After two months.
Pagkatapos ng masayang bakasyon sa probinsya. Sumabak na sa buhay-kolehiyo si Janna. Kasama niya ang very supportive mother niya. Inayos din nila ang magiging boarding house niya. Bumili sila sa Sangitan market ng kitchen equipment tulad ng gas burner, gas tank, utensils, condiments, orocan closet, bed sheet , pillows, blanket at ilang personal na gamit. Good to consume in more than a months. Para hindi na daw niya alalahanin pa. Basta magfocus daw siya sa pag-aaral. Mas pinili niya ang boarding house na walking distance lamang sa Wesleyan University-Philippines. Iyo ang kanyang magiging second home within five years of burning eyebrows. Katwiran niya sa ina ay para hindi siya palagi atrasado sa oras. At isa pa na dahilan ay gusto talaga niya makatipid. Malaking bagay na iyon para sa kanya.
Mahigit apat na araw din ang inilagi doon ng kanyang ina. Hindi rin kasi iyon pwede magtagal pa. Dahil paano naman ang kanilang rtw-ukay business. Sayang ang sales. Madami pa naman sila avid customers na araw-araw dumadalaw sa kanilang store.
“Mama mamimiss ko po kayo ni Papa. Hindi ako sanay ng malayo sa inyo ni Papa. Pero kailangan Mama. Para sa best future ko. At higit sa lahat para sa inyo ni Papa. Gusto ko pagdating ng araw. Ipagmamalaki ninyo ako ni Papa. Kaya gagawin ko ang lahat ng aking pagsisikap sa pag-aaral. Para masuklian ko po ang lahat ng sakripisyo ninyo para sa akin.” Naging emosyonal si Janna sa pagpapaalam sa ina. Kasalukuyan sila nasa Cabanatuan Terminal. Ang genesis bus ang sasakyan ng kanyang mama pauwi sa probinsya.
“Salamat anak ha! Mag-iingat ka palagi dito. Mahirap ang mag-isa anak. Basta kapag meron ka kailangan. Magtext ka lang agad o tumawag sa amin ng Papa mo. Gagawan namin ng paraan. Mahal na mahal ka namin. God bless you anak.” Tuluyan ng umakyat ang Mama niya sa loob ng bus matapos siyang yakapin ng mahigpit.
Amoy ng usok ng makina ng kaaalis na genesis bus ang nakapagpabalik sa kanyang kamalayan kung saan lulan ang kanyang ina.
Wala naman siya sa abroad. Pero bakit homesick na homesick siya pagdating sa boarding house na inuupahan.
“Mama nakakalungkot pala mag-isa. Ingat po kayo.” Bungad niya sa ina matapos iyon tawagan pagkauwi ng bahay. Hindi pa daw iyon nakakalayo.
“Anak sa una lang yan. Pasasaan ba at masasanay ka din sa takbo ng buhay sa syudad. Mag-iingat palagi. Huwag kakalimutang magdasal anak ha.”
“Opo Mama. Salamat po sa inyo ni Papa.” Hindi na niya pinatagal pa ang tawag at nagpaalaman na din sila mag-ina.
Meron pa siya nalalabing apat na araw bago sumapit ang pasukan.
Kinabukasan hindi siya nagdalawang isip na puntahan ang SM Cabanatuan City para maglibot-libot. Gusto niya kabisaduhin ang lugar para hindi siya aanga-anga. Vigilant din siya sa pagsakay-sakay ng jeep at tricycle. Dahil sabi ng karamihan mas Loko pa daw ang mga ilang drivers dito sa Cabanatuan City kesa sa Manila. Yun tipo daw kapag alam nila na ignorante ka. Kung saan ka pa papaikut-ikutin para iligaw ka sa lugar at mas malaki ang makonsumo na pamasahe.
Nang sumunod na araw nagtungo naman siya ng Mega Center para bumili ng ilang school supplies.
“Kumusta na ba ang mga anak natin?” isang umaga na napadaan sa store ng Bermudez family ang ina ni Migs.
Inestima ng ina ni Janna ang babae. Suki na din nila ito matagal na. Kaya nga dumating na sa punto na pamilya na ang namagitan sa awayang Migs at Janna. Pero sa bandang huli ay wala din nagawa.
“Hay! Walang pagbabago Amiga. Naka-graduate na lang yata sila ng high school magkaaway pa din.” Mapaklang sagot ng ina ni Janna. Pero ngumiti naman ng tipid.
“Halika Amiga! Madami ako new arrivals mga fashion dress baka meron ka magustuhan.”
“Amiga sakto pala ang punta ko. Yan ang mga bet ko. Lalo na at madalas meron mga gatherings na dinadaluhan.” Inilibot pa niya sa buong pwesto ang ina ni Migs.
“Amiga saan ba nag-aaral ng college ang binata mo?” wala sa loob na tanong ng ina ni Janna.
“Amiga nasa Maynila. We’re looking forward nga na ma-enhance more being an independent, serious and matured person naman si Migs. Alam mo naman kaisa-isang unico hijo. Minsan nga naiisip namin mahirap din pala talag. Kapag lumaki ang nag-iisang anak na sinusunod lahat ng layaw. Although meron naman kami tiwala sa anak namin. Kaya lang minsan sumusumpong talaga ang pagkapilyo niya.”
“Amiga…siguro usual trend na din ng panahon ng mga kabataan natin ngayon. Huwag kayo mag-alala siguro darating lang din ang panahon na magbabago si Migs.” Nakangiting wika.
“Yes! Amiga…looking forward talaga…si Janna ba saan nag-aaral?” balik tanong din ng babae sa Amiga.
“Sa Cabanatuan naman siya. She’s taking up BS Architecture.”
“Oh! Really…Amiga mukhang magkaaway lang kunwari ang mga anak natin ha! Pero huwag ka…akalain mo iisa pala ang takbo ng kanilang isip at puso pagdating sa karera. Migs is taking BS Civil Engineering. Hmmmmmm….like it…love it Amiga!” makahulugang ngiti ang pinakawalan ng babae.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan. Napangiti din ang isang babae. Mukhang iisa ang tinatakbo ng kanilang isip na mag-amiga.
“Naku…! Amiga mukhang gusto ko ang aking naiisip pagdating kay Migs at Janna. Ano nga kaya dumating ang panahon na sila pala ang magkatuluyan? Laking tuwa sigurado natin. Kapag dumating ang araw na iyon.” Napakalawak ng ngiti ng ina ni Migs habang nagsasalita na panay ang halukay sa bunton ng ukay-ukay fashion dress. Nasa dalawang plastic na malaki na yata ang natitipuhaj nito.
“Amiga…sana nga ano! Eh…di ang lagay Amiga-Balae na tayo.” Nagkatawanan pa ng ubod lakas ang mag-amiga. Habang walang humpay ang paghalukay sa tumbon ng mga damit. Kada meron mahagip ang mata na babagay sa kanyang Amiga ay agad nito ibinibigay sa gawi ng isa.
“Amiga…maganda ang isang eto…sosyal ng dating.” Isang turtle neck long dress iyon na purple ang kulay.
“Amiga…meron pa ako clearance sale sa banda doon. Supot all you can for 100 pesos only.” Sabi na itinuro ang isa pang bulk bale na nakasabog sa lapag. Hanga din naman ako sayo Amiga. Sa yaman mo na iyan kung bakit bet na bet mo ang mga preloved clothes sa halip na bumili ka ng mga branded.”
“Alam mo Amiga…minsan kasi mas maganda pa ang mga designs ng preloved ukay kesa sa mga branded na pagkamahal naman. Tsaka! sa reality na tayo hindi naman namin pinipitas ang pera sa puno. Mauubos at mauubos yan. Isa pa wala naman yan sa presyo. Nasa taong nagdadala yan ng damit. Apir tayo my Amiga-Balae. Hahahaha….” Nagtatawanan ang dalawang babae na nag-apir pa. Totoo naman talaga ang sinabi nito. Hindi nakadepende sa presyo ang ikagaganda ng damit. Dahil nasa taong nagdadala ito ng damit.
Nalibang si Janna sa paglilibot sa Mega Center. Pagkatapos niya bumili ng notebook sa National Bookstore. Bumili siya ng sweet popcorn. Inilagay niya iyon sa transparent plastic bag na dala. Isang oras mahigit din siya naglibot-libot sa Mega Center bago niya naisipan na umuwi na. Pagdating niya sa bahay ay nagpalit agad siya ng damit bago humiga sa bed. Gusto sana niya magluto ng hapunan. Kaya lang parang tinatamad siya na gumalaw. Makalungkot kaya na kumain mag-isa.