Macy's Pov NAKATULALA na naman ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko lalo na't uamlis si boss Sid para puntahan si ma'am Grace sa hospital. Ang sabi niya ay tatawagan niya ako kapag nalaman daw niya ang sitwasyon ng dalaga. Ako naman ay hindi mapakali dito sa office table. Dapat pala sumama ako kay boss Sid para malaman ko kung ano ang nangyayari. Niyaya naman niya ako na sumama ngunit ako lang yung umayaw dahil ayaw kong makita si ma'am Grace sa sitwasyon niya. Siguro ay nahihirapan talaga siyang tanggapin ang nangyari sa kanila ni boss Sid. Naiiyak ako dahil bago lang kami ni boss Sid tapos ganitona agad ang nangyari sa'min. Akala ko pa naman ay problema niya ay sa negosyo pero hindi pala. Napabuga ako ng hangin at natigil sa pagkatulala ng biglang mag ring ang phone ko. Dali-d

