Histerikal na pinaghahampas ni Janna sa braso si Migs. Akmang patakbo siya pupunta sa pinto para lumabas. Pero mabilis na hinawakan ni Migs ang kanyang braso. Isinandal siya nito sa wall. At sa halip ay ito na ang gumawi sa may pinto. “Migs anong ginagawa mo?” nababahalang tanong ni Janna. Ini-locked kasi ni Migs ang pinto. “Buksan mo yan…Migs…ano ba?” Madiin niyang wika na nagpilit makawala sa bisig ni Migs. Pero tila bakal yata ang braso ni Migs na nakayapos sa kanyang bewang. Habang nasa likuran niya ito. “Migs…ano ba? Bakit mo ba ito ginagawa? Meron ka girl friend. Ano na lang ang sasabihin ni Rita? Kapag nalaman niya na nagkukulong ka sa gents toilet. Kasama ang ibang babae. Anong klaseng boyfriend ka diba? Ayaw ko na ng gulo. Kaya please lang. Tigilan mo na ako. Alang-alang sa gi

