CHAPTER 1

1362 Words
Akuma's Point of View Paglabas ko ng library dumiretso ako ng canteen. Nang makapasok ako nakita ko sila na kumakain kaya pumunta ako doon at padabog na umupo. "Anyari sayo?" tanong ni Yannie sa akin. "Wala," sabi ko at hinablot ang burger na kakainin sana ni Basty. Magrereklamo sana siya ng pinakita ko sa kanya ang kamao ko kaya wala siyang magawa kundi ang sumuko. Tch, nakakainis yung lalaking iyun akala mo kung sino. Teacher pa naman siya pero yung ugali... Arrrggg! Buwisit. "What happen to you Aku? Bakit galit ka?" mahinahong tanong sa akin ni Kuya habang kumakain. "Arrrggg! May jerk kasi doon na tinawag akong stupid," sumbong ko. "And who the hell is that?" galit na sabi ni Kuya. Over protective siya sa aming magkakapatid kaya ganyan siya. "Hindi ko alam ang pangalan basta alam ko teacher siya at pabayaan mo na siya kuya ako ng bahala doon," sabi ko sabay kagat ng burger. "Ay grabe teacher pala siya pero bakit kung makaasta akala mo hindi teacher," sabi ni Set. Yeah, right. Parang hindi nga teacher yung jerk na yun eh. Humanda talaga yang lalaking yun gagawin kong impyerno ang buhay niya. "Pero hanga ako doon sa teacher, akalain mong nainis niya ang mafia princess," sabi ni Yannie atsaka tumawa. "Tama ka ate Yana, baka malay mo sila ang magkatuluyan kasi nga diba, the more you hate the more you love," sabi naman ni Clara. Ano bang pinagsasabi nitong si Clara? Yun magugustuhan ko? Tsk, kahit pa gumuho ang mundo hindi mangyayari yun. Dahil hindi tumigil sa kakakutya ng dalawa tumayo ako at lumayas sa harap nila. Ang sarap nilang pag untungin eh. Pumunta na lang ako ng garden dahil gusto ko ng katahimikan. Nang makarating ako ng garden may nakita akong nakatambay doon. Tsk akala ko panaman makakatambay ako ng tahimik pero mukhang hindi naman siya maingay kasi nagbabasa lang siya. Naglakad ako papunta sa isang puno at umakyat tsaka humiga. Sana hindi mag ingay ang lalaking nerd na ito kung hindi papatayin ko siya. Pinikit ko ang mata ko, makakatulog na sana ako ng biglang may narinig akong sumigaw. Sh*t naman sino ba yung sumigaw na iyun? Tinanaw ko kung sino yun at nakita kong may tatlong lalaki at ang isa sa kanila ay isang nerd. "Hoy! Nerd bakit hindi mo kami pinagtataguan?" sabi ng isang lalaki na may hikaw sa ilong. "H-Hindi k-ko k-kayo p-pinagtataguan," utal na sabi ng nerd, mas matangkad siya ng kauti sa tatlong lalaki pero takot siya sa mga ito. Well, wala naman sa tangkad 'yan, kahit maliit ka kung mas malakas ka kakatakutan ka.  "Anong hindi bakit nandito ka imbis na nasa canteen?" sabi ng lalaking kalbo. "N-Nakalimutan ko lang pumunta doon dahil hindi naman ako sanay pumunta doon," paliwanag ng nerd kaya nainis ang mga lalaki. "Ang sabihin mo tumatakas ka sa amin," sabi ng lalaking may tatlong hikaw sa kaliwang tengga niya. "H-Hindi," utal na sabi ng nerd. "Nagmamaang maangan ka pa ha?" akmang susuntukin ng lalaki si nerd pero pinigilan ko siya. "Hey!" sigaw ko sabay talon sa puno. Napatingin naman silang lahat sa akin at kita ko ang takot sa mukha nila. "B-Blood," utal na sabi ng lalaking may hikaw sa ilong, leader yata nila ito dahil siya ang nasa gitna. Mukhang kumalat na ang balita na ako ang totoong Blood. "Bakit niyo sinasaktan ang nerd na yan ha? Bakit hindi kayo humanap ng katapat niyo?" tanong ko sa kanila tsaka pinatunog ang mga daliri ko. Nakita ko naman na napalunok sila at nagsitakbuhan habang sumisigaw ng sorry. Napatingin naman ako sa nerd na nasa paanan ko. Hindi ko alam kung bakit ko tinulungan ito siguro dahil ayokong may inaalipusta na inosente. "S-Salamat" utal na sabi niya. "Sasusunod kasi laban mo na sila," pangaral ko sa kanya, kaya siya binubully dahil hindi siya lumalaban. "Hindi ko kaya scholar ako dito kaya ayokong masira ang imahe ko baka mawalan ako ng scholarship," sabi niya. "Kahit na, magpapaapi ka na lang ba palagi?" tanong ko. "Kung yan ang nararapat tsaka malapit na rin naman akong matapos kaya pahtitiisin ko na baka kasi graduating na ako tsaka pa ako maeexpel nakakahiya yun tsaka baka ma disappoint si mama," sabi niya. May point siya kapag talagang scholar ka kailangan magpakabait ka kasi nakasalalay sa iyo kung matatanggal o hindi ang scholarship mo. "Ganun ba?" tanong ko. "Okey, nga pala anong pangalan mo?" Ewan ko ba kung anong nangyayari sa akin at kinakausap ko pa siya. Sobrang gaan kasi ng pakiramdam ko sa kanya. "Ano, Austin Grey Court, ikaw?" pakilala niya. "Akuma Miller," sabi ko. "Nice to meet you Akuma," sabi niya at nilahad niya ang kamay niya. Ayoko sanang kunin ang kamay niya dahil hindi ko ugaling makipagkamay pero hindi ko alam kung anong sumanib sa akin at nakipagkamay ako sa kanya. "Nice to meet you too," sabi ko. "Ah, sige Akuma alis na ako pupunta pa kasi akong library eh," paalam niya. "Okey," sabi ko. "Bye," sabi niya. Nang makaalis si Austin pumunta na ako sa room namin. Pagpasok ko lahat sila natahimik. Yan matuto kayong lumugar, buti alam nilang manahimik. Umupo ako sa pinakalikod pagkatapos ay umubob ako. Kahit hindi naman ako makinig alam ko na ang mga tinuturo niya eh. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtulog ng may kumalabit sa akin kaya nasigawan ko siya ang ayoko sa lahat ang pinuputol ang tulog ko. "Ano ba?! Bakit ka ba na ngang—Ikaw na naman ha? Anong ginagawa mo dito?" gulat na sigaw ko. Alam niyo ba kung sino ito? Walang iba kung hindi ang jerk na professor na nakilala ko kanina sa library. "Well, Ms. Miller ako lang naman ang magiging prof mo," sabi niya. "What?! Bakit ikaw? Nasaan si Prof Jack?" sabi ko. Siya ang magiging prof ko? Tsk kung siya din ang magiging prof ko wag na no, magka-cutting na lang ako. "Nag resign na siya kaya ako ang naging kapalit niya," paliwanag niya. "Tsk, kung ikaw din ang magiging prof ko wag na" sabi ko. Akmang tatayo ako ng pinigilan niya ako. "Subukan mong lumabas dito ms. Miller ibabagsak kita," sabi niya. Tinignan ko naman siya ng masama. "I don't care. Ibagsak mo ako wala akong paki" sabi ko tsaka lumabas ng room. Arrrrgggg, kabanas talaga ang lalaking iyon akala ko kung sino porket Prof lang. Tsk, ipatanggal ko pa siya eh. Nandito ako ngayon sa garden para makapalanghap ng sariwang hangin. Nagulat ako ng may biglang may kamay na may hawak na ice cream sa harap ko. "Heto oh," napatingin naman ako sa kanya. Natatandaan ko siya siya si Austin. Yung nerd. Bigla namang nawala ang init ng ulo ko ng makita ko siya. Ewan ko ba ang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi katulad nung jerk na yun. "Bakit ko ako binibigyan nito," takang tanong ko. "Nakita kasi kita na galit na galit na pumunta dito kaya naisip ko na bigyan kita nito. Nakakawala kasi ng init ng ulo ito eh," sabi niya. Naku, kahit hindi na niya ako bigyan niyan para mawala ang init ng ulo ko, okey ng nandiyan siya nawala na ang init ng ulo ko. Cute din naman si Austin siguro kung aalisin niya ang salamin niya mas gwapo pa siya Kuya. Totoo, mas gwapo pa siya kay Kuya. "Salamat," nakangiting sabi ko. Grabe, ano bang ginawa sa akin ni Austin at napalabas niya ang ibang mga emosyon ko. Ibang klase. ~ NANDITO pa rin ako sa garden hindi na ako pumasok dahil tinatamad ako hindi naman nila ako mababagsak hangga't nakakapasa ka ayos na sa kanila yun. Si Austin naman bumalik sa klase niya ayaw niya kasing mag absent baka daw maalis ang scholarship niya. May mga normal na studyante din ang nag aaral dito pero konti lang sila konti lang kasi ang nakakapasa sa test nila para maging scholar dito. May mga normal na studyante talagang pumapasok dito dahil kapag once na nakapag aral ka dito magandang trabaho ang makukuha mo. Kagaya din sa school namin pero mas mahirap kasi ang test doon kaya konti lang ang nakakapasok na scholar. Ginawa ni mom yun para walang mabully doon kaya hinirapan niya ang test. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD