CHAPTER 3

3121 Words
Akuma's Point of View PAGKATAPOS magkwento ng napakahaba ni kuya Austin ay naiyak ako, ewan ko ba parang may something sa kwento niya kasi feeling ko kasama ako doon. "Bakit ka naman umiiyak diyan?" tarantang tanong niya. "Wala, nakakaiyak naman kasi ang buhay mo eh," sagot ko pero tinawanan niya lang ako. "'diba sabi mo nandito ka para sa tatay at mga kapatid mo? So nakilala mo na sila?" "Oo, kaya nga ako nag enroll sa R.U dahil nandoon ang mga kapatid ko," sagot niya. "Nag pakilala ka na ba sa kanila?"  tanong ko. "Hindi pa," sagot niya. "Bakit?" tanong ko. "Gusto ko munang maging magaan ang loob nila sa akin," sagot niya. "Ahhhh, sino sil--" bago ko pa matapos ang sinasabi ko ng mag biglang nagsalita. "Ms. Miller," napatingin kami sa kaniya. Napairap naman ako ng makilala kung sino siya. Si prof jerk lang naman. "What are you doing here?" inis na tanong ko. "I should the one who asking that? What are you two doing here? Wala ba kayong mga klase? At bakit kayo nakalabas ng school?" sunod sunod na tanong niya. Tsk, pakielam ba niya. Nakaka irita na siya ah. "You don't f*****g care," cold na sabi ko. "Don't curse him, Akuma. He's a prof," saway sa akin ni Kuya Austin. "Tsk," sabi ko na lang at umirap. "I care because you're may students, answer my question why are you doing here?" tanong niya ulit. Teka nga lang ha, kelan pa nagkaroon ng pakielam ang mga prof sa R.U, sa pagkakaalam ko hindi pinakikielaman ng mga prof ang mga student as long as nakakapasa sila. "You know what prof jerk—" sabi ko pero pinutol niya. "What did you say?" tanong niya, nase-sense ko na nairita siya. "Prof Jerk and please 'wag mong putilin ang sinasabi ko, so, I'm saying na why do you care? Alam ko na alam mong walang pakielam ang mga prof sa mga student nila as long as nakakapasa sila sa klase and sa pagkakaalam ko I'm the top 1 in the class ka walang problema kung mag cut ako ng class," mahabang sabi ko. Okay, kelan pa ako naging conyo at mahaba ang sinasabi ko. I'm starting to be weird? "Well, ms. Miller, I'm not like the other prof that they let their students do what ever they want," sagot niya. "Blah blah, I don't care if you are not like them just live us alone and do you're work. Wag ako pakielaman mo maraming mas pasaway sa akin kaya shoo," pagtataboy ko sa kanya. Nakita ko naman na nainis siya sa akin pero hindi siya umimik at tahimik na umalis. Ugggh! Finally. "Hey, Akuma. Bakit mo ginawa yun? He's still a prof remember that," sabi sa akin ni kuya Austin. "So? Para sa akin hindi siya prof, sinong prof ang magsasabi ng stupid sa estudyante niya? Wala, siya lang because he's a jerk" sabi ko naikinabuntong hininga na lang ni kuya. "Tsk, nawalan na ako ng gana dahil sa nangyari, balik na tayo sa school." Tumayo ako at kinuha ang bag ko agad naman sumunod si Kuya Austin. Oh, please. I'm not like this. Bakit ba pag dating sa prof jerk na yun nawawala yung pagiging cold at calmness ko? s**t! This is not good, kailangan ko siyang iwasan baka mabaliw lang ako. One Week Later Pwede bang pumatay ng prof kahit ngayon lang? Kasi makakapatay talaga ako ng prof. Kasi naman na bu-bwisit na ako sa prof jerk na yun dahil one week na niya akong ginagawang slave, bumabawi yata sa pagpapahiya ko sa kanya nung nakaraang linggo. He blackmail me, sabi niya ay matatanggal si kuya Austin sa pagiging scholar niya kapag sinuway ko ang mga utos niya. He use kuya Austin para mapasunod ako alam kasi niya na napalapit na ang loob ko dito kaya sinamantala niya, ayoko naman na mawalan ng scholar si kuya kaya naman kahit labag sa loob ko sinunod ko ang mga itos niya kaya heto naging slave niya ako. He's really a jerk!! "Ms. Miller, tapos ka na ba diyan sa pinapagawa ko?" tanong niya sa akin habang abala siya sa laptop niya. Inutusan ako nito na i-retype ang mga papeles niya dahil kumupas na ang mga papel nito kaya mag pi-print ito ng bago, nawala daw ang soft copy nito kaya pina-retype niya ito. See, he's truly a jerk trabaho niya ito tapos ako ang pinagawan niya? Kung hindi lang dahil kay kuya mapapatay ko na talaga siya. "Malapit na," bored na sabi ko. Tsk, imbis na nasa bahay ako naka higa heto ako at nagpapakapagod sa trabahong hindi naman sa akin. "Bilisan mo at kailangan ko na yan mamaya" plain na sabi niya. Napa-tsk na lang ako at tinuloy na ang pag ta-type. After 3 hours ay natapos ko na din sa wakas. Nag inat ako dahil sumakit ang likod ko sa sobrang tagal na naka upo. "Tapos na prof jer— i mean prof Clake," sabi ko, binalaan din niya ako sa pag tawag ko sa kanya kaya naman hangga't maari tawagin ko siya ng maaayos. "Good, save it and you may leave," sabi niya na nakatutok pa din ang mata sa laptop. Finally! Masakit na talaga ang likod ko. Sinave ko na ang file at tsaka tumayo. Palabas na sana ako ng bigla niya akong tawagin. Ano na naman ba?! "Yes, prof?" kalmadong sabi ko. "Nothing, i just thank you because of you're help my job is done. So, thank you" sabi niya na ikinatahimik ko. So, marunong din pala siyang mag thank you? Bakit parang bigla naman akong na guilty sa mga naging trato ko sa kanya? "W-Welcome, prof" utal na sabi ko at tuluyan ng umalis. Paglabas ko ng office ni prof Clake napansin kong madilim na ang tagal ko sa loob kaya hindi na nakakapagtaka kung aabutan na ako ng dilim. Malapit na ako sa mansion namin ng makita ko bigla si kuya Austin na nakaupo sa isang bench. Bakit pa siya nandito? Gabi na. "Kuya Austin, anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Inangat naman niya ang ulo niya para tignan ako. "Nandito ka na pala, nabalitaan ko kasi na pinapahirapan ka ni prof Clake kaya nag alala ako kung anong nangyayari sa inyo. Kilala pa naman kita baka mag away lang kayo" sabi niya na bahagyang kinatawa ko. Si kuya Austin talaga. "Okay lang ako kuya kaya wag mo nang kailangan mag alala" nakangiting sabi ko "Okay, ihatid na kita. Gabi na delekado, babae ka pa naman" sabi ni kuya. "Kuya kaya ko ang sarili ko, ako kaya si Blood" sabi ko. Kahit normal na student lang si kuya Austin alam niya ang mga nangyayari dito sa Royal University. "Oo nga pala, hindi ka nga pala ordinaryong babae hehe" sabi niya habang kinakamot ang likod ng ulo niya at awkward na tumawa. Napangiti naman ako sa inasal niya. Ang cute niya talaga. "It's okay kuya at salamat din sa pag alala, minsan lang mag alala sa akin si kuya Hell dahil alam niya naman na kaya ko" sabi ko. "Wala yun, tara na at malapit ng mag curfew" tumango naman ako at nag umpisa na kaming mag lakad. Nang makarating kami sa bahay namin agad siyang nagpaalam dahil malapit na ang curfew medyo malayo pa naman ang boys dormitory dito. Sa mga dorm tumutuloy ang students na hindi gangsters. ~ MAAGA akong pumasok dahil yun kay prof jerk tinext niya ako kagabi na pumasok ako ng maaga dahil ipapagawa siya sa akin kaya heto imbis na natutulog pa ako eh bumangon ako ng maaga para sa kanya. Hindi ako morning person kaya naman bwusit na bwusit ako. Nasa harapan na ako ng office niya at kumatok, utos niya sa akin yun kailangan ko RAW kumatok. "Come in" sabi niya kaya naman pumasok ako. "So, what I'm gonna do?" bored na tanong ko. "Do you see that papers?" sabi niya habang nakaturo sa tinuturo niya kaya naman nilingon ko at nakita ko ang mga papel sa table na tinutukoy niya. "Check all of that then give them to me" dugtong niya. Hindi ko maiwasang mapairap. Pinapahirapan talaga ako ng prof na ito, ang dami kaya ng mga yun. Napabuntong hininga na lang ako at walang buhay na pumunta sa table. Kailangan kong gawin 'to for the of kuya Austin's scholarship. Dahil busy ako sa pag chi-check ng mga quiz paper ng mga students ni prof jerk hindi ko namalayan na lunch break na pala kung hindi lang niya sinabi sa akin. "You can eat your lunch, miss Miller" sabi niya habang nakatingin pa din sa laptop niya. "Ikaw, di ka ba mag la-lunch?" tanong ko. "No thanks and thank you for the concern" sabi niya. "I-I'm not concern" agad kong depensa. "Ayoko lang na bigla kang mahimatay diyan tapos ako pa ang pagbintangan" sabi ko. Bakit ba ako kinakabahan? "Well, as you said," tsk nang iinis ba ito. "Tsk, I'm not concern. Bahala ka na nga diyan" inis na sabi ko at padabog na lumabas. Hindi ako concern sa kanya, ayoko lang mapagbintangan. Teka, bakit ba sobrang defensive ko? Nababaliw na yata ako. "Lukot na naman ang noo mo" napatingin naman ako bigla sa nagsalita. Si kuya Austin. "Kanina ka pa diyan?" tanong ko. "Medyo" "Okay, tara punta na tayong canteen" sabi ko at hinila siya papunta sa canteen. Naglakad na kami papuntang canteen, pagdating namin doon nakita namin ang mga kaibigan ko. Nakilala na nila si kuya Austin nung nakaraang araw, curious daw sila kung sinong kuya Austin ang lagi kong kasama. "Buti nandito na kayo," sabi ni Yannie. "Pinag order na namin kayo ng pagkain niyo para hindi na kayo pumila." "Salamat," sabi ko at umupo sa tabi niya. Umupo naman sa tabi ko si kuya Austin. Ka close na din ng mga lalaki si kuya Austin kahit may pagka nerd kasi siya hindi naman siya kill joy, kapag niyaya siyang uminom ng alak sa bahay nila kuya papayag siya. Hindi daw kasi totally na good boy siya dahil marunong siyang uminom ng alak pero hindi naman siya naninigarilyo gaya nina kuya. Sina Basty kahit under age pa lang sila umiinom na sila pero mga light lang iniinom nila at isang bote lang ang pwede sa kanila. Kapag magkakasama kaming lahat hindi pwedeng hindi kami maiingay, lagi kaming nagke-kwentuhan na akala mo ilang taong hindi nagsama kung makapag kwentuhan kami. Wala namang bumabawal sa amin kaso takot naman sila sa amin lalo na sa akin titignan ko lang sila ng masama iiwas sila. Isa lang naman ang hindi takot sa akin dito, sino pa ba edi yung prof Jerk na iyon. "Tara na mag si pasok na tayo malapit ng mag time." sabi ni Yannie ng matapos kaming kumain. Sabay sabay kaming nagsitayo at lumabas ng canteen. Lahat kami nag hiwa-hiwalay ng makalabas kami dahil iba iba kami ng building na pupuntahan at asual magkasama kami ni kuya Austin para ihatid niya ako sa room namin. Mula ng makasama ko si kuya Austin wala ng nagbabalak na mambully sa kanya at habang tumatagal nagkakaroon siy ng confident sa sarili, natutuwa naman ako sa pinapakita niya. "Sige na kuya pumunta ka na sa room mo baka ma late ka pa." sabi ko ng makapunta na kami ng room ko. "Sige, mag ingat ka ha?" sabi niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. Lagi niyang nakakalimutan na ako si Blood. "Kuya sabing kaya ko ang sarili ko, ako kaya si Blood." paalala ko. "Ikaw ang mag ingat. Sumbong mo lang sa akin ang nambubully sayo okay?" "Hehe, nakakalimutan ko, babae ka kasi kaya lagi kong naiisip na mahina ang mga babae." sabi niya. Heto ang gusto ko sa kanya, sobrang sweet niya kahit sinong babae maiinlove dito. Ang swerte ng magiging girlfriend niya at kung magkaka girlfriend siya aalamin ko kung karapat dapat siya kay kuya, hindi pwedeng mabait si kuya tapos pangit ang ugali ng girl baka pagsamantalahan niya ang kabaitan ni kuya, hindi ako papayag doon. "Sige na kuya malayo pa ang building mo." sabi ko. "Okay." sabi niya. "Kita na lang tayo mamayang pag uwi." "Sige." sagot ko. Hindi muna ako pumasok tinignan ko muna siyang makaalis para malaman ko kung safe siya. Bubugbugin ko talaga ang nag bully sa kanya. Nang hindi ko na siya makita saka na ako pumasok. ~ NAGHANDA kami para sa birthday ni Yannie, bukas pa ang birthday talaga niya pero i-ce-celebrate namin ngayon dahil may plano si kuya na i-date siya bukas. Hindi kami pumasok ngayon para lang mapaghandaan ang surprise namin kay Yannie pero hindi niya alam na hindi kami pumasok. "Nabili mo ba ang mga pinapabili ko?" tanong ni Clara kay Basty. "Oo naman," cool na sabi ni Basty habang nakaupo sa sofa at naglalaro sa cellphone niya. "Siguraduhin mo lang kundi," sabi ni Clara at tinignan ang pinamili ni Basty. Hindi ko na lang sila pinansin at pumasok sa kwarto ko. Mamayang gabi pa naman namin i-su-surprise si Yannie. ~ "ATE GISING," Nalingat ako sa biglang nanggising sa akin. Nakatulog pala ako kanina pagkatapos ng tawag ni Kuya Austin. "Malapit ng maggabi, uuwi na si Ate Yana." "Okay, mag hihilamos lang ako," sabi ko. "Bilisan mo, Ate," sabi niya. "Oo." sabi ko. Lumabas na si Clara kaya tumayo na ako para maghilamos at nagpalit ng damit pagkatapos bumaba na ako. Nakabantay sa labas si Basty, siya ang magsasabi sa amin kung malapit na si Yannie. Sa second floor siya ngayon. "Nandiyan na si Yana," sabi ni Basty sa amin thru call. "Sige bumaba ka na para kumpleto tayo," sabi ko. "Okay," sabi niya at mabilis naman siyang nakababa. Mayamaya lang... "HAPPY BIRTHDAY!!" sigaw namin ng makapasok siya. Gulat na gulat naman ang mukha niya, hindi niya inaasahan ito dahil bukas pa lang talaga ang birthday niya. "Ano ito? Bukas palang birthday ko eh" sabi niya. "Oo alam namin pero susunduin ka bukas ni kuya, hindi natin mase-celebrate ang birthday mo kaya inadvance na lang namin" sabi ko. Napangiti naman siya. "Thank you" sabi niya naman at niyakap kami. "LETS PARTEEEEEEHHHHHH!!!!!!" sigaw ni Basty. Mahilig yan magparty, basta may party lagi yang present. Nag-enjoy lang kami hanggang sa magmadaling araw, gusto pa sanang i-extent pero pinagbawalan na kami ni Kuya, matulog na daw kami. ~ KINABUKASAN, nagising ako ng 9am, gusto ko pa sanang mag extend sa pagtulog pero magkikita kami ni Kuya Austin kaya hindi pwedeng matulog ulit, ayoko naman na paghintayin siya at isa pa nangako ako sa kanya. Matapos kong maligo, magbihis at pinatuyo ang buhok ko, bumaba na ako. "Saan ka pupunta, ate?" tanong ni Clara. "Magkikita kami ni Kuya Austin," sagot ko sa kanya. "Okay," sabi niya at nanuod muli kaya naglakad na ako palabas ng bahay at nag punta sa meeting place namin ni Kuya Austin. "Kanina ka pa dito Kuya?" tanong ko sa kanya, pagdating ko nandito na siya. "Hindi naman," sabi niya pagkatapos tumayo. "Tara na?" "Okay," sabi ko. Pupunta kami sa bookstore, bibili si Kuya ng librong kailangan niya. Sumama ako sa kanya para naman kahit papaano ay nakakalabas ako ng bahay. Nakakasawa rin kasi kung laging sina Yannie ang kasama ko. "Hintayin mo na lang ba ako dito sa labas o papasok ka rin?" tanong ni Kuya Austin ng makarating kami sa bookstore sa mini mall dito sa LIS. "Sama na ko, titingin ako ng pwede kong basahin, malapit ko ng matapos ang binabasa ko kaya kailangan kong bumili ulit ng bago," sabi ko. Sa kanya lang ako nakakapagsalita ng ganito haba kung sa ibang tao matuyuan na siya ng laway sa kakasalita ay hindi ako magsasalita. "Okay," sabi niya. Naglakad na kami papasok sa bookstore. Magkalayo ang section ng book na hinahanap namin kaya naghiwalay kaming dalawa. Malaki ang bookstore at parang nasa library kami dahil hanggang ulo ang tangkad ng mga bookshelf dito at malawak pa. Maraming mga libro dito na pagpipilian, lahat ng kailangan na libro ay makikita dito. Sinisiguro nila na laging kumpleto at available ang mga librong kailangan ng mga student. Hindi ako makapili ng maayos dahil maraming mga magagandang mga story akong nakikita. Ayoko namna bumili ng marami dahil ako yung tipong mas gusto kong tapusin muna ang isang binabasa ko bago ako magbasa ng bago dahil hindi ko mattaapos ang isang story kung alam ko na may bago akong libro, kundi yun ang babasahin ko. "Nahanap ko na ang hinanap ko ikaw?" tanong ni Kuya Austin kadadating lang niya. "Hindi pa, nahihirapan akong maghanap," sabi ko. "Ano bang hinahanap mong story?" tanong niya habang nakatingin sa mga libro sa harapan namin. "Kahit ano basta maganda at exciting ang plot," sagot ko. "Hmm," sabi niya at naghanap ng libro. "Ito maganda ang blurb niya," Inabot niya sa akin ang librong kinuha niya. Binasa ko ang likod ng libro at tama siya, maganda ang blurb. Mysterious at mukhang exciting. "Okay, ito na ang kukunin ko," sabi ko. Naglakad na kami papunta sa counter at bayaran ang libro namin. Nag debate pa kami ni Kuya dahil gusto niya na siya na lang daw magbabayad ng libro ko pero hindi ako pumayag. Natalo siya sa debate namin kaya ako ang nagbayad sa librong pinili ko. KINAGABIHAN namumulang pumasok sa bahay namin si Yannie habang nakaupo kami ni Clara sa sala. "Oh Yannie may sakit ka ba? Bakit ka na mumula?" takang tanong ko. Ano bang ginawa nila ni Kuya at namumula si siya. "Ahh ehhh w-wala" utal na sabi niya, I smell something fishy here. "Anong wala, sabihin mo ate may nangyari bang maganda?" tanong ni Clara. Mas lalo naman siyang namula sa tanong ni Clara. Mukahng may magandang nangyari. "Uyyyy namumula siya. May nangyari ano?" tuksong tanong ni Clara. Tumango naman si Yannie, na excite naman ako, may idea na namumuo sa isip ko eh. "Anong nangyari?" tanong ko. "K-Kasi...." putol na sabi niya tsaka pinagdikit ang dalawang hintuturo niya at ginalaw galaw. "Kasi...?" tanong namin ni Clara. "K-Kasi kami na ni HM" mahinang sabi niya, hindi namin iyon narinig. "Ha? Lakasan mo nga" sabi ko. "Sabi ko kami na ni HM" malakas na sabi niya. Natahimik naman kami ni Clara na parang pina-process pa ng utak namin ang sinabi niya hanggang sa... "Kyaahhhh!!!!" tili namin, oo tumitili ako kahit naman cold ako sa paningin ng iba ay babae pa rin ako kinikilig. "OMG!! Sa wakas naging kayo na din" sabi ni Clara. Tama siya, ang tagal na naming hinihintay na maging sila ni Kuya eh. "Oo nga, ang tagal bago maging kayo ha?" sabi ko. "Magkwento ka naman kung paano ka napasagot ni kuya" sabi ni Clara. Kinwento naman niya sa amin ang ginawang pag amin ni Kuya sa kanya. Kilig na kilig naman kami sa mga kwento niya. Grabe, sa wakas sila na rin dalawa. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD