Macy's Pov TWO weeks nag nakalipas simula na naging kami ni boss Sid ay wala namang nangulo sa'min. Masaya ako dahil hindi na talaga nagparamdam si ma'am Grace. Tulad ng sabi niya ay bibitawan na niya si boss Sid. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi na ako malungkot. May nakaka alam na sa relasyon namin ni boss Sid at yun ay ang pinsan ko. Masaya naman siya dahil alam daw niya na mabait si boss Sid. Nasa tamang tao daw ako. Nandito ako sa apartment kasama ang pinsan ko. Linggo kasi ngayon kaya wala kaming pasok. Tumawag din sa 'kin si boss Sid na nasa bahay lang siya at binabantayan daw niya ang kapatid niyang si Rizza dahil nasalisahan na naman daw siya ni Montemayor. Ewan ko ba kung bakit niya inaaway si Montemayor at ayaw pa payagan ang relasyon ng dalawa. Pero ang sabi kasi

