“Okey ladies and gentlemen. Thank you so much sa ating proactive na event organizer. Might be this our last bonding moment. Bago tayo maghiwa-hiwalay ng landas. Nakakalungkot pero masaya. This is the last, but surely it’s not the end. Ten years ago mauulit ito.” kasalukuyang hawak ng kanilang class president ang mikropono at nagbibigay iyon ng konting mensahe. Nagpalakpakan naman ang buong klase na nasa kanya-kanyang mga pwesto.
Maya-maya lang umugong na ang kantyawan sa kabilang kubo naman. Kung saan naroon ang isang classmate na mahusay umawit.
Napatigil sa pagbabangayan sina Migs at Janna. Dahil napansin nila na bigla tumahimik ang buong paligid. Kung hindi sila nagkakamali sa kanila nakatuon ang mata ng lahat. Ilang segundo pa ang nakalipas at umalingawngaw.
“I would like to dedicate this song to the best enemies, best lovers ng ating henerasyon. This song was entitled “tulak ng bibig, kabig ng dibdib” here we go…yahhooo….yippieeee…ayieehhhh…
Halos lahat na yata ay napatigil sa ginagawa. Sumasabay ang timbre at ritmo ng awit sa sayaw ng luntiang palay sa palayan. Sinasabayan din ng bawat isa ang awit habang nagswe-sway ang mga kamay. Damang-dama nila ang mensahe ng awit.
Para naman naman natuklaw ng ahas ang dalawang nilalang na si Janna at Migs. Nagtama kasi ang kanilang mga mata. This time tila naglaho ang inis at galit doon.
Mahal pala kita, ngayon ko lamang nadama
Kung kailan nawala, saka hinanap ka, aking sinta
Ganyan pala ang umiibig, lagi ka nang nasasaisip
Lagi kitang naaalala sa bawat saglit
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Ito'y kasabihang aking nabatid
Kung tuluyan mang ikaw ay mawala
Pikit-mata pa rin kita'y hihintayin
Sa 'yong pagbabalik, ibibigay ko ang langit
Wagas na pagsinta, walang maliw na pag-ibig
Ganyan pala ang umiibig, lagi ka nang nasasaisip
Lagi kitang naaalala sa bawat saglit
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Kabig ng dibdib, tulak ng bibig
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Kabig ng dibdib, tulak ng bibig (kabig ng dibdib)
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Ito'y kasabihang aking nabatid
Kung tuluyan mang ikaw ay mawala
Pikit-mata pa rin kita'y hihintayin
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Isang napakagandang awitin. Na tila hindi yata kumukupas sa pagdaan ng panahon.
Magsisinungaling sila pareho ni Migs. Kung itatanggi nila na hindi sila nadala sa awit. Nagtama kasi ang kanilang mga mata kanina sa kalagitnaan ng kanta. Lalo na noong chorus na ang namamayagpag sa kanyang tainga. Marahil nga na ang awiting ito ay patungkol sa kanilang dalawa. Isang mensahe ng awiting ito ay ang pagtalakay sa buhay pag-ibig ng dalawang tao na itinatago ang totoong nararamdaman sa pamamagitan ng paglalabas ng galit sa salita. Pero kabaliktaran naman sa sinasabi ng puso.
“Aminin n’yo na kasi. You love each other.”pahiyaw na sabi ng kanilang mga kaklase na kasalukuyang nasa kubo. Habang nagkakantahan.
“Dinadaan pa sa away-away. Pero sa bandang huli. Baka kayo din naman ang magkatuluyan. Diba…mga classmate” sigaw ng isa pa na inayunan naman ng isa pa.
“Tulak ng bibig, kabig ng dibdib…adohoyyyyy…!” sabi naman ng isa pa babae. Sabay-sabay pa ang lahat na naghiyawan. At pagkatapos ay isang masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa paligid.
“Janna…Janna halika na kasi langoy tayo” maya-maya pa dalawang kaklase nila ang biglang lumapit. Hindi talaga nila pinalampas ang pagkakataon.
“Oppsss! huwag hindi ako marunong lumangoy.”nagpupumiglas na sabi niya. Pero tila mas malakas ang kaklase niya.
Matagumpay na naisagawa ang misyon. Walang kaabug-abog na itinulak si Janna sa swimming pool.
“T------ull---o----n” pasinghap-singhap na sigaw niya. Akala pa ng kaklase niya ay prank lang ang lahat.
Tsaka lamang nahintakutan ang kaklase niya ng mapansin na madalang na ang kanyang paglitaw.
Patalikod na sana si Migs. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng pagpapanik at pag-aalala ng mapansin na hindi na nalitaw ang ulo ni Janna.
Pagpihit niyang muli. Doon niya nakita ang isang kamay ni Janna na tumaas at tila humihingi ng tulong.
“Guyss…damn you…she’s drowning.” hiyaw ni Migs sabay talon niya sa swimming pool para iligtas si Janna.
“Janna….Janna…please wake up.” Sapo na niya ang buong katawan nito. Namumutla naman ang dalawang kaklase nila na salarin sa pagkalunod ni Janna. Naging maagap ang mga iyon na tulungan si Migs na buhatin si Janna ng maiahon ng tuluyan sa tubig. Inihiga nila agad ang dalaga sa lapag.
“Guys I think she’s alive. Medyo madami lang tubig na nainom.” sabi ni Migs na meron pag-aalala sa boses na agad pinulsuhan si Janna.
Hindi na naghintay pa si Migs ng ilang sandali. Mabilis na inilapat ang bibig sa bibig ng nakapikit na si Janna para ilapat ang mouth to mouth resuscitation.
Nagkatinginan na lang ang dalawang babae sa ginawa ni Migs. Sa hitsura ng mga ito ay tila hindi makapaniwala na nagawa iyon ng isang kaaway para sa isang kaaway.
Kasunod noon ay ang pagbulwak ng tubig mula sa bibig ni Janna. Panay ang ubo ni Janna na nasigmukan pa. Nagtalsikan pa ang tubig sa mukha ni Migs. Nagulat man sa eksena ay wala na din siya nagawa. Alangan naman awayin pa niya ang nalunod na si Janna. Heto nga at pasigok-sigok pa. Dahil siguro sa Dami ng tubig na nainom.
“Bakit ka nakadikit sa akin? Kahit kailan bastos ka talaga.” sarkastikong wika ni Janna. Hindi na bago ang pagtataray na istilo ng kanyang pananalita. Parang hindi ito aware na iniligtas siya ni Migs. Kung sabagay wala nga pala siya malay. Nagising na lang siya ng tila meron na hangin na pumasok sa kanyang katawan. Malamang hindi rin nito namalayan na MTMH ang ini-apply ni Migs sa kanya.
Sa sobrang pagkagulat ni Migs. Bigla na lang siya natumba ng itulak siya ni Janna sa dibdib. Dahilan upang mapaupo sa lapag. Halatang napikon ang binata sa ginawa ni Janna. Nakagat kasi nito ang labi at napailing na halatang dissatisfied sa tinatakbo ng pangyayari.
“Pambihira naman. Ako na yun tumulong. Ako pa ang sinaktan at paparatangan na naman ng kung anu-ano. Ako pa talaga anbastos...Tsk…tsk…tsk…”naiirita nito na sabi.
“So! Bakit ka kasi nakadikit sa akin? Magkaaway tayo diba.” mataray na wika.
“Hoy! Ikaw na babae ka talaga! Sumosobra ka na ha! Tinulungan ka na nga at lahat. Ako pa ang masama. Pinabayaan na lang sana kita nalunod sa swimming pool.”galaiti sa inis na sabi ni Migs.
Tila bigla naman lumambot ang mukha ni Janna. Napansin kasi niya na nagpapaawa din ang mukha ng dalawang babae. Parang meron gusto sa kanya sabihin. Magpapadala ba siya sa bugso ng pakiramdam. Ahh…hindi pwede. Imposible ang sinasabi nito na tinulungan siya.
“Talaga lang ha! Nagpapatawa ka ba Mr. Montelibano? Ako, tutulungan mo. Isa kang hangal. Isa kang ugok. Huwag mo ako pagtripan. Dahil hindi ka uubra sa akin. Kapal ng mukha mo talaga. Magkaaway tayo. Kailanman hindi gagawa ng mabuti ang kaaway sa kanyang kaaway.” matigas na wika niya sabay takip sa kanyang dibdib ng mapansin na napadako ang tingin ni Migs doon.
Hindi naman sinasadya ng binata na mapasulyap doon. Basa ang suot ni Janna. At kulay puti ang top tanks nito. Dagdag pa ang black brassiere. Kaya halatang-halata talaga iyon kapag basa. Aninag ang kurba ng katawan. Itinago niya ang pagkaaliw sa pamamagitan ng pagsusungit.
“Huwag mo ng takpan. Akala mo naman kaakit-akit ka sa paningin ko. You’re not my type. Wala ako pakialam kung hindi ka maniwala sa sinasabi ko. Kapal din ng mukha mo Janna Elijah Bermudez.” bruskong sabi ni Migs na bigla na lang tumalikod.
Huhhh…! Bakit ganoon parang nasaktan siya ng sabihin ni Migs na hindi siya attractive sa paningin nito? Bakit parang meron kirot na gumuhit sa kanyang puso ng sabihin nito na hindi siya ang type?