KABANATA 2

1871 Words
KABANATA 2 Fiona Serenity’s POV Kasunod kong naramdaman na may matalim na ngiping dumikit sa balat ng leeg ko, dahil doon ay kaagad akong pumiglas at tumakbo palayo. Hindi ako maaring magkamali, pangil ‘yun ng isang bampira! Mas bilisisan ko pa ang aking pagtakbo na’ng may naririnig akong may pagaspas akong naririnig sa pagilid na para bang sinusundan ako. Na’ng dahil sa pag-ma-madali, napag-tanto ko na lang na tumalisod ako sa ugat ng puno. Tatayo na sana ako pero halos nahinto ang pag-hinga ko na’ng makita ko ‘yung lalake kanina nan aka-tayo ngayon sa harapan ko. “Wala akong nalanghap na sagradong dugo sa kaniya, marahil ay kamukha lang n’ya ang yumaong prinsesa,” saad n’ya sa walang kabuhay-buhay na boses. “Isa siyang mortal panginoon,” rinig kong saad ng uwak na’ng lumanding uli s’ya sa balikat ng lalakeng ‘to. “A-anong pinagsasabi niyo?” pilit kong tanong kahit hindi na mabilang ang kabog ng didbib ko ngayon. “Isa kang mortal at ang matandang puno ang nagdala sayo dito, kailangan kang dalhin sa mansion at suriin,” maawtoridad na saad ng lalake. Hindi na ako nakagalaw hanggang sa s’ya mismo ang nag-lakad papunta sa kinaroroonan ko at walang alinlangang kaagad akong binuhat na parang wala lang. “Saan mo ako dadalhin! Ibaba mo ako!” sigaw ko at pilit na umalis sa bisig n’ya. “Wag kang mag inarte dyan, hindi ka namin papatayin,” singit ng uwak na’ng umalis s’ya sa balikat ng lalake. Kaya napa-tigil ako kahit kinakabahan ako sa susunod na mang-ya-yari. Ilang sandali pa ay napakapit ako bigla sa leeg ng estrangherong ‘to dahil mabilis siyang lumipad. Napapikit nalang ako ng madiin na’ng maramdaman ko na humi-hinto-hinto s’ya sa puno para kumuha ng b’welo sa pag-lipad. Maya-maya pa ay napag-tanto ko na lang na parang umapak na s’ya sa patag kaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. “Joziah sino yang dala-dala mo?”Napatingin ako sa nagsalita. Bumungad sa ‘kin ang isang lalakeng may salamin nakaupo siya sa upuan habang nagbabasa ng libro. Napag-tanto ko na lang na nag-lakad uli ‘tong lalakeng buhat-buhat ako sabay nilapag n’ya ako sa isang malambot na sofa. Nilibot naman ng mata ko ang buong bahay at parang pangalawa itong palapag. Sobrang lawak, makaluma na ang silid punong puno ng libro ang mga cabinet. “Isa siyang mortal, Zarkuz.” Naputol ang pagmamasid ko na’ng nilapag niya ang salamin at ang hawak niyang libro sa maliit na mesang nasa harapan lang namin. Kasunod no’n ay naglakad papunta sakin at pinantayan niya ako ng tingin dahil nakaupo ako sa sofa. “Huwag mong sabihin na nanggaling siya sa matandang punong iyon,” mahinang saad niya habang nakatingin sa leeg ko. Hindi ko namang maiwasang mapa-lunok ng sunod-sunod. “Ganu’n na nga Zarkuz.” “W-Wag kang lalapit....” pag-ba-banta ko dahil mas nilapit pa n’ya ang mukha sa leeg ko dahil doon naka-sentro ang mga tila nasasabik n’yang mga mata. “Ang sarap pakinggan ang boses mo habang nakikita kitang natatakot,” mahinang saad n’ya sa namamaos na boses. Kinuyom ko naman ang mga kamao ko dahil para maiwasan ang panginginig at iniiwasan kong mahalata nilang sobra akong kinakabahan kahit hindi ako nag-pu-pumiglas. Ngayon lang ako nakasalamuha ng bampira, parang nakakatakot sila. Pero iba ang diskripsyon ni lolo nu’ng sinalakay kami, ang papangit daw mukha. May dalawa daw na pangil sa magkabilang gilid na isang dangkal ang haba at mapupula ang mga mata, pero sa nakikita ko ngayon mukha silang tao na parang anghel sa sobrang amo ng mukha pero may pangil rin sila kaso hindi mahaba. “Kamukha siya ni Prinsesa Izabella,” wika pa ng Joziah dahil ‘yun ang tawag sa kan’ya. Parang gusto kong isik-sik ang sarili ko sa sofa dahil mas lalong umigting ang titig ng Zarkuz sa ‘kin, tila bang sinusuri ang buong katawan ko. Doon ako napa-iwas ng tingin. “Tama ka pero may nunal ang babaeng mortal na ito at maikli ang buhok, at isa pa may balat na hugis buwan sa noo ang Prinsesa at wala akong naamoy na sagradong dugo sa kaniya,” mahinhing saad ng Zarkuz habang patuloy akong pinag-ma-masdan. Pati boses, nakakapanindig balahibo. “’Yan din ang nakikita ko Zarkuz na wala akong naamoy sa kaniya, pero bakit siyaa andito? Dahil mundo ito ng mga immortal,” sagot ng Joziah. Tumayo sa pag-ka-ka-pantay sakin ‘yung Zarkuz, tinignan niya ang upuan na inupuan niya kanina at nagulat akong kusang kumilos ang upuan, lumutang ito sa hangin at pumunta sa kinaroroonan niya. Telekinesis ba ang tawag dito? “Ano ang pangalan mo mortal?” tanong niya sa maawtoridad na boses habang nakaupo sa upuang pinagalaw niya kanina. “A-Ako si Fiona Serenity,” sagot ko sabay yumuko dahil hindi ko gustong masilayan ang pangil na nasusulyapan ko sa tuwing siya’y nag-sasalita. “Bakit ka nandito samantalang mundo ito ng mga bampira.” Sunod n’yang tanong. “Sabi ng lolo kong pumanaw na, hanapin ko ang lagusan ng mga bampira sa ‘Virgin Road’ at hanapin ang prinsesa.” Hindi dapat ako mautal, at marami rin tanong sa isipan na gusto ko ng kasagutan. “Virgin road? Anong lugar na iyon? Ngayon ko lang narinig ‘yan.” Tila, k’westionable n’yang tanong. “Kung sa tagalog, Birheng Daan dahil walang taong nagtatangkang pumunta doon, at ako pa lang. May nakita ako sa pinakadulo ng daan, isang matandang puno at bigla na lamang ako hinigop ako papunta dito,” pormal kong sagot sa mahinang boses habang naka-yuko pa rin. “May nabasa ko sa lumang libro, may isang mortal na babaeng nakatakdang gisingin ang prinsesa, may posibilidad na ikaw ‘yun?” “Bakit kailangan pang gisingin ang prinsesang yun?” pabalik kong tanong. “Matagal na panahon ang lumipas, nakatakdang ikasal ako kay Prinsesa Izabella. Isa siyang makapangyahiran sa mundo ng mga bampira at komokontrol sa lahat.  Ngunit namatay siya nu’ng sinakripisyo niya ang kaniyang buhay dahil sinalakay kami ng pulang bampira, sila yung uhaw sa dugo at nalanghap nila ang sagradong dugo ng Prinsesa,” seryosong paliwanag niya. “B-bakit sila uhaw sa dugo?” Ito na, sirurdong malulutas ko ito. “Ang tawag namin sa kanila ay kalahating halimaw, nakakalikha sila ng lagusan papunta sa lugar ng mga mortal para pumatay ng tao at nagiging mas malakas sila pag dumating ang araw na kinakain ng buwan ang araw.” Solar eclipse? Nu’ng araw na ‘yun ako pinanganak! “A-Ano ang kanilang katangian?” paninigurado ko. “Pag dumating ang araw na iyon, magiging pula ang mga mata nila at hahaba ang kanilang mga pangil.” I-Ibig sabihin... may dalawang klaseng bampira? “S...Sila ang sumalakay sa lugar namin, sila rin ang gumawa ng lagusang iyon at ang panahong ‘yun ay namatay ang mga magulang ako at niligtas ako ng aking lolo,” mahinang usal ko. “Kaya namatay si Prinsesa Izabella dahil gumawa siya ng Harang o ang matandang punong iyon para hindi na makagawa ng lagusan ang mga bampira.” “Gumagawa rin ba kayo ng lagusan?” tanong ko pa. “May pagkakataon kung uhaw kami sa dugo pero nu’ng ginawa yun ni Izabella ay hindi na kami nakagawa ng lagusan.” Gumagawa rin pala sila pero ang sabi ng lolo ko, mga bampira lang na may mahahabang pangil ang sumalakay sa baryo namin noon. “Bakit may kalahating halimaw pa?” “Pag nakainom sila ng dugo ng ganap na bampira, magiging ganoon din