Macy's Pov KAHAPON pa ako wala sa mood simula ng malaman ko na may fiance pala si boss Sid. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman pero ang bigay talaga sa pakiramdam. Parang ayaw ko ngang pumasok kanina eh pero tumawag sa 'kin si boss Sid at hinahanap ako dahil wala pa daw ako sa kompanya niya. Para tuloy akong zombie maglakad kanina papunta dito. Ang masigla kong boses sa t'wing pumapasok ako sa kompanya ay nawala na. Nandito ako ngayon sa office table ko at talagang hindi ako tumitigil sa pagtrabaho. Mas okay na 'to kaysa naman makita ko si boss Sid at ma'am Grace na magkasama sa loob ng office. Mabait naman sa 'kin si ma'am Grace. Kahit mataray ang mukha niya ay namamansin naman siya. Pero hindi ako masyadong sumasagot at puro iling at tango lang ang sagot ko sa kanya

