KABANATA 1

1848 Words
KABANATA 1 Fiona Serenity’s POV ILANG oras na akong nag-hi-hintay pero wala pa akong nakikitang tricycle na dumaraan dito sa waiting shed. Sayang lang pala ang maaga kong pag-ha-handa kung anong oras din pala ako ditong mag-a-antay. Base sa init ng araw na ramdam na ramdam ng balat ko, marahil alas nuebe na ng umaga. S’ya nga pala, ang pangalan ko ay si Fiona Serenity. Hindi ako katangkaran at parang 5'5 lang ang tangkad ko. Ang buhok ko naman lagpas balikat lang at nagpalagay ako ng bangs. May anim rin akong nunal sa mukha, na nag-si-silbing asset ko. Pero, hindi ko alam kung maganda ako o ano. Wala rin akong mga naging kaibigan dahil hindi naman ako nakapag-tapos ng pag-a-aaral dahil sa hirap ng buhay lalo na’t nag-a-aral ako sa umaga, dishwasher naman ako sa gabi sa isang maliit na restaurant dito sa munting bayan namin. Kumawala naman ako ng malalim na hininga dahil ilang buwan na rin ang naka-lipas simula nu’ng iniwan ako ng nag-i-isang pamilya sa buhay ko. Iyon ay ang lolo ko, doon ko rin hindi maka-limutan ang sinabi n’ya bago s’ya mawalan ng hininga. “Puntahan mo ang daang iyon hanapin ang lagusan at hanapin ang banal na Prinsesa para matapos na ang sumpa ng mga bampira. Tiisin mo lahat ng paghihirap para makamit mo ang iyong kalayaan." Hindi ko mabatid ang nais n’yang iparating dahil ilang taon na rin ang naka-lipas at hindi na sinasalakay ng mga bampira ang bayan na ito. Pero kahit naguguluhan ako ay kinakailangan ko pa ring sundin iyon kaya bago ako nakapag-desis’yon, dinalaw ko muna s’ya sa simenteryo para mag-paalam. Alam ko naman ang address ng lugar na pupuntahan ko. “Miss biyahe ka?!” Napa-tayo ako kaagad na’ng may humintong tricycle dito sa harap ng waiting shed. Sa wakas, may dumaan na rin. Kinapitan ko kaagad ang maleta kong may lamang mga gamit na kung sakaling may matutuluyan ako roon. Agad akong pumasok sa loob at nilapag ko ang maleta sa unahan ko kaya nag-simula na kaming bumiyahe. MAKALIPAS ANG ILANG MINUTO... "Saan po kayo bababa?" tanong ng Driver. "Sa VR road po,” sagot ko pero napa-kunot ang noo ko dahil bigla kaming huminto kaya napa-titig ako sa kan’ya. Mas lalo naman akong nag-taka dahil parang bakas sa mukha n’yang nabigla sa sinabi ko. “M-May problema po ba?” mahinahong tanong ko. "Hindi mo ba alam na puro kababalaghan ang daang 'yon?” mahinang usal n’ya habang unti-unti kong nakita ang takot sa kan’yang mga mata. "Doon daw kasi ang lagusan ng mga bampira, matagal na rin ang panahong umatake sila at alam kong babalik sila ulit. Walang nagtatangkang umapak sa lugar na iyon.” Naramdaman ko na lang na nag-taasan ang mga balahibo ko sa katawan na’ng dahil sa sinabi n’ya. Ngunit, hindi ko p’wedeng biguin ang lolo ko dahil iyon ang address na sinabi n’ya sa ‘kin. May mga usap-usapan sa baryo namin na roon daw ang lagusan ng mga bampira pero, napaka-imposible dahil habang lumalaki ako ay hindi na kami ginambala pa. "Bababa nalang ako sa hindi kalayuan at maglalakad nalang para hindi kayo mapano,” sabi ko pero parang nagtaka s’ya. "Bakit ka pala pupunta sa delikadong lugar na 'yun miss?" "May titignan lang po,” mabilis kong sagot sabay ngumiti. Hindi na lang siya nagsalita at bumiyahe na ulit. Lumipas pa halos dalawangpung minuto at huminto na ang sinasakyan sa gilid ng malaking kalsada at kaagad akong bumaba. Kinuha ko muna ang maleta ko bago inabot ang bayad. Tinanggap n’ya naman kaagad. "Mag-i-ingat ka sana miss, sana makabalik ka pa. Ikaw lang ang kauna-unahang taong maka-ka-apak diyan.” Kasunod no’n ay bumiyahe na papalayo. Inayos ko naman ang maletang hawak ko at napatingin ako sa dalawang direks’yon ng daan. 'Virgin Road' ang nakapangalan sa sign board na nasa kaliwa. Pero, halos mahinto ang pag-hinga ko at sinabayan pa ng mga balahibo kong nag-taasan nanaman. Dahil, bumungad sa paningin ko ang maraming patay na kahoy sa magkabilang gilid. Napa-lunok naman ako ng sunod-sunod na’ng matanaw ko ang maraming uwak na nakapatong sa sanga ng mga patay na kahoy. Rinig na rinig ko mula rito ang kanilang tunog na sadyang nakakapangilabot. Kumpara sa simentadong daanan na inaapakan ko, ang daan ay lubak-lubak na. Sinalin ko naman ang atens’yon ko sa kanan. 'Elle's Mango farm' ang nakatatak sa sign board pero nahihinog nalang ang mga manga dahil walang taong dumadaan dito. Masukal na rin kaya wala akong nakikitang lagusan kundi, itong nakakasindak na daanan na kung tagawagin ng mga taga-rito ay ‘Birheng Daan’ o sa ingles na ‘The Virgin Road’. Hindi na ako nagdalawang isip at naglakad na sa nakakakilabot na daan na ‘to. Bago iyon, binuhat ko muna ang maleta ko at inakap dahil sira-sira na nga ang daan. Pigil hiningang tinahak ang daanan. Ngunit, habang naglalakad ako ay parang lahat ng uwak nakatingin sakin at kahit naka jacket ako ay ramdam na ramdam ko pa rin ang lamig na ihip ng hangin. Hindi ko alam kung ilang beses na ako napa-lunok habang pinag-ma-masdan ang paligid. Pero, ilang minuto na ang paglalakad ko at wala akong nakita kahit ano, puro puno at uwak lang ang nakikita ko. Wala naman akong nakitang lagusan ng mga bampira o mismong bampira. Wala rin akong nakitang kakaiba. Pinag-patuloy ko lang ang pag-la-lakad ko at kung hindi ko nakita ang pinapahanap ng lolo ko, ako mismo ang mag-sa-sabi sa mga tao sa baryo na hindi na sila matakot sa lugar na ‘to. Lumipas pa ang ilang minutong pag-la-lakbay, napa-hinto ako sa pag-hakbang dahil may nasilayan akong kakaiba sa paningin ko. Isang matandang puno na sobrang laki, dahil sa laki wala na akong madadaanan. Magisa lang siyang may makakapal na dahon at sanga na parang buhay na buhay ni sa wala akong nakitang tuyong dahon sa ilalim. Ibang-iba ‘to sa mga nakita kong patay na puno na dinaraanan ko. Naglakad ako ng paunti-unti at inalis ko ang kanang kamay na naka-akap sa maleta ko. Unti-unti kong hinawakan ang puno at laking gulat ko tumagos ang kamay ko. Halos manlamig ang buong katawan ko sa nasaksihan ko kaya tinanggal ko agad at napaupo sa sobrang kaba. Kinagat ko ang sariling dila para maiwasan kong sumigaw. Hindi ako nag-ka-ka-mali, baka ito na ‘yung lagusan? Tumayo ulit ako sa harap ng puno, at laking gulat kong hinigop ako paunti-unti haggang nawala na ang presens’ya ko sa lugar na iyon. Isang iglap lang lumabas ang katawan ko sa malaking puno pati ang mga gamit ko. Nanlamig ako bigla na’ng napagtanto kong napadpad pala ako sa lugar na hindi ko pa 'to nakita sa buong buhay ko. Napakadaming itim na rosas sa magkabilang gilid ng maliit na daan. Napalingon ako sa likod ko, at doon ko nakita ‘yung matandang puno na parang humigop sa ‘kin kanina papunta rito. Sinuri ko ng puno at parehong pareho sa nakita ko kanina! "H-HELLLOO!" sigaw ko habang tumitingin-tingin sa paligid habang akap-akap ko pa rin ang maleta ko. Pero, wala akong nakita ni isang tao. Tanging huni lang ng mga ibon ang narinig ko sa paligid at parang nasa gitna ako ng gubat. Tao nga ba ang nandito? Ito nga ba ang lugar ng bampira? Pero, kung ito nga... itong k’wintas ang mag-p-protekta sa ‘kin kaya hindi ako dapat matakot. Nagsimula akong maglakad dala ang mga gamit ko at nag-masid-masid. Kung titignan ng maigi, napakaganda ang lugar na 'to. Maraming mga puno ng mansanas na hitik na hitik ang mga bunga. May napansin rin akong nakitang ibat-ibang uri ng berries kagaya ng rasp berries, strawberries, blue berries, at wild berries. Parang imposibleng lungga ito ng mga masasamang bampira. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang ini-enjoy ko ang paligid. Maya-maya pa ay may napansin akong isang napaka-laking bahay. Pero nakakatakot tignan dahil puro itim ang pintura. Napansin kong sa taas ng mansion sa pinakatuktok may uwak na nakaukit na may hawak na moon crest sa ilalim ng mga paa nito. "Binibini anong ginagawa mo sa lugar na 'to?" Nagulat akong may tinig na nagsalita. Lumilingon lingon ako sa paligid pero wala naman akong nakita. "Nandito ako sa Puno.” Napa-kunot ang noo ko dahil may uwak na nakapatong sa puno dito banda sa gilid ko. "I-Ikaw ang nagsalita?” nauutal na taong ko habang dinuro yung uwak. "Oo ako nga bingi kaba?" Nanlaki ang mata kong ngayon lang ako nakakita ng uwak na nagsasalita! "H-hindi hindi panaginip lang siguro 'to,” bulong ko sa sarili sabay kinagat ng madiin ang dila ko. "Gusto mo sampalin kita ha?" wika uli n’ya kaya napa-mulat ako. Huminga ako ng malalim para hindi lumikha ng kahit anong reaks’yon. "Hindi! Hindi na kailangan, g-ginoong uwak anong lugar na 'to?" buong tapang na tanong ko kahit gusto kong sumigaw dahil nga nag-sa-salita ‘tong uwak! May dinaanan naman ako kanina pero tunog lang nila ang naririnig ko! "Mortal ka ba? Lugar ito ng mga bampira bakit nandito ka? Bakit ka nakapasok sa lugar na 'to?” Parang namutla ako sa sinabi n’ya. Ibig sabihin... ito nga ang sinasabi nilang lagusan? Lumunok muna ako ng sariling laway bago nag-salita dahil nag-u-umpisa nanamang nanlalamig ang mga daliri ko sa kamay. “H-Hindi ko alam pero dinala ako dito ng matandang puno." "Imposible! Ang matandang punong iyon ay harang para hindi makapasok ang sinuman, mortal man o bampira." "G-Ganun po ba? S-Sige aalis na ako dito." Babalik na lang ako sa matandang puno at ngayong alam ko na’ng lungga ito ng mga bampira! Tatakbo na sana ako pero biglang nabunggo ako sa isang matigas na bagay, napaupo ako dahil natamaan ang noo ko. "A-araay...” bulong ko dahil tumama yata ang pang-upo ko sa isang bato. Tatayo na sana ako at kunin ang maletang nabitawan ko pero laking gulat kong may lalakeng nakatayo sa harapan ko. Napa-lunok ako na’ng napag-tanto kong kulay itim ang suot n’yang pananamit. Lalo na ang kapa sa likuran n’ya. Inagat ko pa ang mukha n’ya at parang napa-tulala ako dahil sa nasaksihan kong napaka-among mukha. Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka gwapo pero parang ang putla n’ya? "Panginoong Joziah ikaw pala, may mortal na nakapasok sa matandang puno,” magalang saad ng uwak. Lumipad ito at pumatong sa balikat ng lalakeng nasa harapan ko. Nakita kong wala siyang emosyon sa mukha. Napayuko nalang ako. Pero bigla akong napa-singhap dahil hinila ako patayo at hinawakan niya ang panga ko sabay titig ng malalim sa mga mata ko. "Pamilyar ang babaeng 'to. Kamukha siya ng Prinsesa. Kailangan ito makita ni Zarkuz," seryosong wika niya habang tinitignan ang mukha ko. At namilog bigla ang mga mata ko na’ng biglang sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Kasunod no’n ay naramdaman ko na lang ang dila niya na dumampi sa leeg ko. "WAG!!!” sigaw ko pero hindi siya nakinig. PALALA: Hindi po ako propes'yonal na manunulat. Ang kuwento pong ito ay isang kathang isip lamang na gawa ng aking malikot na imahinas'yon. Ito ang pangalawa kong akdang isinulat, isang taon na ang nakalipas, at paumanhin pag may mabasa po kayong maling gramatika, baybay at bantas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD