Macy's Pov PUMASOK ako sa trabaho na walang gana dahil sa nangyari kahapon. Panay naman ang text ni boss Sid sa 'kin kagabi ngunit hindi ako nag reply at mas piniling matulog nalang na may sama ng loob. Ayaw ko naman sabihin sa kanya na naiinis ako dahil ayaw ko maging pabebe sa mata ni boss Sid. Kaya natulog nalang ako kaysa sa mag emot. Ang sabi ng pinsan ko ay pumunta daw si boss Sid sa apartment namin kagabi. Panay daw ang katok ng pinsan ko sa aking kwarto pero hindi daw ako sumasagot. Kaya sinabihan nalang daw niya si boss Sid na tulog na daw ako. Hindi talaga ako magigising lalo na't naka headset ako natutulog. Hindi sad song ang pinapakinggan ko kundi rap ng Hambog ng Sagpro Krew. Yun talaga pinapakinggan ko kapag malungkot ako at wala ako sa mood. Natutunan ko yun sa tropa

