Macy's Pov PUMASOK ako sa loob ng office ni boss Sid dahil na din sa sinabi niya na gusto niya akong kausapin. Ang tahimik ng office at pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari. Pero dahil boss ko siya kaya dapat lang na sumunod ako sa kanya. Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair niya pero nakaharap siya sa glass wall na nasa likod ng office table niya. Kitang-kita lahat ng gusali do'n "Boss Sid.." tawag ko sa kanya upang makuha ko ang atensyon niya. Hindi siya lumingon sa 'kin kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. Nagtataka ako kung bakit hindi siya nagsalita o lumingon man lang. Pumasok sa isipan ko na baka naka earphone siya pero hindi naman yata. Alam ko kasi na hindi mahilig si boss Sid lalo na't nandito siya sa loob ng office niya. "May problema ka ba, Macy?" Tano

