Mula dito sa back stage ay rinig na rinig ko na ang ingay mula sa labas. Malapit na...malapit ng mag si datingan ang mga guest. Hindi na bago sakin ang ganto pero bakit parang kinakabahan ako?
Well...maybe because this is the first runway na gagawin ko sa pinas. Kakauwi ko lang pero ito may fashion event na agad.
Nakakaexcite na nakakakaba dahil this is the first time na makakasabay kong rumampa ang isang Amarathine at Amandine sa runway. Nakasama ko naman na sila pero sa mag kahiwalay na show. And now we're on the same show.
Sa rehersal palang ay medyo kinakabahan na ko. Like duh? Isang Pearl of asia at isang Worldwide model lang naman sila. At ako? Hindi ganon kataas ang titulo ko pero sapat na sakin 'yon.
"Hey!" napadilat naman ako agad ng marinig ang pamilyar na boses na iyon sa likod ko.
"Oh...Hi! Kararating niyo lang?" bati ko pabalik kay Amandine na nakatingin sakin mula sa salaming nasa harap namin.
"Yeah. You're so pretty talaga noh?" pinamulahan naman ako ng pisngi dahil sa papuri niyang 'yon.
"Ahmm...thanks." nahihiya pang pagpapasalamat ko na ikinatawa nila ni Amaranthine.
"You still being shy to us. Don't be,sis. We're friends naman e." kinurot niya pa ang pisngi ko bago siya maupo sa kabilang upuan para mag kapag ayos na rin.
"Yeah, Amaranthine is right. Don't be conscious to us. Tao parin naman kami." Amandine said before she winked at me and go to her seat to prepare too.
Those girls is really that nice. Hindi sila tulad ng ibang tao na mapagmalaki dahil lang sa kilala sila. Pero hindi ko maiwasang maconscious sa sarili ko pag nasa tabi ko sila. Oo nga't pareho ko na silang nakatrabaho pero iba sa pakiramdam na pareho ko silang kasama ngayon.
"Hi girls! Ready?" we all looked at her.
Hirochi Zhou...one of the famous designer of the town. And yes her works and design Ang irarampa namin. She also the designer in Creation's.
Creation's is one of the most known Luxury Clothing store. Her boss, Berkley Pierce Bradford arranged this show for her. Something fishy. But nevermind.
"Yes, ofcourse madam we're ready!" magiliw na sagot Amaranthine kay Hirochi.
"That's good. 10 minutes na lang at mag uumpisa na tayo. So let's pray?" agad naman kaming bimilog para makapag dasal.
Lahat kami ay yumuko at pumikit.
"Sa ngalan ng ama...ng anak...ng spirito santo, Dear god, please guide and help us to make this show perfectly imperfect. Give us the courage and confidence that we all need. Sana po ay walang mangyari masama or anything na maaaring maging abirya. Thank you for this opportunity, god. Amen."
Nakangiting inilibot ni Hirochi ang paningin niya saming lahat bago siya huminga ng malalim at mag salita.
"Goodluck ladies. Ngayon palang mag papasalamat na ko sa inyo. Alam kong magiging sucessfull ang show na ito. And advance Congratulations!" she's so cute lalo na ng nagkunwari siyang nag pasabog ng confetti ng batiin niya kaming lahat.
Well... That man is really on cute girls. Ever since.
She gave us a kiss in cheeks before she go out to check everything outside.
"She's a good designer, right?" punong puno ng paghangang nakatingin si Amandine sa damit na suot niya habang sinasabi iyon.
"Yeah. Pag talaga may party akong pupuntahan sa kanya ako magpapagawa ng dress. O kaya hihiramin ko yung suot mo ngayon. Damn...it's really pretty you know?" tukoy niya sa suot kong fairy dress.
"Pwede namang ito ang suotin mo kung pupunta ka sa kasalan. Or any event na tutugma itong damit na to roon."sagot ko na ikinatango naman nilang pareho.
Lahat naman ng suot namin ay maganda. Napakaelegante nga ng damit na suot nilang dalawa. Ganon rin ang akin.
Nakihalubilo kami sa ibang modelo. May iba na sinasabing kinakabahan raw sila. Mas lalo naman ako dahil nga si Berkley ang boss ni Hirochi hindi ko maiwasang maisip na baka andito siya. Tahimik kong hinihiling na sana ay wala siya. Pero alam ko na mahilig siya sa magagandang babae kaya pwedeng andito siya para mag pantasya.
Tssk.
"Oh my god! Andaming business man and womens sa labas. Grabe yung kabog ng puso ko ng naglalakad na ko dahil ang intense ng titig ng iba." nagkatinginan naman kaming tatlo nila amandine at nag kangisian ng pagbalik sa backstage ng isang modelo ay parang nag hihistorical ito.
Ganyan din ako nung bago palang.
"Ok Ms. Pearl of asia. Ms. Worldwide Model and Ms. Famous Model in Newyork. The runway is all yours..." muntik pa kong ma out of balance sa kinatatayuan ko na mag hahatid samin sa stage kung hindi lang ako nahawakan ni Amaranthine.
Bwisit! Bigla kasing gumalaw pataas. Wala man lang pasignal!
We have the grand entrance. Mula sa taas ay dahan dahan kami nung ibinaba at kasabay ng pag baba ay ang pasabog na usok.
Ako ang unang rarampa saming tatlo. Taas noo akong nag lakad at ngumiti sa mga tao. Huminto ako ng malapit na ko sa bandang dulo bago umikot at mag post ng may pagmamalaki.
I saw how he looked at me with so much desire. Mas napangiti ako dahil doon.
Do you still find me pretty, babe?
Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko ng unti unting nag bago ang emosyong makikita sa mukha niya. He staring at me coldly at nakatiim bagang pa talaga.
He's mad at me. Really? Siya pa talaga ang magagalit. Hindi ko tinanggal ang paningin ko sa kanya habang nag lalakad papunta sa kabilang gilid ng stage at don naman umawra.
Nakita ko kung pano siya tapikin sa balikat ni Khian. At kung paano siya sikuhin ni Faolan sa tagiliran. Tinignan niya ng masama ang dalawang kasama.
Magkaibigan ba sila ni khian? Hindi niya sinabi sakin yon ah. Ang walanghiya!
Kahit na nasa mag kabilang gilid kami ay hindi naalis ang tingin namin sa isat isa. Hanggang sa maglakad na ko papunta sa kinapwepwestuhan niya. Huminto ako ng nasa tamang spot na at doon inimuswera sa mga manonood ang ganda ng damit na suot ko.
Iwinaksi ko pa ang palda non. Alam kong muntikan ng tumama sa mukha niya 'yon dahil sinadya kong gawin yon. Kahit halos grabe ang kabog ng puso ko ay nagagawa ko parin siyang pagtripan. Before I exit, I turned around one more just to see how irritated he is. I smirked at him before I gave a flying kiss and turn my back to everyone.
Hanggang sa makabalik ako sa pwesto ay hindi naalis sa akin ang paningin niya kahit na si Amandine na ang nag lalakad ngayon. Ganon rin ako sa kanya. Inantay ko na siya ang unang mag kusang mag iwas ng tingin. Pero matibay siya.
Kahit na si Amaranthine na ang rumarampa at napuno ng palakpakan ang buong lugar ng magsimula siyang mag lakad. A well known model with nice personality. Hindi na nakakapag taka kung bakit marami ang nag kakagusto sa kanya.
Hindi niya inalis ang paningin niya sakin. Ganon din sana ako sa kanya kung hindi lang ako sinaway ni Amandine.
Nahagip ng pananigin ko ang punong punong pagmamalaki na mukha ni Zeal habang pinapanood ang pinsan niyang taas noong nag lalakad sa gitna ng maraming tao.
