Halos magdamag na hindi nakatulog ng maayos si Janna. Masyado na yata siya na-stress sa naging conversation nila ni Migs kahapon sa school. Hindi lang kasi niya akalain na magagawa nito na sumunod sa kanya. Dahil lang sa isang dahilan. “Bullying” Sino ba naman ang maniniwala sa sinabi nito? Ang babaw na dahilan ng sinabi nito. “Aling Marsha meron po ba kayo tinitindang jelly ace?” Namalayan na lamang ni Migs na nasa tindahan na siya ni Aling Marsha at nagtatanong ng jelly ace. Napangiti pa sa kanya si Aling Marsha. Marahil nagtataka lang ito. Bakit nga ba siya bibili ng jelly ace? Dahil nga naman kadalasan ay mga batang paslit lang ang bumibili at kumakain nito. “Iho…jelly ace?” balik tanong sa kanya ni Aling Marsha. “Opo! Aling Marsha. Dalawang plastic po sana.” Paniguradong wika niya

