Macy's Pov NGAYONG araw ay aalis kami ni boss Sid. Nakasuot lang ako ng malaking short na maong at tshirt na maluwag sa 'kin. Kahit kailan naman talaga ay hindi ako nag suot ng masikip na damit kahit pa nga naka suot ako ng damit pang pasok sa office. Nakasanayan ko na talaga magsuot ng maluwag. Mas komportable ako dito at hindi na iinitan ang singit ko dahil ang luwag ng short ko. Tagusan ang hangin kaya presko. Nasa loob ako ng sasakyan ni boss Sid at kumakain ng chips. Siya naman ay tahimik lang at seryosong nagmamaneho. Kanina pa siya ganyan, para bang wala ako dito sa tabi niya. Naninibago ako kay boss Sid, hindi naman kasi siya ganito dati. Nagtataka na tuloy ako kung may kasalanan ba ako na hindi ko alam. Pero sure naman ako na wala eh kaya hindi ko alam kung anong nagawa kong

