Halos isang linggo na ang nakakalipas. Simula ng makatanggap si Janna ng isang supot na jelly ace na inilagay sa tapat ng pintuan ng kanyang kwarto. Ibig sabihin isang linggo na din ang nakakalipas. Buhat ng makita si Migs na dumaan pa mismo sa kanyang harapan at nagkatitigan pa sila. Ilang araw na din niya na hindi namamataan sa school at boarding house ang binata. Hindi niya tuloy maiwasan na magtanong sa kanyang sarili. Baka naman umuwi ito sa kanilang probinsya. “Janna…Janna…Janna” paakyat na sana sa hagdan ang dalaga ng mapalingon. Si Caia ang tumatawag sa kanya. Isang borders din ni Aling Marsha na nasa ikalawang palapag naman ng building. “Kumusta ka na?” tanong nito sa kanya na nakangiti. “Okey naman ako. Ikaw kumusta ka?” nakangiti din niyang sagot. “Janna ano ba pangalan ng