Ramdam ko parin ang mga titig niya na hindi niya ata talaga tinanggal sakin kahit saglit. Kumurap kaya siya?
Hindi na bumalik sa pwesto si Amaranthine at nanatili na sa gitna kaya nag simula kaming maglakad Amandine palapit sa kanya at tsaka nag punta sa mag kabilang gilid ng stage matapos huminto saglit sa gitna para mag post.
Hindi ko inalis ang seryoso kong aura habang inaantay na matapos ang ibang modelo na matapos sa pag linya.
"Bakit ni isa sa inyo walang nag sabi sakin na andito siya?" rinig kong inis na tanong niya sa mga kasama.
Nasa gilid ako ng stage kung saan andon siya. Hindi niya ko masisisi kung bakit dito pa talaga ako pwumesto e sa dito ako pinapwesto nung rehearsals e.
"Hindi ka naman nag tanong." sagot ni khian sa kanya.
Alam ko dahil alam ko ang boses niya at rinig ko sila kahit na may musika pa.
"Kahit na. Dapat sinabi mo parin sakin para di ako nag punta." reklamo niya pa sa kaibigan niya.
"Bitter? Mamaya kain tayo maraming asukal. Nang tumamis ka naman kahit papano. Arte nito. Andito kana nga e tas nagrereklamo kapa. Para kang ogag, bobo." gusto kong matawa dahil naiisip ko na ngayon kung ano ang reaksyon ni Ali sa sinabi na 'yon ni Berkley sa kanya.
Siguradong ang masamang titig niya ay nakatingin na ngayon kay Berkley at gusto niya na tong patayin sa inis. Sa apat na taon na relasyon namin, nakilala ko na siya.
Tinawag ng MC si Hirochi at nag bigay lang ito ng maikling speech niya at nag pasalamat sa mga nag punta. Napuno ng palakpakan ang buong venue bago kami bumalik sa backstage.
Agad akong naupo. Doon ko lang tuluyang pinansin ang panginginig ng mga hita ko at naghuhumirentadong puso ko.
Tangina hindi ganon kadaling magpanggap na hindi apektado sa presensya niya kahit halos tahip tahip na ang kabang nararamdaman ko habang nag lalakad ako. Oo nga't nakangisi pa ko sa kanya kanina pero halos gusto ko ng maluha habang nasa harap niya.
Yes, I came here for him. Because someone wants to meet him. But then suddenly I feel like i'm not ready to talk to him. To tell him everything. I looks like he's mad at me. Pakiramdam ko ay ayaw niya kong makita base sa pag kakatanong niya sa mga kaibigan niya kanina.
Oh...talking about his friends. I need to talk to Khian. He have something to explain to me.
"You okay?" napatingin naman ako bigla kay Amandine na nag aalalang nakaupo na ngayon sa tabi ko.
"Y-yeah." nautal na sagot ko kaya agad kong naitikom ang bibig ko.
"Liar." nalipat naman agad ang tingin ko kay Amaranthine na kapapasok lang sa dressing room at mukhang narinig niya pa.
"What do you mean?" kunwaring nag tatakang tanong ko.
"I saw how your eyes hide your emotions while you doing your walk. You don't trust us? Don't you? You can tell us what's the problem. Hindi ka namin huhusgahan." sinserong kausap ni Amandine sakin habang hawak pa ang kamay kong nakapatong sa hita ko.
"I know something about you and Ali pero hindi lahat ah! It's just like, they' re also my friends. One time nag kaayang mag inuman at kasama nila ako. Tapos ayon, maoy sa inuman nag drama tuloy. Kaya may nalaman ako. So...i just have a one question..." napataas naman ang dalawa kong kilay habang nakikinig kay Amaranthine.
Mabuti na lang at kami lang tatlo ang tao dito ngayon.
"Is he the father of your son?" walang alilangang tanong niya na ikanaiwas ko naman ng tingin sa kanilang dalawa.
Nabalot naman kami ng katahimikang tatlo ng hindi ako sumagot.
"You know what...kung siya man o hindi ay walang masama doon. We're proud of you because your so strong Kerley. Napalaki mo mag isa ang anak mo. Doon palang nakakaproud kana. Anong plano mo? Kaya kaba nag decide na umuwi dito sa pinas para sa tatay ng anak mo?" basag ni Amandine sa katahimikan naming tatlo.
I sighed heavily before i look to her eyes with my teary eyes.
"Owww...Kerley, my baby. Don't cry. Hush..." alo agad nila sakin.
Niyakap pa nila ako ng mahigpit dahilan para mas lalo lang akong mapaiyak. Mas lumakas lang ang hagulgol ko ng may higpitan pa nila ang yakap nila sakin.
I don't know why I'm crying like a baby today. The last time I cried is when I knowed that I'm pregnant after that hindi na ko umiyak dahil masama daw sa baby.
Siguro ngayon ko lang na ilalabas yung sakit na bitbit ko sa loob ng halos Limang taon. Ito siguro yung sakit na pilit kong binabaon sa limot pero hindi ko nagawa. Ito siguro yung sakit na akala ko nawala na, na nag hilom na pero nanatiling sariwa parin.
Hindi ko naman nasagot ang tanong ni Amaranthine sa'kin. Hinayaan lang nila ako na umiyak sa kanila. Hindi sila nag pumilit na makakuha ng sagot dahil sa paraan palang ng pag iyak ko ay parang alam naman na nila.
"We're sorry if we open that topic..." agad naman akong umiling kay Amaranthine habang pinapakalma ko na ang sarili ko mula sa pag iyak.
"No...it's fine. Buti nga kahit papano ay nailabas ko." pilit kong pinapatahan na ang sarili ko dahil baka biglang may pumasok dito at makita pa kong nag kakaganto.
"Bat 'di mo ilabas lahat?" parepareho naman kaming napatingin sa pinto at parehong gulat sa presensya ni Zeal.
"Z-zeal, kanina kapa andyan?" tumango lang siya bago umayos ng tayo mula sa pag kakasandal sa hamba ng pintuan at mag lakad palapit samin.
"If it's still hurt, you can cry. No one can and will judge you here. If they do, then I will sue them." seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko pag kahinto niya sa mismong harap ko.
"It's that a joke?" tanong ni Amaranthine sa kanya.
"No. I'm dead serious about it. I can file a case to them. Just a piece of cake." sagot nito sa pinsan niya na hindi niya man lang tinapunan ng tingin kahit saglit.
"Ahmm...there's a after party. You will come?" nag aalinlangang singit ni Amandine sa usapan.
Agad ko namang tinignan ang sarili sa salaming nasa likod ko at agad na inayos ang sarili bago tumayo at ngumiti sa kanila.
"Ofcourse. C'mon let's change para makapunta na tayo." yaya ko sa kanila at tinitigan pa nila ako na parang kakaiba ako bago mag si tango.
"She change a mood in a second. Don't be shocked." napangisi na lang ako kay Zeal bago siya iwan don at pumasok sa isa sa mga bihisan namin dito.
I composed myself while i'm changing my clothes. I need to calm down. I need to look fine to others like nothing happens in dressing room.
"Kasama ka?" nang aasar na tanong ni Amaranthine kay Zeal ng lalabas na kami ng dressing room.
"Bar ko 'yon. Baka gusto mong i ban kita don?" hindi ko alam kung nag bibiro lang ba si Zeal sa tanong niya na 'yon pero halatang nainis si Amaranthine doon.
"I'm a World Wide SuperModel, Zeal Anastasia. How dare you to do that to me?" pinamewangan niya pa si Zeal para mahinto to sa pag lalakad.
Zeal just looked at her flatly like she just looking at the wall.
Natatawa nalang ako na iiling habang pinapanood silang dalawa. Hindi na bago sakin ang ganitong bangayan nila.
"Phone mo?" nagtataka man ay agad nilabas ni Amaranthine ang phone niya at binuksan ito.
"Go to google." utos ni Zeal sa pinsan na agad naman nitong sinunod.
"Type "Where is the f*****g care of Zeal Anastasia Viero to me" Do you find it?" nakangising tanong niya sa pinsan niya na sinunod talaga ang sinabi nito.
Pero kalaunan ay maang din itong napatingin kay Zeal ng marealize na napagtripan siya ng pinsan niya. Hahampasin niya pa sana ito pero agad na nakaiwas sa kanya si Zeal na agad nag lakad palayo.
Inis tuloy na naglakad si Amaranthine habang tatawa tawa lang kami ni Amandine na nakasunod sa kanila.
"Gandang babae, pero laging nauuto ni Zeal." napapailing na saad ni Amandine sa tabi ko.
Tumawa na lang ako dahil don at dahil sa padabog na lakad ni Amaranthine habang tinatawag si Zeal na hindi naman na siya nilingon.
"Oh! Girls, andito na pala kayo kanina pa namin kayo hinahanap. Let's go na?" nag sitanguan naman kaming tatlo kahit na nakabusangot si Amaranthine.
Bago sumakay sa Van ay pinanood muna ni Amaranthine si Zeal na sumakay sa Ducati niya bago ito sigawan ng makaalis na.
"Ipapaban kita sa bahay! Hindi kana makakain ng cake na gawa ko!" sigaw niya sa pinsan ng patakbuhin na nito palayo ang motor niya pero bumawi ng sigaw si Zeal.
"Tanga! Kaya kong pasukin bahay mo para lang makakuha ng cake mo!" napapadyak naman sa inis si Amaranthine bago salubong ang kilay na pumasok sa van.
"Kainis! Kahit ano pang hightech ng security ng bahay ko kaya niya paring pasukin. Parang may lahing mag nanakaw e." napatingin naman samin si Hirochi dahil hindi tumigil sa pagrereklamo tong si Amaranthine tungkol kay Zeal.
"Mag kalahi kayo remember?" may nakakaasar na ngisi sa labi na birong tanong ni Amandine sa kaibigan na napa ungot na lang sa kinauupuan niya.
Naiba naman ang usapan ng mag kwento ng mag kwento si Hirochi tungkol sa mga nangyari. Sa mga sinasabi sa kanya ng mga nag punta at kung paano siya puriin ng mga ito.
Pero okyupado ng iba ang isip ko kaya hindi ko masydong na initindi ang mga sinasabi niya.
Andon kaya siya sa after party?
Ano naman kung andon siya? Kaya ko namang hindi pansinin ang presensya niya. Limang taon akong nasanay na wala siya sa tabi ko tas ngayon paba ako bibigay dahil lang sa party na to?
No way...hindi na ulit ako mag papakita ng kahinaan sa kanya. I will never ever cry again in front of him.
Kaya kung andon man siya, hindi ko siya iintindihin. Sigurado naman akong hindi niya ko lalapitan para kausapin na para bang walang nangyari sa nakaraan.
"Hoy babae! Andito na tayo." napalinga linga naman ako sa loob ng sasakyan at oo nga andito na kami sa basement ng building na to.
"Lumilipad nanaman ang isip ko~" pakantang sabi ni Amandine pagkababa namin ng kotse.
Taka naman akong napatingin kay Hirochi na napalingon lingon kung saan bago kunot ang noong tumingin kay Amandine.
"Nasaan? Hindi ko makita yung limilipad na isip mo?" That made us burst into laugh.
Literal na hinanap niya yung lumilipad na isip. Bwisit! HAHAHAHA!
"Girl, it's just a song." natatawang paliwanag ni Amandine kay Hirochi na napatango tango naman agad bago mapakamot sa ulo niya at alinlangin pang ngumiti sa amin.
Nag aya naman ng pumasok si Amaranthine dahil parting party na daw siya. Sumakay kami sa elevator na mag dadala samin sa third floor ng building na to.
Lima lang kasi ang floor nito. Lobby, Cafe, Bar, Condo Rooms and Zeal's Penthouse.
Sumalubong sa amin ang ingay at ang mga ilaw na ansakit sa ulo. Mga usok at syempre amoy ng alak. Ano pabang aasahan mo sa Bar? Hindi naman gaanong marami ang tao dahil nga ang mga nasa event lang ang andito. Parang mas gusto ko na lang tumambay sa may Cafe sa baba o kaya'y mag punta na lang sa pinaka taas para mahiga.
"C'mon! Let's drink!" hayok na hayok na yaya ni Amaranthine samin na uminom.
Tinanggap naman namin yung inaabot niyang alak. Vodka pa talaga.
"Hayok na hayok na uminom to oh. Pag ikaw nalasing at di na makalakad asahan mong kakaladkarin kita pauwi sa inyo." Amaranthine just rolled her eyes to Zeal.
"As if na na gagawin mo yun. Mag kakagasgas ang maganda kong balat noh?" maldita na sagot niya sa pinsan na nakangisi na sa kanya ngayon.
"Wala akong pake sa makinis mong balat. Gusto mo taniman ko pa ng bala yan e." nanlalaki ang matang napatitig kaming tatlo kay Zeal dahil sa sinabi niya.
"Panget mo mag biro, Zeal." singit ng kung sinong lalaki.
"Oh! You think that i'm joking?" maangas na tanong ni Zeal sa lalaking bagong dating.
"Yeah. I know that you can't do that to your BELOVED cousin." umasim naman ang mukha ni Zeal don.
"Mama mo, beloved cousin. Kadiri." huling sabi niya bago kami iwan doon at mag punta kung saan.
Nag paalam rin ako na mag babanyo muna dahil may tawag ng kalikasan. Kaya naiwan silang tatlo doon. Since ngayon lang ako nakapunta dito ay hindi ko alam kung saan ang banyo. Kaya nagpalinga linga ako hanggang sa matanaw ko si Khian kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Hey! Saan banyo dito?"tanong ko agad dahil ihing ihi natalaga ako.
"Let me guide you." sagot niya kaya tumango ako agad at naunang mag lakad.
Pinilit kong hindi lingunin ang nginingisian niyang lalaki kanina dahil alam ko kung sino yon at baka kapag ginawa ko 'yon ay maihi na talaga ako sa kinatatayuan ko.
"Are you fine?" rinig kong tanong ni Khian sa likod ko.
"No, I'm not fine. I'm Kerley Dice. Stupid." pamimilosopo ko na ikinatawa niya lang.
"Dito tayo, stupid." bawi niya ng sa kabilang direksyon sana ako liliko.
Tinignan ko naman siya ng masama at tumawa lang siya.
"You have so many things to explain to me, Fucker." Sabi ko ng makaliko kami at naging tahimik na ang paligid banda dito.
"Uh-huh." tinalikuran ko siya at tuluyang pumasok sa banyo.
Pag labas ko ay ibang tao na ang nag aantay sakin sa labas.
Kanina lang ay italyanong gago ang andito bakit ngayon mapang husgang pinoy na?
Lalampasan ko na lang sana siya kaso may sinabi siyang ikinatigil ko sa pagtalikod dapat sa kanya.
"People say you can never fall out of love with someone. You either loved them or you still do. Well , you obviously doesn't love me anymore so iguess you never really did, huh?"
Oh diba napaka judgmental...
Author's note:
Yeah...this is the prologue of Ali and Kerley story. I'm not sure about this. But part of me says that this is it.