Macy's Pov MAAGA akong gumising dahil pupunta kami ni boss Sid sa Pangasinan. Nandito na kami sa kotse at katulad nang byahe namin kahapon ay tahimik na naman si boss. Alam kong galit pa rin siya sa ginawa kong pagdadala ng lubricant at talagang inabot ko pa sa kanya. Alam ko naman na mali ko din ang ginawa ko kaya hindi na din ako nagsalita pa. Ayaw ko ng dagdagan ang pagkakamali ko. Hinihintay ko lang na siya ang unang magsalita para hindi ako mapahiya. Kung hindi man niya ako papansinin ay okay lang, kung papansinin niya ako, okay lang din. Tahimik lang ako habang nakaupo at nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Dito ko nalang itutuon ang atensyon ko kaysa tumingin ako kay boss. Baka sasakit lang ang mata ko dahil sa pagmumukha niyang nakasimangot. Lumipas ang oras ay nakara

