Akuma's Point of View
MAAGA kaming nagising dahil may activity kami ngayon, nakakapagtaka nga dahil ang aga ng activity nila pero naisip ko bigla na late pala kami pumasok dito. Naglalakad kami papunta sa canteen at habang naglalakad kami ay nag ke-kwentuhan kami.
"Can you lower your voice," Napahinto kami sa biglang nagsalita at kahit hindi ko tignan kung sino alam ko kung sino siya. Walang iba kundi si Prof Jerk.
"Ano bang pakielam mo kung maingay kami?" Inis na sabi ko sa kanya. "Wala naman kami sa hallway at isa pa hindi lang naman kami ang maingay dito 'diba?" Nakakainis kasi siya bakit kami lang ang pinupuna niya? Ang dami namang maiingay.
"You are high ranks, dapat magpakita kayo ng good influence," sabi niya.
Napakunot ako ng noo. "Good influence? Kelan pa nabuo ang salitang 'yan dito?" sabi ko. "Tandaan mo, gangster, mafia at assassins ang mga nag aaral dito sa school na ito."
"So," sabi niya.
Magsasalita sana ako ng inawat ako ni Yannie. "Tama na yan, Umie," sabi niya. "Pakinggan na lang natin siya, Prof naman siya eh."
"Yun na nga eh prof nga siya pero ang pangit ng ugali," sabi ko pagkatapos umirap. "Tsk, alis na nga tayo." Nauna na akong naglakad sa kanila.
* * *
"GRABE excited na ako sa activiting gagawin natin. Matagal tagal na rin nung sumabak tayo sa bakbakan," sabi ni Clara sabay patunog pa ng mga daliri niya.
"Tsk, para kang sira diyan," masungit na sabi ko.
"Ang kj mo naman ate Aku," sabi ni Clara sabay pout.
"Tch," sabi ko.
Dahil sa ginawa nung Prof Jerk na iyon na walan ako ng gana pati sina Clara nasusungitan ko na dahil sa kagagawan niya. Mabuti na lang wala si Kuya Austin kundi baka madamay siya sa pagsususngit ko, ayoko siyang masungitan.
"Tara pumunta na tayo sa activity area," pagyaya ni Kuya Hell.
Nagsitayuan na kami pagkatapos naglakad papunta sa activity area pagdating namin marami ng mga students. Puro mga gangster, mafia at assassin lang ang nandito walang mga normal na students dahil bawal silang sumali.
"Good morning students alam kong excited na kayo sa activity na gagawin natin. Simple lang naman ang gagawin natin parang sport fest pero kakaiba ang mga larong gagawin natin. Ang mga pagpipiliin niyo ay makikita niyo sa bulletin kapag makapili na kayo magpalista kayo. That's all thank you," sabi ng principal.
Naglakad kami papunta sa bulletin board pagkatapos tinignan ang pagpipiliian.
•Car Racing
•Motor Racing
•Archery
•Gun shooting
•Martial arts
•Sword fighting
•Hacking
"Anong sasalihan mo Ate Yana?" tanong ni Clara.
"Hmmm Car Racing at Gun Shooting yung akin," sagot ni Yannie.
"Ahhh ako sa Sword fighting at Hacking na lang, ikaw ate Aku?" tanong ni Clara sa akin.
"Yung mga natirang hindi niyo nasabi," sabi ko, ayoko naman na gumaya sa kanila.
Lumabas ako ng activity area masyado ng maingay sa loob nakakairita na kaya mabuti pang pumunta na lang ako ng garden mas tahimik pa doon. Pagdating ko sa garden agad akong humanap ng puno na may magandang silong pagkatapos nun natulog na ako.
* * *
TAPOS na ang mga laban nina Yannie at Clara, hindi ako masyadong nanuod dahil alam ko naman na manananalo sila. Sa ngayon pinaghahandaan ko ay ang laban naming dalawa ni Kuya, ang tagal na rin nung huli kaming maglabang dalawa.
"Makakalaban na naman kita kuya," sabi ko kay Kuya.
"Yeah," sang ayon niya sa sinabi ko.
"Matagal tagal din bago kita makalaban kaya excited na ako. Good luck kuya," sabi ko.
"Right, good luck," sabi niya.
Mayamaya pa ay nag simula na ang laban, pinauna namin ang mga kalaban. Ganito naman kami lagi pinapauna namin ang mga kalaban para naman maramadaman nila na nananalo sila pero hanggang doon lang ang sayang mararamdaman nila dahil hindi namin hahayaan na manalo sila.
Malapit na kami sa isang obstacles kung saan putol ang daan kaya mas lalo kong bilisan para makakuha ako ng chempo para maitalon ang motor ko sa kabilang daan. Nang malapit na ako sa isang pataas na daan napansin ko na katabi ko na si Kuya kaya sabay kaming tumalon papunta sa kabilang daan.
Mas lalo pa naming binilisan ang pagpapatakbo dahilan para malampasan na namin ang mga kalaban.
"Kuya, kapag nanalo ako ibigay mo yang motor mo sa akin ha?" sabi ko pagtabi ko sa kanya, ang tagal ko na kayang gustong makuha ang motor ni Kuya. Limited edition lang kasi iyon kaya wala na akong mabili na ganung motor.
"Sure," sagot niya.
"Eh ikaw anong gusto mo?" tanong ko.
"My ducky," sagot niya na naka ngisi at pinatakbo ng mabilis ang motor niya.
Napangisi rin ako sa sinabi niya at binilisan lalo ang pagpapatakbo. Malapit na kami sa finish line, naunahan ko si Kuya pero nung mas malapit na kami sa finish line nagulat ako ng biglang bumilis lalo si Kuya dahilan para siya ang manalo.
Na-disappoint man ako dahil hindi ko makukuha ang motor ni Kuya pero tanggap ko naman na talo ako dahil mas magaling naman talaga sa akin si Kuya. Pagkahinto ko, inalis ko ang helmet ko at lumapit kay Kuya.
"Congrats kuya" bati ko sa kanya.
"Thanks" sagot niya.
Sabay kaming lumabas ni Kuya sa racing track, paglabas namin agad dinamba ng yakap ni Yannie si Kuya.
"Wahhh congrats HM" masayang sabi sa kanya ni Yannie.
Napangiti naman si Kuya at niyakap pa balik si Yannie.
"Thank you ducky," sagot niya.
~
NAKIPAGKITA ako kay Kuya Austin para kasing hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakakasama. Kahapon kasi bawal pumunta o manood ang mga normal students, wala rin silang pasok kaya maghapon ko siyang hindi nakita kahapon.
"Nabalitaan ko kayo raw ang panalo sa activity kahapon," sabi ni Kuya Austin. "Congrats."
"Thank you," sabi ko habang kumakain kami ng ice cream.
Nandito lang kami sa loob ng Royal University , ayaw na kasing tumakas ni Kuya Austin nung niyaya ko siyang tumakas ulit siya. Natatakot daw kasi siyang mawalan ng scholarship, swempre dahil ayoko rin naman na maalis ang scholarship niya sinunod ko na lang ang sinabi niya na dito na lang kami sa loob ng R.U.
"Ano pa lang ginawa mo nung wala kayong pasok?" tanong ko.
"Student Assistant ako kaya tumutulong ako sa mga Professor dito," sagot niya. "Dagdag allowance na rin iyon sa akin lalo na bawal lumabas dito sa R.U."
"Bakit ba kasi bawal lumabas ang mga students dito?" sabi ko, hindi ko kasi maintindihan kung bakit bawal lumabas ang mga students. "Parang ginawa nilang preso ang mga students dito, yung iba dito na tumanda at nakapag asawa dahil hindi sila pwedeng lumabas."
"Hindi ko alam ang dahilan pero may naririnig ako na kaya hindi sila pinapalabas para maiwasan na makapanakit sila sa mga tao sa labas," sagot ni Kuya Austin. "Isa pa, bago pa man sila pumasok dito alam na nila na walang labasan at kung gusto mong makalabas kailangan maka graduate ka. Kasalanan mo na kung hindi ka makalabas dahil hindi ka nag aral ng maayos."
"Tama nga naman pero parang sobra naman kasi dito na tumanda ang iba," sabi ko.
"Well, desisyon na iyon ng mga students dahil libre lahat ng mga expenses nila dito, yung iba ayaw ng lumabas kasi wala na silang pamilyang pupuntahan sa labas kaya ang iba nananatili na lang sila dito," sagot niya pagkatapos kumain ng ice cream. "In short mas sagana ang buhay nila dito kesa sa labas kaya nananatili na lang ang iba dito."
Napatango naman ako. "Ang yaman naman pala ng may ari ng LIS dahil sagot niya lahat ng expenses ng mga nananatili dito."
"Sobrang yaman talaga," sagot niya. "Pero swempre mas mayaman kayo, base sa na ririnig ko at sa research ko mas mayaman kayo sa may ari ng R.U."
"Sina Mom lang naman ang mayaman," sagot ko habang inuubos ko ang ice cream ko.
"Pero anak nila kayo kaya mayaman din naman kayo," sabi niya.
"Tama ka pero ayokong inaako ang yaman nina Mom, gusto ko sariling sikap ko nakukuha ang pera ko," sagot ko, kung ang iba gustong gusto nila na makuha ang yaman ng mga magulang nila pero iba ako. Gusto ko maging mayaman din ako sa sariling sikap ko. "Kung hindi pa bata ang bunso namin hindi ako papayag na ako ang mag mana ng ari-arian nina Mom pero no choice ako kailangan ko munang hawakan ang company namin habang hininintay kong lumaki ang bunso namin."
* * *
KINABUKASAN habang naglalakad ako papunta sa unang klase ko ng may tumawag sa akin.
"Ms. Miller," tawag sa akin ni Prof Jerk. "After class pumunta ka sa office may sasabihin akong importante," sabi niya.
"Hmm, okay," sagot ko na lang kahit gusto kong tanungin kung bakit sumumpong na naman ang pagiging Jerk nito.
Agad din naman siyang umalis matapos niyang makuha ang sagot ko kaya naman tinuloy ko na ang paglalakad ko dahil anytime mag be-bell na.
MATAPOS ang klase namin at gaya ng sabi niya dumiretso ako sa office niya. Pagpasok ko nakita ko siyang nakasandal sa upuan niya at nakapikit. Halatang halata sa kanya ang stress kaya hindi ako nag ingay baka magising siya pero hindi ko alam na gising pala siya dahil bigla lang siyang nag mulat.
"Mabuti naman nandito ka na," sabi niya at umupo ng maayos, pinaupo niya din ako sa upuang nasa harap ng lamesa niya.
"Ano yung importanteng sasabihin mo?" tanong ko.
Napabuntong hininga muna ito na parang kumuha ng bwelo bago magsalita. "I know, hindi maganda ang unang pagkakilala natin," buti alam mo. "At gusto kong huminga ng tawad sa nagawa ko," Nagulat ako sa sinabi niya dahil wala sa itchura niya ang humingi ng tawad, magsasalita sana ako pero tinikom ko ulit dahil ayokong masira ang atmosphire na bumabalot sa amin. "I'm just... tired and stress that day kaya mainit ang ulo ko at saktong ikaw ang napagbuntungan ko ng galit."
"Eh bakit ganun niyo ako tratuhin matapos nun?" tanong ko. "Ginawa mo ako slave tapos tinakot mo pa akong tatanggalin mo sa pagiging scholar si kuya Austin."
"Naiinis lang ako dahil hindi mo ako ginalang as you're prof, napahiya ako dahil sa harap mismo ng mga kaklase mo ako pinahiya," sagot niya. Bigla naman akong naguilty sa sinabi niya. Tama siya binastos ko siya sa harap mismo ng mga kalase ko, kung sa akin yun gawin malamang magagalit din ako. "Kaya bilang prof mo, paparusahan kita sa ginawa mo. Kung hindi kita paparusahan baka isipin nila na natatakot ako sayo dahil ikaw si blood at baka lumakas din ang loob nila na bastusin din ako."
Hindi ako makasagot sa mga sinabi niya dahil lahat ng iyon tama. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa mga nagawa ko, parang pinahiya ko si mom dahil ganitong asal ang pinakita ko. Nasabihan niya nga akong tanga pero walang wala yun sa mga pambabastos na ginawa ko.
"I'm sorry din prof," nakayukong sabi ko pero bigla kong naramdaman ang kamay ni Prof. Clake sa ulo ko at ginulo ang buhok ko kaya napatingin ako sa kanya.
"It's okay naparusahan na din naman kita," Nakangiting sabi niya. "Dahil nagkapatawaran na tayo, kumain tayo sa labas. My treat." Nginitian ko din siya at mabilis na pumayag sa sinabi niya. Agad ko ding tinext si kuya Austin na kakain kami ni Prof baka kasi maghintay na naman siya sa labas.
Dahil prof si Prof Clake, hindi ko na siya tatawaging Prof Jerk dahil bati na kami, ay nakalabas kami agad sa school. Nagpunta kami sa malapit na restaurant, agad naman kaming inasikaso ng waiter ng makita kaming papasok.
"Table for two ma'am, sir?" tanong ng waiter.
"Yes," sagot ni Prof.
"Ok sir, dito po," sabi niya at naunang naglakad kaya sinundan namin sila.
Maganda ang pwestong binigay sa amin dahil malapit ito sa bintana kaya kitang kita ang magandang garden nila.
"Here's the menu," Binigyan kami ng tig isang menu.
Pagkakuha ko ng menu agad kong tinignan ang mga pagkain. Namangha ako sa ganda ng menu dahil lahat may picture na nakalagay kaya kung first time ng isang costumer makikita niya kung anong klaseng pagkain ang pipiliin niya.
"Anong sayo?" tanong ni Prof Clake.
Sinabi ko ang gusto ko medyo busog pa ako kaya hindi mabigat sa tiyan ang pinili ko. Sinulat naman ng waiter ang sinabi ko, ganun din ang sinabi ni Prof Clake. Pagkatapos makuha ang order namin nagpaalam muna ito para maibigay na sa chef ang inorder namin.
Habang hinihintay namin ang order namin nag kwentuhan lang kaming dalawa, kung ano ano na lang ang kinukwento namin. Marami na din akong nalaman sa kanya pati kasi pagkabata niya kinukwento niya. Napapansin ko din sa kanya na masiyahin din siya parang barkada ko lang siya kung tutuusin at ang sarap din niyang kausap.
Cold at masungit lang talaga siya kapag nasa loob ng school pero kapag wala na makikita mo ang totoong ugali niya.
~
"ARE YOU enjoy the food?" tanong sa akin ni Prof Clake habang papunta kami ng sasakyan niya. Kakatapos lang naming kumain kaya babalik na kaming Royal University.
"Yeah," sagot ko. "Masarap ang mga pagkain." Totoo ang sinabi ko dahil sobrang sarap ng mga pagkain doon.
"Buti naman," sabi niya. "Kundi ipapa tanggal ko sa pinsan ko ang chef nila doon." Bigla akong napatingin sa kanya na may pagtataka sa mukha.
"Ha?" sabi ko. "Sa inyo ba ang restaurant na iyon?" Makapagsabi kasi ito na ipapatanggal ang chef, ganyan na ganyan kasi si mom.
"No," mabilis na sagot niya. "Pero pinsan ko ang may ari niya." Hindi ko na natuloy ang pagbabalak kong magtanong ng sabihin niya iyon.
Napatango na lang ako sa sinabi niya. "Kaya naman pala," Nasa harap na kami ng kotse niya kaya agad niya akong pinag buksan ng pinto. "Thanks" sabi ko at pumasok sa loob. Agad niyang sinara ang pinto pagkatapos umikot papunta sa driver seat, pumasok sita at pinaandar ang sasakyan.
"Oo nga pala, Prof Clake." tawag ko sa kanya ng may naalala ako.
"Hoax," biglang sabi niya.
"Ha?" takang tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya.
"Just call me Hoax kapag tayong dalawa lang," paglilinaw niya.
"Bakit Hoax? Diba Clake ang pangalan mo?" Nagtataka ako kasi Clake ang pangalan niya kaya bakit Hoax?
"Hoax is my second name, hindi ko lang sinasabi ang second name ko dahil ayokong tawagin nila ako sa second name ko." sagot niya.
"Eh bakit ako gusto mong tawagin kita sa second name mo?" tanong ko.
"Because you're special," Bigla namang nag init ang pingi ko sa sinabi niya. "Special na tao lang ang pinapatawag ko sa second name ko."
"May ibang babae pa ba ang tumatawag sayo sa second name mo?" tanong ko.
"Yes," Hindi alam kung bakit disappointed ako sa sinabi niya. Hindi na ako nagsalita pa pagkatapos nun dahil nawalan ako ng gana bigla. "My mom," Bigla akong napatingin sa dinugtong niya. "Isa din ang mom ko ang tumatawag sa akin sa second name ko."
"Ah okay," sabi ko at tumingin sa bintana dahil hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko.
Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito dati eh, ayokong pinapakita ang emosyon ko pero bakit hindi ko mapigilan ilabas ang mga emosyon ko.
"Ano nga palang sasabihin mo?" tanong niya kaya napaharap ako sa kanya.
"Ah oo nga pala," sabi ko ng maalala ko na may sasabihin pa pala ako. "Kapag ba nakabalik na tayo sa school balik na ba tayo sa dati?" Baka kasi sa labas lang kami ganito.
"No, pero kikilalanin mo pa din akong prof mo kapag nagtuturo ako at kapag tapos na ang klase pwede mo akong tratuhin na kaibigan," sagot niya.
"So, friends tayo?" tanong ko, ayoko kasing mag assume baka mamaya ako lang pala ang nag iisip nun.
"Bakit ayaw mo? Gusto mo ba yung tratuhan natin dati?" tanong niya.
"Swempre hindi," mabilis na sagot ko. "Naninigurado lang ako dahil ayoko naman na mag assume no."
"Don't worry hindi ka nag assume, friends na tayo." sabi niya.
"Pero hindi ko maintindihan bakit bigla ka na lang nakipag bati akin, hindi sa nagrereklamo ako, nagtataka lang naman ako kasi para tayong aso't pusa kung magbangayan noon," mahabang sabi ko.
"Ah yun ba, ganito kasi yun..." sabi niya, hinintay ko ang sinabi niya dahil huminto siya sa pagsasalita. "That's secret," bigla naman akong nainis sa kanya kaya hinapas hampas ko siya pero tinawanan niya lang ako. "Hey stop," pagpapatigil niya sa akin. "I'm driving baka mabangga tayo." Kaya bigla akong napahinto sa paghampas sa kanya dahil ayoko pang mamatay ng maaga.
"Hmmp," sabi ko at sumandal na lang sa upuan ko at nag halukipkip dahil sa inis.
"I know you're mad at me, ayoko lang sabihin sa ngayon pero malalaman mo din naman yun balang araw" sabi niya.
"Ano bang pinag kaiba ng ngayon at balang araw? Sasabihin mo din naman." inis na sabi ko.
"Ngayon kasi wala ka pang alam pero balang araw marami ka ng malalaman kaya masasabi ko na sayo ang dahilan" sabi niya.
"Tsk, bahala ka sa buhay mo," Hindi man lang nagbago ang isip niya kahit nagtatampo ako sa kanya bagkus tinawanan lang niya ako kaya hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating kami sa R.U.
To be continued...