KABANATA 14 Fiona Serenity's POV "Ang lakas ng loob mong hawakan ang Prinsesa, Joziah,” madiing saad ni Zarkuz habang naka-titig ng masama kay Joziah. Binitawan ni Joziah ang braso ng Prinsesa. "Hindi siya maaaring saktan dahil importante siya sa amin, at isa pa, kahit gustuhin pa ng mortal na umuwi ay hinding hindi namin papahintulutan,” mahinahong tugon ni Joziah sabay baling ng titig sa prinsesa. "At ikaw mortal, wala kang karapatang paiyakin ang Prinsesa,” maawtoridad na saad ni Zarkuz habang naka-kuyom na ang kan’yang mga kamao. "Z-Zarkuz, nagsasabi ako ng totoo! Nakita ko mismo!" "WAG KANA MAGSINUNGALING! HINDING HINDI KO PAPAKINGGAN ANG ISANG KATULAD MO! UMALIS KANA SA HARAPAN KO BAGO KITA MAPATAY! KUNG HINDI LANG DUMATING ITONG SI JOZIAH, NILALANTAKAN KANA NG PULANG BAMPIRA N