Kanina pa labas-pasok si Migs sa kwarto sa pagbabakasaling maispatan si Janna. Umupo muna siya saglit sa gilid ng kama. Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Kinuha ang isang beef cup noodles sa isang puregold plastic ng nakaramdam ng pagkalam ng sikmura. “Puchaks…wala nga pala hot water” bulong niya ng mapagtanto na wala nga pala electric kettle. Napahiga siya at saglit nag-isip. Wala naman kasi nag-utos sa kanya na suungin ang ganitong buhay sa Cabanatuan City. Dahil kung tutuusin nga dapat nasa Maynila siya ngayon nasa sariling magarang bahay. Meron sariling katulong na pagsisilbihan siya sa lahat ng pangangailangan. Wala siya ibang gagawin kundi mag-focus sa pag-aaral. Ilang segundo din ang nakalipas. Bago siya bumaba bitbit ang cup noodles. “Aling Marcia magkano po ang hot w

