BLACK SOCIETY S2: SHADOWUpdated at Aug 29, 2025, 22:05
🖤 PrologueAkala ng mundo... tahimik lang siya. Walang imik. Walang emosyon. Walang koneksyon. Pero sa bawat kilos niya — may dahilan. Sa bawat aninong dinaraanan niya — may misyon.Dahil siya si Drie Montecillio, a.k.a. SHADOW — co-founder ng Black Society, at ang pinakatahimik ngunit pinaka-mortal na banta sa dilim ng mundo. Isang half-Japanese business tycoon na may sariling imperyo sa teknolohiya, ngunit sa gabi, siya ang lalaking walang mukha sa ilalim ng itim na maskara — tagapaghatol ng mga makasalanan.Wala sa bokabularyo niya ang salitang "kalinga," lalo na ang "pag-ibig." Suplado. Presko sa itsura pero yelo sa pakikitungo. Laging nag-iisa, laging may sariling galaw. Ngunit lahat ng ito'y mababago nang makilala niya ang babaeng hindi niya mabasa — Nicole.---👤 She is Nicole... aka BLADE.Tahimik. Malamig ang mga mata. Maganda — sobra, pero simple. Sa bawat galaw ng kanyang katana, may kasamang bangungot at paghihiganti. Siya ang pinaka-brutal na assassin ng Black Society. Walang kaartehan. Walang drama. Pero may bangis na hindi kayang tumbasan ng kahit sinong lalaki.Sa mata ng publiko, isa siyang sikat na aktres at top model, palaging naka-smile sa harap ng camera. Pero sa likod ng maskara... siya si BLADE, anak ng dilim. Bata pa lang siya, biktima na ng kalupitan: pinaslang ang kanyang ina, ni-rape ang ate, sinunog nang buhay ang ama. Simula noon, tinakwil niya ang kahinaan, at yumakap sa galit — hanggang sa iligtas siya ng Black Society at gawin siyang isa sa pinakamabangis nilang sandata.---💔 Misyon o Puso?Si Drie, ang lalaking hindi natitinag, ay unti-unting kinakalawang sa harap ni Nicole. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero bawat sulyap niya sa babae ay parang bumabalik sa kanya ang init ng damdaming matagal na niyang pinatay.Si Nicole naman, kahit pa boss niya si Drie, ay matagal nang may tinatagong damdamin. Ngunit sa kanya, bawal ang marupok