“M------i-----gssssss…!” tawag ng dalawang babae sa binata na kadarating. Namumutla ang hitsura ng dalawang babae. Halata na takot ang mga ito sa supladong mukha ng binata. Salubong na kasi ang mga kilay nito na matamang nakatitig kay Janna.
Hindi pa umiimik si Janna. Nakaramdam din siya ng kaba at takot. Pero aaminin niya saglit lang iyon. Gagawin niya ang nararapat. Hihingi ng paumanhin kasi nagkamali siya. Pero once na pinagsalitaan siya nito ng below the belt.
Lintekksss…!!!
Hindi siya makakapayag na basta iyuyuko ang ulo.
“Mi---gsss…Hindi sinasadya na mabasag ang relo mo. Nagkatuwaan lang kami. Itutulak sana namin si Janna sa pool. Kumapit siya sa driftwood. Hindi naman napansin. Nakasabit pala yun Timex watch mo. Pasensya ka na. Hindi namin sinasadya. Lalong-lalo na, hindi sinasadya ni Janna ang nangyari.” Mahabang paliwanag ng isang babae. Akala nila ay madadala sa paliwanag ang nakakunot noong si Migs.
“Kayo ba ang nakabagsak ng relo ko? Bakit kayo ang atat na atat maghingi ng pasensya at magpaliwanag? Samantalang yun may sala. Parang wala lang sa kanya na nakaperwisyo siya ng gamit ko.” Sarkastikong sabi ni Axe nakatingin kay Janna.
Humugot muna ng malalim na buntong hininga si Janna. Bago nakuhang magsalita.
“Sorry…pasensya na talaga Migs. Hindi ko sinasadya na mabasag ang relo mo. Nagkataon lang na…”nabitin ang kanyang sasabihin ng bigla humangin ng malakas. Nilipay ang kanyang mahabang buhok. Humarang iyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan niyang hinawi sa pamamagitan ng mga daliri.
Hindi namalayan ni Migs ang sarili na lihim na siya napapangiti. Habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Janna. Bakit parang natutuwa siya pagmasdan na nililipad ang buhok nito na mahaba? Pero dagli din niya kinastigo ang sarili at bumalik sa katotohanan.
“Nagkataon na nag-inarte ka…!!!” asik ni Migs sa kanya.
Tila nagpanting ang tenga ni Janna sa narinig. Ano ba ang sinasabi nito? Siya mag-iinarte…ano ba ginawa niya? Gumagawa talaga ito ng gulo sa pagitan nila.
“Anong sabi mo? Excuse me…!!! Ako mag-iinarte?” sagot niya na medyo kalmado pa ang boses.
“Oo…nag-iinarte ka…hindi lang yun siguro nagpapa-KSP ka pa. Gusto mo pagtinginan ka ng mga lalaki. Kaya meron ka pa nalalaman na patakbo-takbo. Yan ang resulta ng kaartehan. Nakaperwisyo ka pa ng gamit ng ibang tao.”
“So! Kanina maarte ako. Ngayon naman KSP ako. Nabasag ko yun relo mo. Humingi ako ng sorry. Dahil hindi ko sinasadya. Tapos kung ano-ano pa ang sasabihin mo sa akin na hindi maganda. Ano ba talaga ang problema mo ha, Mr. Montelibano?” mataray na wika ni Janna na taas ang kilay. Nagsisimula na kasi gumana ang pagkamaldita niya lalo na at si Migs Montelibano ang kaharap. Ang mortal niyang kaaway.
“Bakit…??? Totoo naman ahh. Maarte ka. KSP ka. Wala akong problema. Baka ikaw ang meron. Binasag mo nga ang relo ko diba. Hindi kaya sinadya mo lang talaga na basagin ang relo ko. Para magpapansin sa akin. Alam ko naman na crush mo lang ako eh. Inililihim mo lang. Idinadaan mo lang sa pagalit-galit sa akin.” Kahit sino namang babae. Maiinis sa ugali at hitsura ni Migs. Parang tuwang-tuwa pa kasi ito sa mga sinasabi sa kanya. Nakangiti pa ito na parang nakakaloko.
“Remember…noong nagpunta ako sa store n’yo. Imposible naman na hindi mo…” napamaang ang dalawang babae. Sinadya na ibitin ni Migs ang sasabihin sa hindi malamang dahilan. Napangiti na lamang siya. Lalo na ng makita na halos umuusok na ang ilong ni Janna. Dahil sa inis sa kanya.
