Chapter 15

1918 Words
Naglinis lang ako saglit ng katawan at nagbihis na. Pinili ko ang isang light Gray na makapal na Jogger pants saka tenernuhan ng mejo dark na v-Shirt at tinuck in saka isinuot ang makapal na gray cardigan na mejo loose. Hindi naman masyadong malamig sa loob ng bahay kagaya sa labas kaya ayos na tong suot ko. Hinayaan ko ding nakalay lay ang mejo wavy kong buhok saka naglagay ng manipis na tint sa labi at sa cheeks. Nagmedyas ako at sinuot ang binigay ni tita sakin na cute na sapatos na panloob ng bahay. Pagkatapos ko ay bumaba na ko para tumulong sa paghahanda. Naabutan ko naman silang inaayos nalang ang handa sa mesa. Sinalubong naman agad ako ni tita. At sinabing handa na ang lahat at ang cake ay nilagay na nila sa servants room na malapit sa kusina kaya dun nalang ako mag tatago pag dating mo Marco. Alas Onse medya ng dumating si Marco. Maaga daw talaga itong dumadating sa lunch sabi ni tita. Mabuti nalang at nagmessage sya sakin na paalis na sya ng opisina kaya nalaman kong paparating na sya. Agad agad akong nagtago. Pagpasok nya ng Bahay ay agad kong narinig na binati sya ni nana Josie at ng iba pang katulong hindi ko nadinig ang sagot nya pero napatawa nya si nana josie sa sagot nya. Maya maya ay pumasok si nana Ema sa room at sinabing nasa hapag na sina Marco at ang Mama at daddy nya kaya Naghanda na ko para lumabas dala ang cake. Isang linggo kaming hindi nagkita kaya excited na din akong makita sya. Alam kong magugulat talaga sya dahil magkausap pa kami kanina tapos ngayon ay nandito na ko. Dahan dahan akong naglakad papuntang kusina para dun dumaan papuntang dining hall. Unang pumasok ng Dining hall ay sina nana at ang dalwa pang katulong at nagsimulang kumanta. Ako naman ay nagtago sa likod nila habang bitbit ang cake. Tumayo si tita at tito at nakikanta kaya naman tumayo din ni marco na halatang masaya. Isa isa nyang tinignan ang mga kumakanta hanggang bumagsak sakin ang paningin nya. Kitang kita ko ang gulat ng magtagpo ang mga mata namin. Hindi pa sya makapaniwala kaya kunot noo pa nya kong sinilip dahil nasa bandang likuran ako. Naging hudyat naman un kina nana para tumabi kaya derederecdo akong naglakad palapit sa kanya habang tangan pa din sa kamay ang cake. "Happy birthday!" masiglang bati ko paglapit ko saka iniumang ang cake sa kanya para i blow ang candle. "Make a wish!" Nakatitig pa din sya sakin at gulat na gulat. Tinabig ko sya sa binti gamit ang mga paa ko para makabalik sya sa kasalukuyan! Bahagya syang natawa at kinuha sa kamay ko cake saka hinipan ang kandila. Ibinaba naman nya agad ang cake saka masuyong hinawakan ng dalwang kamay ang mukha ko at walang kaabog abog na hinalikan ako! Natatawa naman akong tinugon ang halik nya saka naalalang nasa harap kami ng mga magulang nya kaya naitulak ko sya agad. "Marco!" naeeskandalo ko pang pigil sa kanya dahil parang wala syang balak huminto. Ipinulupot naman nya agad sakin ang braso nya. Sa palagay ko ay kasim pula ng kamatis ang mukha ko ngayon dahil sa kahihiyan. Pagharp ko kay tita ay nang aasar pa ang tinging ibinigay nya sakin bago lumapit kay marco at humalik sa pisngi. Sunod naman ay lumapit ang daddy nya at binati sya saka lumapit sina nana Josie. Nanatili naman ang isang kamay nya na nakahawak sakin binabati sya nina nana. "Everyone, let's eat!" anunsyo ni tita kaya na upo na kami. Nasa pinaka puno ng upuan si tito sa kanang bahagi nya nakaupo si tita habang sa kaliwa naman si Marco pagkatapos ay ako . Nagkanya kanya na ding upo sina nana at pati ang mga tao na nasa labas kanina. Masaya ang tanghalian at panay ang biruan. Si marco naman ay pirmis na nakangiti pero palagi kong nahuhuli na nakakatig sakin at parang hindi pa din makapaniwala na kasama ako. "How did you come here?" tanong ni Marco habang nakaupo kami sa sala at nakayakap sya sakin. Katapos naming magtanghalian at nag tsatsaa kami ngayon. Sina tito at tita naman ay umakyat para mapainom si tito ng gamot. Umahon ako sa pagkakasandal sa kanya at hinarap sya. "Of course, i took a plane." pilosopong sagot ko. Natawa naman sya. "I thought you use your broom. Sexy witch." Sagot nya saka ako hinalikan. "Let's go home." bulong nya. "We're home." painosente ko namang sagot. "No we're not!" sagot nya saka ako hinila patayo. "Come." Nagpatianod naman ako agad sa kanya at hinila nya ko paakyat ng hagdan, pagkatapos ay lumiko kami sa bandang kaliwa at kumatok sya sa unang pinto. "Ma." tawag nya "Come in!" sagot naman ni tita mula sa loob. Binuksan naman agad ni marco ang pinto at naabutan namin si tito na nakaupo sa isang rocking chair at nakatutok ang mata sa tv habang si tita ay inaayos ang kama. "We're going." anunsyo ni Marco. Nagulat naman ako at napabaling sa kanya. Agad agad? kakatapos lang halos ng tanghalian. "What?. I thought you have a meeting after lunch? I still want chitchat time with Precious" sagot ni tita na napatigil sa pag aayos ng kama. Bumitaw si marco sakin at Lumapit kay tita at niyakap ito. "Ma..Please.. We'll come back here tomorrow." lambing pa ni Marco sa ina. Ang cute maglambing ni Marco. Napasimangot naman si tita at tumingin sakin. Hindi ko naman alam ang sasabihin kaya napalunok nalang ako. "Sweetheart let them go. They should be making my grandchild now. I need it asap." Singit ng daddy nya na halos ikasamid ko kahit hindi naman ako kumakain. Natawa naman ng malakas si Marco saka bumataw sa mama nya at lumapit sa daddy nya. "How can i be without you old man!" biro pa nya saka nakipag fist bomb sa ama. "You're wish is my command daddy!" "I'm not old! Make it fast. I want a boy." sikmat naman ng daddy nya. Si tita naman ay lumapit sakin at niyakap ako. "No, hija. I want a girl." sabi ni tita saka hinawakan ang mukha ko ng dalwang palad. "I want her to look after you and not these monsters." dagdag pa nya. Natawa naman ako dahil hindi ko alam kung pano tatakasan ang awkward na sitwasyon. Para bang normal sa kanilang pag usapan ang baby making session namin ni marco. "No. I want a boy hija. A younger version of me. " Singit naman ni tito. Na ikinatawa naming lahat. Hinatid kami nina tito at tita palabas ng bahay. Bitbit ni marco ang bagahe ko. Nung una ay ayaw pang ipadala ni tita lahat ng gamit ko pero hindi pumayag si Marco. Ako naman ay parang naiipit sa kanilang dalwa. Sa huli ay nilambing lambing lang muli ni Marco si tita at napapayag na dadalaw nalang kaming madalas at ipapahiram ako ng isang buong araw para sa shopping. Habang nasa sasakyan kami ay panay pa din ang pag ngiti ngiti ni Marco habang hawak hawak ang kamay ko. Masayang masaya lang? Inilipat ko nalang ang atensyon sa labas ng bintana. Mag aalas dos palang pero parang magdidilim na. Nabasa ko ngang ganto talaga dito. Maya maya ay nagulat ako at napabaling sa kanya ng dahan dahang iangat niyang ang kamay ko saka hinalikan. Nginitian ko sya. "I'm so happy." sabi nya Tinanggal ko naman ang seatbelt ko at yumakap sa kanya ng mahigpit.. "Mee too." sagot ko saka iniumang ang lips ko. Binigyan nya ko ng isang smack. "We're almost there. Put your seatbelt on baby." sabi nya saka umayos ng upo. Napanguso ako. Gustong gusto nya pag niyayakap ko sya pero twing nag dadrive sya ayaw na ayaw nyang nagtatanggal ako ng seatbelt. Bubulong bulong pa kong ibinalik ang seatbelt. Tatawa tawa sya habang nakatutok pa din ang mata sa daan. Dinampot nyang muli ang kamay ko saka masuyong hinalik halikan. Bumabawi dahil ni reject ang yakap ko. Huminto kami sa isang Villa type house. Mas maliit kumpara sa mansyon ng mga magulang nya pero mas modern ang pagkakagawa. May pinindot sya sa sasakyan pagkatapos ay bumukas ang Gate. Automatic! Pagka park nya ay agad akong bumaba. Mas namangha ako ngmakita ko ang kabuuan ng bahay. Ang babang harapan ay fully glass kaya tanaw ko na agad ang sala. Sa labas ay merong mga upuan sa patio at sa gilid ay may parang maliit na pa square na may bonfire pero wala apoy. Sa Kaliwang bahagi ay naroon ang ibat ibat sasakyan habang sa kabilang parte ng silipin ko ay may malaking swimming pool! "Like it?"tanong nya habang yakap ako mula sa likod. Hindi ko pa nakikita ng lubusan ang loob pero gustong gusto ko na. Tinignan ko ang kabuuan ng paligid. "Hmn.. yeah." sagot ko kahit ang totoo ay gandang ganda ako. ''I wanna see what's inside." Tumawa sya saka ako hinila papasok. May tinipa syang numbers sa pin pad saka bumukas ang pinto. Halos mapanganga ako ng makita ang loob. Sumisigaw sa karangyaan ang bahay na to. Bigla tuloy akong nahiya ng maisip ang bahay na tinitirhan namin. Walang wala yon kumpara dito. Hindi pa ko tapos sa pag aanalisa ng bahay nya ng bigla nya kong kabigin at halikan. "I wanted to show you around but someone misses you soo much.'' bulong nya habang idinidiin ang ibabang bahagi ng katawan nya sakin. Naramdaman ko naman agad kung anong tinutukoy nya. Natatawa akong inikot ang mga braso ko sa leeg nya. "Oh yeah? What can we do about it?" Pabulong kong sagot na parang nang aakit. "f**k!" sagot nya saka ako binuhat at derederechong inakyat sa taas at ipinasok sa isang silid. Habang hindi tumitigil sa paghalik sakin. Bumungad sakin ang napakalaking kwarto. Madilim at malamig sa bahay. Di ko naiwasang ilibot ang mata ko pagkababa nya sakin sa napakalaking kama. Napahanga ako sa modernong style ng kwarto ni Marco at di maikakailang panlalaking kwarto dahil halos lahat ng gamit kung hindi black ay gray. Nakuha nya ang atensyon ko ng maghubad sya ng long sleeves nya. Sunod nyang hinubad ang inner shirt nya saka ako binigyan ng sexy smile na parang nang aakit. "You like what you see?" nang aakit pa nyang tanong sakin habang nakaluhod na sa kama na parang ready na kong dambahin anytime.Natawa ako at nakaisip ng kalokohan. "The house? yeah i like it." maang maangan kong asar sa kanya. Kahit alam ko naman na ang katawan nya ang tinatanong kung nagustuhan ko ba. Sumimangot sya, Busangot ang mukha na naupo sa kama. " You're killing the mood!" nakangusong sabi nya. Natatawa naman akong kumandong sa kanya ng paharap at inikot ang mga braso ko sa leeg nya. Pinagpantay nya ang mukha namin saka ako binigyan ng magagaan na halik sa labi. Hinawakan ko naman ang mukha nya kaya tumigil sya sa paghalik. Pinagmamasdan ko ang gwapong mukha ng Bf ko. Hinaplos haplos ang panga nya. "Gwapo." bulong ko "Hmn.." nakapikit nyang sagot habang ninanamnam ang paghaplos ko sa mukha nya. Hinalikan ko sya at Pinantayan naman nya un ng mas malalim na halik. Bumaba ang halik nya sa leeg ko. Saka ako dahan dahang hiniga. "I miss you baby. Happy birthday." bulong ko ng nasa ibabaw ko na sya at nagpapakasaya at paghalik sa tenga ko at leeg. Tumigil sya sa paghalik at itinukod ang dalwang braso sa magkabilang gilid ko. "I miss you more. This is my best birthday ever." nakangiting sagot nya saka muling sinakop ang labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD