Chapter 24

1409 Words

Macy's Pov TAHIMIK lang akong nakatulala habang nagkakape. Nasa apartment lang ako at masyado pang maaga para pumasok sa trabaho. Hindi nga yata ako nakatulog at hindi ko alam kung bakit. Bumalik kasi sa isipan ko ang pinag usapan namin ni ma'am Grace. Hindi ko alam kung bakit ko iniisip yun. Kaya pala niya ako kinausap dahil babalik daw muna siya ng London. Three weeks lang siya do'n at nakiusap siya sa 'kin na kung pwede ay tawagan ko daw siya kapag may babaeng umaaligid kay boss Sid. Hindi ako makatanggi lalo na't nakiusap talaga siya sa 'kin. Ang hirap talaga humindi lalo na kapag may humingi ng pabor sa 'kin. Ako kasi ang tipo ng tao na hindi makahindi kapag may humingi ng tulong o pabor. Ewan ko ba.. iniisip ko kasi na kapag humindi ako sa isang tao ay parang nasasaktan ko siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD