Chapter 1

1794 Words
"Ma, wag ka ng umiyak. Mag iingat ako doon." alo nya sa Ina. Ngayon ang araw ng alis nya papuntang ibang bansa. Malungkot man at naiiyak ay hindi nya maaring ipakita sa mga magulang upang hindi mag alala ang mga ito sa kanya. "Anak, aalagaan mo ang sarili mo doon. At kapag nahirapan ka umuwe ka agad." bilin ng kanyang Ama. "Sus si papa ako pa ba walang kakayanin?" biro nya. "Alam ko namang malakas ka kaya nga nagtitiwala ako sayo na kaya mo, ang sakin lang e wag kang magtitiis kapag nahihirapan ka. Uwe ka lang aantayin ka namin." anito "Anak, iingatan mo ang sarili mo doon at palagi kang tatawag ha. Wag na wag kang magpapalipas ng gutom at-" "I love u mama" putol nya sa kanyang ina. "I love u papa. Mag iingat ako doon kayo din mag iingat dito, wag na kayong umiyak at mas mahihirapan akong umalis." aniya sabay yakap sa dalwa. "Isang kontrata lang po, uuwe ako agad" "O siya, tama na ang drama" anang kanyang Ama sabay halik sa sintido ko "Mamiss ka namin anakong maganda" sabay tawa "Mama , papa aalis na po ako. Mama pag talikod ko wag mo na kong tawagin ha kasi hindi na ko lilingon" bilin ko "kasi baka maiyak ako pag lumingon pa ko" Sabay ng pagtalikod ay ang pagbugso ng luha. kakayanin ko to! Ang buhay namin ay hindi naman sobrang hirap noong malakas pa si papa, nagsimula lang ang kalbaryo nung magkasakit na si papa kahit anong gawin kong kayod dito at hindi sumasapat para sa aming magkakapatid at sa gamot ni papa. Kaya bilang panganay ay nagpasya akong makipag sapalaran sa ibang Bansa. Ayokong maranasan ng mga kapatid ko ang hirap ng paglayo kaya gagawin ko ang lahat para makaipon. Sa palagay ko ito ang purpose ko sa buhay, ang maging sandalan ng Aming pamilya. Aming masayang pamilya. Pag Tapak ko sa eroplano ay syang sikdo ng puso ko. 'Am i really sure of this?' tanong ko sa king sarili. parang ayoko na parang gusto ko ng bumalik. Ngayon ko naramdaman ang takot, ang pangungulila. Dalwang taon, kaya ko ba?. "Ma'am, Boarding pass po?" tanong ng stewardess na nagpabalik sa ulirat ko. "Uhm I-im Sorry!"gulat kong sagot sabay pakita ng boading pass "44A maam dito po kayo" ngumiti sya sabay turo ng aisle kung san ako dapat pumasok. Nagpasalamat ako at tinungo ang daan habang tinitignan ang numero ng bawat upuan. Hindi ito ang unang sakay ko ng eroplano dahil nung minsang nagkaron ng seat sale at nagkayayaan kaming magkakatrabaho na pumunta ng palawan. 'at hindi maganda ang experience na yon' napangiwi pa ko ng maalala ko ang pangyayaring yon. Nang makita ko ang seat 44 ay agad kong sinubukang buhatin ang handcarry ko para ilagay sa overhead compartment nagulat pa ko ng may isang baritonong boses ang nagsalita "Let me help you." anito Napatingin ako sa kanyang mukha at Sa unang pagkakataon sa buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang mabilis na t***k ng puso ko. Para akong namatanda sa sobrang gwapo. "Excuse me." Sabay tikhim nya na nagpabalik sa kin. "I said let me help you." sabay kuha ng bagahe ko. "U-uhm T-thanks!" nauutal pang sagot ko. kainis! "is it A or C?" tanong nya "huh?" nabobobong sagot ko. "Your seat, is it a or b?" tila nauubusang pasensyang sabi nya. "oh! its a!" sagot ko. Parang naasar naman ako sa tono nya nung huling tanong nya. 'haist wag ka kasing matulala' kastigo ko sa sarili "Then you'll be on the window side" aniya sabay mostra ng kamay na pinauuna akong maupo. "Thanks" sagot ko na hindi na sya muling tinignan. Naupo naman sya sa tabi ko pagkatapos kong maupo. 'ah b pala sya kaya pala ang tanong nya ay a or c" sa isip isip ko. Hindi ko na lang sya titignan kasi parang na hihypnothize pag natititigan ko sya. 'Grabe kasi ang gwapo. Mukhang ibang lahi pa, pero parang hindi naman sya bagay dito sa economy class. Dapat ung mga gantong itsura e nasa first class.' Maya maya ay may tumawag sa kanya "Yeah im in now." "be there after 9hours" "No. Im in economy class" "Bye." paputol putol nyang sagot sa kausap. Napakaganda ng boses. Isang beses ko pa syang tinignan ng patagilid... 'may mga tao talagang parang anak ng Diyos'. perpekto! Nagulat ako ng bigla syang lumingon at kunot noo akong tinignan. bigla akong nag iwas ng tingin. Di nagtagal ay nag announce na ang Piloto na ilang sandali nalang ay aalis na kami, tumayo na din ang mga stewardess sa gitna at nag mostra ng kung ano anong hindi ko naman naintindihan. Napatingin ako sa Bintana ng unti unting umandar ang eroplano. 'This is it!' naisip ko! Wala na talagang atrasan to. Dalwang taon, dalwang taon akong malalayo. Napapikit ako at nanalangin. Masakit man ngunit kailangan kong maging matatag.'para sa Future!'. Alam kong malungkot at hindi madali pero alam kong saglit lang ang dalwang taon, isang araw magugulat nalang ako nasa pinas na ko ulit mayayakap at mahahalikan ko na ulit ang pamilya ko. Nagulat ako ng may biglang puting panyong sumulpot sa harap ko! Napatingin ako sa gwapong katabi ko, di ko pala namalayang umiiyak na ko! "Take it" aniya nung mapatitig ako sa kanya Parang may sarili namang isip ang kamay ko at kinuha yon. I wince a bit nung maramdamang kong dumikit ang kaunti ang kamay ko sa kamay nya. "T- thanks!" Sagot ko saka nagpunas ng luha "Third thanks huh!" sagot nya na tila may tinatagong ngiti. Napangiti naman ako ng marealize ang ibig nyang sabihin. Parang wala pang kalahating oras pero nakatatlong salamat na ko sa kanya. Natawa akong bahagya sabay sabing "My favorite word" Natulala sya at umupo ng maayos nung mapansing nakakunot ang noo ko. "Yeah" tila wala sa sariling sagot niya. Naupo na rin ako ng maayos dahil nagsimula ng bumilis ang takbo ng eroplano, hudyat na aangat na kami sa lupa. Itutulog ko na lang ang lungkot. Kailangan kong matutunan yon, dahil dalwang taon kong gagawin yon. Nagising ako sa bahagyang yugyog "SleepyHead wake up" anang boses unti unti akong nagmulat at napangiti sa napakagandang tanawin na nabungaran ko. "Hey" Bulong nya ulit na nagpabalikwas sakin sabay ayos ng upo at hagod sa mukha. Shet! baka tulo laway pa ko! "Hello ma'am! Chicken or beef?" Tanong ng stewardess sa gilid namin na nagpalingon saming dalwa "Uhm..." Sagot kong naguguluhan pa sa tanong nya "Food. What do you like to eat?" Bulong ng katabi ko "Oh! Chicken please!" sagot ko sa stewardess sabay ngiti "Chicken"sagot ng stewardess sabay abot ng pagkain ko. "How about you sir?"Sabay ngiti ng ubod ng tamis sa katabi ko. "Chicken or-" "Beef" sagot ng katabi ko. Parang antipatiko naman ng lalaking to. Sabagay may karapatan naman sya. Pero kahit na. 'Ano bang pake ko' kastigo ko sa sarili. Tahimik kaming kumain at maya maya pa ay kinuha na ang pinagkainan namin. Tinulungan nya pa kong isara ang table dahil hindi ko malamang kung paano isasara at sa pang apat na pagkakataon ay nag 'Thank you' akong muli habang natatawa. Ayoko ng makipag eye contact sa kanya dahil natutunaw ako sa paraan ng pagtingin nya. Maya maya pa nararamdaman ko ang pagkaihi at hindi ko alam kung papano akong dadaan sa harap nya. masyadong makipot ang daan at siguradong tatama ako sa kanya kapag dumaan ako kaya kailangan nyang tumayo para makadaan ako ng matiwasay. 'Pero paano ko sasabihin yon' ngani ngani kong batukan ang sarili. bakit ba ko nahihiya e dadaan lang naman! "Ahm excuse me.." sabi ko sabay lingon sa kanya. Napangiwi ako ng makitang nakapikit sya. Malaya ko tuloy napagmasdan ang napaka gwapo nyang mukha. Matangos na ilong... kissable lips.. long lashes.. pati ang contour ng mukha lalaking lalaki. Ano kayang pangalan nya? sa isip isip ko. "Do you like what you see?" bigla nyang sabi na nagpalaki ng mga mata ko! Saka ko narealize na tinitignan na pala nya ko. Andrea naman! "uhm" Tikhim ko "I - uhm.. i... actually ..uhm..." Shet! mura ko sa isip Nakataas ang gilid ng labi nya habang nag iintay ng sagot ko. Isang Tikhim pa ang ginawa ko bago sinubukang magsalita ng derecho. "I..Uhm... just want to go to the toilet so uhm if you could just let me pass?" nabobobong sagot ko. "You see its a very small space and i cant pass without uhm-" "Its fine" putol nya sa litanya ko. Sabay tayo para makadaan ako. tumayo na din at muling nagpasalamat. Lumipas pa ang ilang oras at inip na inip na ko sa byahe, isang beses pa ulit nagserve ng pagkain at siguro may dalwang oras nalang bago makarating sa destinasyon. Napatingin naman ako ng bintana ng makita ang unti unting paglubog ng Araw. Napakagandang tanawin! Maganda ang paglubog ng araw sa beach, isa yon sa mga paborito kong tanawin pero iba pala ang ganda pag nasa eroplano ka. "They said Sad People appreciate sunset more." Sabi nya na nagpalingon sakin. "We don't have to be sad to appreciate the beauty of sunset" sagot ko sabay ngiti Ayan nanaman ang mga titig nya. "Your smile with a sunset as a background is breathtaking..." Bulong nya Nagulat ako. Natulala. Ano daw?! Tumikhim sya. Sabay lahad ng palad "Marco" Napatingin ako sa palad nyang nag iintay. "Precious" Sagot ko saka tinanggap ang palad nya. Napaangat ang mata ko sa kanya ng hindi nya bitiwan ang palad ko. "Nice name" Aniya habang nakatitig sakin "Yours Too" Sbi ko saka sya nginitian ng tipid. Binitawan nya ang kamay ko saka umupo ng maayos. Narinig ko syang bumubulong pero hindi ko na naintindihan. Hindi na kami nag usap hanggang sa makarating kami sa destination at nag bigay na ng signal ang Piloto na maaari na naming kunin ang bagahe. Tumayo sya at akma akong tatayo ng imostra nya sakin ang kamay nya na pinipigilan akong tumayo. Nakita kong ibinaba nya ang maleta nya sunod ay ang sakin, magpapasalamat sana ako ng biglang tumunog ang cellphone nya. Hanggang sa pagbaba ng eroplano ay may kausap sya sa phone, pinauna nya ko kaya damang dama ko sa likod ang init ng titig nya. Pagpasok namin ng Airport ay dumerecho ako sa pila ng immigration paglingon ko ay wala na sya sa likod ko. Hanggang sa pagkuha ng bagahe ay hindi ko na sya muli pang nakita. 'Sayang! Paglabas ko ng Airport ay nakita ko agad ang susundo sa akin na may malaking Karatula ng pangalan ko kayat kumaway na ako. Isa pang lingon ang ginawa ko bago magpa akay sa sundo ko at nakita ko siya! OMG! Palinga linga na tila may hinahanap! 'sus asa ka girl' Ilang saglit pa ay may lumapit na sa kanya, yung sundo siguro ang hinahanap. Hay Marco!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD