Macy's Pov NAGBIHIS na ako dahil ilang oras nalang ay lalabas ako para sa meeting na sinasabi ni boss Sid. Siniguro ko talaga na pogi ako ngayong gabi para hindi niya ako masabihan na nakakadiri. Baka kasi dugyot ako sa paningin niya. Naglagay pa talaga ako ng gel sa buhok kong emo para hindi hanginin mamaya. Ayaw kong magulo ang buhok ko para naman presentable ako sa harap ni boss Sid. Nagsuot ako ng pormal na damit. Naka suot pa talaga ako ng de kwelyo para maging kaaya-aya ako. Yung pantalon ko naman ay hindi masyadong maluwag ngayon, hindi din masyadong masikip. Ayaw ko din naman kasi ng masikip dahil hindi ako komportable. Nang matapos na ako ay agad akong pinulot ang cellphone ko na nasa bedside table. Nakita ko kasing umilaw ang phone ko. Binuksan ko yun at nakitang si boss S

