TEASER

236 Words
TEASER Ako ay isang ordinayong babae lamang. Ngunit, ilang taon na ang nakakaraan ay sinalakay ang lugar namin ng mga bampira at iyan ang rason kung bakit namatay ang aking mga magulang. Maraming buhay ang nawala iilan lamang ang nakaligtas sa panahong iyon at isa na ako ron. Sa kadahilanang tinakas ako ng aking lolo noong sanggol pa lamang ako, at isang siyang mahusay na salamangkero sa aming lugar. Ngayon, 18 taong gulang na ako. Namatay ang aking lolo dahil sa malubhang sakit. Subalit, bago siya binawian ng buhay ay may bigay siya sa akin na address kung saan may isang lugar na hindi napupuntahan ng tao kasabay non ay may inabot siya sa kin na k’wintas, isang pendant na may lamang sagradong abo. Nabanggit nya sa kin na kahit anong mangyari 'wag kong tatanggalin ang bagay na iyon sa leeg ko. At ang huli niyang sinabi sa akin, "Puntahan mo ang daang iyon hanapin ang lagusan at hanapin ang banal na Prinsesa para matapos na ang sumpa ng mga bampira. Tiisin mo lahat ng paghihirap para makamit mo ang iyong kalayaan... ito ang misyon na hindi mo maiiwasan..." ©cherryypinks PALALA: Hindi po ako propes'yonal na manunulat. Ang kuwento pong ito ay isang kathang isip lamang na gawa ng aking malikot na imahinas'yon. Ito ang pangalawa kong akdang isinulat, isang taon na ang nakalipas, at paumanhin pag may mabasa po kayong maling gramatika, baybay at bantas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD