Naiwan na natutulala si Janna. Habang sinusundan ng tingin ang papalayong si Migs. Ano ba talaga ang dapat na naging reaksyon niya sa nangyari? Hindi naman niya alam ang buong pangyayari. Bumalik ang kanyang malay na halos nakadait na ang katawan ni Migs sa kanyang mukha. Panay ang kanyang sigmuk at ubo dahil sa tubig na nainom sa swimming pool.
“Janna…! sa amin ka dapat magalit. Kung hindi ka namin pinagkatuwaan na itulak. Hindi ka naman malulunod eh…!” nawala sa isip niya ang dalawang babae na nasa bandang likuran nila ni Migs kanina. Buong akala niya ay nakaalis na ang mga ito. Hindi alam ni Janna kung maiinis o maaawa ba siya sa paghingi ng paumanhin ng mga ito.
Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ni Janna. Bago ngumiti ng walang pag-aalinlangan.
“It’s okey guys. Alama ko naman na iisa lang ang hangarin natin sa araw na ito. Iyon ay ang magkasiyahan at magkatuwaan. Walang may gusto ng nangyari.” sabi niya.
Kahit naman magalit siya. Hindi na rin maibabalik ang nangyari. Ang mahalaga ligtas siya.
“Janna…! Salamat at napakalawak ng pang-unawa mo.”
“No worries guys!”
“Pero…Jan…na si Migs pala…”alumpihit na sabi ng dalawang babae na classmate. Tila nagdadalawang isip ang mga iyon na meron gusto sabihin.
“Hay!naku guys…! Huwag n’yo na lang mabanggit ang pangalan ng kumag na lalaking yun…! Bwisit lang siya talaga. Panira palagi ng araw ko eh…! Teka nga pala…Bakit hindi basa ang damit ninyo? Sino ang nag…”nagtatakang tanong ni Janna na bigla kinabahan sa ideyang naisip.
“Don’t tell me guys…” aniya na natakpan ng dalawang palad ang bibig.
Iisa lang ang tumatakbo sa kanyang isip ng mga sandaling iyon. Kung hindi siya niligtas ng dalawang classmate na babae na naghulog sa kanya. Posibleng si Migs nga. Lalo pa at nakita niya basang-basa ang damit nito kanina na nakadikit sa kanya. Nagtatanong ang kanyang mga mata na tumingin sa dalawang babae. Pero sa halip na sumagot ang mga iyon. Isang makahulugang tango lang ang isinagot sa kanya.
“Guys…are you sure?” tanong niya na halos hindi makapaniwala sa nalaman.
“Yes! Janna! Nakita namin ang buong pangyayari. Si Migs ang nagligtas sayo. Kung nakita mo lang kanina ang kilos at reaction ng mukha niya. Nataranta at nag-alala siya sayo. Dali-dali siya tumalon sa swimming pool. Parang hindi naman kayo magkaaway kanina kung kumilos siya. Meron ba kaaway na ganoon na lang kung mag-alala para sa kanyang kaaway?” natatawang parang kinikilig na sabi ng mga ito.
“Talaga…! Guys?” paniniguro pa niya na nagsisimula na kabahan.
“Yes! Kawawa naman si Migs. Tumulong na nga sayo. Napasama pa sa mga sinabi mo.” tila himig pangongonsensya pa ng mga ito sa kanya. Nagpaalam na ang dalawang babae na classmate ni Janna. Pero hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. Namalayan na lang niya ang sarili na nakaupo sa may lagoon. Gusto lang niya pagnilayan sa sarili ang mga nangyari. Manaka-naka ay tinatanaw niya ang classmate crowds. Mukhang nagkakasiyahan pa din ang mga iyon. Sa sobrang saya nga ng mga iyon. Wala yata nakapansin na nalunod siya kanina. Pinipilit hanapin ng kanyang mga mata si Migs. Pero hindi na niya iyon maispatan.
Nakakaramdam na siya ng guilt feelings sa sarili.
Hahanapin na ba niya si Migs para humingi ng sorry? Huwag na lang at baka sa away na naman mapunta. Maghihintay na lang siya ng tamang pagkakataon.
Saan kaya siya nagpunta? Baka nagpalit ng damit! Ano ba Janna hihingi ka ba ng sorry o magsusungit ka pa din?”pabulong na wika sa pag-aakalang siya lang ang nakakarinig.
“Hinahanap mo ba ako? Tama ka nagpalit nga ako ng damit. Pinag-iisipan mo pa talaga kung hihingi ka ng sorry. Matapos mo malaman ang totoo. Tsk..tsk…tsk…!” sa gulat niya ay bigla na lang napalingon sa kanyang likuran. Makakalimutan ba niya ang aroganteng boses na iyon.
Gwapong-gwapo si Migs sa suot nito na blue t-shirt at black cargo short na bumagay sa matipuno nitong katawan. Pakiramdam niya ay meron magnet na humihigop sa kanya para pagmasdan ang mukha ng lalaki. Ngunit ilang sandali lang ang itinagal ng eksenang iyon. Dahil nagising din sa katotohanan ang kanyang diwa. Nahihiya siya nna napayuko.
“Hindi ahh…! Bakit naman kita hahanapin? Sino ka ba para hanapin? Well…nandito ka na lang din. Salamat nga pala sa ginawa mo pagliligtas sa akin sa swimming pool kanina. Hindi lang ako makapaniwala na ililigtas mo ako sa pagkalunod. Salamat dahil hindi mo ako naisipan na ilunod lalo.”sabi niya na hindi diretsong nakatingin sa binata. Gusto niya kutusan ang sarili dahil sa nasabi. Kung bakit naman bigla pa niya naisip ang mga katagang iyon na dapat sana ay hindi na binanggit pa.
“Ganoon na ba ako kasama sa paningin mo? Para ilunod ka pa. Humihingi ka ba ng sorry? O gusto lang tarayan ako. Ibang klase ka din talaga noh…! Tinulungan ka na at lahat..! Ikaw pa talaga ang nagmamalaki.” Napipikon na sabi ni Migs sa kanya.
“I don’t know. But I’m not really sure kung bukal ba talaga sa kalooban mo ang pagtulong sa akin. Pwede din kasi na wala ka lang choice that time kaya mo ako sinagip sa pagkalunod.” Hindi naman galit si Janna sa katunayan mababa ang tono ng kanyang boses.
“Huwag ka na lang din humingi ng sorry. Kung hindi bukal sa kalooban mo. Dahil nakakapikon ka lang lalo.”sarkastikong sabi ni Migs na nagpalinga-linga sa paligid.
“O’ e di lumabas din ang totoo. Napilitan ka nga lang na iligtas ako. Gusto mo lang pagtakpan ang kasamaan ng ugali mo.”mataray na wika.
“Kung masama ang ugali ko. Dapat hinayaan na kita malunod.”
“Sana nga hinayaan mo na lang ako malunod. Para hindi ko na nakikita ang pagmumukha mo ngayon.” Wala pakialam si Janna sa malakas niyang boses. Sigurado naman siya na walang makakarinig sa kanila. Kahit magsigawan pa sila. Dahil tago ang lagoon na kinaroroonan nila.
“Ahhh…ganoon! Okey sige ilulunod kita. Kung yan pala ang gusto mo.” Gigil na gigil si Migs sa ugali ni Janna. Mabilis iyon na lumapit sa kanya at wala sabi-sabi binuhat siya.
“Migs…! Migs…! Bitawan mo ako…! Ano ba…! Migs…Migs…Migs…!” pahiyaw na sabi niya na pinagkakalmot ang binata sa mukha.
“Janna…Janna calm down…!” panay ang iwas ni Migs sa mapangahas na kamay ni Janna.
Jannnnaaa...!!! Ang sigaw ni Migs na iyon ang huli niya narinig. Bago sila sabay na natumba. Buti na lang at hindi sa lupa sumayad ang kanilang katawan. Naramdaman niya na nahila siya ni Migs. Hindi napansin ni Migs ang malalim na lubak na naging dahilan ng pagka out of balance nito habang karga siya.
Isang duyan na yari sa uway ang sumalo sa kanilang katawan. Nauna si Janna na bumagsak. Dahil nasa ilalim siya. Kasunod naman ang binata na napayakap sa dalaga.