Samantha's point of view...
"Ayoko na! Di na ako uulit maglalakad! Tapos pagdating dito walang pahinga trabaho agad!" reklamo ni Aya
"O pwes alam niyo kung aning feeling na pinapagudan ang mga bagay-bagay" sabi ko
"Yaya, pakituruan po muna sila pupuntahan ko po muna si Sky magbobonding kami" sabi ko kay yaya tanging tango lang ang naging sagot niya sa akin.
"Dito tayo, iho" sabi niya sa mga kaklase ko kaya sinundan siya ng mga kaklase ko.
Pinuntahan ko si Sky yung kabayo ko maglilibot kami sa may gubat dala ang pana ko dahil isa sa libangan ko ang pumana ng ? target na naka kabit sa mga punong kahoy.
Ako mismo naglagay nun dahil ang turo sa akin ni mama na hindi sa lahat ng pagkakataon ay iuutos ko sa iba yung mga kailangan gawin.
Dapat marunong akong magindependent para marunong akong tumayo sa sariling mga paa ko.
Pinatakbo ko si Sky ng sobra-sobrang bilis.
"Ha!" sigaw ko sabay taas baba ng malakas gamit ang tali sa bibig ni Sky.
"Mihehehehe" Si Sky sabay takbo
(A/n: Pagpasensiya niyo na po di po ako marunong magsound effect ng kabayo)
Agad kong hinanda yung pana nang makita ko ang target sa harapan ko.
? Yes! Sa gitna yung natamaan ko bulles eye daw yung tawag diyan.
?
?
?
Muntik ko nang matamaan yung tao na nasa harapan ko dahil nabitawan ko yung arrow dahilan para tumama yun sagilid niya.
Pinataas ko yung tali dahil para tumayo ng mataas si Sky.
"Mihehehehe!"
Tinignan ko kung sino yung taong muntik kong matamaan at lalaki siya---
AYA?!