo inano?" tanong niya habang kinakalikot na ang phone niya. "Hanapin mo na lang." sagot ko at nag patuloy sa pag kain ng takoyaki ko. Nilingon ko pa siya ulit at nakitang salubong na ang kilay niya at ngunot na ang noo habang naghahanap parin sa phone niya. Mahihirapan siyang mahanap yun dahil pinag pipindot pindot ko pa yung mga recently searched niya para matabunan yung akin. Kawawang bata... "Asan ka na...mag pakita ka..." rinig ko pang kausap niya sa hawak niya. Ngumisi lang naman ako bago tumayo para lumapit sa basurahan at itapon don ang pinagkainan ko. Uupo na sana ako ulit ng bigla siyang sumigaw na nag pahinto sakin dahil sa gulat. "Yown!! Nakita ko rin! Kala mo ha, malupit mag hanap to! Huh!? Kerley Dice pala ah..." Ang bilis niya namang nakita? Tama siya @Kerley_Dice ang IGN ko. "pero wala ka masyadong post dito sa IG mo. Bakit? Hindi kaba mahilig mag picture?" kalmado ng tanong niya habang nag scroscroll sa timeline ko. "Mahilig. Hindi lang ako pala post." sagot ko na ikinatango tango niya naman. "Kanina kapa andito sa garden na to?"sunod na tanong niya ng makita kong i view niya ang story ko. tumango naman ako. "bago sumikat yung araw? Grabe..." Kanina pa talaga ako andito, Mga tatlo o apat na beses akong gano kaagang nag pupunta dito sa school para mag jogging at para narin panoorin ang pagsikat ng araw. Since pwede namang pumasok dito, hindi nga lang pwede sa may mismong campus. Hanggang dito lang sa palibot ng garden. Malaki at malawak naman na to, tsaka medyo tanaw na rin naman dito yung campus kaya, hindi na masama. "Palagi kabang nag pupunta dito ng ganon kaaga para lang abangan yung pag sikat ng araw?" bakit ang daming tanong? "Hindi. Minsan lang three to four times a week lang. Ganon." napatango tango naman siya sakin. "Ano pa itatanong mo? Baka meron kapa diyan? Nakakahiya naman kasi sayo at napakachismoso mo." sarkastikong sabi ko sa kanya. Tumawa lang naman siya sakin. Inirapan ko lang siya ng mata bago napahinga ng malalim. "Kaya ba sunrise garden tawag dito kasi dito sumusikat yung araw?" "Ay hindi, baka dito lumulubog yung araw kaya sunrise tawag. Bobo kaba?" Umarte siyang nasasaktan at may pahawak pa sa dibdib niya na para bang sinaksak ko siya don. "Grabe...ang harsh mo naman, hindi pwedeng mag tanong? Hindi naman kasi ako dito nag aaral kaya malay ko ba? Baka kapag nalaman mo na napaka laki ng chance na ako maging Magna c*m Laude sa Engineering sa school namin baka sambahin mo ko niyan?" Grabe ang hangin! "Ulol! Asa kang sasambahin kita. Kahit ikaw pa pinaka matalinong tao sa buong mundo, hinding hindi ako luluhod sa harap mo." "We? Talaga? Hindi ka luluhod sa harap ko kahit kailan?" may kakaibang kislap sa mga mata niya at dahil sa ngisi niya ay parang may kung anong tumatakbo sa isipan niya. "Never." matigas na sagot ko. Nakangising napatango tango naman siya. "Ok. Sabi mo e. Pero sure ka, hindi talaga?" nangaasar na na tanong niya ulit. "MR. MILLER ilang beses kabang inire ng nanay mo? Napaka tigas ng ulo mo." masungit na saad ko at gusto na siyang pitikin sa noo. "Matigas naman talaga ulo ko. Minsan may iba pang ano na matigas." kumunot naman ang ulo sa sagot ko dahil may iba pa siyang tinutukoy don. "Anong iba pang ano?" kuryoso talagang tanong ko. Pero nginisian niya lang ako. At dahil sa ngisi niya na 'yon na sinabayan pa ng pagtaas taas ng kilay niya at naintindihan ko rin kung ano ang tinutukoy niya. "Oh..my..god... My innocent ears and mind. Oh, please...shut up, jerk!" napatakip pa ko sa tenga ko para hindi marinig ang mga iba niya pang sasabihin. Tawa lang naman siya ng tawa. Napahawak pa siya sa tiyan na para bang sobrang nakakatawa yun. Mas lalo lang akong nainis sa pag tawa niya. Anlakas masyado at nakakarindi. Bwisit to, pinagtawanan pa ko. Close ba kami? Dinampot ko agad yung bag ko at binitbit 'yon. Nagmamadali akong mag lakad kahit na naririnig ko ang pag tawag niya sakin ay hindi ko siya nilingon. "Hoy sandali!" hinatak niya ang braso ko paharap sa kanya para matigil ako sa pag lalakad. "Bakit kaba nag mamadaling umalis?" napairap naman ako bago siya harapin. "Hindi ako nag mamadaling umalis. Gusto ko lang mag punta sa field..." sabi ko. "Edi samahan na kita, andon naman sila Darrel e. Sama kana lang samin para dika loner!" hindi niya na ko hinayaang makatanggi at hinatak ako agad papunta sa field. Aba't pala desisyon? "Bitawan mo na palapulsuhan ko." utos ko dahil hindi kaya ko namang mag lakad pasunod sa kanya kahit hindi niya ko hawak. Hindi niya ginawa at mas hinigpitan pa ang hawak ng subukan kong kumawala sa pag kakahawak niya. "Ano ba? Kailangang hawak hawak talaga ako? Mukha ba kong tatakas?" tumango naman siya habang hindi lumilingon sakin. Inis na lang akong napabuntong hininga at napairap sa hangin. Bat ba ko sumama sa taong to? Pwede naman akong tumanggi ngayon palang, pero bakit hindi ko magawa? Lumingon lingon lang naman ako sa mga stalls na nadadaan namin. Ang eeffort naman ng mga nag ayos nito. Maski yung ibang boots meron din. Nag mukha talagang festival dahil may mga badiritas pa. Sa bandang gitna ng field ay maraming tao ang nag aayos ng stage. Maayos naman na yun kanina para sa opening pero since may gaganapin na contest bukas mas inaayos pa nila iyon. "Aray!" daing ko ng tuma ako sa likod ng kung sino. "bakit ka naman bigla biglang humihinto diyan?!" inis na tanong ko habang hinihimas himas yung noo ko. May narinig naman akong tumikhim sa harapan namin kaya don nalipat ang paningin ko. At mas nainis ako ng makita kung sino 'yon. Wala sa oras na napairap ako dahil halatang handa na siyang makipag away. "Bakit mo siya hawak hawak?" malamig ang boses at pagkakatitig niya kay Alisander sa tanong niya. "Boyfriend mo?" bulong nitong nasa harap ko. "Hindi." sagot ko at sinadya ko pang iparinig kay Adrian 'yon na naningkit lang lalo ang mata. At mas sumama ang tingin niya sa kamay ni Ali na hanggang ngayon nakahawak parin sakin. "Boss, pwede mo na ba kami padaanin? May pupuntahan pa kasi kami." hindi man lang kakitaan ng takot o kaba tong lalaking nasa unahan ko. Ngumiti pa kay Adrian. Tumiim naman lalo ang bagang ni Adrian at agad na sinunggaban ng sapak si Alisander. Nawindang naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa lakas non at halos tumilapon na siya. "Hoy! Ano ba? Anong problema mo?!" singhal ko sa kanya habang tinutulak siya palayo kay alisander. Wala siyang naging tugon. Tanging ang malamig na tingin niya lang ang pinapakita niya sakin. At hinahayaan niya lang akong itulak siya. Pero dahil mas malaki at mas malakas siya sakin nahihirapan akong ilayo siya. Kaya tinigilan ko rin agad, dahil na rin nakukuha na namin ang atensyon ng ibang estudyante. "Ayos ka lang?" nag aalalang tanong ko kay Alisander ng makitang dumudugo na yung gilid ng labi niya. "Ayos lang ako. Don na lang tayo sa kabila dumaan?" tumango na lang ako at sumang ayon para hindi na matuloy ang away na 'to. Lalakad na sana kami para umikot pero agad na hinawakan ni Adrian yung kwelyo ni Alisander. "Ano ba!? Tumigil kana nga!?" pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa kwelyo ni Ali pero hindi ko magawa. "Sino kaba sa akala mo? Ano ka sa buhay ni kerley? Anong karapatan mong hawakan siya? Saan mo siya dadalhin?" sunod sunod na tanong ni Adrian habang mas nanlilisik na ang mata. Dahan dahan naman akong napabitaw sa braso niya dahil sa takot. Grabe...nakakatakot siyang tignan pag nagagalit. Parang may kung ano sa mga mata niya na magpapaatras sayo oras na matitigan mo 'yon. "Pare, ayoko ng away. Kaya kung pwede lang bitawan mo na ko." lumipat naman ang tingin ko kay Alisander na hindi ko talaga makitaan ng takot o kaba. Hindi ba siya natatakot na baka hindi siya pagbigyan ni Adrian at bugbogin siya mismo sa kinatatayuan niya? Mas malaki ang pangangatawan ni Adrian kesa sa kanya. Pero bakit kampante lang siya? "Sa tingin mo ganon ganon na lang kitang paaalisin pagkatapos mong hawakan si kerley? Huh?" matigas at punong puno ng galit na singhal niya kay Alisander. Napabuntong hininga pa si Alisander bago mapapikit dahil sa biglang pag amba ni Adrian sa kanya ng sutok. Maski ako ay napapikit dahil ayokong makita kung paano niya sasapakin si Alisander. Pero ilang segundo na ang lumipas pero wala akong narinig na kahit na anong tumilapon o tumama. Dahan dahan ko naman minulat ang mga mata ko at unang dumapo 'yon sa isang taong bagong pasok sa eksena. Naka black hoodie siya na oversized at naka khaki shorts with white sneakers. Sout niya sa ulo niya ang hoodie at nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi ko makita ang mukha niya. Sino naman to? Hindi siya ganon ka tangkad. Sa pangangatawan niya ay parang babae siya. "Hanggat nakikiusap pa yung tao sayo,pakawalan mo na." malamig at walang emosyong sabi niya habang nakapigil parin sa kamao ni Adrian na dapat tatama kay Alisander na ngayon ay hawak niya parin sa kwelyo at nakatingin sa tumulong sa kanya. Doon ko nasigurado na babae nga itong nasa harapan ko. Dahil sa boses na meron siya. Hindi 'yon malambing o mahinhin at mas lalo ng hindi 'yon malumanay. Parang boses siga na babae. "At sino ka naman? Pakealamera kaba?" mas lalong nagliyab ang nanggagaliting emosyon sa mukha ni Adrian. Don niya binitawan si Alisander na ngayon ay parang may pinipigilang ngiti sa mga labi. Masaya kapa talaga? "hindi ko ugaling makealam pero pag kaibigan ko ang tinalo mo, ako ang makakaharap mo. Kaya kung ako sayo itigil mo na to." inis naman na natawa si Adrian sa sinabi ng babae yong. "At sa tingin mo natatakot ako? Sige...sa ngayon pag bibigyan ko kayo, hahayaan ko kayong umalis sa lugar na to ng hindi na sasaktan pero hindi ako nangangako na walang mangyayari sa inyo pag kalabas niyo dito." kumabog ng malakas ang dibdib ko ron. Alam kong kaya niyang ipagalaw ang mga to sa labas ng university na to. May iisang salita ang tao na to, at kung ano ang sinabi niya dapat yun ang mang yayari. "Ano ka Highschool student?" pahabol na tanong pa ng babae na to. Bwisit to! Bakit kapa nag salita? Tuluyan namang nawalan ng emosyon ang mukha ni Adrian. Don mas lumala ang bulungan ng mga taong nanonood lang samin. Maski ang mga kasama nitong si Alisander ay nanood lang. Wala ba kayong balak tumulong? Ano to sine? "Gago, siguradong patay yang tao na yan na nakahoodie." "Lagot talaga." "kung makalabas man yan dito, siguradong may nag aabang na sa kanya sa labas." Mga narinig kong bulungan ng iba. "Adrian...tama na. Hayaan mo na sila." utos ko sa kanya pero ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. "Pare, hindi ako mapang husgang tao. Alam kong may dahilan ka kung bakit ka ganto. Hindi ko alam kung ano 'yon. Pero, palampasin mo na to. Kung gusto mo ang babaeng yan..." itinuro niya pa ko kahit na nakatalikod siya sakin. "...tanungin mo siya kung gusto ka rin niya. Kung oo, edi go. Bakuran mo pero kung hindi...wala kang karapatang manakit ng iba dahil lang malapit sa kanya. Pag inggit, pikit. Less Selos." dagdag pa nito at natigilan naman si Adrian sa sinabi ng babaeng 'yon. "Ikaw...baki—" "Hello, ma?" natigil sa pag sasalita si adrian ng biglang sumagot ng tawag yung babae. "Andito lang sa tabi tabi—po?" napakamot pa sa ulo yung babae bago mapabuntong hininga. "Opo, sige uuwi na." Agad naman siyang nag lakad paalis. Walang lingon lingon o paalam man lang. Hindi naman makapinawalang sinundan ng tingin ni Adrian ang babae hanggang sa tuluyan na tong mawala. Agad na nawala ng reaksyon ang mukha nya ng mag tama ang tingin namin at agad rin siyang umiwas bago mag lakad paalis. Hindi ko 'yon pinansin at hinayaan siyang umalis. Okyupado ng babaeng yon ang isip ko. Sino 'yon? Ang tapang niya naman para kalabanin at kausapin si Adrian ng ganon. Hindi ba siya natakot sa mga nanlilisik na mata ni Adrian? Kakaiba siya... Kung ibang babae siguro 'yon ay walang sino man ang lalaban kay Adrian. Bukod sa pamilya ni Adrian ang may ari ng University, alam nilang walang aatrasan si Adrian. Ang lalaking 'yon. Napaka immature at napaka panget ng ugali. Pero sino ba talaga yung babaeng 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD