Kinabukasan ay maagang pinadala sakin ni Stacy ang ang copy ng Ticket ko at visa. Nagmessage din sya na Excited na talaga sya at gustong gusto na nyang hilain ang araw ng pagpunta ko. Tuloy na tuloy na talaga.!
Mamaya ay tatawagan ko ang mga magulang ko para ipaalam na tuloy na ang pagpunta ko ng Sweden. Noong nakaraan kasi ay pinag iisipan ko pa un nung magkausap kami pero nakasuporta naman sila sa kahit na anong gusto ko.
Sinubukan kong tawagan si stacy ng maghapon para sana magpasalamat pero panay ring lang at hindi nya sinasagot. Siguro ay tulog pa, kaya minessage ko nalang sya ng Mahabang pasasalamat at Sinabing miss na miss ko na sya at excited na din akong makarating ng sweden.
Buong maghapon ay iilang beses lang din ako tinawagan ni marco bagay na hindi madalas mangyare. Kadalasan kasi ay halos oras oras sya kung tumawag kahit busy sya ay palagi nyang naisisingit ang pagtawag.
Kinagabihan ay tinawagan naman nya ko.
"Hello! I miss you!" masigla kong bati ng sagutin ang tawag nya. Nasa kama na ko non at nagbabasa ng pampaantok.
"I miss you baby." sagot nya. Basa ko sa mukha nya ang pagod at lungkot. Kaya malungkot din akong ngumiti.
"Tired?" tanong ko pa
Ang lalim ng buntong hininga nya ang nagbigay ny Idea sakin na may pinoproblema sya. Mabigat.
"Hmn.. yeah." sagot nya habang naghuhubad ng damit.
"Problem?" tanong ko pa ulit habang minamasdan syang nagsusuot ng tshirt.
Isang malalim na buntong hininga pa ang pinakawalan nya pagkatapos ay naupo sa harap ng laptop.
"I love you. Don't forget that." madamdamin nyang sagot.
Mukhang mabigat nga ang problema nya. At siguro kumplikado kaya hindi nya masabi.
"I love u too. Don't worry too much. Whatever it is i know you can go through it! Aja! Fighting!" panggagaya ko pa sa mga koreanovela kong napapanood.
Napatawa ko naman sya. "So cute." sabi pa nya.
Nang gabing yon ay marami pa kaming napag usapan pero ramdam kong mabigat ang problema ni Marco. Ayokong magtanong dahil alam ko namang sasabihin nya sakin yon kung dapat kong malaman.
Hindi naman mahalaga kung alam ko o hindi ang problema, ang mahalaga naman e maramdaman nyang sinusuportahan ko sya sa lahat. Hanggang matapos ang tawag namin ay ramdam kong pinipilit lang nyang iwaksi sa isipan ang problema .
Lumipas ang Isang linggo na palagi lang ganon ang siste namin ni Marco. Masyado na kong nag aalala dahil alam kong malaki ang problema nya pero ayaw nyang sabihin sakin yon. Sinubukan ko na din tawagan ang mama nya..
"Hija don't worry. Kung ano man yon maayos din ang lahat." sagot nya ng tanungin konkung ayos lang ba si marco dahil napapansin kong malalim ang problema nya.
"May problema po ba sa company tita?"Tanong ko pa ulit
"I'm not in the position to talk about it hija.." malungkoy nyang sagot.. saka binago ang i
usapan "Oo nga pala, tuloy ba ang punta mo dito? Isang linggo nalang pala."
"Opo tita. Tuloy po. Wag po sana kayaong madudulas kay Marco" pilit siglang sagot ko nalang.
"Naku! parang gusto ko na nga iispill pero mas masaya pag surprise! San mo ba sya isusurprise? sa opisina o sa bahay?"
"Iniisip ko nga po sa opisina nalang tita kaso mas maigi po cguro kung lunch nalang po jan sa inyo?"
"Yung lunch ang gusto ko tutal lagi syang napunta ng lunch dito pag birthday nya dahil madalas silang mag bar non sa gabi with friends."napapaisip pang sabi ni tita.
Sa huli ay napagdesisyonan naming Lunch nalang icelebrate at si tita na din ang magsusundo sakin sa airport. Sasabihan ko nalang si stacy ng plano sa isip isip ko.
Masaya ako na ready na ang lahat para sa surprise ko pero hindi parin napapayapa ang kalooban ko sa nangyayari kay marco. Ayoko nung pakiramdam na para bang wala akong kwentang GF dahil hindi ko manlang sya matulungan sa problema nya. Kaya ng gabing yon ay pinilit ko syang sabihin sakin kung anong problema.
"Just tell me what's wrong.." demand ko habang nag uusap kami. Alas syete pa lang non at nasa bahay na ko habang sya ay nasa opisina pa.
"Baby please let's not talk about it. Let my mind rest for a bit." nauubusang pasensyang sagot nya habang niluluwagan ang necktie.
"You've been like this for a week now.!" nakangusong sagot ko. " Stop making me feel as if I can't help you with anything."
"Baby please. Have you had dinner?" pagbabago nya sa usapan.
"Marco." banta ko
Marahas syang bumuga ng hangin saka pabulong na nagmura.
"Why its so hard for you to tell me?" tanong ko
"Because!.." sigaw nya pero hindi madugtungan ang sinabi.
"Because it's about me?" deretsang tanong ko.
Gulat syang napatitig sakin kaya naisip kong baka totoo nga ang hinala ko. "No! For f*****g sake. No!" sagot nya pero halatang nagsisinungaling sya.
"Don't lie to me Marco." matigas na sagot ko kahit parang gustong gusto ko ng umiyak.
Pumikit sya habang nakahawak sa noo.
"Precious.. please can we not talk about it?hmn?" malambing na nyang tanong pagmulat.
"If you're just going to lie then what's the point of talking.?" Nagdadamdam na usig ko sa kanya.
"Lying? Not because i hide things from you doesn't mean im lying.!" nagagalit na nyang sagot.
"If you'll just hide things from me then what's the whole point of this relationship Marco.?" matigas na tanong ko.
"Precious. Don't you dare.!" banta nya na parang alam na kung saan papunta ang sinasabi ko.
"Let's end this call. Just call me again when you're ready to share with me what's happening."
"Precious why can't you understand there are certain things I can't tell you! Why can't you just calm me instead? I have soo much to think about!" sumisigaw na nyang sagot sakin.
Naiyak na ko sa bwiset sa kanya. "Ah. Okay! Then let's just cut ties! Let's end this! Maybe, it will lessen your stress!" pumiyok pa ko saka ko pinatay ang tawag.
Di pa lumilipas ang ilang segundo ay tumatawag nanaman sya pero hindi ko na sinagot pa yon.
Masakit na parang imbes na makatulong ako iniisip pa nyang dinadagdagan ko ang stress nya. Gusto ko lang naman maramdaman na kailangan nya din ako, kagaya ko kapag may problema ako sya agad ang iniisip ko. Masakit na parang wala akong maiambag sa buhay nya na parang kaya naman nya kahit wala ako.
Samantalang ako eto halos nakasandal sa kanya, Ni ang bahay nga na to ay hindi ko makukuha kung wala sya. Ang mga gamit ko lahat wala kung wala sya.
Pero Hindi naman laging pera eh, pwede ko naman syang matulungan kahit makinig lang sa problema nya pero wala, hindi pwede. Sabagay ano lang ba kasi ako,.
Pinatay ko ang cellphone ko ng tuloy tuloy pa din ang pag riring non. Nakita kong May ilang message pa sya pero hindi ko na binasa pa yon.
Masama pa ang loob ko. Hindi naman bukal sa loob ko ang pag yaya ng break up pero parang magkakatotoo nga un kung mag uusap pa kami ng matagal. Gusto ko ng huminto sa pag iyak dahil malamang na mamamaga ang mata ko bukas pero hindi ko maintindihan bakit sige lang ang tulo ng luha ko. Kaya minabuti kong itulog nalang ang sama ng loob.
Kinabukasan ay nagising ako sa kalam ng sikmura ko, hindi nga pala ako nakapag hapunan kagabi. Pagtingin ko sa oras ay mag aalas syete na. Bumangon ako at nagbanyo. Napabuntong hininga nalang ako ng makita ang sarili sa salamin. Maga ang mata. Hay!
Paglabas ko ng banyo ay nahagip ng mata ko ang phone ko sa ibabaw ng side table, nagdadalwang isip pa ko kung bubuksan yon. Sa huli ay mas pinili kong unahin ang sikmura.
Lumabas na ko para makahanap ng kakainin sa kusina. Off ko naman ngayon kaya pipilitin ko nalang ulit matulog mamya pagkakain.
Pagbukas ko sa pinto ng kusina ay nagulat pa kong mabungaran si Marco, Nakayukyok sa lamesa. Anong ginagawa nito dito?!
Ang inis at tampo ko kagabi ay parang biglang naglaho. Rupok yarn?!
Natetempt akong yakapin sya, halikan at magsorry sa huling nasabi ko kagabi pero dapat akong maging matatag.
"Marco." tawag ko sa kanya saka marahang niyugyog.
Agad naman syang nagising saka pupunggas punggas na umayos ng upo. Gusto kong mangiti ng makita ang kagwapuhan nya pero pinigilan ko ang sarili kahit pa parang ansarap sarap pang gigilan.
"What are you doing here?" nakasimagot at nakahalukipkip ko pa kunyareng tanong kahit ang totoo ay gusto ko na syang yakapin at pugpugin ng halik.
Nagpapaawa naman syang tumingala sakin. Saka ako hinila at yumakap sa bewang ko at isinubsob ang mukha.
"Can i sleep first? Im so tired baby." sagot nya. Nang silipin ko ay nakapikit na ulit.
"Marco." tawag ko saka niyugyog syang muli
"Go inside if you want to sleep."
Tumayo naman sya agad at hinila ako papunta sa kwarto. Nagpatianod nalang ako at dinampot ang bag nyang nasa mesa. Dumerecho sya kama at hinila ako pahiga. Hinila ko naman ang kamay ko para hindi ako mapahiga.
"Please let's sleep first?" pagmamakaawa pa nya sakin saka muling kinuha ang kamay ko at hinila ako pahiga.
Nagpatianod nalang ako. Kawawa eh.
Pagkahiga ko ay niyakap nya agad sakin ang isa braso at isang binti saka ako hinalik halikan.
"I miss you. I love you. Let's fight later hmn.."sabi pa nya saka isinubsob ang mukha sa leeg ko
Hindi ako kumibo pero kinikilig na ko.
''Baby i didn't have good sleep for a week now. " parang nagsusumbong pa nyang bulong habang hinihila ng antok.
Maya maya ay payapa na ang pag hinga nya. Tanda na malalim na ang tulog nya. Bahagya ko syang nilingon saka dinampian ng magaang na halik sa noo.
Habang pinagmamasdan ko sya ay naisip ko 'tong lalaking to kahit anong mangyare hindi na mawawala sa buhay ko.
Nagising ako sa mabibining halik aa mukha ko. Pagmulat ko ay tumambad sakin ang pinaka gwapong lalaki sa balat ng Lupa.
Napangiti ako.
''Hmnm... Marco..." tawag ko sa kanya
Agad naman syang kumubabaw sakin saka ako Pinaliguan ng halik sa mukha hanggang sa leeg pabalik balik.
"Do you miss me?" mahina nyang tanong habang hinahalik halikan pa din ako.
"hmnm.. Yes.." sagot ko habang ineenjoy ang moment
Tumigil sya sa paghalik at itinukod ang dalwang braso sa gilid ko para matitigan ako.
"Then why did you turn off your phone after saying those words." nang uusig nyang tanong.
"Those words?" maang maangan ko. Alam ko naman na ung break up word's ang tinutukoy nya. Gusto ko lang mang asar.
"Precious i want you to promise me you won't say those words again." nakasimangot na sabi nya.
"Okay Im sorry.. Its just..." hindi ko alam kung pano ipapaliwanag ang nararamdaman ko. Kahapon ay parang sure na sure ako sa sama ng loob ko pero ngayon....
"Let's not fight when we're thousand miles apart hmn.." malambing nya na ulit na sabi
"Do you really fly here just because i turned off my phone?" natatawang tanong ko.
"You we're crying before you drop the call. You cry all night?" nang aasar nyang sabi
Sinimangutan ko sya.
"Happy seing me crying?"
Napalis ang ngiti nya. "You're really asking me that?" tanong nya. "I flew all the way from office, i didn't even change my clothes because i saw you f*****g crying and now you're asking me that?"
"Okay sorry. Thank you for coming. I just miss you and i can't ask you to come because you look tired and problematic so..." Pag amin ko nalang para hindi na mapunta pa saan ang pag aaway namin.
Ngumiti na sya. "You should just ask me to come. That would make me happy. I'm so tired and only Here with you i find my rest." madamdamin nyang sabi saka muling sinakop ang mga labi ko at ang buong pagkatao ko.