Akuma's Point of View
TUMUNOG na ang bell kaya nag silabasan na ang mga studyante. Nakita ko si Austin na papunta siya dito.
"Akuma hindi ka ba pumasok?" tanong niya.
"Hindi tinatamad ako," sabi ko.
"Ahh ok," sabi niya.
"May gagawin ka ba ngayon?" tanong ko.
"Wala naman bakit?" sagot niya.
"Pasyal tayo sa labas ng R.U," yaya ko.
"Ha?" naguguluhang tanong niya.
"Sabi ko pasyal tayo," pag uulit ko.
"E-Eh b-bawal tayong lumabas," nauutal na sabi niya.
"Akong bahala," sabi ko at hinila siya papunta sa gate. Pagpunta namin doon saktong walang nagbabantay kaya hinila ko agad si Austin palabas.
"Akuma bakit tayo tumakas malalagot tayo nito lalo na ako malalagot ang scholar ko," maluha luhang sabi niya.
Hay, naku bakit ang cute nito? Hindi ako nandidiri sa nakikita ko bagkus na ku-cutan ako. Nandidiri kasi ako sa lalaking umiiyak.
"Diba sabi ko akong bahala," sabi ko at nag para ng taxi. Binuksan iyon at pinasakay siya pagsakay niya sumakay din ako.
"Sa ADA mall" sabi ko.
"Bakit tayo sa ADA? Diba pangmayamang mall yun. Mahal ang mga tinitinda doon sa iba na lang tayo," reklamo niya kaya natawa ako. Ang cute talaga niya.
"Mall iyun ni Mom kaya okey lang na doon tayo," sagot ko.
"Ha? Mall ng Mommy mo?" gulat na sabi niya. "Oo nga pala si Alexandra Miller pala ang mommy mo nakalimutan ko." dugtong niya tapos nag pout.
Natawa naman ako sa kanya. "Ang cute mo. Ilang taon ka na pala?" tanong ko.
"28" sagot niya ikinagulat ko.
"Mas matanda ka pala ng 8 years sa akin pero bakit hindi halata?" gulat na tanong ko.
Hindi talaga halata sa itsura niya kasi sobrang amo akala ko mas matanda ako sa kanya na accelerate lang siya kaya mas nauna siyang naggraduate sa akin. Oo matangkad siya pero hindi ko naman iniisip na matanda siya dahil lang sa tanda. Matangkad din kasi si kuya at aakalain mong matanda na siya pero 20 palang siya.
"Hehehe madami ng nagsasabi sa akin niyan eh" nahihiyang sabi niya.
"So dahil matanda ka ng 8 years sa akin Kuya na ang tawag ko sayo ha?" sabi ko. Nakita ko naman sa mata niya ang tuwa ng marinig niya iyun.
"Oo naman," masayang sabi niya.
"Bakit ang saya mo?" tanong ko.
"Wala kasi akong kapatid kaya walang tumatawaag na kuya sa akin ngayon meron na," sabi niya.
"Kaya naman pala masaya ka," sabi ko.
Pagdating namin sa mall pumasok kami at dahil kilala ako ng guard binati niya ako.
"Saan mo gustong kumain kuya Austin?" tanong ko.
"Kahit saan basta hindi mahal hindi ko kayang bayaran eh," sagot niya/
"Kuya, ano ka ba mall to ni mommy swempre libre lahat dito dahil anak niya ako," sabi ko.
"Yun na nga ikaw lang ang anak eh ako hindi......" may binulong siya pero hindi ko masyadong narinig.
"Ano ka mo?" tanong ko.
"Wala ang sabi ko hindi naman ako anak ng mommy mo kaya hindi ako libre," sagot niya.
"Of course libre ka na din dahil kaibigan kita at ako ang nagdala sayo dito," sabi ko.
"Pero..." sabi niya.
"Wala ng pero pero tara," hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya doon sa isang italian restaurant.
Nang makarating kami sinalubong kami ng waiter doon.
"Welcome ma'am, sir table for two?" tanong ng waiter.
"Yes, gusto ko malapit sa salamin," sagot ko.
"Okay ma'am this way" hinatid niya kami doon sa table namin malapit sa salamin matatanaw mo dito ang magandang hardin sa labas ng mall. Nakapwesto kasi ito sa likod ng mall kaya makikita mo ang labas ng mall.
Pagkaupo namin binigay na sa amin ang menu.
"Kuya anong gusto mo?" tanong ko.
"Ahhmm" binaba niya ang menu sa mesa. "Tubig na lang ako" sagot niya.
"Ha? Di ka ba nagugutom?"
"Hindi ako nagugu-----" hindi niya natuloy ang sinabi niya ng tumunog ang tiyan niya kaya naman medyo natawa ako na ikinapula ng mukha niya.
"Kuya kung iniisip mo ang presyo wag kang mag alala sagot ko, diba sabi ko naman sayo libre lahat dito kasi kasama mo ako"
"Eh kasi naman eh"
"Kuya wag ka ng makulit pumili ka na"
"Ikaw na lang wala akong alam diyan eh"
"Okay" humarap ako sa waiter. "2 Spaghetti alle vongole, 2 Tiramisu and" tumingin ako kay kuya. "Umiinom ka ba ng wine?" tumango naman siya. "Okay, and wine"
"That all ma'aam?"
"Yes"
"I reapet ma'am 2 Spaghetti alle vongole, 2 Tiramisu and wine" sabi niya kaya tumango ako pagkatapos nun umalis na siya.
"Ano yung inorder mo?" tanong niya.
"Spaghetti alle vongole isang pasta this na may mga clams kumakain ka naman ng clams diba?" tumango naman siya. "Yung isa naman ay cake lang naman yun"
"Ahhh okay"
Mayamaya dumating na ang pagkain namin kaya nag umpisa na kaming kumain.
"Masarap ba?" tanong ko.
"Oo masarap ngayon lang ako nakakain ng ganito"
"Kuya tell m about yourself,"
"Hmm ulila na ako ngayon dahil patay na sina mama at papa, lasst month lang"
"Oh sorry for that"
"Okay lang, hindi ko totoong papa ang papa ko pero tinuring niya akong anak"
"Ha? Sino totoong daddy mo? Buhay ba siya? Kilala mo?"
Tumawa siya ng mahina. "Isa isa lang mahina ang kalaban"
"I'm sorry"
"Buhay pa ang totoong tatay ko at kilala ko siya"
"Kung buhay ang daddy mo bakit hindi kayo pinuntahan?"
"Kasi may ibang pamilya ang totoong tatay ko"
Nabigla at nalungkot ako bigla sa sinabi niya, kawawa naman siya hindi niya nakasama ang totoong daddy niya.
"Hala bakit naman may ibang pamilya na siya naging kabit ba ng dad mo ang kasama niya ngayon? May anak na siya pero nag hanap pa ng iba"
"Hindi wala silang alam sa nangyari tsaka hindi pa alam nun ni nanay na hindi si papa noon ang tatay ko"
"What ang gulo naman ikwento mo nga"
"Mag girlfriend boyfriend pa lang sila mama at ang totoong tatay ko ng may mangyari sa kanila at nung araw na iyon biglang pumasok si tatay sa kwarto ni nanay noon at ginahasa siya wala sa tamang pag iisip si tatay nun dahil lasing siya, isa kasi sa barkada ng kuya niya si tatay kaya nasa bahay siya ni nanay, linabanan nun si nanay si tatay pero malakas si tatay.
Kinabukasan naabutan sila nina lola na nakahubad pareho. Nagalit si lolo kaya nasuntok niya si tatay at sinampal si nanay hindi sila binigyan ng pagkakataong magpaliwanag dahil galit na galit si tatay pinalayas niya si nanay iyak ng iyak si nanay nun at nagmakaawa pero matigas si lolo kaya walang nagawa si nanay. Humingi ng tawad si tatay kay nanay sa nagawang kasalanan niya sa kanya at dahil mabait si nanay pinatawad niya si tatay.
Para makabawi sa kasalanan pinatira niya si nanay sa bahay niya dahil siya lang naman ang nakatira doon, yung mga magulang niya ay nasa probinsya. Makalipas ang isang linggo nalaman niya na buntis siya hindi niya alam kung sino ang ama dahil may nangyari sa kanila ng totoong tatay ko pero naisip niya na si tatay ang totoong ama dahil ilang beses na siyang nagamit ni tatay kesa sa totoong tatay ko kaya naman sinabi niya kay tatay na magiging ama na siya.
Naging masaya naman si tatay sa balita ka naman hindi nagdalawang isip na yayaing magpakasal si nanay. Si nanay naman ay nagdisisyong makipaghiwalay sa totoong tatay ko dahil ayaw niyang paasahin pa ito pero ayaw siyang pakawalan ng totoong tatay ko nagmakaawa siya na wag siyang iwan pero buo na ang pasya ni nanay na hiwalayan ang totoong tatay ko.
Lumipas ang walong taon naging masaya ang pagsasama nila pero biglang gumulo ang lahat ng magkadengue ako. Kailangan ko ng dugo dahil maraming dugo ang kailangan ko. Nagprisinta si tatay na magdonate ng dugo pero hindi match ang dugo namin. Type O siya at type AB naman ako.
Doon na laman ni nanay na hindi si tatay ang ama ko kunti ang totoong tatay ko. Humingi ng paumanhin si nanay sa pagkakamali niya pero hindi nagalit si tatay naiintindihan naman niya si nanay, nagpapasalamat nga daw si tatay dahil pinili at minahal siya ni tatay.
Dahil hindi kami magkadugo ni tatay naghanap sila ng pwedeng magdonate ng dugo sa kanila nahirapan sila ng una pero buti na lang at type AB ang kaibigan ni tatay kaya naman nasalinan ako ng dugo.
Nang gumaling ako naisipan ni nanay na hanapin ang totoong tatay sinoportahan naman siya ni tatay pero nang mahanap niya ang totoong tatay ko ay may asawa na ito kaya naman hindi na niya nilapitan ang totoong tatay ko dahil ayaw niyang magulo ang buhay nila at ayaw niyang mag away pa sila ng asawa niya.
Pinagpatuloy na lang nila ang buhay nila na parang walang nangyari. Tinuring na ako ni tatay na totoong anak naging masaya naman kami.
Pero last month naaksidente sina nanay nabangga ang jeep na sinasakyan nila. Nadala sila sa hospital at agad naman akong pumunta sa kanila pero hindi rin nagtagal ang buhay nila pero bago mawala si nanay sinabi niya sa akin na basahin ko ang dairy niya. Ginawa ko naman ito at doon ko nalaman ang lahat, sa pinakalikod nito ay may bilin siya sa akin puntahin ko daw ang totoong tatay ko at mga kapatid ko dahil ayaw niyang mabuhay ako ng mag isa. Sigurado siya na tatanggapin ako ng asawa ng totoong tatay ko dahil mabait ito pati ang mga anak nila kaya heto ako ngayon pinuntahan sila."
To be continued...