Amazing Thrill

3258 Words
It’s summer time! Buwan na ng Abril ng mga panahon na iyon. Palagi ‘niya sinasamahan sa palengke ang Mami Tess ‘niya hangga’t hindi pa ‘siya naluwas ng Nueva Ecija. Ilang araw na din abala ang kanyang isip dahil sa kaiisip kung sino ang sender ng mahiwagan box na naglalaman ng picture collage at song para sa kanya. Pero aaminin ‘niya sobrang nararamdaman ‘niya ang ibayong kilig at pagkamangha dahil sa regalo na natanggap. Sa gabi bago ‘matulog siguro mga ilang oras din ‘niya tinititigan ang mga iyon kung minsan pa nga ay nakakatulugan na ‘niya ang gawain na iyon. Sobrang espesyal na yata para sa kanya ang regalo na iyon nakakalungkot lang kasi hindi man lang ‘siya makapagpasalamat dahil hindi ‘iyon nagpakilala. “ Janna…anak naasikaso mo na ba ang mga school credentials mo na kakailanganin para sa tertiary enrollment mo? “ tanong sa kanya ng ina habang ‘sila ay nagmimiryenda ng paborito nilang banana cue at malamig na s**o gulaman. Wala ‘sila gaano customer kapag ganitong oras alas dos hanggang alas tres ng hapon ‘kaya naman sinasamantala din ‘nila iyon para makapahinga saglit habang nagmimiryenda. “ Yes! Mi, form 138 and GMC lang naman po ang primary requirements then yun form 137 to follow na lang kasi school to school ang request. “ paliwanag sa ina habang kumakagat sa banana cue stick. Big merit para kay Janna na nakuha ang titulo na Class Valedictorian dahil qualified ‘as full scholar sa Wesleyan University – Philippines sa Cabanatuan City. Magkakaroon din ‘siya ng school allowance na Php 5,000 monthly bukod sa full free tuition fees including miscellaneous fees so! ibig sabihin napakalaking bagay nito para sa kanyang magulang dahil hindi na problema. House rental fee, food and transportation na lamang ang paglalaanan ng mga ito. Pero syempre ‘lahat ng iyon ay hindi pwedeng instant lamang dahil ‘meron kondisyon. Kailangan ang grade maintenance which will not lower than 85 for each subject. Matinding pagsusunog ng kilay ang kanyang bubunuin sa mga sumunod na panahon. Pero okey lang ganun talaga kailangan magtiyaga para ‘meron marating na tagumpay pagdating ng araw. Bachelor of Science in Social Work ang kanyang napusuan na kurso. She really love knowledge and skills for social work practice, social welfare policies and human welfare. In a way she can make a tangible difference in people’s lives where it is the most effective professional passion in helping others. Lunes, kinabukasan maaga gumising si Janna para maghanda ng ‘sarili. Eksakto alas sais pa lamang gising na ‘siya. Ngayon kasi ang schedule ng card distribution. balak ‘niya pumunta ng mas maaga para maaga din ‘siya makauwi at susunod pa ‘siya sa palengke para tulungan ang ina. Gusto ‘niya sulitin ang nalalabing bakasyon para kahit paano makatulong man lang ‘siya sa ina kahit sa konting paraan ba. “ Janna sumabay ka na sa akin para hindi ka na mahirapan mag-abang ng tricycle “ suhestiyon ng ina dahil paalis na din kasi iyon para pumunta ng palengke. “ No! Mi please go ahead na po meron pa ako aayusin saglit soto sa kwarto “ tanggi naman ‘niya na kasalukuyan nagbibihis pa lamang. “ O ‘siya sige ingat ka anak ha “ “ Opo thanks Mi! Ingat din po love you “ Lihim ‘siya natawa matapos ang ilang segundo pagkabihis. Ano nga ba ang aayusin ‘niya sa kwarto? Isa lang naman ang gusto ' niya gawin bago umalis. Kinuha ‘niya ang photo frame at ilang minuto din pinagsawa ang mga maya, nagawa pa nga ‘niya basahin ang lyrics ng kanta. Maya-maya pa naglalakad na ‘siya para