Chapter 2

2053 Words
"Ineng, tapos na ang one month training mo kaya kailangan mo ng lumipat!" ani ate Isabel Si Ate Isabel ang naging ka roomate nya nung dumating sya sa accommodation. Ito rin ang nagturo sa kanya ng pasikot sikot sa trabaho, mga bagay bagay na hindi naman naituturo sa mga training. Dahil sa bagong kaibigan kaya hindi naging masyadong mahirap sa kanya ang magsimula. Tinulungan kasi sya at inalalayan ni Ate Isabel. Pero kailangan na nyang lumipat ng ibang store dahil tapos na ang training nya, Ang alam nya ay ililipat sya sa city at sa di hamak na mas malaking store. Ang store kasi na pinapasukan nya ngayon ay isang maliit na store lang pero sa lilipatan nya ay nasa loob na ng mall kung kayat panigurado mas maraming mamimili. "Haaaay! magpalipat ka nalang din te para magkasama na tayo don!" sagot ko habang nag puppy eyes. "Hay nako ha tumigil ka. Abat Precious 25 kana pero yang action mo pang 18" natatawang sabi nito Kay Isabel nya nahanap ang ate na wala sya. Ang tingin din nito sa kanya ay nakababatang kapatid kaya talagang hindi sya pinabayaan nito. "Wag kang mag alala, ung kaibigan kong si Aliyah ay nandon chinat ko na nga sya kahapon sinabi ko na dun ka nalang sa room nya hanggang makahanap ka ng room e sakto naman mag isa daw sya sa room. Kaso may jowa un ha, ibang lahi. Pero nagpramis naman sya na di papuntahin ang jowa kaya dont worry." Litanya pa nito "Eh ate, mahirap ba pag ang jowa ay ibang lahi?" Curious kong tanong at mauy naalala. "Mahirap syempre. Una d kayo basta basta magkakaintindihan. pangalawa minsan ung iba astang binata at pakilalang binata e may sabit naman!" anitong dismayado "Eh ate kahit naman pilipino may ganon" Sagot ko sabay naisip ang mga lalaking nagpalipad hangin sakin nitong isang buwan. May iilan din yon at lahat sila may sabit sa pinas. Kunsabagay hindi ko naman sila type. Minsan naiiisip ko pa din si Marco ganun ata ung type ko! Napangiti ako sa naisip. "Hoy precious umamin ka nga! May something na ba kau ng gerald na yan?" Asar nyang tanong "Huh! Anong something! Ate d ko yun type chaka sabi mo may asawa yon!" sagot ko. "Eh kasi sya lang naman ang pinakarecent na nanliligaw sayo tapos pangiti ngiti ka ngayon." aniya "Ate don't worry, hinding hindi ako papatol sa may asawa!" sabi ko "Dapat lang. At ikaw ay dalaga, deserve mong maging una at hindi pangalawa lang sa kung sino." sabi nya sabay upo sa tabi ko Nilingon ko naman sya at yumakap sa braso nya. "Ate thank you! sa lahat lahat! Sa pagkupkop sakin sa mga unang araw na bangag ako. sa pagtuturo sakin ng mga strategy na wala akong idea. Salamat sa pagsalo mo sakin pag may customer na madiwara!" sabi ko sabay naalala ang mga araw na nililigtas nya ko pag may customer na nagagalit dahil hindi ko naiiintindihan ang lenguwaheng ginagamit nila. "Basta ate pag may lipatan magpalipat ka ng location ha tapos magkasama pa din tayo sa room." pagpapatuloy ko pa "Oo wag ka mag alala malapit na ang lipatan. Baka i reshaffle kaming mga luma na sa store at ilipat sa ibang store." saad nya "Hindi naman ako natatakot ate eh, siguro lang nasanay ako na kasama kita kaya malulungkot talaga ko pag lipat ko" sabi ko "Kuh wag kang mag alala mabait yon si Aliyah, di ka pababayaan non."sabi nya Dumating ang araw na kailangan ko ng lumipat, nag iyakan pa kami ni Ate Isabel nung paalis na sya. Parang tunay na ate ay hinatid pa nya ko sa lugar na pupuntahan ko, kahit malayo. kahit ilang oras ang byahe ay talagang nag day off pa sya para lang maihayid akoako "Aliyah, ikaw ng bahala dito kay precious. Mabait na bata to." napangiti ako sa sinabi ni ate kay ate aliyah "Ikaw naman precious, mag iingat ka dito at ikaw din ang magluluto at ang ate aliyah mo katulad ko hindi rin marunong sa pagluluto" baling nya sakin "Ay opo ate wag po kayong mag alala, ako pong bahala." sagot ko naman Sa buong durasyon kasi ng pagiging roomate namin ni ate Isabel ay palaging ako ang nagluluto. Sanay akong magluto dahil responsibilidad ko yon bilang ate sa twing may lakad aina mama at papa. "Ate bel palagi akong tatawag sayo ha" parang bata kong sabi sabay yakap sa braso nya "Abay itong batang to, wag kang mag alala tatawagan din kita" sagot nya sabay hilig ng ulo sa akin "Mamimiss kita" dugtong pa nya "Mamimiss din kita ate" madamdaming sagot ko. Masarap sapakiramdam ang may ate, ako kasi ang ate sa pamilya kayat madalas ako ang takbuhan at kahit minsan hindi ko naradaman na kailangan ko ng isang ate, Ngayon lang. Ngayon na naramdaman ko ang pagmamahal at pag aalaga sa akin ni ate bel. kahit hindi kami magkadugo ay itinuring nya kong parang tunay na kapatid kaya naman gusto kong suklian yon ng mas higit na pagmamahal. Isang yakap na mahigpit pa bago tuluyang sumakay si ate isabel sa taxi pauwe. Agad naman akong inakbayan ni ate Aliyah at iginiya na paakyat sa building. "Oh wag mong kakalimutan ka 4th floor tayo, flat 42" sabi nya saka pinindot ang 4 na button. Bahagya akong tumango. Mas malaki ang building na ito kumpara sa tinirhan namin ni ate Isabel, ito kasi ay may taas na. 20 floor habang hanggang 3rd floor lang ang samin non. Nakilala ko na din kanina ang mga makakasama namin sa Flat. Ang flat ay may tatlong kwarto ang 2 ay bedroom at ang isa pa ay ang sala pero may umuupa ding dalwa. sa bawat Room ay may dalwang tao kaya anim kami lahat sa flat at puro babae. Illegal kasi dito ang pagsasama ng babae at lalake sa iisang bahay hanggay hindi naikakasal, Bitay ang kaparusahan sabi nila. Lumipas ang isang linggo unti unti akong nasanay sa takbo ng buhay dito. Madalas kaming mag usap ni ate Isabel at palagi nya kong kinakamusta pati si ate aliyah at ang bf nito. Hindi ko masabi kay ate isabel na hindi ko gusto ang paraan ng pagtingin saakin ng bf ni ate aliyah na si Aydin. Ibang lahi. Sa ilang beses na pagpunta nya sa bahay ay iniiwasan kong lumabas. Mabuti nalang at naglagay ako ng harang sa higaan ko kahit papaano ay hindi ako basta basta masislip dahil sa pagitan naming cabinet ni ate aliyah at naglagay ako ng kurtina na nagsisilbing pinto ko. Ipinagpasalamat ko din na nasa dulong bahagi ako ng kwarto, sa bintana banda kaya hindi ako nadadaan daanan. Madalas pumunta si aydin at palagi syang nasa loob ng kwarto namin, nung minsan pa pag uwe ko ng gabi galing sa trabaho ay naabutan ko silang natutulog ninate aliyah. wala kasing harang ang higaan ni ate. Humingi ng pasensya si ate at sinabing napagod lang sila, ako bilang ako at ngumiti lang at sinabing ayos lang. Kunsabagay hindi naman natutulog si aydin sa kwarto sa gabi at kapag nandyan na ko ay umaalis na sya, siguro ay nararamdaman din ninate aliyah ang pag ka ilang ko sa sitwasyon. Maaga ang shift ko ngayon. kaya maaga pa ay bumabgon na ko at nag almusal. Naabutan ko pa ang ibang babaeng naghahanda din ng almusal sa kusina. Si cheche ang pinaka makulit sa lahat. "Goodmorning Ganda!" bati nya sakin. Siguro sa tantya ko ay mas matanda lang sya sakin ng ilang taon. "Precious naman kahit sa umaga ang ganda mo!" dugtong pa nya sabay irap. Natawa naman ako. "Naku mas maganda ka che" sagot ko "Sus. tanggap ko namang mas maganda ka. Kaya nga madaming nagkakagusto sayo sa store. Khit yung may mga Gf na" sagot nya sabay ngisi. Alam kong may laman ang biro na yon. Hindi kasi iilang beses na tinanong nya akonat pinag ingat kay aydin. Ang sabi nya ay masyado daw malagkit kung tumingin sakin. Ipinag kibit balikat ko naman yon dahil ayokong sang ayunan sya at baka makarating kay ate aliyah kahit ang totoo kahit ako man ang nangingilabot sa twing nasa paligid ang lalaking yon. Sabay kaming pumasok ni cheche ng araw na yon, pang umaga din kasi sya. Pagpasok namin sa store ay napabuntong hininga ako. Marami kaming trabaho ngayon dahil magsisimula nanaman ang sale kaya kailangan namin magsegregate ng mga items na may sale at wala. 30minuto kaming mas maaga kaysa sa pagbubukas ng store kaya may oras din kami upang linisin ang mga kalat na hindi na naligpit ng closing duty ng nagdaang araw. Sa bandang unahan ako pumwesto at inayos ang mga manequin namin na naka display, sinalansan ko din ang mga shorts na nakatupi at pants. Maya maya pa ay nagbukas na ang Tindahan hudyat ng isa nanamang mahabang oras ng pagtatrabaho. Unti unti na kong nakakatapos ng tupiin ng biglang may tumawag sakin.. "Hello miss" kuha nya sa atensyon ko Lumingon naman ako at inihanda ang matamis na ngiti "Hi miss Goodmorning!"masiglang bati ko sa unang Customer. "How can i help you?" dugtong ko pa pagkalapit ko sa kanya. "Uh can i have size 10 of this?" maarte nyang sabi saka turo sa dress na nasa display. "Of course miss" nakangiti pa ding sagot ko saka sinimulang hanapin ang gusto nya pero wala akong nakita "Miss" baling kong muli sa kanya "We dont have it on display, but let me check inside miss if we still have it on stock" magalang na sabi ko Ngumiti naman sya saka tumango. Dali dali akong nagpunta sa backstore at naghanap Sa kasamaang palad ay wala kaya agad akong nagcheck sa iba pa naming lokasyon at Viola! nakahanap ako. dali dali akong lumabas at binalikan sya. "Miss" agaw pansin ko sa kanya "Im so sorry but we don't have stock for that dress, although i check in the system and find the size you need in another shop, You can have 2 options miss you can either go to the shop or i can order a stock transfer but it will take 2 days to deliver here miss." paliwanag ko "The second option sounds fine" sagot nya saka ngumiti. Kaya agad agad kong prinocess ang stock transfer at siniguradong darating pagkatapos ng dalwang araw. Sinamahan ko sya sa buong durasyon ng pamimili nya ang sabi nya kasi ay nagustuhan nya ang serbisyo ko. Nagtatawanan pa kami habang nagpapalitan ng kuro kuro tungkol sa styles and fashion sa sobrang close namin ay first name basis na kami! Ayaw nyang tawagin ko syang miss at ininsit na tawagin ko syang Stacy. Mabait si stacy, maarte lang magsalita siguro ay dahil may kaya sa buhay pero madali syang pakisamahan kaya hindi ako nahirapan na iassist sya. tuwang tuwa ako ng makita kung gaano kalaki ang bill nya ng magbayad. May paligsahan kasi kami sa store at may premyo ang may pinakamalaking benta sa isang bwan. Palabas na kami ni stacy at nagpresinta akong ihatid sya hanggang sa labas dahil sa dami ng pinamili nya. "I will surely comeback here"She said "Yes Please" sagot ko naman "And i will find you" sagot nya sabay kindat "Give me your number" Dugtong pa nya sabay abot sakin ng phone. Itinipa ko naman ang numero ko saka ibinalik sa kanya ang phone. "Sweet Precious" sabi nya "i registered you as sweet precious" sabi nya saka tumawa "Precious do you have a boyfriend?" bilang tanong nya nung nasa harap na kami ng mall at nag iintay sa pagdaan ng sundo nya na nasa parking. Umiling ako. "i don't have" sagot ko "Great! Then ill set you up with one of my brother! I want you to be my sister!" excited nyang sagot Napangiwi naman ako. "Dont worry they are all..nice" parang alanganin pa nyang sabi "I mean you know sometime they are too protective of me so the act-" Napahinto sya ng biglang may bumusina sa tapat namin at bumaba ang driver. Ito na siguro ang sundo nya. "Marco!!!" tili nya Nagulat naman ako at nanlaki ang mga mata ng makita kung sino ang palapit sa amin! Si marco! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, akala ko ay wala na. akala ko ay tapos na at hindi na muling magkukrus pa ang landas namin. Pero sadyang mapagbiro ang tadha, heto kami ngayon nakatitig muli sa isa't isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD