Simula ng mangyari ang insidente sa gents toilet. Mas lalo uminit ang ulo ni Janna kay Migs. Wala siya ideya kung paano nalaman ng girlfriend nito ang nangyari. Dahil bigla na lang siya naka-received ng text message mula sa isang unknown number. At nagpakilala na si Rita daw iyon. As usual kung anu-anong masasakit na salita na naman ang natanggap niya. Kaya hindi niya masisi ang sarili. Kung bakit sobrang naiinis siya kay Migs. Gustuhin man niya na sitahin si Migs. Hindi naman niya magawa. Dahil baka resbakan siya ni Migs tungkol sa nangyari sa loob ng gents toilet. Hangga’t pwede siya makakita ng outlet na pwede niya ilabas ang inis. She will do it. “Engr. Montelibano please tapos mo na ba yun plano ni Mrs. Cordova? Ilang araw na iyon nakatengga sayo Egr. Montelibano? Hindi pa rin umuus

