Macy's Pov NAGPASAMA ako kay ma'am Rizza kanina sa salon at may masamang nangyari. Natakot ako at gusto ko sanang suntukin ang nanakot sa kanya na matanda ngunit nakatakas naman. May kasama din siyang body guard na ang pangalan ay Kevin. Agad kong tinawagan si boss Sid sa nangyari at kaya pumunta siya agad sa mall. Dapat ay nagpapaganda ako dahil pinaayos ko ang buhok ko. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari. Yung lalaking yun pala ay ang dumukot kay Rizza at dinala sa malayong lugar at ikinulong. Ang sabi sa 'kin ni Rizza ay nong una daw niyang tapak sa Manila ay wala daw talaga siyang alam sa buhay. Konti lang ang alam niya at do'n nga ay naging katulong siya ni Montemayor. Kaya naman pala naging sila. Siguro na inlove si Montemayor sa kanya. Hindi ko din naman siya masisi

