Macy's Pov NAKATULALA ako habang iniisip ang napag usapan namin ni ma'am Grace. Hindi mawala sa isipan ko yun lalo na't may hinihiling siya sa 'kin. Mababaliw na yata ako sa kakaisip kung anong gagawin ko lalo na't si boss Sid ang pinag uusapan namin. Wala na nga yata akong nagawang trabaho dahil dito. Nakaupo lang ako at nakatulala parin. Hindi naman yata ako mapapagalitan ni boss Sid. Ayaw ko sanang pumayag sa gusto ni ma'am Grace pero wala akong choice kundi ang pumayag lalo na't nag makaawa siya sa 'kin. Hindi ko siya matiis lalo na't mabait siya sa 'kin. Napabuga ako ng hangin at napasabunot nalang ako sa buhok ko. Ang fresh ko pa naman tignan dahil sa buhok ko tapos stress lang pala ang aabutin ko dahil sa pagitan ni boss Sid at ma'am Grace. Hindi sila nagkita ni boss Sid