sila kagaya namin. Subalit, pag naka-inom sila ng sarili naming dugo, mamamatay ang kanilang biktima at ‘yan ang dahilan kaya tinuturing namin silang kaaway.” “P-Paano ako makaalis dito?” Hindi naman p’wedeng mag-tagal ang katulad ko rito! Susundin ko lamang bilin ng lolo ko pero gusto kong umuwi ng buhay! “May mis’yon ka rito mortal hindi ka p’wedeng bumalik hangga’t hindi mo natatapos ang iyong kapalaran. Iyan ang nakasulat sa propesiya.” Palihim akong bumunga ng hangin para kumalma ang isip ko. “P-P’wede mo po bang sabihin ang tungkol sa propesiya?” Sabay inagat ang titig ko pero, bigla s’yang ngumisi. Doon ko nanaman nakita ang dalawang matutulis na pagil kaya mas lalong nanindigan ang mga balahibo ko. “Hanapin mo ang bangkay ng Prinsesa kung saan ito naka-tago, at bago ko makalimutan... isang lalakeng bampira ang aasam lamang sa dugo mo. Ang babaeng bampira naman ay dugo lamang ng lalaki ang kanilang iniinom dahil sa kalidad ng dugo, pag uminom ang isang babaeng bampira sa katulad n’yang babae.... ang malalasahan nila ay mapait na dugo. Kaya mas mag ingat ka sa mga lalaking bampira lalo na't mortal ka.” Napa-lingon ako sa uwak na’ng dahil sa sinabi n’ya. Nakita ko nanaman s’yang naka-patong sa balikat ni Joziah. “B-Bakit pala nagsasalita ang uwak na yan? At bakit nai-galaw mo sa hangin ang upuan kanina?” Ang dami kong tanong, pero hindi ko gustong nag-i-isip ako. “Simple ang sagot, ang mundong kinagagalawan mo ngayon ay iba sa mundo ng mga mortal,” madiing saad ni Zarkuz sabay tayo sa kinauupuan at umalis. Na’ng mawala s’ya sa paningin ko, tatayo na sana ako pero may nagsalita sa likuran ko. “May narinig akong boses babae, mukhang naka-ka-takam...” “Tumahimik ka Izaiah, akin siya.” Napasinghap na lamang ako na’ng maramdaman kong may humawak sa buhok ko at naramdaman kong diniliaan niya ang leeg ko. “W-Wag mong gawin ‘yan!!” Napasigaw ako wala sa oras. Nilingon ko ‘yung lalake sa likod ko at bumungad sa ‘kin ang isang lalakeng naka-sando habang may nakasabit na damit sa balikat niya. Pero kung titignan, mas naka-ka-pangilabot ang ngisi n’ya sa ‘kin dahil halatang nilalapag n’ya ang sariling pangil habang dinidila-dilaan. May narinig akong tumikhim at napasin kong umupo yung Joziah sa harapan ko. “Paumanhin sa inasal namin kanina. Ako nga pala si Joziah Marceluz, ‘yung sa likod mo naman ay si Izaiah Hezekioh at yung kausap mo kanina ay si Zarkuz Xahir. May isa pa kaming kasama pero abala pa siya yun ay si Zemetrius Cairo.” “Uhaw na uhaw na ako sa dugo ng isang mortal, maaari bang makasipsip ng dugo sayo binibini?” Nabigla akong sumulpot ‘yung Izaiah sa harapan ko at sobrang lapit niya sakin. “H-Hindi ko gusto, hindi masarap ang dugo ko,” dire-diretsong saad ko at akmang tatakbo pero hinila niya ang kanan kong pulsuhan sabay pinahiga pabagsak sa sofa. Kasunod no’n ay agad n’ya akong pinatungan sabay hinawi ang buhok na sagabal sa leeg ko. “Umalis ka! Hindi ako makahinga! Hindi ‘to ang punta ko rito!” maawtoridad kong sigaw. Nagpupumiglas ako pero hindi siya nakikinig at doon ko nahagip ang mga mata niyang parang lalamunin ako. Pero, unti-unti akong napa-pikit ng madiin dahil parang hinihila n’ya ang buhok ko at doon ako napa-tagilid. “UMALIS KA SA IBABAW KO—“ “Tumahimik ka, babaeng mortal kung ayaw mong masaktan at sundin mo ang gusto ko,” madiing saad n’ya at ramdam na ramdam ko ang malamig na hiningang dumadampi balat ko. Napapikit nalang ako dahil may naramdaman nanaman akong matulis na bagay na parang babaon sa leeg ko. ©cherryypinks
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD