Tila tumigil ang mundo ng magtama ang mga mata ng dalawang nilalang na kasalukuyang magkadikit ang katawan sa duyan.
Meron pakiramdam na parang gustong itulak ni Janna si Migs na halos nakapatong sa kanya. Kung bakit naman parang meron din pumipigil sa kanya na itulak palayo ang lalaki.
Bakit parang nagugustuhan niya ang pagkakadait ng kanilang katawan?
Ano ba ang meron doon?
Ano ba ang mahika na taglay nito?
Ano ba talaga ang turing niya sa lalaking ito?
Kaaway ba o Minamahal ng lubusan?
Ngunit bigla ang dating ng reyalisasyon sa kanyang utak.
It’s a big no…!
It could never be…!
Nag-ipon siya ng lakas. Huminga ng malalim. Humugot ng isang buntong hininga. Sa tingin niya ay walang balak umalis si Migs sa pagkakadagan sa kanya.
“Oucccccccchhhhhhh…!!!” napaigik si Migs sa sobrang sakit ng kanyang puson. Tumama lang naman doon ang tuhod ni Janna. Sinipa siya nito ng ubod lakas gamit ang tuhod. Mabuti na lang hindi natamaan ang manhood niya na pinaka-iingatan.
Hindi lang yun napaupo pa siya sa lupa. Dahil hindi niya napaghandaan ang gagawin na iyon ni Janna.
“Ang sakit ahh…! Miss Bermudez” pailing-iling na wika ng binata na halata ang pagkairita sa boses. Habang pinapagpagan ang likuran ng short na suot gamit ang kamay.
“Tama lang sayo! Para ka kasing isang peste na pilit sumisira.” Kaswal na birada ni Janna na may diin ang boses. Nakatayo na din siya mula sa duyan. Dumistansya siya kay Migs siguro mga dalawang metro ang layo. Mahirap na baka mamaya gantihan din siya nito. Mabuti na ang handa siya sa posibleng mangyari.
“Ang lakas naman ng loob mo na sabihin ang salitang “sumisira” samantalang ikaw nga itong nakasira ng expensive watch ko. Ibang klase din ang katarayang taglay mo Miss Janna Elijah Bermudez.” Parang nakahanap ng butas ang binata na maging suplado ang pag-asta. Hindi niya magawa na magtaas ng boses sa halip dinidiinan lamang niya ang bawat pagbigkas ng salita. Pero tila pang-iinsulto ang dating nito para kay Janna.
“So! Isinusumbat mo na naman sa akin ang pinakamamahal mong relo. Diba sabi ko sayo babayaran ko. Pero nagmamatigas ka naman na huwag pabayaran. Tapos ngayon manunumbat ka naman. Anong klase ka ba nilalang? Tao ka ba? O hayop sa kasamaan na nilalang?”mukhang hindi talaga papatalo si Janna sa argumento. Wala na rin talaga siya buto na magsalita.
“Actually…nakalimutan ko na nga na meron ka pala kasalanan sa akin. Kaso tinarayan mo na naman ako. Masisisi mo ba ako kung maalala ko. Ang nakakapikon pa ikaw na nga itong nagkasala sa akin. Sa halip na magpakumbaba ka at suyuin ako. Aba! Ikaw pa talaga ang may gana na magtaray, magsungit at magmalaki. Ibabalik ko lang ang sinabi mo sa akin kanina. So! Hindi ko din maintindihan kung anong klase kang nilalang. Tao ka ba talaga? o Hayop ka lang sa kasamaan?” nang-uuyam na wika ni Migs na bahagya pa siya nilapitan at ngumisi na parang nakakaloko.
Nakagat ni Janna ang labi. Dahil sa sobrang inis na nararamdaman. Kahit kailan mapagpatol talaga ito sa kanya. Hindi titigil hangga’t hindi siya nasusukol o naiiyak.
“Bakit naman kita susuyuin? Kaano-ano ba kita? Kaaway nga kita diba? Nagpapatawa ka o sadyang timang lang ang takbo ng utak mo madalas.” Wika ni Janna na inihakbang ang mga paa palayong muli kay Migs. Hindi niya ito bibigyan ng puwang na muling makadikit sa kanya.
“Sigurado ka kaaway mo ako?” nakakalokong wika ni Migs na dinukwang pa siya at hinawakan ang kanyang pisngi.
“No…stay away from me Mr. Montelibano. Huwag na huwag mo ako hahawakan ulit. Oo! Naman ano pa ba ang maitatawag sa atin diba.” Hindi siya nakailag agad. Kaya naman sumayad din ang palad nito sa kanyang pisngi.
“Kaaway ha…! Okey! Kaaway pala. Baka naman love. Baka naman lovers. Hindi mo lang maamin sa sarili mo Miss Bermudez. Kanina nga hindi mo ako maitulak agad. I am wondering na baka gusto mo din naman ang eksena natin. Masarap at masaya ba ang pagkakadagan ko sayo? Kasi ako parang masaya at masarap. So! I hope sana ikaw din.” Nanlalaki ang mata ni Janna at the same time umuusok ang kanyang ilong sa sobrang pika at inis sa mga pinagsasabi ni Migs sa kanya.
“Excuse me…! Mr. Montelibano. Hindi ko alam kung saan ka kumukuha ng lakas ng loob na sabihin ang mga salitang yan. ‘O sadyang semento na ang pagmumukha mo sa kakapalan. Huwag mo ako itulad sa mga babaeng natikman at naikama mo. Dahil iba ako sa kanila. Kung sabagay hindi na pala ako magtataka kung bakit ganyan ka kabastos. Kasi nga bastos naman talaga ang pagkatao mo.” Nakita niya na namula ang mukha ng binata. Tila tumalab ang kanyang mga huling kataga.
“Huwag na huwag mo idadamay at sasabihin na bastos ang pagkatao ko. Dahil hindi mo alam ang buo ko pagkatao. Wala kang alam kundi ang kasamaan ko.” Wika ni Migs na yumuko saglit at hinawakan ang sariling baba.
“Bakit meron ka pa ba natatago na kabutihan? Hindi ako interesado na malaman ang buo mo pagkatao. I don’t care about you Mr. Montelibano. Mabuti na lang talaga natapos na ang apat na taong kalbaryo na sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Nakakasukang makita ang pagmumukha ng isang katulad mo.” Naaalibadbaran na sabi ni Janna na umirap pa ng pagkatagal.
“Wow! Kalbaryo ba talaga o shall I say kaligayahan mo na ang makita ako sa araw-araw. Baka naman iyon ang gusto mo sabihin sa akin. Nahihiya ka lang. O’ yan pasalamat ka sa akin at sinabi ko na para sayo. Iyon kasi ang nararamdaman ko.” Tumatawa pa si Migs na parang nakakainsulto ang dating.
“Pwes…! Burahin mo ang iyong nararamdaman. Dahil hindi iyon totoo at mali ang nararamdaman mo.” Tumawa din siya ng pagak para ipaabot ang himig pang-iinsulto. Ang lagay ba ay ito lang ang marunong mang-insulto.
Pero sa halip na magpaapekto ang binata. Tinawanan pa siya nito ng pagkalutong. Sa tingin niya ay aalis na si Migs. Dahil lumayo na ito at tumalikod na sa kanya. Nakampante na siya. Yumuko siya saglit para kamutin ang binti na kinagat yata ng langgam. Ngunit kasabay ng kanyang pagtayo. Sinalubong siya ng labi ni Migs na tumama sa kanyang pisngi. Smock lang yun pero bakit ang tagal.
“Hayyyp…ka talaga Mr. Montelibano.” Pahiyaw niyang sabi. Uumbagin sana niya sa sikmura si Migs. Pero mabilis iyon nakatakbo. Sa hitsura ni Migs parang hindi man lang ito nangilag na nakawan siya ng halik sa pisngi. Parang tuwang-tuwa pa ito sa ginawang kalokohan sa kanya.
“Bye! Miss Sungit…! Bayad ka na sa nabasag mo na expensive watch ko. Nakaw na halik sayo sapat na.”pahiyaw nitong wika na nakatawa.
“Damn you…!!! Isa kang gunggong na ginalunggong” sagot din ni Janna na pasigaw at sinenyasan pa niya ng suntok si Migs. Halos wala na yata siya maisip na masamang salita na pwede ibato dito. Kaya pati pangalan ng isda ay nababanggit na niya.
“Dump me in your heart. Credit paid off. Isa kang bulaklak na namumulaklak na masarap pitasin.” Humahalakhak na pang-aalaska ni Migs kay Janna.
Sa sobrang inis ni Janna. Basta namulot siya ng isang bato. Inihagis niya iyon kay Migs. Kahit alam niyang ang bagsak lang din nito ay sa hangjn na hindi pa yata nahagip ang ilang metro. Dahil sa hina ng kanyang paghagis.
“Janna…please kastiguhin mo ang iyong sarili. Mangako ka sa iyong sarili. Kakalimutan mo si Marcus Inigo Gabriel Syrus Montelibano.” Kinakausap niya ang sarili para salungatin ang umuusbong na kilig sa kanyang puso. Hindi iyon pwedeng mangyari. Enemy is enemy and it will not be converted into love.
Naiinis siya sa kanyang sarili. Dahil parang hindi sumasang-ayon ang isip sa puso. Parang magkasalungat iyon palagi. Bakit ganun parang meron mali sa kanyang nararamdaman? Parang gusto palagi ng kanyang puso na sang-ayunan ang mga sinasabi ni Migs. At iyon ang gusto niya paglabanan sa kanyang sarili. Ang tuluyan maging alipin ng puso