bc

The Billionaire's Legacy

book_age16+
734
FOLLOW
2.0K
READ
billionaire
goodgirl
decisive
drama
bxg
heavy
city
office/work place
small town
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

#SummerUpdateProgram

Dee and Naddie, a billionaire and a singer, will have to fight their fears individually in order for them to stay with each other.

***

Dee Martin Deogracia wanted to have a limited freedom before he finally take over her father's company. He knew that he will be under the hawk eyes of her aunt at work, so before that he wanted to enjoy his limited freedom first. He, then asked her father to take a two months of vacation in Seattle before finally reporting to work. Everything was going fine and he was savoring his freedom when he got to meet the mysterious girl, Naddie. With her life for Dee is not about him proving himself to his aunts, but also about proving to Naddie that no sickness can ever hinder you to be strong and to be positive if you just choose to fight.

chap-preview
Free preview
Prologue
“Dee Martin! Bumaba ka na!” Isang buntong-hininga ang pinakalawan ni Dee at binitiwan ang kanyang hawak na rubik’s cube. Inayos niya ang kanyang damit tapos ay tumayo. Sandali niya pang tiningnan ang kanyang sarili sa salamin na nasa gilid ng kanyang study table para tingnan ang kanyang buong ayos. Nang okay na iyon sa kanya ay saka siya lumabas ng kanyang kwarto. Nagmamadaling bumaba siya at agad na dumiretso sa kanilang dining area. Doon sumalubong sa kanya ang halos lahat yata ng mga Tita niya sa Deogracia side. “Dee,” tawag ng kanyang Mama Fara at sinenyasan siyang lumapit na. Tipid na ngiti lang ang kanyang iginawad sa ina at saka lumapit na rin. Nasa pinakadulo ng lamesa nakaupo ang kanyang Papa Dylan. Nasa kanang banda siya nito at katapat niya ang kanyang bunsong kapatid na katabi naman ang kanyang mama. Katabi niya ang kanyang mga pinsan na hindi rin naman niya masyadong nakakausap. Wala kasi talaga siyang ka-close sa mga pinsan niya sa side ng kanyang ama. Ramdam niya kasing parang ayaw naman ng mga ito sa kanya at ayaw rin naman niyang ipilit ang kanyang sarili sa mga ito kaya. Siguro dahil siya iyong nakatakdang humalili sa kanyang ama na siyang namumuno ngayon ng Deogracia Empire. Sanay na siya sa mga ugali ng mga kamag-anak nila dahil noon pa man ay ayaw na ng mga ito na ang papa niya ang maging pinuno ng buong imperyo. “Shall we start and eat?” ani ng kanyang papa. Nakita niya pang nag-irapan ang dalawang tita niya. Napailing na lamang siya at itinuon na lang ang kanyang tingin sa kanyang pagkain. “So, Dee, ngayong graduate ka na, you will be in the company already. I am already assuming that you are now ready for the responsibility?” tanong ng Tita Dienara niya na noon ay taas-kilay nang nakatingin sa kanya. Tumikhim siya at tipid na ngumiti lang dito. “Of course, Tita. Hindi naman ako papayagan ni Papa na pumasok sa opisina kung hindi ko napagtagumapayan ang training ko,” sagot niya lang dito. Kitang-kita niya ang pagsalubong ng kilay ng kanyang tiyahin sa naging sagot niya. Iniyuko na lamang niya ang kanyang ulo at pinanatili ang kanyang atensyon sa pagkain. Narinig niya na lang ang pagtikhim ng kanyang ama. “Don’t worry, Dienara, Dee will still be under my supervision. And as you have requested, all of you are also part of the supervision. You will be reporting to me all the things that you have observed with him during his stay. Kasali pa rin naman kayo sa training ng anak ko, Dienara.” Dinig niyang sabi ng kanyang ama. Saglit na napailing na lamang siya at kumain na lang. Ramdam na ramdam niya ang tensyon sa pagitan ng kanyang ama at mga tita. Tita Dienara at Tita Daileen niya ang kasama nila ngayon pati na ang mga anak ng mga ito na sina Daira, Deina, Dame at Dera. Hindi niya rin talaga alam kung paanong siya lang ang tanging lalaki sa kanilang magpipinsan. May isa pa naman silang pinsan na anak ng Tito niyang anak sa labas, pero babae rin iyon at ayaw na rin daw makialam ng tito niyang iyon sa gulo ng kanilang pamilya kaya ito sila ngayon. Tumahimik na lamang siya nang magsimulang mag-usap ang kanyang ama at mga tita tungkol sa negosyo. Nakikinig lang siya sa mga ito at kahit na tinatanong siya ng kanyang ama ng tungkol sa mga perspective niya sa negosyo ay tipid lang ang kanyang mga sinasagot. Ayaw na lang niyang sumagot nang sumagot at baka sabihan na naman siya ng mga tita niya na bida-bida siya. The tension between them is already enough. Ayaw na niyang dagdagan pa ang mga iyon at mas lalong ayaw na niyang magkagulo sila. Warfreak pa naman ang mga tita at mga pinsan niya kaya kung maaari ay siya na lamang ang iiwas sa gulo. Iyon na yata ang pinakamatagal na hapunan ni Dee sa buong linggong iyon. In his defense, matagal talaga ang mga hapunan niya sa tuwing kasama nila ang mga tita niya dahil sa tensyon. Pakiramdam niya kasi talaga ay kakainin siya nang buhay ng mga ito. Kaya nga tumatahimik na lang talaga siya sa tuwing kasama nila ang mga ito. The whole dinner, negosyo lang ang pinag-usapan ng kanyang ama at mga tita. Nagpasalamat na lang siya na hindi na siya ulit nabanggit ng mga ito. Halos mabunutan na lang siya ng tinik nang sa wakas ay umalis na ang kanyang mga pinsan at mga tita. Bumuntong-hininga siya at saka pabagsak na umupo sa sofa sa kanilang sala. "O, bakit parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa riyan?" Saglit na natigilan lang siya nang marinig ang boses ng kanyang mama. Bumuntong-hininga siya at binalingan ang ina. Nakangiti ito sa kanya at nakahalukipkip. "Ma," tawag niya pa bago umayos ng upo. Narinig niya rin ang pagbuga ng hininga ng kanyang ina bago ito tumabi sa kanya. "O, bakit? Hindi ka ba excited sa magiging trabaho mo sa kompanya?” tanong pa nito sa kanya. Bahagya siyang tumawa at napailing na lang. “At saka makinig sa mga pang-iinsulto nina Tita? Ma, I’m not even looking forward to it.” Umismid siya. Natawa na rin si Fara sa anak. Ginulo niya ang buhok nito. Agad namang iniiwas ni Dee ang ulo. “‘Wag mo na lang kasing pansinin iyong mga Tita mo. Sa papa mo sila galit, damay ka lang.” Umiling lang si Dee sa ina. “Yeah right. Malaki na ako at lahat, Ma, hindi pa rin sila maka-move on sa grudge nila kay Papa. Seriously?” Bumuntong-hininga ang kanyang Mama. Kinuha nito ang kanyang kamay. Binalingan niya naman ito. Nginitian siya nito at tinapik pa ang kanyang kamay. “Ikaw na lang ang umiwas, okay? Hayaan mo na. Huwag mo na lang pansinin iyong mga iyon, okay? Ikaw na umiwas.” Pinisil nito ang kanyang kamay. Saglit na napatitig siya sa ina. Sa huli ay napailing na lang siya. “Yeah, yeah, I know, Ma.” Ngumiti lang din siya sa ina tapos ay humilig dito. Inakbayan siya ni Fara at tinapik pa ang kanyang braso. “Hay nako, mami-miss kita rito sa bahay. Kailangan mo ba talagang bumukod, hmm?” tanong pa nito. May plano kasi siyang mag-condo na pagkapasok niya sa opisina ng mga Deogracia. Gusto na rin kasi niyang maging independent para wala na ring masabi iyong mga tita niya. Yumakap siya sa ina. “Ma, it’s not like I’m going far away. It’s just a few blocks. And you can always go to my condo if you want. You can still cook me adobo.” Inangat niya ang tingin dito. Tinaas-baba niya pa ang kanyang kilay. Tinaasan lang siya ng kilay ng ina bago inirapan. “Asus! Baka mamaya, may ka-live in ka na roon, ha! Dee Martin, sinasabi ko sa’yo!” Agad siyang napabalikwas ng upo nang pinandilatan siya nito. “Ma, seriously? Come on, not everything that happened to your brothers will happen to me, okay? Chill out!” naiiling na sabi niya na lang. Ipinagkuros niya ang mga braso at sumandal sa likod ng upuan. Humalukipkip ang kanyang Mama at sinamaan pa siya ng tingin. Natawa na lang siya. Paano naman kasi, iyong dalawa niyang Tito na sumunod sa Tita Bel niya ay parehong nakipag-live in sa mga nobya nito. Hindi nagtapos ng college at parehong sa bukid nila sa Cebu na lang nagpokus. Sobrang stress ng Mama niya noong nalamang nabuntis ng Tito Felix niya ang nobya nito at nakipag-live in naman ang Tito Miguel niya. Hindi niya rin naman masisi ang Mama niya kung mag-aaalala ito. Well, wala rin naman siyang balak sundin ang yapak ng mga tiyuhin. He’s not judging them or anything, naiintindihan niya namang may sariling choices ang mga tao sa buhay at hindi niya hawak ang mga iyon nor may say siya sa dapat na desisyon nila. Ang kanya lang, may iba siyang plano sa buhay niya. He’s determined to help his father in the company. Tsaka sa sobrang pagbabantay ng mga Tita niya sa father’s side, mas determinado siyang patunayan ang sarili sa mga ito. Kahit na sabihin ng Mama at Papa niyang wala naman siyang dapat patunayan ay may patutunayan pa rin siya. Magsisikap pa rin siya. Hindi lang naman iyon para sa mga tita niya, para rin sa kanya. He wants to prove that he’s more than the Deogracia name. He can do better things. He can do great things as a person, not just as a Deogracia. “You look serious, huh. Anong pinag-uusapan ng mag-ina ko?” Halos sabay na nag-angat sila ng tingin ng kanyang Mama nang marinig ang boses na iyon. Bumungad sa kanila ang Papa niyang nakakuros ang dalawang braso at saka kunot-noong nakatingin pa sa kanila. Tipid na ngumiti siya sa ama tapos ay tumayo. “Nothing, Pa, si Mama lang kasi, paranoid na naman,” naiiling na sabi niya na lang. Narinig pa nilang umismid ang kanyang Mama. “Nako, Dylan, pagsabihan mo iyang anak mo, ha,” sabi pa nito. Napasinghap tuloy siya. “Ma, come on!” Natawa at nailing na lang siya. Sinamaan pa siya ng tingin ng ina. Nasapo niya na lang ang noo. Pinandilatan pa siya ng kanyang Papa bago ito tumabi sa Mama niya at niyakap ito. Napaiwas na lang siya ng tingin nang maglambingan na naman ang dalawa sa kanyang harapan. “Oh, come on, parents! Not in front of me, please?” ungot niya at napabuntong-hininga na lang. Iyong mga magulang niya kasi ay parang nasa honeymoon stage pa rin kung makapaglampungan. Ay ewan na lang niya. Parang walang pinagbago ang mga ito simula noong ikasal. Tumalikod na lang siya sa mga ito. Rinig na rinig pa niya ang panunuyo ng Papa niya sa kanyang Mama. Napailing na lang talaga siya. Mga ilang segundo rin siyang nagkakamot ng ulo roon bago siya tawagin ng Papa niya. “What, Pa? You done?” asar niya pa. Mabilis na lumipad ang throw pillow galing sa Mama niya. Sabay silang tumawa ng Papa niya habang ang Mama niya ay sobrang sama na ng tingin sa kanila. Umayos lang siya ng tayo nang tumikhim ang Papa niya. Kinuha niya pa ang unan na nasa sahig at niyakap na lang iyon. “About your favor, Dee?” panimula ng ama. Umayos naman siya ng tayo. “Is it really two months? Kailangan bang two months kang mag-leave bago ka pumasok sa opisina?” agad na sabi nito. "Oo nga, anak. At saka ang layo ng bakasyon mo, ha. Talagang sa Seattle?" segunda naman ng kanyang Mama. Napabuntong-hininga na lang siya at napakamot ng ulo. "Well, for starters, I just want to enjoy my limited freedom, Ma, Pa. I know once pumasok ako ng kompanya, I wouldn't have time to chill and enjoy. I mean, with my cousins and tita hovering over me? Nah, close to impossible. Ngayon lang naman ito. And you can always follow me if you want another honeymoon." Kinindatan niya pa ang ama. Suminghap ang kanyang ina at pinandilatan siya. "Dee Martin! Okay na ako sa dalawa!" Agad niyang tinikom ang bibig at nag-peace sign lang sa ina. Umirap lang ito sa kanya. Tumikhim ang kanyang papa. “Okay, okay...It’s settled already. May titirhan ka na rin naman doon. Your Mama and I will just follow you,” sabi pa nito. Tumango-tango siya at bumuntong-hininga ulit. “Okay, then. That’s the deal. I’ll leave you be, parents.” Ngumisi lang siya sa mga ito at nag-salute pa bago tuluyang tumalikod at umalis na. **** Ilang kilometro mula sa village ng mga Deogracia. Kagat-kagat ang labing ikinalat ni Naddie ang tingin sa buong second floor. Abot-abot ang kaba sa kanyang dibdib habang tila isang agent na nakasandal sa dingding ng kanyang kwarto. Suot-suot niya ang isang Herschel na backpack at sa isang kamay ay isang Gucci na sapatos. Hindi siya gumalaw. Ilang segundong nakatitig siya sa pinto ng kwartong nasa dulo ng hallway. Pinakiramdaman niya ang buong paligid bago huminga nang malalim at nagtip-toe papunta sa living room ng second floor. Mabilis siyang nagtago sa likod ng sofa at ikinalat muli ang tingin sa hagdan. Dahan-dahan siyang lumapit sa may glass na railing para tanawin ang sitwasyon sa ibaba. Nang wala siyang maaninag na tao ay mabilis siyang tumayo at maingat na bumaba ng kanilang hagdan. Diniretso na niya ang takbo palabas ng kanilang front door. Maingat ang pagsasara niya sa pinto na tipong maski maliit na ingay ay hindi niya hinayaan. Kinailangan pa niyang sumuot sa garden nila at gumapang sa kanilang bermuda grass para makalabas sa backgate nila. Para na siyang kawatan sa sarili niyang bahay pero wala siyang pakialam. She just really needed to get out of here. Pag nagpabukas pa siya, hindi na siya makakaalis pa rito. ‘Kaya mo ito, Naddie. Kaya mo.’ Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang sa wakas ay makarating na sa back gate nila. Palingon-lingon siya habang kinakalikot ng pin ang lock sa gate. “Naddie? Ikaw na ba iyan?” Rinig niyang sabi ng isang tao sa labas. “Shh!” mabilis niyang sita at binilisan pa ang kanyang ginagawa. Nang sa wakas ay mabuksan na niya iyon ay agad na lumabas na siya. “s**t! May nakasunod ba sa iyo?!” bungad ng lalaking naka-spike ang buhok at naka-pajama pa. Pinandilatan niya ito at agad na ibinato ang backpack niya. “Bilis na, Kier!” Tinulak niya ang lalaki papunta sa nakaparadang sasakyan. Mabilis siyang sumakay sa front seat habang ito ay inilagay muna ang bag niya sa likuran. Isinuot niya ang dalang sapatos. Saktong pagsakay naman iyon ni Kier. “Damn, Tito Duke is gonna f*****g kill me!” bulyaw nito sa kanya. She immediately glared at him. “And you’d rather me be mad at you? Go, drive!” bwisit na sabi niya. Narinig niya na lang ang pagmumura nito bago tinapakan ang gas. Huminga siya nang malalim at saka sumandal sa likod ng upuan. “Stop at the nearest ATM machine. I need to withdraw.” “Tsk. Tito Duke is really gonna kill me, and my dad will f*****g ground me!” palatak pa nito. Umirap lang siya at saka humalukipkip. She felt a slight guilt for using her childhood friend in this risky endeavor, but hell, bahala nang lunukin niya ang pride niya sa paghingi ng tulong nito kaysa naman ma-stuck na naman siya sa isang rest house sa probinsya na wala siyang makikita kundi puno at hindi niya magawa ang mga gusto niyang gawin. It’s now or never, and it’s a matter of life and death...literally and figuratively.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook