"Marco." bahagya ko pa syang tinulak dahil kung hindi ko gagawin yun ay baka anong oras na kami makabangon, Pasado Alas dose na at ramdam na ramdam ko na ang gutom at uhaw.
"Hmn..." ungol nya saka muling hinalik halikan ako sa leeg.
Wala nanaman planong tumigil tong Kumag na to. "Marco Im hungry." sabi ko saka bahagya sya ulit tinulak.
"Tsk.!" inis na palatak nya pero bumangon din naman.
Sinamaan ko sya ng tingin. Akala mo exam ang ginagawa nya at hindi dapat maistorbo. Agad naman syang ngumiti ng makita ang sama ng tingin ko sakanya. Inilahad nya ang palad nya na parang inaaya pa kong tumayo. ''What do you want to eat?" tanong pa nya sa pinakamalambing na tono.
"Let's eat outside. I want sinigang na bangus na may taba sa tyan" sagot ko. Halos maglaway ako sa naiisip.
"What?" putol nya sa pag iisip ko na ikinabwiset ko.
"Sinigang na bangus. No more question marco. Im hungry, i don't have the energy to fight." Sagot ko saka napabusangot. Sinigang na bangus lang di pa alam. Tsk!
Natahimik naman sya saka minostra na isini zip ang labi. Inirapan ko naman sya saka tumayo para maligo na.
Halos isang oras bago kami nakalabas ng bahay dahil sa tagal ko namang mamili ng susuotin, si Marco naman, katulad ng dati ay matiyagang nag intay sakin.
May mga pagkakataong natatagalan na siguro sya kaya pinupuri na nya ang suot ko pero sinasabihan ko syang tumahimik dahil nagugutom na ko at ayokong makipagtalo sa kanya. Sa huli ay nangako ayang hindi na magsasalita at muling izinip ang bibig.
Pagdating namin sa restaurant ay agad akong umorder. Nanatili namang tahimik si Marco at ngingiti ngiti lang.
"What's funny?" sikmat ko sa kanya. Hindi ko nagugustuhan ang pag ngiti ngiti nya. Agad naman syang sumeryoso.
At izinip ulit ang labi. Habang nakatitig pa din sakin. Tahimik ko din syang pinagmamasdan. Hindi ko alam, pero kung noon ay nagwagwapuhan akong lalo kay marco pag nakangiti ngayon ay iba. Mas gusto ko ang mukha nyang seryoso. Ang Mata nyang matiim kung tumitig na binagayan ng makapal nyang kilay. Ang ilong nyang may perpektong balingusan. Ang labi nyang mamula mula na masarap halikan. Pero ang pinaka gusto ko ngayon ay ang perpekto nyang panga.
Dumukwang ako ng bahagya sa mesa sa gulat nya ay agad syang umatras. Iminostra ko naman ang kamay ko na tila pinapalapit ang mukha nya.
Alangan nyang inilapit ang mukha. Ikinulong ko naman agad ang mukha nya ng dalwang palad ko.
"You're so handsome Marco." bulong kong nangingiti.
Napangiti sya na parang kinikilig. Nabwiset naman ako agad at binitiwan ang mukha nya.
"Don't smile." asar kong sabi na ikinagulat nya.
Magsasalita pa sana ako pero napansin kong iseserve na ang pagkain namin, na excite ako.
Buong oras ng pagkain namin ay tinititigan ako ni Marco na parang may mali sakin. Ang gana naman ng pagkain ko dahil matagal tagal na ng huli akong makakakain ng Sinigang na bangus. Mahirap kasing makabili ng bangus dito. Napakalayo naman ng fish market para makapunta don.
Palabas na kami ng Restaurant ng biglang tumunog ang phone ni Marco.
Sumakay kami sa sasakyan bago nya sinagot yon at base sa narinig ko ay may hindi magandang nagyayare. May mga pagkakataon na nagsasalita sya sa lengwahe nila at parang galit. Sa pakiwari ko ay Business ang topic nila. Ako naman ay nawiwili sa nakikita. Bagay na bagay talaga kay marco pag nakasimangot.
"Problem?" tanong ko agad ng ibaba nya ang tawag.
"Yeah." sagot nya saka dumukwang at isinubsob ang mukha sa leeg ko.
Niyakap ko naman sya at sinuklay ang buhok.
"You need to go back?" tanong ko. Pinilipilit kong wag maiyak kahit ang totoo nalulungkot na ko iniisip palang na aalis si marco.
"Yeah." sagot nyang muli habang nakayukyok pa din ang mukha.
"Then let's go home. " sabi ko.
Umayos naman sya ng pagkakaupo saka nag drive pauwe.
Tahimik pa din kami hanggang makarating ng bahay. Gustong gusto ko syang pigilan. Pero alam kong mali yon. Pumasok agad ako ng banyo pagdating namin saka naghilamos habang hinahayaan kong tumulo ang luha ko. Kailangan kong magpakatatag. At isang linggo nalang naman isusurprise ko na sya dun. Napangiti na ko sa naisip.
Paglabas ko ay naabutan ko si Marco na nakaupo sa gilid ng kama, nakatulala habang nakahawak sa noo.
Lumapit ako at kumandong sa kanya. Nagulat man ay agad naman nya kong niyakap. Hinwakan ko ang mukha nya saka sya binigyan ng magaan na halik sa labi.
"You okay?" tanong ko.
Tinitigan nya ko.
"I wanna tell you something but i need time to explain it to you. Can you wait?" tanong nyang nagpakaba sakin.
Ilang sandali kong tinititigan din ang mga mata nya na parang dun ko mahahanap ang sagot.
"Of course." sagot ko kahit kinakabahan pa rin at gustong gustong malaman kung ano yon.
"You trust me right?" tanong nya pa ulit.
"Of course." bahagya ko pang sinamahan ng mahinang tawa ang sagot ko kahit kabadong kabado na ko. "You're making me nervous Marco." biro ko pa para gumaan ang usapan namin.
"Just trust me baby." sabi nya saka ako niyakap. "I love you."
"I love you too." mahina ko ring bulong.
***
Mabilis na Lumakad ang mga araw at namalayan ko nalang na huling araw na pala ng pasok ko at mamyang madaling araw na ang flight ko.
Ang bagahe na dadalhin ko ay naayos ko na at nakahanap na din ako ng maghahatid sakin papuntang airport. Alas kwatro ang flight ko kaya ang plano ko ay aalis ng mga bandang alas dose imedya.
Pag uwe ko ng alas syete ay naligo na ko ay chineck pa ang mga gamit na dadalhin ko. Mga bandang alas dyes ay tatawag si marco maaga nalang ako magpapaalam na matutulog na para makapag ayos pa.
Nakapagpaalam na din ako sa dalwang kasama ko sa bahay at excited na excited pa sila para sakin.
Nakausap ko naman na ang mama ni Marco ay siniguro kong hindi makakaalis si marco ng sweden. Nangako naman si tita na hindi makakaalis si Marco dahil kinutsaba na nya si tito na magsakit sakitan para hindi makaalis si marco.
Smooth na ang lahat. Pwera nalang sa hindi pagsagot ni stacy sa mga tawag at messages ko . Nang tanungin ko naman si tita ay nagkibit balikat lang sya at sinabing na postpone ang wedding. Alalang alala ako kay stacy, mabuti nalang at papunta ako don para madamayan din sya.
Eksaktong alas diyes ng tumawag si marco. Bakas pa din ang pagod sa mukha nya pero alam kong pinipilit nyang sumaya kapag kausap ako
Pasado alas onse ng umarte akong antok na antok na agad namang napansin ni Marco yon at pinatulog na ko. Hindi nya alam na alam kong birthday nya bukas pero parang inaantay nyang batiin ko sya.
"Go to sleep baby. I will go visit daddy." sabi nya.
Kunyare naman akong nagtanong. "Why?"
"Daddy's not feeling well. Mama ask me to sleep there tonight." sabi nya na tinutukoy ang bahay ng mama at daddy nya.
"Oh okay." lungkot lungkotan ko pang sagot. "Send my regards to them. I'll call u tomorrow. But i think i will wake up late tomorrow, its my off and i feel so tired this week soo i plan to sleep full day." sabi ko pa kunyare.
"Okay. Then i will not call you so you can sleep longer. Just call me when you wake up okay?" sabi pa nya. Ussually kasi tumatawag sya pag gising nya ng 6am don, mga bandang alas diyes dito. Ayokong tumawag sya bukas dahil magtataka yon bakit nakapatay ang phone ko.
Pagkatapos ng tawag na yon ay dali dali na kong nagbihis. Ayon sa research ko ay tag lamig don ngayon kaya minabuti kong bumili ng makapal na coat na isusuot ko paglapag don. Nagmaong pants lang ako at tinernuhan ng black long sleeve turtle neck. Nakaboots din ako. Ready sa tag lamig. Ang mga binaon ko ding damit ay puro panlamig maging ang mga pantulog na dala ko ay puro panlamig. Mahina talaga ako sa lamig.
Sa buong Durasyon ng flight ay hilong hilo ako at nakailang suka. Mabuti nalang at binook ako ni Stacy sa Business class kaya malaya akong nakatulog dahil naibebend ang upuan at malaki ang space. Maya't maya din kung kamustahin ako ng Stewardess dahil sinabi kong mejo nahihilo ako.
Nang iannounce ng Piloto na maglalanding na ang eroplano ay agad akong tumingin sa bintana. Mas maaga kami sa itinakdang oras ng pagdating. Ayon sa piloto ay alas otso kinse na pero madilim pa sa labas. Winter time kasi at pasikat palang ang araw.
Pagbaba ko ng eroplano ay dama ko agad ang kakaibang lamig maging sa loob ng airport. Mabuti nalang at makapal ang suot kong coat at may bonnet din ako pangontra sa lamig. Wala namang akong naging problema sa immigration kaya tuloy tuloy na kong nakalabas pag tapos kong kunin ang bagahe ko.
Pagkalabas ko ay agad kong nakita si Tita na kumakaway sakin. Iba ang ganda nya sa personal.
Patakbo akong sumalubong sa kanya at yumakap. Sa tabi nya ay may isang mejo may edad na at matangkad na lalaki na kumuha agad ng trolly na pinaglagyan ko ng mga gamit.
"Welcome to sweden Precious! Oh my God! Ang ganda ganda mo!" masiglang sabi ni tita ng maghiwalay kami.
"Thank you po tita! Kayo din po ang ganda ganda nyo." nakangiting sagot ko habang hawak pa din ang kamay nya.
Kinamusta ni tita ang flight ko at pinakilala ang lalaking kasama na si Lucas, personal driver daw nila ni tito.
Sa buong byahe ay panay kami kwentuhan ni tita hanggang sa plinano na namin ang mangyayare sa araw na ito. Sabi ni tita ay maaga daw nagising si Marco kanina at maaga ding umalis papuntang opisina. Sinabi ni tita na maghahanda sya ng kaunti sa lunch kaya nangako daw ito na uuwe. Ganun naman daw talaga palagi, twing lunch sila nag celebrate sa bahay dahil sa gabi daw ay mga kaibigan at pinsan ang kasama ni Marco na mag celebrate ng birthday. Nakabili na din si tita ng cake kaya lahat ay ready na. Ang plano namin ay papasok ako ng kainan at dala ang cake kapag nakaupo na si marco sa hapag. Nakaka excite.!
Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malapalasyong bahay. Manghang mangha ako sa laki ng bahay nila Marco. Pano pa nya naisipang bumukod gayong napakalaki ng bahay na ito. Sinabi naman ni tita na noon pa man ay independent na si Marco kaya hindi na nila pinigilan ng magpasyang bubukod na ng tirahan.
Pagpasok namin sa bahay ay mas namangha ako sa ganda ng disenyo ng bahay, may ilang katulong din ang sumalubong sa amin at nagulat ako na mga pilipino din. Pinakilala naman ako agad ni tita sa kanila. Ang dalawa ay may edad na sina nana Josie at Nana ema habang ang dalwa ay mas bata pa sina Fe at Cristy. Nakangiti naman nila akong sinalubong at winelcome sa bahay.
Maya maya pa ay sumalubong na sa amin ang daddy ni Marco. Ang matandang Version ni Marco.
"Welcome Precious!"salubong ni tito sakin saka ako niyakap.
"Thank you tito. How are you tito?" ganting bati ko nama saka nangamusta.
"I'm fine. Im soo happy to finally meet you! You are soo beautiful, im so proud of my son!" sabi pa nya saka binuntutan ng malakas na tawa. "He knows how to choose, just like me!" dugtong pa ni tito saka inakbayan ang asawa.
Nalukot naman ang mukha ni tita kaya nagkatawanan kami.
Pagkatapos naming magkamustahan ay pinagpahinga ako ni tita sa guest room sa second floor. Ang sabi nya ay gusto nya sanang sa ginagamit na room ako ni marco magpahinga pero baka umakyat si marco pagdating kaya hindi pwede.
Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong naghubad at iniwan lang ang sando kong panloob saka tinawagan si Marco. Mabuti nalang ay puti ang sapin ng kama kaya para lang akong nasa kwarto ko at gusto ni Marco na nakatutok lang sa mukha ko ang camera kapag nag uusap kami kaya hindi ako nangangamba.
Saglit lang kaming nag usap ni Marco dahil may meeting sya. Ipinaalam nya din sakin na mag lalunch sya sa bahay ng mama at daddy nya ng itanong ko kung bakit ay tumawa pa sya at sinabing naglalambing lang ang mama nya. Ayaw nyang sabihin sakin na birthday nya kaya natatawa ako.
Nang tawagin na sya ng secretary nya ay nagpaalam na ko at sinabing kakain lang saka matutulog muli. Tumango naman sya at sinabing aantayin nalang ulit ang tawag ko.
Na eexcite ako para sa manyayare mamya!