Macy's Pov KAMING lang dalawa ni boss Sid sa apartment ko at hindi talaga siya umalis. Wala kasi ang pinsan ko at nag text siya sa 'kin na hindi daw siya makakauwi dahil nag iinuman daw sila ng mga pinsan niya din. Bukas nalang daw siya uuwi. Pumayag naman ako dahil ayos lang naman yun. Magdidilim na sa labas kaya tumingin ako kay boss Sid. "Hindi ka pa ba uuwi, boss Sid? Hindi sa pinapauwi kita ha pero umuwi ka na po kaya. Akala ko ba kailangan mong bantayan ang kapatid mo." Sabi ko sa kanya. Tapos na kasi kami nag dinner at ako ang nagluto. Para tuloy kaming mag asawa kaya panay ang tukso sa 'kin ni boss Sid at anak nalang daw ang kulang at kasal. Natawa ako dahil kasal na ang gusto niya eh bago pa lang naman kami. Ang sarap talaga niyang pektusan at kung ano-ano nalang ang naiisip

