Araw ng Linggo.
Alas-sais pa lang ng umaga ay gising na si Janna. Tinulungan niya ang ina na maghanda ng kanilang almusal. Nagsangag ng bahaw na kanin ang Mama Tess niya. Siya naman ang nagprisinta na magprito ng tuyong galunggong at itlog. Sinamantala na din niya na magpaalam sa ina. Nawala sa isip niya na ngayon pala ang nai-set na picnic ng buong klase nila. Ilang araw na niya iyon naiisip. At napagdesisyunan niya na huwag na lang pumunta. Kung bakit naman sa mismong araw na ito ay bigla na lang nagbago ang kanyang isip.
Parang gusto na niya pumunta.
Tutal naman ay last gimmick na iyon ng high school life. Maghiwa-hiwalay na din sila. Iba-iba na ang tatahakin na direksyon ng buhay.
They will create good memories. Sigurado pagkatapos ng ilang dekada. Magkakaroon sila ng class reunion at short get together. Masaya alalahanin ang mga ganitong tagpo.
Pagkatapos nila kumain ng agahan. Nag-aalangan siya na lumapit sa ina na nagliligpit.
“Hmmm…parang nahuhulaan ko na. Kapag ganyan ang galawan.” Nakatawang komento ni Mama Tess. Habang siya ay nakayapos sa bewang nito
“Saan ang lakad?” tanong na nito agad sa kanya. Wala talaga siya maitatago sa ina. Dahil kabisadong-kabisado na nito ang kanyang galaw kapag meron favor na hihingin.
“Ma…pwede ho ba ako pumunta sa picnic kasama ang mga classmate ko?” paalam niya na nakangiti. Sinimulan niya isalansan ang mga plato sa telang puti malapit sa lababo.
“Naku…talaga naman ang sipag ng anak ko.” Nakangiti na sabi ni Mama Tess. Ang ibig nito sabihin ay inunahan na talaga niya ang ina sa gagawin. Dagdag pampadulas din para payagan siya.
“Ma…!!!” Hindi maalis-alis ang kanyang ngiti.
“O siya sige na lumarga ka na. Mag-iingat anak ha. Umuwi sa tamang oras.” Pagpayag nito na meron kasamang paalala sa kanya. Hindi naman istrikto ang kanyang mga magulang. Sakto-impunto lang ang mga ito. Bilang isang magulang responsibilidad na protektahan ang anak sa lahat ng oras.
“Thank you so much Ma!” humalik pa siya sa pisngi ng ina na ikinatuwa naman nito. Malambing naman talaga si Janna. Natural na iyon sa kanyang pag-uugali.
At dahil sa piknikan naman ang kanyang punta. Hindi na siya nag-abalang maligo pa. Isang simpleng outfit ang nasumpungan. Maong na short at haltered top tanks. Nagsuot lang siya ng black inner spaghetti. With footwear havaianas flip flops. Bitbit ang kanyang body bag na secosana na ilang taon na din niya ginagamit.
Sa hot spring daw ang picnic venue. Matatagpuan iyon sa Brgy. Banawag sa kanilang bayan ng Ma. Aurora. Ang sabi sa kanya meron naman daw inarkila na service. Pero mas pinili na lang niya na mag-commute. Madami siya alibay kuno sa kanyang isip. Pero sigurado siya sa sampu. Isa lang ang totoo at tama doon.
“Naku…mabuti naman at nakarating ka Janna. Hindi mo kami binigo. Super kikiligin na naman kami nito sigurado” masayang salubong sa kanya ng tatlong babae na classmate.
“Oo naman…pinilit ko talaga. Sayang ang saya ng pagkakataon. Kung palalampasin natin diba.” Natatawa niya na sabi na napatingin sa isang grupo ng kalalakihan. Pero dagli din niya iniwas ang tingin ng mapansin na naroon pala si Migs. Nakamasid na pala sa kanya kanina pang dating niya.
“Korek…sayang ang pagkakataon talaga…Ehem…Ehem..Ehem…” nakangiti na sambit ng isang babae.
Pakiramdam ni Janna namula ang kanyang mukha.
Nakita kaya ng kanyang classmate ang nakalipas na eksena?
Bakit parang meron pahaging ang mga ngiti nito?
“Nandito pala ang kumag na kaaway ko.” masungit na bulong sa isip.
Nang muli dumako ang kanyang tingin sa grupo. Wala na ang mga iyon.
Bale limang cottage ang kanilang inupahan. Meron din kanya-kanyang Videoke sa bawat kubo. One hundred pesos daw ang bayad kada isang oras. Maganda din ang lugar. Luntiang palayan ang bubulaga sa iyong mata. Kapag ikaw ay nasa swimming pool. Nakakarelax makita ang mga palay na sumasayaw at sumasabay sa ritmo ng sariwang hangin.
Lumalagusaw din ang kanilang pagkain. Hindi ka magugutom. Meron vegetable salad, pako salad with tomato, salted egg at boneless bagoong. Grilled pork and chicken. Pakbet. Boiled okra and eggplant. Steamed talbos ng kamote, kangkong at repolyo. Mapapagana ang iyong kain dahil talaga namang napakasarap ng sawsawang toyo with calamansi and chili oil aside from boneless bagoong. At syempre hindi mawawala ang fresh cuts pineapple, water melon, banana at fresh Indian mango na napakalutong.
Meron din mga red wine na nakalagay sa bawat table ng kubo.
Bandang ala-una ng hapon. Nagkakasiyahan na ang lahat. Kanya-kanyang hiyawan. Meron kumakanta sa Videoke. Meron mga naliligo sa pool. Meron mga naghaharutan mangilan-ngilan. Kabilang si Janna sa grupo ng nagtutulakan. Para sila mga batang nasabik sa isang laro. Panay ang kanilang hiyawan. Kapag meron mahuhulog sa pool. Halos lahat na yata ay basa na maliban sa kanya. Maliligo din naman siya. Pero parang mas gusto muna niya magtampisaw lang habang nakalutang ang mga paa sa pool.
“Guys…wait…saan kaya dito ang comfort room?” sabi niya na tumayo saglit. Nagpalinga-linga siya sa paligid.
Akmang lalakad na siya ng makakutob na itutulak siya ng dalawang babae na sumadyang dumaan. Para isakatuparan ang misyon. Tamang katuwaan lang daw ng mga ito.
Mabilis siya nakaiwas. Ano ang laban ng isang tulad niya? Sa pinagsamang pwersa ng dalawang babae. Na ang tanging layunin ay maihulog siya sa pool. Pero malakas din si Janna. Naiwaksi niya ang dalawang babae. Tumakbo siya palayo. Hinabol siya ng mga ito. Sapilitan talaga siya hinihila para mahulog sa pool. Doon niya nahagip ang isang driftwood. Kumapit siya doon ng mahigpit.
“kkk------ra---kkkkkkkkk….!!!” Ganoon na lang ang pagkagulat niya ng marinig ang isang bagay na bumagsak sa lapag mula sa driftwood. Dahan-dahan siya umalis sa pagkakayakap sa driftwood. Para kitain ang bagay na lumikha ng ingay.
“Janna…Janna…” tila namutla ang mukha ng dalawang babae na napatigil na din sa paghila sa kanya.
Naagaw na ang pansin nila sa bagay na bumagsak sa lapag.
“Ohhhhh….my…” iyon ang kataga na lumabas sa bibig ni Janna. Matapos makita ang isang mamahaling relo na bumagsak sa lapag.
“Janna…basag na…!!!” dinampot iyon ng dalawang babae at ipinakita sa kanya.
“Naku…Timex brand pa naman…sigurado very expensive ito. Kanino kaya ito?” pabulong na sabi ng isang babae.
Namutla si Janna. Kinakabahan siya. Maliwanag pa sa sikat ng araw. Nakaperwisyo siya.
“No worries…Janna. Hindi mo naman sinasadya. Malay ba natin na meron pala nakasabit na relo dyan.” Inaalo ng dalawang classmate niya ang kanyang kalooban. Umakbay pa ang mga iyon sa kanyang balikat.
“Janna…sorry…nagkakatuwaan lang naman tayo. Hindi naman intensyon na mabasag yan.” Maluha-luha na sabi ng dalawang babae. Niyakap siya ng mga ito ng mahalata na parang maiiyak na din siya.
“Shit...! What happened to my watch? This watch is very sentimental to me. Mananagot sa akin ang may kagagawan nito. ” Isang makapangyarihang boses mula sa kanilang likuran ang tila kulog na dumagundong. Sabay-sabay silang tatlo na napalingon.