CHAPTER 1-THE ICE PRINCE
POV: Alessandro Valentino De Luca
Europe.
Winter season.
Mabigat ang pagbuhos ng snow sa buong siyudad ng Milan habang ang matataas na gusali ay nagliliwanag sa ilalim ng malamig na gabi. Ang mga ilaw ng mamahaling establishment at luxury hotels ay nagre-reflect sa basang kalsada habang ang mga taong nakasuot ng makakapal na coat ay nagmamadaling makauwi bago tuluyang lumakas ang snowstorm.
Pero sa pinakatuktok ng pinakamataas na gusali sa business district…
Isang lalaki ang nakatayo sa harap ng malawak na glass wall.
Tahimik.
Malamig.
At nakakatakot.
Nakasuot siya ng all-black tailored suit habang hawak ang isang baso ng whiskey. Ang kanyang matangkad na katawan ay may natural na authority na kahit walang ginagawa ay kayang magbigay ng pressure sa kahit sino.
His sharp jaw.
Cold gray eyes.
Black hair perfectly combed backwards.
At ang madilim niyang aura…
Sapat para tawagin siyang hari ng kadiliman.
Alessandro Valentino De Luca
The Ice Prince of Europe.
Sa edad na bente-tres…
Isa na siyang CEO ng isa sa pinakamalalaking kumpanya sa Europe—ang De Luca Holdings.
Pero hindi lang iyon ang totoong kinatatakutan ng mga tao.
Ang mas nakakatakot…
Ay ang apelyido niya.
De Luca.
Ang pamilyang nagmamay-ari ng underground empire sa iba’t ibang bansa.
Drugs.
Weapons.
Illegal trades.
Black market deals.
At mafia organizations.
Lahat ng iyon ay konektado sa kanilang pangalan.
At bilang nag-iisang tagapagmana…
Araw-araw nakataya ang buhay niya.
“Sir, the board members are waiting.”
Malamig na nagsalita ang kanyang secretary mula sa likuran.
Hindi siya agad sumagot.
Nanatili lamang siyang nakatingin sa lungsod habang dahan-dahang iniikot ang whiskey sa kanyang kamay.
“Move the meeting tomorrow.”
Napakurap ang secretary.
“But sir, they flew from different countries just to—”
“I said move it.”
His voice dropped colder.
Napalunok agad ang secretary.
“Yes, sir.”
Mabilis itong lumabas ng opisina.
Tahimik muling bumalot sa buong floor.
Hindi siya sanay sa maingay.
Hindi siya mahilig sa tao.
At lalong hindi siya nagtitiwala.
Sa mundong kinalakihan niya…
Ang isang maling tiwala lang ay sapat para ibaon ka sa kabaong.
Biglang bumukas muli ang pinto ng kanyang opisina.
This time…
Hindi secretary niya ang pumasok.
Kundi isang lalaking nakangisi habang may hawak na wine bottle.
“Damn. Ang lungkot talaga dito sa opisina mo.”
Hindi man lang lumingon si Alessandro.
“Ilang beses ko bang sinabi sa’yo na huwag kang pumapasok dito nang walang permiso?”
Napatawa ang lalaki.
“Relax, fratello.”
Marco Moretti
Marco Moretti.
Best friend niya simula pagkabata.
Anak rin ng isang mafia family.
Playboy.
Maingay.
At kabaligtaran ng ugali niya.
“Birthday ni Enzo tonight,” ani Marco habang umiinom ng wine. “Pupunta ka?”
“No.”
“Alam kong ‘no’ ang sagot mo pero wala kang choice.”
Naningkit ang mata ni Alessandro.
“I’m busy.”
Marco laughed sarcastically.
“Busy? Bro, tatlong araw ka nang halos hindi natutulog. Even machines need rest.”
Hindi sumagot si Alessandro.
Pagod na siyang makarinig ng parehong sermon.
Hindi niya kailangan ng pahinga.
Kailangan niya ng kontrol.
Dahil sa oras na bumitaw siya…
Maraming taong naghihintay na pabagsakin siya.
Biglang tumunog ang cellphone niya.
At agad nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya nang makita ang caller ID.
“Father.”
Mabilis niyang sinagot ang tawag.
“Alessandro.”
Malalim at malamig na boses iyon ng ama niya.
Vittorio De Luca
Ang kasalukuyang Mafia King ng De Luca Empire.
Kahit si Alessandro…
Nirerespeto at iniiwasang galitin ang sariling ama.
“Any update from Russia?” tanong ng kanyang ama.
“Dmitri’s men failed again.”
Tumawa nang mahina ang ama niya.
“Then expect retaliation.”
“I know.”
“Be careful tonight.”
Biglang tumigas ang ekspresyon ni Alessandro.
“Why?”
Tahimik sandali ang nasa kabilang linya.
May kung anong kakaibang tensyon.
“We received information that someone is planning to assassinate you.”
Natahimik si Marco sa gilid nang marinig iyon.
Pero si Alessandro?
Walang emosyon.
Parang normal na bagay lang.
“Let them try.”
“You sound too confident.”
“I’m still alive, aren’t I?”
Bahagyang natawa ang ama niya.
“That arrogance will either make you powerful… or kill you.”
Pagkatapos noon ay pinatay na ng kanyang ama ang tawag.
Tahimik muling bumalot sa opisina.
Marco sighed.
“Kita mo? Kaya kailangan mong sumama mamaya. You need distraction.”
“I don’t do distractions.”
“Correction. You don’t do women.”
Nanatiling malamig ang mukha ni Alessandro.
Wala siyang interes sa babae.
Sa dami ng babaeng nagtangkang lumapit sa kanya…
Wala ni isa ang tumagal sa paningin niya.
Most of them wanted his money.
His power.
His face.
His name.
Nakakasawa.
Mababaw.
Useless.
“Come on,” pilit ni Marco. “Isang gabi lang. Birthday ni Enzo.”
Napapikit si Alessandro.
Pagkatapos ng ilang segundo…
Tumayo siya.
At agad napangisi si Marco.
“Ohhh? The Ice Prince is finally leaving his cave?”
Coldly, Alessandro grabbed his coat.
“Thirty minutes.”
“Yes!”
“Then I’m leaving.”
“Killjoy.”
—
Makalipas ang isang oras…
Huminto ang convoy ng black luxury cars sa harap ng isa sa pinakasikat na elite bars sa Milan.
Malakas agad ang tilian ng mga babae nang makitang bumaba ang grupo ng mga lalaki.
Tall.
Handsome.
Dangerous-looking.
At halatang mayayaman.
Ngunit sa lahat ng iyon…
Isang lalaki ang agad nakaagaw ng atensyon ng lahat.
Alessandro.
Nakasuot siya ng black coat habang walang emosyon na naglalakad papasok.
Parang hari.
Parang walang pwedeng tumingin nang diretso sa kanya.
“OH MY GOD! IT’S ALESSANDRO DE LUCA!”
“Grabe ang gwapo!”
“Is he really here?!”
Hindi niya pinansin ang lahat.
Sanay na siya.
Pagpasok nila sa VIP section ay agad silang sinalubong ng malakas na music at neon lights.
Sumalubong agad ang birthday celebrant.
Enzo Romano
“Finally! Akala ko hindi ka pupunta!”
“Congrats. You survived another year,” malamig na sagot ni Alessandro.
Napatawa ang buong grupo.
Umupo sila sa VIP couch habang sunod-sunod ang alak na dumarating sa mesa.
“Bro,” ani Enzo, “may mga models dito tonight.”
“I’m not interested.”
“Ouch.”
Biglang nagsalita si Marco.
“Hindi na ‘yan magkakagusto sa babae. Baka robot talaga ‘yan.”
Nagtawanan ang grupo.
Ngunit hindi sila nakakuha kahit maliit na reaksyon mula kay Alessandro.
Tahimik lamang siyang umiinom habang malamig ang matang nagmamasid sa paligid.
Habit na niya iyon.
Always observing.
Always alert.
Biglang may lumapit na magandang babae sa kanya.
Tall.
Sexy.
Blonde.
“Can I sit here?” malanding tanong nito.
Hindi man lang siya tumingin.
“No.”
Natigilan ang babae.
Namula sa kahihiyan.
At agad umalis.
Nagtawanan muli ang mga kaibigan niya.
“Bro, you just destroyed her confidence.”
“She’ll survive.”
Napailing na lang si Marco.
“Hopeless.”
Ngunit sa mismong sandaling iyon…
May malakas na sigawan mula sa ibabang floor ng bar.
Napalingon ang lahat.
At doon unang nakita ni Alessandro…
Ang isang babaeng nakatayo habang galit na galit na nakatitig sa isang lalaking lasing.
Mahaba ang kanyang buhok.
Maganda.
Maliit ang mukha.
Maputi.
At kahit nakasuot lamang ng simpleng fitted dress…
Kapansin-pansin pa rin ang natural niyang ganda.
Pero ang mas nakakuha ng atensyon niya…
Ay ang tapang nito.
“Touch her again and I’ll break your face!”
Malinaw at matapang na sigaw ng babae.
Natahimik sandali si Alessandro.
Something about her…
Caught his attention.
At iyon ang unang beses matapos ang napakaraming taon…
Na may isang babaeng nakapagpaiwas ng tingin niya mula sa sariling mundo.