Pakiramdam ni Janna pinagpapawisan siya ng mga sandaling iyon. Paano ba niya makakalimutan ang first kiss na ang lalaking ito ang nagbigay sa kanya? Nanggigigil siya sa inis. Parang gusto niya sampalin ang mukha nito.
“Bastos ka talaga kahit kailan.”
“Really…kung kabastosan ba talaga na masasabi?” sabi nito na tila kampante at kumpyansa sa bawat salita.
“Huwag kang mag-alala. Pag-iipunan ko. Para mabayaran ko ang relo mo na naperwisyo ko.” sabi niya na iniiwas na salubungin ang titig nito sa kanya.
“Bakit sinabi ko ba na bayaran mo?” bigla tumaas na naman ang boses nito. Hindi yata nagustuhan ang paghahamon na babayaran niya ang nasirang relo nito.
“So! Ano ibig mo sabihin sa mga paratang mo sa akin?” sarkastiko niyang sagot habang nakatingin sa relo na nasa lapag.
“Huwag ka magyabang. Kung hindi mo naman kaya. Baka akala mo basta relo lang yan na nabibili sa gilid ng kalsada. Alam mo ba kung magkano ang halaga ng relong yan?” nang-uuyam ang bawat salita ni Migs sa kanya. At dito siya talaga, gigil na gigil sa inis. Kapag pinapamukhaan siya ng kayabangan nito sa buhay. Oo! nga at mayaman ito. Pero wala naman ito karapatan na pagsalitaan siya ng ganito.
“Ang yabang mo naman. Naturingan ka lang na mayaman. Akala mo na kung sino ka na makapagtapon ng masamang salita sa kapwa mo. Masyado ka na nilamon ng salapi at kaarogantehan mo. Hindi mo naman madadala sa hukay ang pera mo kapag namatay ka.” Buong akala niya titiklop na si Migs sa mga sinabi niya. Pero tila mas naging proactive pa iyon para asarin at alaskahin siya.
“Di bale ng mayabang. Basta meron ipagyayabang. Alright!” ngumisi pa sa kanya si Migs na tila nang-iinsulto lang
“Walang patutunguhan ang usapan na ito.” sabi niya na akmang tatalikod na para umalis. Hinawakan siya nito sa braso ng mahigpit. Pero madiin niya iyong iwinaksi.
“Janna nag-uusap pa tayo diba. Bakit mo ako tatalikuran? Nakalimutan mo yata. Meron ka pa atraso. ”sabi nito na pinulot ang relong basag mula sa lapag.
“Ikaw lang ang tatalikuran ko. Hindi ang naperwisyo ko. Ayaw na kita kausap, Migs. Tapos na ang usapan na ito. Babayaran ko ang relo na naperwisyo ko. That’s it. Kalas.”madiin na sabi niya
“You’re too stubborn. Sinabi ko ng hindi ko pinapabayaran diba. Bakit ba ang kulit mo ha? O’ sige para matapos na ang usapan na ito. Tapos.” pabulyaw na sabi ni Migs sa kanya. Ilang segundo lang ang lumipas. Isang bagay ang muling nabasag.
“kk----rraa---kkkk….!!!”
Pero sa pagkakataong iyon. Sinadya ng ibato ang bagay na iyon. Kung kanina nagkaroon lang ng cracks at damage ang relo. Ngayon nagkalasug-lasog na ito. Dahil sa lakas ng pagkakabato ni Migs.
“Sa lahat ng ayaw ko yun ginagalit ako ng todo. Lalong-lalo ka na, Janna. Humanda ka sa akin.” padaskol na sabi nito sa kanya bago tumalikod.
“Ikaw ang humanda sa akin. Masyado ka presko. Paano naman ang galit ko sayo?” may nginig sa boses na sabi niya.
Naiwan siya na natutulala sa bilis ng mga pangyayaring naganap.
“Bakit ba ang yabang ng lalaki na yun?”
“Nakakabwisit na siya ng sobra.”
“I hate him talaga.” Wala siya nagawa kundi habulin na lang ng tingin ang papalayong binata. Mabilis iyon na nag-dive sa tubig. Pinulot niya ang pira-pirasong Timex watch.