POV: Alessandro Valentino De Luca
Tahimik.
Iyon agad ang nangyari sa buong bar nang bumagsak sa sahig ang lalaking hinampas ko ng bote.
The loud music continued playing in the background, pero wala ni isang gumagalaw sa paligid.
Takot.
Iyon ang nasa mukha ng karamihan.
At sanay akong makita iyon.
The Ice Prince.
That’s what they call me.
Hindi dahil guwapo ako.
Kundi dahil kahit kailan…
Hindi ako nagpapakita ng awa.
Naramdaman kong nanginginig ang bartender habang mabilis na umiiwas ng tingin.
Maging ang mga bodyguards ng bar ay hindi agad lumapit.
Because they knew me.
Everyone here knew exactly who I was.
At walang gustong madamay sa gulo kapag Alessandro De Luca na ang kumilos.
Mabagal kong ibinaba ang basag na bote habang malamig na nakatingin sa grupo ng mga lasing.
“Who touched her?”
My voice was low.
Deadly calm.
Pero sapat iyon para mapalunok ang ilang lalaki.
Napansin kong hawak pa rin ng isa ang braso ng babaeng umiiyak.
Sofia.
I remembered hearing her friend scream that name earlier.
Without warning—
Sinuntok ko agad ang lalaking may hawak sa kanya.
BUMAGSAK ito sa mesa dahilan para mabasag ang mga alak.
Napasinghap ang buong paligid.
“Holy s**t…”
“De Luca…”
“Patay tayo…”
Narinig kong bulungan ng mga tao.
Hindi ko pinansin.
Ang atensyon ko ay nasa babaeng kanina pa nakatitig sa akin.
Her long dark hair framed her face beautifully.
Galit pa rin ang mga mata niya.
Pero kahit ganoon…
She looked stunning.
At kakaiba iyon.
Hindi ako madalas mapatingin sa babae.
Pero siya…
She had fire in her eyes.
Dangerous.
Wild.
Beautiful.
“Alessandro.”
Lumapit si Marco sa gilid ko habang pinupunasan ang kamay niya gamit tissue.
Mukhang may nasuntok rin siya.
“Your timing is terrible as always.”
Hindi ako sumagot.
Nakita kong mabilis na lumapit sa babae ang mga kaibigan niya.
“Mara, okay ka lang?!”
“Are you hurt?”
“May humawak ba sa’yo?”
Napansin kong agad siyang kumalas sa pagkakahawak ng kaibigan niyang lalaki.
Nathan.
Kanina ko pa napapansin iyon.
Protective.
Close.
And I didn’t like it.
Weird.
Hindi ko alam kung bakit.
Samantalang ngayon ko lang naman nakita ang babaeng iyon.
“Sir…”
May manager na lumapit habang halatang kinakabahan.
“We can handle this from here.”
Tiningnan ko siya nang malamig.
“Can you?”
Natahimik agad ito.
Hindi makasagot.
Because clearly…
Hindi nila kinaya.
Muntik nang masaktan ang babae.
At hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nainis doon.
“Kick them out,” malamig kong utos habang tinuturo ang grupo ng mga lasing.
“Yes, sir!”
Mabilis na kumilos ang security.
Ngunit bago pa mahila palabas ang lalaking unang sinampal ng babae…
Bigla itong tumingin sa kanya nang masama.
“This isn’t over, bitch.”
Naningkit agad ang mga mata ko.
Hindi pa man ako nakakakilos—
Nauna nang magsalita ang babae.
“Takot ba dapat ako?”
Napasinghap ang mga tao.
Even Marco looked amused.
The girl crossed her arms confidently.
“Sa mukha mong ‘yan? Mukha kang maasim na ewan.”
Biglang natahimik ulit ang paligid.
Then—
Tumawa si Marco nang malakas.
“HAHAHAHA! Damn!”
Maging si Enzo ay napahawak sa tiyan kakatawa.
Hindi makapaniwala ang grupo ng lalaki sa narinig.
Samantalang ako…
Nakatitig lang sa kanya.
No fear.
No hesitation.
No pretending.
She was honestly insane.
At hindi ko maalala kung kailan huling may taong nagsalita nang ganoon sa harapan ko.
“YOU—”
Akma sanang susugod muli ang lalaki pero agad siyang pinigilan ng security.
“Sir, please!”
“Get him out.”
Isang malamig na tingin lang ang pinakawalan ko.
At agad tumahimik ang lalaki.
Galit siyang hinila palabas kasama ang mga kasama niya.
Unti-unting bumalik ang ingay sa paligid.
Pero ramdam ko pa rin ang mga matang nakatingin sa amin.
Especially sa akin.
Mabilis akong lumapit sa VIP section pero bago ako tuluyang makaalis—
“Wait.”
Huminto ako.
At dahan-dahang lumingon.
The girl was looking at me.
Diretso.
Parang walang takot.
“Thank you.”
Simple lang ang sinabi niya.
Pero kakaiba ang pakiramdam.
Parang biglang naging tahimik ulit paligid.
Her voice sounded soft now.
Different from earlier.
I stared at her for a few seconds.
Then coldly answered—
“You should avoid places like this.”
Agad nagsalubong ang kilay niya.
“And why would I?”
“Because not everyone here is decent.”
“Obviously,” sarcastic niyang sagot habang tumitingin sa direksyon ng mga lalaking pinalabas.
Bahagyang natawa si Marco sa likod ko.
“She’s funny.”
Ngunit hindi ko siya pinansin.
Instead…
Tiningnan ko muli ang babae.
“Next time, don’t slap drunk men bigger than you.”
Napataas agad kilay niya.
“So hahayaan ko na lang silang bastusin friend ko?”
Her tone sharpened.
Interesting.
“Hindi ako ganoong babae.”
Napatingin ako sa kanya nang mas mabuti.
She looked young.
Too young for this place.
Pero ang tapang niya…
Hindi normal.
“Anong pangalan mo?”
Natahimik sandali ang grupo niya.
Parang nagulat sila na nagtatanong ako.
Then she answered confidently—
“Amara.”
Amara Isabelle Monteverde
Amara.
The name strangely suited her.
Beautiful.
Soft.
But dangerous if touched.
“And you?” tanong niya.
Biglang natahimik ang buong paligid.
Parang lahat naghihintay ng sagot ko.
I rarely introduced myself.
Hindi ko kailangan.
Most people already knew me.
Pero siya?
Mukhang hindi niya alam kung sino ako.
At hindi ko maintindihan kung bakit parang mas gusto ko iyon.
“Alessandro.”
Napakurap siya.
Then slowly—
Nanlaki mata ng mga kasama niya.
“Oh my God…” bulong ng baklang lalaki.
“You’re Alessandro De Luca?!” gulat na sabi ni Sofia.
Napatingin agad sa akin si Amara.
At halatang ngayon lang niya narealize kung sino ako.
“The billionaire?”
Hindi ako sumagot.
Pero sapat na ang katahimikan ko.
“Wait…” ani Miguel habang halatang excited. “THE Ice Prince?”
“Bro,” bulong ni Nathan sa kanila. “Relax.”
Ngunit si Amara?
Nakatingin lang sa akin.
Walang kilig.
Walang pagpapa-cute.
Walang pagtili gaya ng ibang babae.
Instead—
“Ah.”
Iyon lang.
Napataas kilay ko.
“Ah?”
Tumango siya.
“You’re less scary online.”
Biglang napaubo si Marco.
“Damn.”
Maging si Enzo ay natatawa na naman.
Samantalang ako…
Hindi malaman kung maiinis o matatawa.
This girl really had no filter.
“Less scary?” tanong ko.
“Yes. Mukha kang serial killer in person.”
Tumawa nang malakas si Marco.
“HAHAHAHA! I LIKE HER!”
Naningkit lang mata ko kay Marco bago muling bumalik kay Amara.
“And yet you’re still talking to me.”
“Should I be scared?”
“You should.”
Bahagya siyang ngumisi.
“Too bad. Hindi ako madaling matakot.”
Something inside me shifted.
A strange feeling.
Sharp.
Unfamiliar.
At bago ko pa maintindihan iyon—
Biglang lumapit ang isa sa bodyguards ko.
“Boss.”
Nag-iba agad ang aura ng paligid.
I knew that tone.
Something happened.
“What is it?”
Lumapit siya nang bahagya at mahinang nagsalita.
“May nakita kaming tao ni Dmitri outside.”
Agad tumigas ang ekspresyon ko.
Russia.
Of course.
Hindi talaga ako tinatantanan ng mga kalaban ng pamilya namin.
Naramdaman kong biglang naging alerto ang mga kaibigan ko sa likod.
Maging si Marco ay tumigil sa pagngisi.
“We should leave,” seryoso niyang sabi.
Tumango ako.
Pero bago ako tuluyang umalis—
Muli akong napatingin kay Amara.
She was watching me carefully.
Curious.
At parang may gusto pang itanong.
Hindi ko alam kung bakit…
Pero ayokong madamay siya sa mundo ko.
Not tonight.
Kaya malamig kong inayos ang coat ko bago nagsalita.
“Go home.”
Nagtaas siya ng kilay.
“Excuse me?”
“It’s late.”
“Wow,” sarcastic niyang sagot. “Kala mo naman may authority ka sa buhay ko.”
Marco chuckled again.
Pero hindi ako ngumiti.
“Just go home safely.”
Mas lalong nagtaka ang mukha niya.
Siguro dahil iyon ang unang beses na may concern sa boses ko.
Kahit maliit lang.
Then without another word—
Tumalikod ako.
Naglakad palabas kasama ang mga kaibigan at bodyguards ko.
Pero habang pababa kami ng hagdan…
Hindi mawala sa isip ko ang mukha niya.
Amara.
At ang kakaibang init sa dibdib ko sa tuwing naaalala ko ang matapang niyang mga mata.
—
POV: Amara Isabelle Monteverde
Tahimik kaming apat matapos umalis ng grupo ni Alessandro.
Well…
Tahimik kaming tatlo.
Dahil si Miguel?
Literal na nangingisay sa kilig.
“OH MY GOD! OH MY GOD!”
“Miguel, tumigil ka nga,” sabi ko habang umiinom ng tubig.
“Beshie! Kinausap ka ng Alessandro De Luca!”
“E ano ngayon?”
“ANO NGAYON?!”
Napahawak siya sa dibdib niya na parang aatakihin.
“Alam mo bang halos sambahin siya rito sa Europe?!”
Nagkibit-balikat ako.
“Mayabang siya.”
“Hot siya.”
“Masungit.”
“Sexy siya.”
Napailing ako.
Samantalang si Sofia ay tahimik lang na nakatitig sa akin.
“What?”
“You noticed his eyes?”
Napakurap ako.
“Huh?”
“They were locked on you the whole time.”
Biglang uminit pisngi ko.
“Hindi no.”
Nathan suddenly spoke.
“He looked dangerous.”
Natahimik kami sandali.
Totoo naman.
There was something terrifying about Alessandro.
Parang kahit tahimik lang siya…
Kaya niyang pumatay.
Pero kasabay noon—
May kung anong kakaibang pakiramdam rin akong naramdaman habang nakatingin siya sa akin kanina.
Pressure.
Fear.
And excitement.
Na para bang…
Simula pa lang iyon ng isang bagay na hindi ko na kayang pigilan.