mag-abang ng masasakyan na tricycle. Tatlong tricycle na ang dumaan pero panay puno iyon hindi ‘siya makasingit. Tumingin ‘siya sa relo na suot pasado 7:30 na ng umaga. Ilang segundo pa ang nakalipas ng matanawan na ‘meron pa isang tricycle na paparating. Malayo pa lamang ay kumaway na ‘siya sa tingin naman ‘niya ay hindi iyon loaded kahit ‘meron na angkas ang driver. Dahan-dahan iyon nag minor at huminto harap ‘niya pero lalong gulat ‘niya ng mapagsino ang nasa loob ng tricycle. Hindi na ‘sana ‘siya sasakay dahil biglang nagbago ang isip ‘niya ng nakilala ang pasahero sa loob. Hinintay ‘niya ng ilang segundo kung mag-give way man lang ito at lumipat na lang sa likod ng driver dahil kasya ‘naman ang dalawang pasahero doon. Pero mukhang matigas ang nasa loob wala ‘siya nagawa ‘kaya labag man sa kalooban ay napilitan 'siya sumakay na dahil nagmamadali nga ‘siya. Halata ang pagkagulat at pagkailang ni Migs matapos makilala ang pasahero na si Janna. Gusto ‘sana ‘niya lumipat sa likuran ng driver para bigyan ng puwang si Janna sa loob ng tricycle pero wala ‘siya magawa kundi nagbigay ng espasyo. Ilang sandali pa, nakasakay na si Janna at magkatabi na ‘sila. Wala kibuan at imikan halata ang pagkailang sa isa’t -isa. “ Gosshhh…. Janna why like this? “ piping wika ‘niya sa ‘sarili. Ramdam na ramdam kasi ‘niya ang samyo ng pabango ni Migs, sa lapit ‘nila sa isa’t-isa sa mga sandaling iyon halos nakadikit nga ang kanyang hita sa denim jeans nito dahil naka short naman ‘siya. Pakiramdam tuloy ‘niya pinagpapawisan ang ‘lahat sa kanya. Natatawa ‘siya sa kanyang ‘sarili. Bakit ba ganito ang epekto ng lalaki na ito? Pero ang katotohanan na hindi lang si Janna ang nakakaramdam ng pagkailang ganun din si Migs. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Migs. Sobra ang swabe ng pakiramdam ‘niya dahil naaamoy ‘niya ang samyo ng shampoo at cream silk mula sa buhok ni Janna. Ang likot ng imahinasyon ni Migs. “ Parang ang sarap amuyin ng buhok ‘niya “ bulong sa isip ni Migs. “ Parang ang lambot ng mga hita at binti ni Janna “ natatawa na lang ‘siya sa mga naiisip. Hanggang sa makarating ‘sila sa school nananatiling tikom ang mga bibig. Wala talaga gusto mag - iniatiate na magsalita o bumati man lang. Nauna si Janna magbayad sa driver. Inabot ‘niya ang 100 pesos na pamasahe. “ Iha…baka naman meron ka barya wala pa kasi ako pansukli sayo, pasensya na! “ sabi ng driver kay Janna. “ Naku! Manong pasensya na po wala po ako barya eh…” nagpalinga-linga ‘siya sa paligid na waring naghahanap ng tindahan na bukas pero mga sarado pa ang mga iyon. “ Iho…ikaw ba barya ang ibabayad mo sa akin? “ si Migs na ang kinakausap ng driver. Nakikiramdam naman si Janna sa isasagot ni Migs. “ Teka po! “ sagot naman nito na kinapa ang wallet sa bulsa. Pero segundo lang ang lumipas nakita ‘niya na tila tuliro si Migs sa kinatatayuan. “ Manong pasensya na po wala po yun wallet ko, hindi ko sigurado kung nahulog sa bulsa ko o nalimutan ko sa bahay “ hiyang-hiya na sabi ni Migs na napapakamot sa ‘ulo. “ Mokong na toh…sasakay-sakay wala ‘naman pala pambayad “ buska ni Janna sa isip. Gusto ‘niya matawa pero pinigilan ang ‘sarili at mas nanaig ang nararapat na gawin ng isang tulad ‘niya. “ Manong…pakikuha mo na po sa 100 pesos ko ang pamasahe namin dalawa baka ho sapat na ang pansukli mo kung isasama mo po ang pamasahe ‘niya. “ magalang na pakiusap ni Janna. Kitang-kita sa mata ni Migs ang pagkagulat. Ang katotohanan na hindi ‘niya inakala na gagawin iyon ni Janna sa kanya. “ Naku! Iha…eksakto nga…eto ang sukli mo. Maraming salamat sa kabutihan ng iyong loob “ nakangiti ang driver sa kanilang dalawa. Pero bago pa pinaandar ng driver ang tricycle. “ Iha at Iho kayo ba ay magkakilala? “ “ Opo espesyal po “ si Janna naman ang lubhang nagulat sa narinig na sagot ni Migs. Anong espesyal na sinasabi nito sa driver? “ Espesyal ka pala Iha para dito kay Iho “ ngiting-ngiti ang driver “ Ho! Hindi po ang ibig ko sabihin espesyal po ang iyong tricycle “ bawi ni Migs na itinuro ang printed signage sa harap ng tricycle nakasulat kasi doon ang salitang “ special “. Ewan ni Janna pero nakaramdam ‘siya ng inis ng bawiin ni Migs ang sinabi akala pa naman ‘niya espesyal na nga ‘siya sa paningin nito. “ Nakakainis talaga ang lalaki na ito “ piksi ‘niya sa isipan. Sa sobrang inis ‘niya ay bigla na lang tumalikod at naglakad ng mabilis papasok sa loob ng school. Hindi na ‘niya nilingon pa si Migs. Ngunit ilang segundo lang narinig ‘niya na ‘meron tumatawag sa kanya. Nabosesan ‘niya kung sino ‘kaya 'naman nagkunwari ‘siya na hindi iyon naririnig. “ Janna! Janna “ mukhang napipikon na si Migs hinawakan ‘siya nito sa braso ng akmang lalakad pa si Janna para hindi ‘siya pansinin. “ Janna ano ba? Hindi mo ba ako haharapin? Kanina pa ‘kita tinatawag pero dedma sayo. “ “ And so! You don’t care Migs “ mataray na sagot ni Janna na tumaas pa ang isang kilay sabay waksi sa kamay ni Migs. “ Wow! ang taray talaga ni Ms. Janna Bermudez ahhh...Valedictorian ng klase namin…ang angas ahh…hinahabol kita dahil gusto ko lang magsabi ng thank you, huwag ka mag-alala babayaran kita baka ‘mamaya nyan eh hindi ka pa makatulog at magkaroon pa ng eye bugs ang maganda mong ‘mukha. ” ngumingisi pa si Migs na tila nagpupuri na o sadyang nang-aasar lang kay Janna. “ Kahit kelan ang yabang mo talaga Mr. Migs Montelibano! Shall I say welcome? “ napipikon na si Janna. “ If I know ‘kaya ka nagkakaganyan umaapaw ang inis mo sa akin dahil binawi ko ang sinabi kanina sa driver. Am I right Ms. Janna Bermudez? “ sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ni Migs. Inis na inis si Janna. Her face is getting red or does she blushing? “ Hindi lang pala mayabang si Mr. Migs Montelibano isa din ‘siyang miyembro ng GGSS at SBSS. Hindi lang yun isa din ‘siyang batikan na KM.“ Saglit na natigilan si Migs sa narinig. Waring nag-iisip kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Janna. “ Just for your information Mr. Montelibano. When we say GGSS it stands for “gwapong-gwapo sa ‘sarili “ When we say SBSS it stands for “ sobrang bilib sa 'sarili “ When we say KM it stands for “ kapal muks – mukha “ ganyan ka gets mo na? otherwise better ask google. Alam mo sa totoo lang kahit ikaw na lang ang pinakahuling lalaki sa mundo hinding-hindi kita papatulan dahil sa kayabangan mo.“ kulang na lang lumabas ang usok sa tenga no Janna dahil sa sobrang galit kay Migs. “ Okey! Shall I say? na kahit ikaw na lang din ang pinakahuling babae sa mundo hinding-hindi kita papatulan dahil sa kasungitan mo! “ ganting wika din ni Migs na kalmado lang ang boses. “ Well…quits! for better “ mabilis ‘siya na naglakad papunta sa loob ng classroom pero bago pa ‘siya makalayo nagtapon pa ulit ng salita si Migs. “ Be careful you might eat too what you said one day “ makahulugan na sabi ‘ni Migs kay Janna. “ You too “ Janna screamed. Pagpasok ‘niya sa classroom lumapit kaagad ‘siya sa teacher. Gusto ‘niya makuha kaagad ang mga dokumento at makaalis na. Nagdarasal ‘siya na sana huwag na muna pumasok si Migs sa loob ng classroom nila dahil tiyak na mag-iiba ang timpla ng ‘mukha ‘niya. Laking pasalamat ‘niya ng ma-accommodate ‘siya agad ng adviser. Nakipagkuwentuhan pa iyon saglit sa kanya at pinayuhan pa ‘siya para sa college life. “ Thank you so much Ma’am for the golden learnings throughout high school journey. “ paalam ‘niya na nakipag shake hand pa sa guro. “ Good luck to the new chapter of college voyage. I know you will ‘nak “ niyakap pa ‘siya ng guro. Sobrang mamimiss ‘niya ang paaralan na ito. Her beloved Alma Mater. Someday she will come back in this place. Paglabas ‘niya ng classroom nakita ‘siya ng dalawang classmate na sina Ana at Rica mga kaibigan din ‘niya ito. “ Janna free ka ba sa Sunday? “ tanong ng mga ito sa kanya “ Bakit? “ “ Eh kasi nag organized kami ng picnic sa Sunday para sa buong klase natin, farewell bonding natin sa isa’t – isa syempre kanya-kanya na ng panibagong step sa new chapter ng buhay natin…drama…aness…charrooottt “ hahaha…natatawa na waring kinikilig na sabi ng dalawa. “ Yeahhh…that’s true aness…hiwa-hiwalay na…so sad but looking forward for better, good luck to us mga friends for life “ hahaha ganti din ni Janna umekis -ekis pa ang mga kamay na kumekembot-kembot. Gumagana din ang kakalugan kapag ganito kakwela ang mga kaharap. “ Sama ka na Janna please para ‘naman mas happy together “ “ Ok let me check try ko magpaalam kay Mami…alam nyo 'naman nagbabawi para makatulong man lang sa munti namin negosyo bago ako lumuwas Cabanatuan “ paliwanag ‘niya sa mga kaibigan “ Ok Janna please. I’ll message you as well alright “ Naghiwalay ‘sila ng meron mga ngiti sa labi. Sa totoo lang napakasaya ng high school life totoo ang sabi ng nakararami na eto daw ang pinakamasayang stage ng pag-aaral. Palabas na ‘siya ng gate ng sumagi muli sa isip si Migs. Pinagbigyan ang kanyang hiking na hindi iyon makita pero ang pinagtataka naman ‘niya bakit ‘parang hinahanap din ‘niya ang presensya ‘nito. “ Please Janna tantanan mo ang kahibangan mo!!! “ advise ‘niya sa ‘sarili na itinuro pa ng daliri ang sintido. Nasa ganoon “siyang pag-iisip ng biglang ‘meron parang mabigat na bagay na tumama sa kanyang sakong. “ Ouch! Ouch! “ habang sapu-sapo ang sakong na napaupo sa bench at hinimas-himas ang sakong na namumula. Nagpalinga-linga ‘siya sa paligid upang i-check kung meron tao sa likuran o bandang tagiliran ngunit wala ‘siya makita. Muli ay hinarap ang kaliwang paa at sakong na sumisigid parin ang kirot. Hindi ‘niya tinigilan ng hilot hanggang hindi nakakaramdam ng ginhawa. Sinubukan ‘niya ihakbang ang paa medyo maginhawa na ng konti. Lingid sa kaalaman ni Janna. Isang lalaki ang nakasunod sa kanya at binabantayan ang kanyang mga galaw. Layunin lang 'sana ng lalaki na biruin at alaskahin si Janna. Pero kinabahan din ‘siya ng nakita na tila nasaktan talaga si Janna actually kanina pa ‘niya gusto lumapit, aluin si Janna at ‘siya mismo maghihilot kaso nag-aalala ‘siya na baka mas lalo pa lumalim ang hidwaan nila ni Janna pag nalaman nito na ‘siya na naman ang salarin. Napabuntung hininga ng malalim si Migs buhat sa isang sulok na pinagkublihan. Pasado 12:30 na ng hapon ng makasunod sa palengke. Naabutan ‘niya na kumakain ang kanyang Mami. “ Oh! Anak tamang-tama ang dating mo halika at sabayan mo na ako kumain. Masarap ang niluto ng Mami ginataang alimango with sitaw, kalabasa at talong.” napalunok sa takam si Janna matagal-tagal narin ‘siya hindi nakakain nito. “ Mami nakuha ko na po ang mga credentials ko “ pagbabalita ‘niya sa ina habang magana “sila nakain. “ Good to hear that ‘nak kailan mo plano lumuwas? Inaalala ko ang pagluwas mo anak, mag-iingat ka doon ha…at mag-aaral mabuti. Kung ‘meron ka kailangan tawag agad sa Papa at Mami. Salamat sa Panginoon at pinagkalooban kami ng isang napakatalinong anak na tulad mo, napakalaking bagay at tulong sa kabuhayan natin. “ 'parang maluluha ang kanyang ina habang nagsasalita. Kung sabagay totoo ‘naman talaga dahil hindi na problema ang kanyang full tuition fee at school allowance. “ Mami no crying please! Hahaha pinapatawa lang ‘niya ang ina dahil nagiging seryoso na ang kanilang usapan. Mami ako po ang dapat na magpasalamat ng sobra dahil bibigyan ako ng magulang na tulad nyo ni Papa. Salamat ng madami Pa, Mi. I don’t want to make a promise Mi but I will try to do my best. Yun pinakamagaling sa akin ilalabas ko pa Mi para makamit ang tagumpay para sa inyo ni Papa.“ sobrang determinado si Janna sa bawat salitang binibitawan. Naalala ‘niya ang isang kasabihan “ There is no elevator for success “. Ito ang isang katotohanan ng buhay. This is a good motivation for everyone emphasizing that there is no shortcut in achieving success. You have to work on it every single day. Mas masarap lasapin ang tagumpay kung alam mo sa iyong ‘sarili na pinaghirapan mo akyatin ang bawat baitang ng hagdan bago mo narating ang itaas. “ Anak seryoso ang Mami please huwag mo ako patawanin “ nakita na lang ‘niya na umagos ang likido buhat sa mata ng kanyang ina. Niyakap na lang ‘niya ang ina para kumalma ang pakiramdam nito. Nauunawaan ‘naman ‘niya ang nararamdaman ng Mami sa mga sandaling iyon marahil tears of joy lamang para sa kanyang natamong karangalan. “ Mami chill and relax lang don’t think too much makakasama yan sa health “ tumawa si Janna ng malakas at ganoon din ang ina dahil nahawa na sa kanya. “ Anyway Mami, this is my plan having back and forth trip for enrolment purposes only. I believe it will take only one day. Gusto ko din kasi Mami masulit ang stay dito sa probinsya dahil kapag nagsimula na ako mag-aral sa kolehiyo for sure every semestral break na lang ako makakauwi ‘dito.” sumang-ayon ‘naman ang Mami ‘mag-ina sa kanyang mga plano. Nauna ‘siya umuwi sa kanilang bahay. Pasado alas kwatro ng hapon ng makarating sa bahay. Naghugas ‘siya ng mga plato sa lababo tapos kinuha ang mop para linisin ang floors. Mahigit 30 minutos din ang ginugol ‘niya sa paglilinis. Nagsalang na din ‘siya ng ‘kanin sa rice cooker at pagkuwa'y dumako sa refrigerator upang magkita ng stock na pwede ‘niya lutuin para pagdating ng Mami at Papa ‘niya kakain na lang ang mga ito at makapagpahinga na. Kinuha ‘niya ang dalawang piraso ng ampalaya, itlog, kamatis, sibuyas at bawang. Sinimulang hiwain ang mga ingredients ng ampalaya guisado. Inilabas din ‘njya ang isang pack ng tofu, tatlong slice ng pork meat, green chili and red Taiwan chili. Inuna ‘niya lutuin ang ampalaya guisado. Nilamas ‘niya ang ampalaya sa asin, binanlawan sa tubig upang mabawasan ang pait. Nagsimula na ‘e maggisa ng bawang at sisibuyas, nilagyan din ‘niya ng magic sarap at oyster sauce bilang pampalasa. Ilang minuto lang yari na ang ampalaya guisado. Inilagay na iyon sa mesa tinakpan ng food cover. Habang nagpiprito ang tofu, sinimulan na ‘niya hiwain ang pork meat at chili. Almost 10 minutes frying of tofu, pagkatapos isinalang naman ang pork para i-prito. Hindi ‘niya gaanong tinosta ang pagkaprito yun tipong tender juicy lang para masarap nguyain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD