KABANATA 13 Fiona's POV "Tss. Kaawa-awang mortal,” saad ni Izaiah habang hawak-hawak niya ako. Binuhat niya ako at sa isang kurap ko lang ay nasa labas na kami ng mansion. "Saan mo ako dadalhin Izaiah?" mahinang tanong ko sa kaniya. "Wag ka ng magsalita,” walang ganang saad n’ya habang nag-la-lakad kami na papalayo sa mans’yon. Makalipas ang ilang minuto at may narinig akong agos ng tubig. Na’ng tinignan ko, namangha ako sa nakita ko. Isang maliit na talon at may napakalinaw na tubig sa palibot nito. Parang napuno rin ng mga ligaw na bulaklak ang paligid. May kalawakan din ang tubig sa palibot ng talon. Binaba na ako ni Izaiah at nakita ko siyang naghubad ng damit at lumusong sa tubig. Umupo siya sa mabatong gilid ng talon na hanggang dibdib niya ang tubig sabay nilingon ako. "Titin